Télécharger l’application
85.71% The Day We Meet Again / Chapter 12: Pag baba ni Jerome sa Pwesto Bilang CEO

Chapitre 12: Pag baba ni Jerome sa Pwesto Bilang CEO

The day We Meet Again

Pagbaba ni Jerome Sy sa Pwesto Bilang CEO

Chapter 12

Maraming ipinakitang litrato si Lance sa kanyang ama. Magaling, mukang ito na yata ang kahinaan ng aking pamangkin ahh.. sa dami ng litratong ito, sapat na para mapabitaw natin siya sa pwesto blang ceo ng kumpanya..'' ang tugon ni Bernard sa anak nito''

Marahil ay ito na ang umpisa ng kalbaryo ni Jerome bilang isang ceo ng kumpanya. Hindi nila alam ni steaven na may bago na naman palang plano ang kanyang tiyuhin at pamangkin para lamang maagaw sa kanya ang posisyon bilang ceo sa kumpanya.

pag pasok ni Jerome sa kumpanya ay agad na sinalubong siya ng kanyang sekretary. Anong problema? bakit humahangos ka.. hindi kana ba makakaintay na makarating ako sa aking opisina..'' ang tanong ni Jerome sa kanyang sekretarya''

Marami ang tao sa lobby ng kumpanya. Kaya naman ngayon lang niya napansin na pinag titinginan siya ng mga tao buhat ng salubungin siya ni Justine. Bakit pala halos lahat yata ng tao sa akin nakatingin.. '' ang pahabol pa nitong tanong sa kanya''

Sinabi ni Justine ang dahilan kung bakit lahat ng tao ay nakatingin sa kanya. Inutusan siya nito na bukasan ang kanyang cellphone at tingnan kung ano ang nilalaman ng balita. Binuksan ni Jerome ang kanyang cellphone at nagulat ito kung ano ang kanyang nakita ng mga sandaling oras na iyon. Litratong kuha nila ni Steaven sa isang hotel at sa bahay ng chairwoman ang kanyang nakita. Higit pa dito ay ang nakakakilabot na litrato ang pumukaw sa kanyang matatamis na ngiti. Litrato nila ni Steaven na mag kahalikan ang dalawa sa isang parking lot ng isang fast food chain. Hindi nakagalaw ang binata sa kanyang nakita.

Biglang nag karoon ng emergency meeting kaya naman maging ang chairwoman ay agad na pumasok sa kanyang opisina para alamin kung ano ang mang yayari sa susunod na pag mimitingan ng mga direktor.

Nang nakita ng nakararami sa loob ng meeting room ang chairwoman ay mga nag sitayuan ang mga ito. Papasok pa lamang ng opisina ang chairwoman ay ramdam na agad ang mainit na tensyon sa nasabing kwarto. Pag katapos ng ilang minuto matapos na pumasok ang chairwoman sa loob ay nag simula nang mag umpisa ang meeting at pinangunahan iyo ng isa sa mga miyembro ng bord of derector. Nabanggit sa meeting ang kumakalat na isyu tungkol sa mga larawan ng anak ng chairwoman kasama ang isang lalaki na si Steaven. Sinabi ng mga bord na hindi nila pinanghihimasukan ang personal na buhay ng anak nito, pero alam naman nila pareho at alam ng lahat ng tao sa building na iyon na ang romance ay ipinagbabawal sa loob ng kumpanya. mapa empleyado man ito oh boss ng nasabing kumpanya lalo nat ang mag karelasyon ay sa iisang kumpanya lang ang ginagalawan. Naging mainit ang usapin sa loob ng kwarto. Tumagal ng dalawang oras ang kanilang pinag meetingan tungkol dito pero sa huli ay nanatili parin ang mga plano ng mag ama laban sa ceo. Walang nagawa ang chairwoman kundi sundin ang sinabi at napag meetingan ng mga bord tungkol sa kanyag anak. Sa susunod na meeting malalaman ang resulta at kailangang isa publiko ito ng naayon sa rules and regulation ng kumpanya.

Umuwi ang cairwoman sa kanyang bahay ng bigo. Naabutan niya sa kanyaang bahay ang kanyang anak at si Steaven na nakaupo sa kanyang soffa sa Sala'.

Nang makita ng anak ang chairwoman ay nag tanung agad ito kung ano ang nangyari sa kumpanya.

Sinabi ng chairwoman kung ano ang kanilang napag metingan at malalaman ang resulta sa susunod nilang meeting at ang pinaka masaaklap nito ay kailangang isapubliko ang resulta nito ayon sa regulasyon ng kumpanya.

Tahimik lang and daalawa sa sinabi ng chairwoman sa kanila.

Sinabi ng chairwoman na kailangan nilang mag ingat lalo na't may mga naka mata sa kanila. Sinabi din nito na hindi niya alam kung ano ang pwedeng mang yari sa kanya kapag nalaman niyang ang kanyang pinag hirapan at pinag hirapan ng kanyang ama ay mapupunta lang sa wala.

Wala lalong imik ang dalawa lalo na si jerome ng sabihin iyon sa kanya ng kanyang ina.

''Wag kang mag alala, mama'. Gagawa ako ng paraan.'' ang sabi nito sa chairwoman.

Sinabi ng chairwoman sa kanya kung paano niya gagawan ng paraan kung ang lahat naman ay naka plano at may mga ibedensya. Hindi na lamang umimik pa ang binata, bagkos ay niyakag nalang niya ang kanyang ina na pumunta sa kanyang kwarto at mag pahinga nalamang muna.

Matapos na maihatid ni Jerome ang kanyang ina sa kwarto nito ay bumuntong hininga nalang ito sa harap ng kanyang boyfriend.

''Wag kang mag alala, maayos din ang lahat'' ang sabi sa kanya ni Steaven.

Ilan lamang iyon sa sinabi sa kanya n Steaven para kumalma ang kalooban niya dahil sa nang yayari sa kanilang problema.

Ilang arawa pa ang lumipas at wala parin silang naiisip na paraan para malusutan ang problemang ito. Hanggang sa dumating na ang oras ng ikalawang meeting para sa resulta ng kanyang dinulot na problema.

Halos lahat may matataas na katungkulan ay dumalo sa isang napakaimportanteng meeting. Syempre hindi mawawala ang nag dulot ng napakalaking problema sa kanilang pamilya.(Lance at Bernard Sy) marahil ay isa sin sila sa pamilyang may dinadalang pangalang Sy. Pero hindi alintana sa kanila ang reputasyon, ang mahalaga sa kanila ay pera, ariarian atbp.

Hindi mawawala ang Chairwoman na siyang may pinaka mataas na katungkulan at ang nahaharap sa problema, si Jerome Sy. Ngayon, malalaman na nila ang resulta kung ano na ang mang yayari sa kanila ngayong alam nilang nalalagay sa alanganin ang posisyon niya bilang CEO ng kumpanya.

[Bago ang meeting]

Bago Pumasok sa loob ng kumpanya si Jerome ay isang mahigpit na yakap ang natanggap niya sa boyfriend nito bago ito umalis sa bahay ni Steaven.''Wag ka mag alala, magiging maayos din ang lahat. Andito lang ako sa tabi mo'' sabay halik sa mapupulang labi ni Jerome si Steaven,'' Ramdam na ramdam ni Jerome ang pag mamahal ni Steaven sa kanya lalo na ngayong may kinakaharap itong problema. Pumasok si jerome dala ang baong pag mamahal ng taong mahal niya. Nakasa suporta lang ito sa kung ano man ang pwedeng mangyari sa kasintahan nito ngayong may kinakarap na malaking problema.

Ngayong simula na ang resulta. nag umpisa nang mag simula ang meeting ng matataas na katungkulan patungkol sa kontrobersiyang kinakaharap ni Jerome, Kabado ang lahat ng mga kaaing ni Jerome lalo na ang Chairwoman. Alam niyang mahihirapan na ang kanyang anak pag nag kataon.

Masama na ang pakiramdam ng chairwoman bago pa lamang ito pumasok sa kanyang opisina. Dala na ng stress sa pag iisip tungkol sa problema ng anak.

Pumasok ang isang babae dala ang resulta ng napag botohang desisyon ng mga bord. Dala niya ang isang long brown envelop na nag lalaman ng resulta kalakip ang mga ebedensiya laban sa nakaupong ceo ng kumpanya.

Nang hihina na ang chairwoman dahil alam na niya ang resulta nito. Live broadcast ang gagawing pang yayari at pag babaa ni jerome sa pwesto.

Lumapit ang isang babae sa isang head ng derector at binigay ang dalang brown envelop. Matapos matanggap ito ng lalaki ay binasa ang nilalaman nito. Nagulat ang lahat ng mga kaanig ni Jerome lalo na ang chirwoman na siy namang ikinabagsak nito mula sa pag kakaupo at tuluyan ng mawalan ng malay ng malaman niyang tuluyan ng natanggal sa pwesto ang kanyang anak. Halos mawalan din ng malay si Jerome pero nag pakatataag siya alang alang sa kanyang ina na kakasugod palang sa ospital matapos ang pang yayari.

''uncle, masaya kana ba?'' ang masamang loob na tanong ni Jerome sa tiyuhin nito.

Nakangiti lamang sa kanya ang uncle nito maging ang pinsan nito na si Lance. tuwang tuwa ang dalawa sa nangyari kay Jerome. dahil live broadcast ang nangyari. Mabilis na kumalat online ang pag baba ni Jerome sa pwesto. Palit palitan ang mga kumento at kuro kuro tungkol sa kanya na may masamang epekto sa pag katao nito. Lumalabas din sa mga kumento na hindi magandang halimbawa si Jerome sa karamihan lalo na kung ceo ito. natuwa ang lahat sa nangyari kay jerome, Nasira ng husto ang pangalan niya ng dahil sa ginawang iyon sa kanya ng kanyang kaanak na ganid sa kapangyarihan. Dahil sa live stream ang nangyari. walang nagawa ang nobyo nito habang pinapanood si Jerome mula sa screen ng kanyang cellphone. Galit at inis ang nararamdaman niya sa mga kamag anak ni Jerome lalo kay Lance at kay Bernard.

Malungkot na malungkot ang binata sa nangyari sa kanya at sa kanyang ina.Natanggal siya sa posisyon at ngaon naman ay kasalukuyang kritikal ang lagay ng kaanyang ina matapos ang nangyari at ngayon ay wala paring malay ito at hindi niya alam kung kailan magigising ang matanda.

Dahil sa lungkot na nararamdaman ni Jerome lumabas ito at nag pahangin ng sa ganoon ay makapag isip ito ng kanyang gagawin.

Dahil sa nakita at napanood ni Steaven ang nangyari sa nobyo nito ay kaagad niyang tinawagan si Jerome at inalam kung saang ospital nandodoon ang chairwoman, nais kase niyang malaman ang kalagayan nito maging ang kalagayan ni Jerome ay nais niyang malaman. Sinabi naman ni Jerome ang lokasyon kung nasaan siya. Sinabi din ni Jerome na kasalukuyan siyang nasa labas at nag papahangin, nag iisip kung ano ang gagawin ngayon mahina na ang kanyang kapaangyarian laban sa tiyuhin at pinsan nito.

Sakay si steaven sa kanyang kotse patungo sa kinaroroonan ng kanyang nobyo. Malapit na ito at tanaw na niya ang katayuan ni jerome. Si Jerome ay nag lalakad at tila wala sa kanyang sarili. Tatawid ang binata sa isang kalsada, kabilang way para sa dadaanang linya ni Steaven. Kitang kita niya ang pag tawid ni Jerome patungo sa kabila, kitang kita din niya ang isang Van na paparating sa kinatatayuan ni Jerome at alam din niyang masasagasaan ito kaya naman laking gulat niya ng hindi manlang niya naipag tanggul ang nobyo niya laban sa paparating na sasakyan. Nabangga si Jerome ng paparating na Van. Kitang kita ni Steaven ang pang yayari. Kita niya kung paano ito nabangga at papaano ito tumilapon mula sa kinatatayuan nito. Ang puting damit ni Jerome ay napalitan na ng kulay pulang dugo. Kalat sa kalsada ang dugong humihiwalay sa katawan nito. Huminto ang lahat ng sasakyan at nag karoon ng matinding traffic sa nangyari. Huminto din siya sa kalsadang kinatatayuan ng kanyang kotse kaya naman sa halip na hindi traffic sa lugar nito dahil sa nasa kabilang way ito ay naag traffic din. Bumaba siya at saka tumakbo papalapit sa kinatatayuan ng kanyang kasintahan. Napapalibutan si Jerome ng mga taong nais umosyoso sa kanyaa. Nakabulagta si Jerome at naliliguan ng dugo ng lapitan siya ni Steaven. Halos mag dilim ang paningin niSteaven sa galit at para siyang pinag sakluban ng langit at lupa dahil sa nangyari. Yapos niya habang nakakalong sa kanya ang walang malay niyang nobyo. Maging katawan niya ay puno nadin ng dugo. Sinisigaw nito ang pangalan ni Jerome habang tumutulo ang luha. iyak ng iyak si Steaven habang yakap ang katawan ni Jerome ng dumating ang ambulansiya. Mabilis na naisugod si Jerome sa ospital dahil sa mismong harap lamang ng ospital ang nangyaring trahedya sa binata.


next chapter
Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C12
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous