Télécharger l’application
30% The Adventure in Past (BOOK 1) / Chapter 3: ADVENTURE #3: "Ang Pag-alam sa Libro"

Chapitre 3: ADVENTURE #3: "Ang Pag-alam sa Libro"

Daphne's Pov

Sabado naman bukas kaya nagpaalam ako kay mama na pupunta kaming magkakaibigan sa bahay ni Shelton. Pumayag naman siya basta maglinis daw muna. Wow! -___- !!

Pagkagising ko ay agad akong tumayo at nag-almusal, syempre may kondisyon muna si mama bago ako umalis ng bahay. Hays! Ang hirap magpaalam minsan!

Chiyeon's Pov

I'm studying this wonder book kung saan nanggaling, panay ang search ko sa mga websites pero wala naman akong nakikitang result

Hindi ko pa binubuksan ang libro sa takot kong magliwanag na naman ulit ito. Ti-next ko sina Miko, Shelton at Cris kung magkakasama pero wala parin silang reply

Hindi ko maintindihan ang nangyari kagabi, ewan ko kung hallucination ba'yon, panaginip o talagang totoo ang nakita ko

//FLASHBACK\\

Bago ako matulog, binuksan ko ulit ang libro, nagliwanag na naman ito kaya agad kong sinara ulit. Matutulog na'ko kaya nilapag ko ang libro sa katabing mesa ng kama ko

Inaantok na'ko at biglang dumilim ang paningin ko. Nang dumilim ang paningin ko ay nakita ko ang sarili ko na pumasok sa maliwanag na lagusan, ngumiti pa ito bago pumasok roon, pagkapasok ko ay agad naman akong nagising, hinawakan ko pa ang dibdib ko at naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko

Nilingon ko ang makalumang libro sa mesa, nakabuklat na ito at hindi na siya nagliliwanag kaya agad kong binasa kung ano man ang nakapaloob dito

Hindi ko mabasa ang nakasulat, alam ko ang mga letrang naroroon pero hindi ko siya mabigkas o magbasa. Nilipat ko sa ibang pahina ang aklat pero di ko parin maintindihan, may mga nakasulat at may litrato pa pero di ko talaga maintindihan

May anino akong nasilayan kaya agad kong nilingon iyon, yung kamukha ko! Pumasok ito sa cr at nang sundan ko siya ay nakita kong pumasok siya sa salamin, susundan ko pa sana siya nang bigla namang tumunog ang alarm clock ko at nagising sa pinakakatotohanan.

//END OF FLASHBACK\\

At hanggang ngayon ay iniisip ko kung totoo ba ang mga nakita ko sa pangyayaring iyon. Ano ba naman to! Hays!

Sana naman malaman na kung saan nanggaling yung aklat, para naman hindi na kami magdala ng takot sa katawan

Maya-maya'y tumunog ang cell phone ko kaya agad ko itong binuksan

Cris: On the way na kami ni Miko sa bahay ni Shelton.

Me: Sige OTW narin ako.

Pagka-reply ko ay agad kong nilagay ang makalumang libro sa bag at saka umalis

Nagbisekleta ako papunta sa bahay ni Shelton, malaki iyon at ang Lolo niya ay mahilig mangolekta o mag-alam sa mga antigong bagay, lalo na sa mga bagay na parang first time niya lang nakita

Kaya siya rin ang kailangan namin para malaman ang tungkol sa librong ito, baka may alam siya dahil parang mahiwaga ang laman nito.

Pagkarating ko ay itinabi ko muna ang bike, nakaabang silang tatlo sa pintuan, wala pa si Daphne

"Dala mo yung libro?" Tanong ni Shelton

"Oo, nasa akin" Sagot ko, tumango naman ito

"Nasaan si Daphne?" Tanong ni Miko, nagkibit balikat naman ako

Nasaan na ba yon? Pampatagal kahit kailan!

"Guys *deep sigh * sorry, late yata ako ng dating" Sabi ni Daphne na halatang pagod, sigurado tumakbo lang to

"Hindi naman masyado, tara na sa loob. Nandoon si lolo at naghihintay" Sabi naman ni Shelton kaya pumasok kami

Pagkapasok ay binigyan ni Shelton si Daphne ng inumin, nagpasalamat naman ito sa kanya. Umakyat kami sa malaking hagdanan patungo sa kwarto daw ng Lolo ni Shelton na punong puno daw ng collection, di pa kami nakakapasok ditong magkakaibigan sa bahay nila dahil ayaw daw ng lolo niya, buti nga't napakiusapan dahil sinabi ni Shelton na importante ang sadya namin

Pumasok kami sa malaking pinto, ito na daw ang Collection Room ng Lolo ni Shelton, pagkapasok namin ay may isa pang pintuan at doon nakita namin ang paligid ng kwarto na punong puno ng mga makalumang koleksyon

"Wow! Ang astig naman!" Pagmamangha ni Miko at inikot-ikot ang ulo niya

"Huwag kayong hahawak sa kahit anomang bagay kung ayaw niyong mapaalis kayo ni Lolo" Warning ni Shelton

Pumasok pa kami sa isa pang pintuan at nakita namin ang Lolo ni Shelton

"Magandang Umaga po" Bati naming apat


next chapter
Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C3
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous