Télécharger l’application
73.29% The Actor that I Hate to Love / Chapter 140: Evil Plans

Chapitre 140: Evil Plans

Shanaia Aira's Point of View

PARANG natuka ng ahas na nakatingin lang si ate Shane sa akin. Marahil iniisip nya yung mga sinabi ko. Ito na talaga yung naisip namin ni Gelo na posibleng plano ng mag-amang Faelnar. Si Gelo talaga ang pakay nila at kailangang mawala ako sa picture para maging possible na si Gelo at Gwyneth.

" Sa palagay mo yun talaga ang plano nila?" tanong ni ate Shane matapos ang ilang sandali.

" Ate, napag-tagpi-tagpi lang namin ni Gelo yung mga pangyayari. Bakit sa tingin mo bigla na lang sumulpot si senator Faelnar sa buhay ni daddy at daddy Archie tapos tinulungan pa sila sa business nila? Then all of a sudden, nung magkaroon ng problema bigla na lang siyang naging invisible. Ano sa tingin mo ang motibo niya? Yung muntik ng pagkidnap ni Gwyneth sa amin ni Dindin, sa palagay mo bakit niya gagawin yon? Simple nga lang ang sagot, gaya nga ng sabi ko, ito marahil ang plan B nila para mapapayag si Gelo na maging sila na talaga. Yung hindi officially dating lang sa harap ng mga fans nila dahil obsess na si Gwyneth sa kanya. "

" Ngayong hindi natuloy yung plan B nila, what do you think their next step? " kuryosong tanong muli ni ate Shane.

" They think that there's a plan C, may malaking pasabog pa daw si senator laban kila dad. Sa palagay ko may kaugnayan ito dun sa plan A nila, hindi nagpapakita kasi may ginawa siya dun sa business nila at yung plan C, yun na yung ikakapahamak nila dad kapag wala pang naging resulta sa lahat ng plano nila. " turan ko kay ate.

" Oh my! Nakakatakot naman yan. Kinakabahan ako para kila dad. " nahihintakutang wika niya.

" Ate sa palagay pa lang naman nila yun. Hinahanda lang nila yung sarili nila kung sakali pero ang problema wala pa silang hint kung ano ang plan C ni senator para mapaghandaan sana nila yung counter attack. " sagot ko kay ate.

" Ano ang plano ninyo ni Gelo? " tanong ni ate Shane.

Hindi muna ako sumagot dahil isinilbi ng mga kasambahay ang breakfast ko. Matapos kong magpasalamat ay umalis na ang kasambahay.

Muli kong hinarap si ate Shane.

" Kahit na ano raw ang mangyari hindi niya ako isusuko. Kung ipagpipilitan daw ni senator si Gwyneth sa kanya, sasabihin daw niya na kasal na kami. Pero ang ikinatatakot lang niya ay yung magiging resulta kapag nalaman ni senator ang totoo tungkol sa aming dalawa dahil hawak niya ang magiging kahihinatnan nila dad. Maaaring kapag hindi siya pumayag sa gusto nila, ang mga tatay natin ang magdurusa. " kwento ko kay ate.

Hindi kumibo si ate Shane. Maluha-luha na siya ng tumingin sa akin.

" Baby, nung bata ka ayaw mo talaga sa mundo namin dahil palagi kang malungkot at nag-iisa. Pero kahit ganon pa man, mahal na mahal mo pa rin kami. Ngayon naman, dahil sa pagmamahal mo kay Gelo, sumugal ka ulit. Niyakap mo ang mundo niya na minsan mong inayawan. Nagtiis ka sa mga masasakit na salita galing sa mga fans niya, nagtago, nag-disguise para lang makasama mo siya. Ngayon baby, ayaw kong danasin mo ang mga dinanas ko. Nasira ang buhay pag-ibig ko dahil dito sa mundo namin. Huwag ka sanang sumuko baby. Yung mga pinagdadaanan ninyo ni Gelo ngayon, huwag kang basta na lang bibitaw. Sayang ang mga pinaghirapan ninyo just to keep your relationship. Don't give up baby sis. And if you need my help, I'm just here. "

I just nodded. Ang sarap lang sa pakiramdam na may ate ako na pwede kong lapitan kapag may problemang ganito.

After ng breakfast namin ay umalis na rin si ate Shane. May taping kasi siya ngayon para dun sa nalalapit niyang telenovela.

As usual mag-isa na naman ako dahil wala rin si Dindin, nasa school pa. Hindi naman ako makalabas ng bahay dahil pinagbawalan ako, baka maulit na naman daw kasi yung nangyari kahapon.

Nagbasa na lang ako ng mga medical books ko to ease my boredom until Gelo got home late in the afternoon.

" Hey baby! How's your day?" nakangiting bungad nya. Lumapit sya kaagad sa akin sa kama. Kumilos naman ako at iniyakap ang mga braso ko sa leeg nya. Parang biglang naalis ang boredom ng maamoy ko siya. I buried my face in his wide chest, inhaling his scent. I heard him chuckled.

" You really missed me that much, huh?" biro nya.

" Yeah. It's because when I woke up, you weren't with me anymore." nakalabi kong turan.

" Oh sorry. Tulog na tulog ka kasi kanina kaya hindi na ako nagpaalam pero bago naman ako umalis, sinigurado ko naman na very much relax ang katawan ko. Hindi mo ba naramdaman kanina baby? " nanlaki ang mata ko sa narinig. Jusko lang, akala ko panaginip yon. Totoo palang nangyari?

Hinampas ko ng marahan ang dibdib niya.

" Kainis ka bhi! Akala ko nananaginip lang ako. Totoo pa lang pinagsamantalahan mo ako habang tulog ako. Nakakainis kang talaga!" pinagkukurot ko sya kaya panay ang ilag niya.

" Eh bakit ba kasi tulog na tulog ka? Grabe panay ang ungol mo, tulog ka pala ng lagay na yon? " asar pa nya.

" Sino ba naman ang hindi makakatulog ng ganon kung sobrang pagod ko sa mga nangyari kahapon? Malamang na umungol ako kasi akala ko panaginip nga yon. Huwag mo ng uulitin yon. Kainis ka. "

" Oh eh bakit parang galit ka? " he asked with an amused grin on his face.

" Syempre, dapat kasi gising ako, hindi ko man lang na-enjoy! "

Tuluyan na siyang natawa sa sinabi ko. Pagkaraan pinanggigilan na naman ako na parang bata. Kung saan - saan umabot yung halik nya sa akin. Tawa naman ako ng tawa. Malamang, nakikiliti kasi ako eh.

Nung humupa yung masayang sandali, bigla syang tumingin sa mga mata ko at nagseryoso.

" Baby, sana ganito na lang ulit tayo. Yung masaya lang." biglang turan nya.

" Oo nga bhi pero di ba sabi mo ganun talaga ang buhay, hindi lahat masaya lang. Kung ano man ang nagpapalungkot sa atin ngayon, I know matatapos din ito. " sabi ko.

" Sorry baby, hindi mo dapat pinagdadaanan ito kung hindi ako naging artista. Kung katulad siguro noon na architect lang ako, hindi sana naging kumplikado ang lahat at walang gulo sa relasyon natin. " malungkot niyang saad.

" Bhi kung naaalala mo noon, nangako ako na hindi ma-iinlove sa lalaking taga showbiz. Pero hindi ko natupad yun kasi mas matindi yung sigaw ng puso ko kaysa dun sa determinasyon ko na tuparin yung pangako ko. Hindi ko naman pwedeng sikilin ang damdamin ko dahil lang sa ayaw ko sa mundong ginagalawan mo. Mahal na mahal kita kaya pikit mata kong niyakap ang mundo mo kaya kung ano man ang pinagdadaanan natin ngayon, hindi ka dapat nagso-sorry sa akin. We're in this together bhi. Gaya ng pangako natin sa isa't isa nung kinasal tayo, for better or for worst, magkasama tayo. " maluha-luha kong saad. Niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan sa ulo.

" Bakit napunta sa ganito yung usapan natin? Parang kanina lang naglalandian pa tayo. Saan papunta tong diskusyon natin ha? " natatawa kong tanong.

" Oo nga. Tama na yang drama, mas maganda kung mag-exercise na lang muna tayo. Hayan gising na gising ka na, para hindi mo naman masabi na pinagsamantalahan kita habang tulog ka. " turan nya na may pilyong ngiti sa labi.

Muling ipinadama ni Gelo ang pagmamahal niya sa akin. This time medyo kakaiba ang performance niya, sobrang gentle at passionate. Punong-puno ng pag-iingat. Parang sa mga kilos niya ay may lungkot siyang nararamdaman.Halata ko dahil hindi ganun si Gelo whenever we made love. It's different now. Way different.

Napagtanto ko ang kaibahan lalo na nung matapos kami. Usually umaabot kami ng madaling araw pero this time we only had it once.

Kaya hindi na ako nakatiis magtanong.

" Uhm... bhi is there something wrong? It seems that there is something bothering you. I can feel it, hindi ka makakapagkaila sa akin."

Huminga siya ng malalim bago nagsalita.

" Kinausap ko si Gwyneth kanina. Actually, I confronted her about the kidnapping. Nung una itinanggi niya, pero sabi ko pinatotohanan ng mga cctv at nung mga guards kaya napilitan siyang umamin. Sinabi niya sinundan lang nila ako para malaman kung saan ako umuuwi pero nung makita nila kayo na naglalakad, sinundan nila kayo. Gusto ka lang naman daw niyang kausapin at wala naman siyang balak na kidnapin kayo, which I doubtly believe. I overheard her talking with his dad over the phone. At yun ang nagpapakaba ng husto sa akin. "

" Bakit bhi ano ba yung narinig mo? " kinakabahang tanong ko.

" Kung sakaling nagtagumpay na makidnap nila kayo, papalayain din naman kayo kaagad pero ang kapalit ay ang pagkalas ko sa relasyon natin. At kung hindi nila ako mapapayag, pipilitin ka nila para kumalas na sa engagement natin at kapag hindi mo ginawa, sila daddy ang mapapahamak. "

What? Grabe, ang sama talaga nila!


next chapter
Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C140
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous