Maganda ang ngiti ni Ashley ng dumating sila sa opisina. Tamang tama lang na kararating rin lang ni Koji ng pumarada si Tiny. Pababa na sana si Tiny ng sasakyan upang pagbuksan ng pintuan si Ashley ng maunahan siya ni Koji. Kaya minabuti na lang yang pabayaan ito, dahil baka masabon pa siya ng hindi oras.
"Ang ganda mo! I mean magandang umaga sa iyo!" Pabirong bati ni Koji habang ang labas ang dalawa niyang dimples sa pisngi at mapuputi at diretsong ngipin.
Nagulat naman si Ashley ng ang bumungad sa kanya ay si Koji imbes na si Tiny. Pero hindi niya ito ipinahalata at tinangap ang kamay na iniaabot ni Koji upang tulungan siyang makalabas ng pintuan.
"Magandang umaga rin sa iyo!" Bati pabalik ni Ashley habang may simpleng ngiti lang sa kanyang labi.
Creation is hard, cheer me up! Support the book by voting.
Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!