Télécharger l’application
5.71% SHORT STORIES (PILIPINO VERSION) / Chapter 2: BAON KO ANG IYONG PAG-IBIG

Chapitre 2: BAON KO ANG IYONG PAG-IBIG

"Cathy, tayo na maglalaro na tayo bllisin mo", ang sabi ni Carlito habang hinihintay si Cathy na lumabas ng bahay.

"Ang kulit mo naman, sabi ko sandali lang",ang medyo naiinis na sagot ni Cathy.

At ng makalabas ng bahay si Cathy ay nagtakbuhan na ang dalawang makulit upang maglaro.

Ang kuwento tungkol sa dalawang bata na sina Cathy at Carlito ay hindi lang basta isang kuwento ng pag-ibig kundi totoong nangyari sa buhay ni Cathy, (not her true name). Si Cathy at Carlito mula pagkabata ay naging malapit sa isa't isa at pareho silang pitong taong gulang. Sa kanilang kamusmusan ay nabuo ang pagmamahalan na magwawakas lamang sa kalungkutan.

Nagsumpaan sila na Hindi maghihiwalay, so they made a promise, they crossed their little fingers to make their promise binding to each other.

Ang kamusmusan nila ay puno ng maliligayang sandali. Sila ang laging magkalaro. Sila ang kung minsan ay galit at tapos bati rin dala ng kanilang batang kaisipan. They started as friends and became best friends.

Hindi akalain nina Cathy at Carlito na sila ay maghihiwalay dahil ang pamilya ni Carlito ay lumipat ng tirahan sa probinsya.

"Cathy, lilipat na kami ng tirahan sa isang linggo magkakahiwalay na tayo" ang malungkot na paalam ni Carlito.

Hindi napigilan ng batang si Cathy ang maiyak dahil mawawalan na siya ng kalaro, hindi lang kalaro kundi ng isang kaibigan...ang kanyang best freind.

"Sige Carlito mag-ingat ka na lang doon" ang sabi ni Cathy na masama ang loob.

"Oo Cathy at hindi ako lilimot sa ating sumpaan babalikan kita" ang pangako ni Carlito.

Sampung taon ang matuling lumipas subalit hindi nawawala sa isipan ni Cathy si Carlito.

"Kumusta na kaya siya? Iniisip din kaya niya ako?" ang madalas na itanong ni Cathy sa sarili niya.

Hindi inaasahan ni Cathy ay dumalaw si Carlito sa lugar na kinalakihan niya, sa dating tirahan.

At ng malaman ito ni Cathy ay pinuntahan kaagad si Carlito subalit hindi sila nagkita dahil umalis si Carlito kasama ng mga dating kaibigan.

Umuwi si Cathy na malungkot. Taglay sa puso niya ang kabiguan na makita ang long time friend niya na si Carlito.

Sina Cathy at Carlito ay malalaki na ngayon, mga dalaga at binata na sila subalit kahit sila ay nagkalayo ay hindi nawawala sa isipan nila ang isa't isa.

Kinabukasan muling binalak ni Cathy na puntahan si Carlito subalit inabot siya ng hiya sa kanyang sarili kaya hindi siya tumuloy.

"Bakit kaya hindi niya ako pinuntahan ng siya ay dumating? Nakalimutan na kaya niya ako? Nalimot na kaya niya ang aming naging sumpaan noong mga bata pa kami?" ang mga katanungang ito ni Cathy ang gumugulo sa kanyang isipan.

Malungkot si Cathy buong araw, At ng gabi na umaasa pa rin siya na pupuntahan siya ni Carlito subalit nawalan na siya ng pag-asa.

Nang matutulog na si Cathy ay may kumatok sa kanilang pintuan at ng buksan niya ay si Carlito.

Hindi niya namukhaan ito subalit tiyak siya si Carlito ang kaharap niya.

Sabik man sa isa't isa ang dalawa ay hindi nila iyon ipinamalas dahil siguro na malalaki na sila at ang sumpaan nila ay noong mga bata pa sila.

"Kumusta na Cathy?" ang bungad ni Carlito "naaalala mo pa ba noong tayo'y mga bata pa? Siguro pareho tayong pitong taong gulang noon at ngayon malalaki na tayo".

"Siyempre hindi ko malilimutan iyon..at hindi ko rin nalilimutan ang ating sumpaan noon na walang iwanan..'di ba?" ang nakangiting tugon ni Cathy.

"Ako rin hindi ko nakakalimutan ang ating naging sumpaan. Hindi iyon nawawala sa aking isipan kahit matagal akong nalayo sa iyo" ang tugon ni Carlito na sa mga mata niya ay bakas ang pananabik sa childhood sweetheart niya.."lagi kitang iniisip at naitatanong ko sa aking sarili lagi na kumusta na kaya ikaw".

"Ganoon din ako Carlito at dahil sa tagal na hindi tayo nagkikita ay hindi pa rin ako makapaniwala kung ito ay totoo o isa lang panaginip, subalit nandito ka ngayon" tugon ni Cathy.

Hinawakan ni Carlito ang dalawang kamay ni Cathy.

"Hindi ito panaginip Cathy basta tandaan mo tayo pa rin walang iwanan" huminto sa pagsasalita si Carlito at muling nagpatuloy "Cathy mamasyal tayo bukas" ang masiglang yaya ni Carlito.

"Oo Carlito mamasyal tayo bukas at marami akong itatanong sa iyo" ang nakatawang sabi ni Cathy.

Kinabukasan ay namasyal nga ang dalawa at unti-unti habang sila ay nag-uusap na masaya...nagkukuwentuhan ng kanilang naging buhay mula ng sila ay magkahiwalay ay muli nilang pinagduksong ang kabanata ng kanilang buhay at pag-ibig...mga pangarap nila noon na ngayon ay nais nilang ituloy.

Subalit muling nalungkot si Cathy dahil sa makalawa ay uuwi na si Carlito sa kanila at hindi na naman niya alam kung kailan sila muling magkikita.

"Cathy uuwi na ako sa makalawa tandaan mo babalik ako para sa iyo" ang malungkot na ipinangako ni Carlito.

Hindi kaagad nakasagot si Cathy dahil malulungkot na naman siya. Maghihintay na naman kung kailan sila muling magkikita...na para bang wala ng katapusan.

At mula noon nawalan na ng balita si Cathy kay Carlito kaya labis siyang nag-isip at nalungkot.

Hanggang isang araw ay dumating ang kapatid ni Carlito at ibinalita na si Carlito ay nasa ospital.

Hindi nag aksaya ng panahon si Cathy at sumama kaagad siya sa kapatid ni Carlito at sa ospital ay nalaman niya na may malubhang karamdaman si Carlito at bilang na ang mga araw nito.

Hindi napigilan ni Cathy ang lumuha ng makita niya ang kasintahan. Sa pagkakataong iyon ay iniwanan sila ng kapatid ni Carlito upang magkasarilinan ng pag-uusap.

"Carlito bakit hindi mo ipinaalam sa akin?" ang umiiyak na sabi ni Cathy.

"Pasensya na Cathy ayaw ko na mag-isip ka pa sa akin" ang pautal utal na tugon ni Carlito.

"Bakit nangyari ito sa atin Carlito..bakit??"

"Cathy, ito ang ating kapalaran...ito ang itinakda sa atin...subalit tandaan mo kahit maiksi lamang ang ating naging pagkikita...ang pagmamahalan natin at ang pag-ibig mo ay babaunin ko hanggang sa kabilang buhay".

Sa sinabi ni Carlito kay Cathy ay umiyak ng umiyak si Cathy dahil hindi na niya makakasama ng matagal si Carlito...hindi na matutupad ang kanilng mga pangarap...hindi na niya mapatutunayan kay Carlito na mahal na mahal niya ito.

Nang bumalik ang kapatid ni Carlito ay mayamaya pa nagpaalam na si Carthy dahil nagsisikip ang dibdib niya sa nakikitang kalagayan ng kasintahan..at kung magagawa lang niya na siya na lang ang nasa kalagayan ni Carlito ay ginawa na sana niya. Ipinasya niya na muling babalik kapag maayos na ang kanyang kalagayan.

Umalis nga si Cathy at habang nag-aabang siya ng masasakyan ay humabol ang kapatid ni Carlito at umiiyak na sinabi na namayapa na ito.

Nabigla si Cathy sa narinig niyang iyon at para siyang naging tuod sa pagkakatayo..walang pakiramdam...hindi makakilos.

Ngayon niya napagtanto na kaya pala siya gustong makausap ni Carlito ay dahil magpapaalam na ito sa kanya.

Muli siyang bumalik kasama ang kapatid ni Carlito at ng makita niya na unti unting inaalis ang mga aparato na nakakabit sa katawan nito ay tumalikod si Cathy paharap sa dingding ng kuwarto at sa dalawang palad ay isinubsob ang kanyang mukha at umiyak ng umiyak.

Sa pangyayari kina Cathy at Carlito ay totoong nakalulungkot. Sa kabila ng matagal na panahong ipinaghintay ni Cathy ng umalis si Carlito at ng muli silang magkita ay sa sitwasyon na sobrang nakalulungkot...ang pagpanaw ng kanyang kasintahan ay hindi siya bumitiw.

Subalit kahit ganoon ang naging pag-ibig ni Cathy ay naging matapat pa rin siyang naghintay. Ang kanilang sumpaan ay pinanghawakan niya hanggang sa huling sandali ng buhay ni Carlito...END


L’AVIS DES CRÉATEURS
Almario_Aguirre_7837 Almario_Aguirre_7837

Sa dalawang tao na nagmamahalan ng tapat ay hindi hadlang kung kailan siya maghihintay.

Subalit sa kaso ni Cathy sa storyang ito, bagamat napatunayan niya ang kanyang matiyagang paghihintay ay hindi rin nagkaroon ng magandang wakas...dahil hinadlangan ng kalikasan.

Rio Alma

More inspiring stories to come, so enjoy reading.

next chapter
Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C2
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous