Télécharger l’application
75% SHE'S A BOOK CHARACTER (Lesbian) / Chapter 9: He's a She

Chapitre 9: He's a She

REN'S POV

Sampung araw na ang nakaraan simula nong nagising sila, at ito kami ngayon nag-aalaga ng mga baby. Hahaha masyado talaga silang napuruhan sa nakaraang labanan, humihilom narin ang mga sugat at pasa na natamo nila. Puro nga kami kulitan at asaran, pero di parin nawawala ang masamang tingin ni Rowan sa akin sa tuwing magkasama kami ni Claude. Si Kia naman panay pangungulit rito, para di na masyado kami tutukan nito. Si Cheska at Rome naman, ayun, sila na. Mag Romeo at Juliet na nga silang dalawa. And therefore sa unang pagkakataon, Cheska embrace her Juliet name dahil may Romeo na daw sya.

Kami naman ni Claude ay nag-aasaran at nagkukulitan din. Nahuhulog na nga yata ako sa kaniya eh. Hindi lang nahuhulog, mahal ko na yata siya. Rephrase, mahal ko na siya. Sa tuwing naiisip ko na mahal ko na siya naaalala ko na I don't belong in this world. Anong mangyayari kung matatapos ang lahat ng to? Babalik ako sa mundo ko, tapos sya? He will remain as a book character, and that's what I'm afraid of.

"Ren, handa ka na? Andon na sina Kia at Cheska sa kalesa. Si Rome at Rowan ang magpapatakbo ng kabayo" sabi ni Claude. Oo nga pala, ngayon ang araw na ipapasyal nila kami. Sa wakas makakalabas na rin kami dito sa palasyo. Makakakita na rin ako ng iba't ibag tao at makikipaghalubilo.

Inalalayan ako ni Claude na makasakay sa kalesa, at pagkasay ko ay natigilan ako ng mapansin ko ang damit ni Kia

"what!?"

"Gulat ka rin ba besh? Hehehe"

"Ah, ou ikaw rin?" tumango naman si Cheska sa akin

"Tsk… bago ba sa inyo ang suot ko? Di ko na kasi feel magsuot ng itim, kaya puti na gusto ko"

"Mas maganda ka sa suot mo ngayon Kia." sabi ni Rowan, nagulat si Claude ng marinig ang sinabi nito.

"Wow! Nakaappreciate. Hahaha try mo din ibang kulay girl. Para araw-araw ka niyang mapansin.. Ahehehe" lokong sabi ni Cheska, nagtawanan naman kaming apat. Magkatabi kami ni Claude at kaharap namin sina Cheska at Kia.

Naramdaman namin ang pagtakbo ng kalesa, maya-maya ay narating na namin ang sentro ng Neo Verona. Ang ganda dito, may fountain sa gitna nito. Napaka peaceful ng lugar dito, mahal na mahal nga ito ni Claude dahil ang saya niya na nainag ang mga ngiti at kaway ng mga tao. Alam yata nila na nakasakay ang prinsepe nila dito sa kalesa kasi may simbolo ang kalesa na katulad nong simbolo sa flag na nakasabit sa bawat taas ng bahay ng mga mamamayan.

Huminto ang kalesa sa may park, binuksan ni Rome ang pinto at inabot ang kamay ni Cheska, ganun din si Rowan para kay Kia. Bumaba narin si Claude at inalalayan ako. Maraming tao ang nakatingin sa amin at nagbow.

"Ikinagagalak namin ang pagbisita mo mahal na prinsesa." sabi ng mga tao na nagbow at tumingin sa akin… Waiiiiit.. Bakit sa akin sila nakatingin? Dapat kay Claude, anong sinasabi nilang prinsesa? Hindi ba nila alam na kaharap nila ang prinsepe nila. At ba't sila sa akin nakatingin.

"Ako?" sabay turo sa sarili ko at tumingin si Claude sa akin na nakangiti at nagwink.. Syete lalag panty ko, ba't ang gwapo nito. Nakatingin din sina Rome sa akin. Si Rowan naman poker face lang, parang may gustong sabihin.

"Shall we?" tanong ni Claude, panay pa rin ang tingin ng mga tao sa akin. Na flattered na ang peg ko ha… ano ba etesh?…

"Ang ganda ng prinsesa noh?"

"Oo nga, ang swerte natin, nakita natin sya."

"Sino kaya yung lalaking kasama niya?"

"Nako ang swerte nang lalaking yan ha?"

"Totoo nga sabi nila, na ang last successor ng giruet clan na si princess Claudeeth Raine ay napakaganda."

"Korek ka dyan dai! At ang galing niyang mamuno, dahil walang gulo rito sa Neo Verona."

Mga pag-uusap ng nasa paligid na rinig na rinig ko. Sino si princess Claudeeth Raine? Kapatid ba sya ni Claude? Pero nasaan sya? Hay, itatanong ko nalang mamaya sa kanya. Walang kamuwang muwang ang mga mamamayan dito sa paparating na kaguluhan. Ako ang nababahala sa kanila, inosente sila at walang alam sa kung ano mang mangyayari.

"Princess Claudeeth, para po sa inyo." sabi nong bata na ngiting ngiti. Princess Claudeeth sabi niya, kaya tiningnan ko si Claude at again ngwink na naman ang kumag.. Natutunaw na ako sa kakawink niya ha.. Konti nalang at kukunin ko na talukap niya…hahaha

"Para sa'kin ba to?" tanong ko sa bata at yumuko para magkapantay kami.

"Opo, para po kasi kayong bulalak, ang ganda nyo po" wow marunong bumanat ang bata ha... Hahaha sinong nagturo nito?

"Salamat, anong pangalan mo?" tanong ko sa bata, kawawa naman ang batang to kapag dumating ang unos na kinakakatakutan kong mangyari. Masyado pa silang bata.

"Harry po" Harry Potter ikaw ba yan? Ang sosyal ng name ha? Nasa 917AC ba talaga kami?

"Salamat sa bulaklak Harry ha." hinalikan ko sa pisngi ang bata at umalis ito. Nakangiting tumingin naman si Claude sa akin. Ano kaya nginingiti-ngiti nito, may atraso pa to sa akin eh? Bakit ako yung napagkamalang prinsesa dito, Eh priestess ako.

Inilibot nila kami sa buong Neo Verona, gaya ng nangyari kanina, ako ang napagkakamalan nilang prinsesa. Bakit ako lang? Diba pwedeng sina Kia at Cheska? Teka nga? Ngayon ko lang din napansin, kaya pala ako ang napagkakamalan, eh sa aming tatlo, damit ko yung lumulutang sa kagandahan. Aish.. Bakit ngayon ko lang napansin yun, tanga lang ang peg eh.. At itong Claude nato panay ang ngiti, mapunit sana labi niya.

"Kailangan na natin bumalik sa palasyo Claude" sabi ni Rome

Bumalik na kami sa kalesa at naglakbay pabalik sa palasyo, buong araw kami namasyal, nakakapagod din. Gusto ko magpahinga agad pagkauwi. Ilang minuto ay nakabalik na kami sa palasyo, pupunta na sana ako sa kwarto ko ng may naalala ako.

"Claude!" tawag ko sa kanya, lumingon ito sa gawi ko at ngumiti, na naman.. Ang gwapo at kyut niya talaga… baka magahasa ko na to pag di ako makapagpigil eh. Hahaha landi ko lang noh?

"Bakit Ren?" sabi niya na di matanggal ang ngiti sa mukha. Natulala ako at nang makabawi

"May dapat ba akong malaman?" sabi ko in a serious tone.

"Ano bang gusto mong malaman?" balik tanong niya sa'kin

"Sino si Claudeeth Raine? Bakit ako ang napagkamalan kanina na prinsesa? May nililihim ka ba sa akin?" Sabi ko, at bigla syang nagseryoso

"Kung sasabihin ko ba sayo ang totoo? Tatanggapin mo ba ako, bilang ako?"

"----" Hindi ako nagsalita at tumingala lang sya sa kalangitan.

"See those two stars? Those are my parents. They've been there since the day I lost them. I live my life full of grudge and revenge. I even became like this." sabay harap niya sa akin at tinuro ang sarili at damit niya. Ano ba gusto nyang ipahiwatig?

"Claudeeth Raine Giruet, mas kilala sa pangalang Claude, I'm the Princess of Neo Verona, who happens to be the last descendant of Giruet Clan. Ren, babae ako na nagdadamit ng armor ng lalaki, because at age of seven, I witness with my own eyes when my parents was brutally murdered. At dahil sa mga nangyari, I became a like this. I want to have my own revenge, 'coz I do believe that being a princess is a waste. Para sa akin, pagprinsesa ka, ang tangi mo lang magagawa ay maghintay ng kung ano mang balita ang dumating at mag-uutos ng mga kawal para ipadala doon, ni hindi man lang sumasali sa labanan porket babae at isa kang prinsesa." Tumikhim sya at nagpatuloy

"That's why I want to act as a man to completely rule my kingdom which I will be the one to lead my troops. Hindi yung uupo nalang ako sa trono at maghihintay kung ilang mga kawal ko ang napatay. Kaya simula ng napagdesisyunan kong maging ganito, ay never na akong nagpatawag ng princess, kamahalan o Claude nalang ang tawag nila sa'kin, yun kasi gusto ko, yung parang pantay lang ang turingan namin dito sa palasyo. Hindi na rin ako lumalabas ng palasyo simula noon. Wala silang ideya na naging ganito ako, hindi iyon tanggap ni Rowan, dahil ayaw niya na makikisali ako sa marahas na digmaan. Sana maintindihan mo'ko Ren" mahabang eksplenasyon niya, hindi nagsink in agad sa akin ang mga sinasabi niya.

"Matutulog na ako Claude, napagod kasi ako kanina." sabi ko at binilisang maglakad pabalik sa kwarto. Narinig ko pa syang tinatawag ang pangalan ko, pero di ko sya nilingon.

"Oh? Ren? Bat ka umiiyak?" sabi ni Kia nang makapasok ako sa kwarto, hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. Bakit? Sana sinabi niya agad, matatanggap ko naman eh kahit nagulat ako sa rebelasyon niya, pero ang maglihim siya? Yun ang hindi ko matatanggap. Araw-araw kami magkasama pero di niya sinabi, kasinungalingan lang bang lahat?

"May nangyari ba Besh? Inaway ka ba ni Claude?"

"Besh.. *sob* Kia *sob*…"

"Ano yun Ren?"

"ilabas mo lang yan Besh"

"Si Claude….. ba-ba babae siya *sob* *sob*" mangiyak ngiyak kong sabi. Hindi pa nagsasalita ang dalawa, siguro nagulat din sila.

"Alam na namin yun Besh" sabi ni Cheska at sabay non ay iniangat ko ang mukha ko, nakita ko silang nakangiti.

"Sa wakas, nagkalakas ng loob rin ang prinsepe mo para sabihin sayo." sabi ni Kia na tuwang tuwa

"Anong ibig nyong sabihin?" pagtatakang tanong ko, nahinto ang pag iyak ko sa mga bruha na to. Ngitian pa naman ako, nag eemote ako eh.

"Kinausap na kami ni Claude tungkol dyan, pinaliwanag niya sa amin. Wala naman daw syang intensyon na manloko o lokohin tayo."

"She said that she's a she not a he. Bagay na kinagulat ko besh, pero naiintindihan namin yun, tayong dalawa lang yata ang walang alam eh, kasi dati palang alam na ni Kia."

"She even said, wla syang panahon sa pagmamahal, she live in a world full of hatred and revenge for her parent's death, but suddenly you came, and teach her how to love and to be love. She can even sacrifice her life just for your own sake Ren. Remember what happen on northeast kingdom? She save you without hesitation." Paalala ni Kia sa'kin.

"Kaya kung may nararamdaman ka sa kanya, hindi mo ito ikakagalit, dahil lahat ng pinakita niya sayo ay totoo. Mahal ka niya Besh, kahit alam niyang walang patutunguhan ang pagmamahal niya dahil alam niyang hindi kayo pwede dahil parehas kayo ng kasarian at higit sa lahat hindi ka rito nababagay, may mundo tayo kung saan tayo nanggaling. She's just happy that once in her life, nakaramdam ulit sya kung paano magmahal, yung walang halong galit at paghihiganti, she just let her self love you kahit sa bandang huli masasaktan sya."

Wow lang ha, saan nahugot ng mga to ang mga pinagsasabi nila? Ang lalalim nun, kidding aside, tama nga ang mga bruhang to. For a short span of time I became to love her, minahal ko sya ng walang bahid ng pag-aalinlangan even if now I know that he's a she. Still I love her, walang nagbago sa nararamdaman ko.


next chapter
Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C9
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous