"H-HOW'S my ba-baby...?" sa nangingig na tinig ay tanong ni Leighana.
"He's fine." matipid na sabi ni Ziv. Tiim pa rin ang mga bagang.
"Oh, thank God." animo naalis ang mabigat na nakadagan sa dibdib niya. Wala sa loob na hinaplos niya ang sinapupunan.
"Kailan mo balak sabihin sa akin?" mahinang tanong ng binatang doktor. Ngunit ramdam ni Leighana ang nakatagong galit sa ilalim ng tinig na iyon. "O, may balak ka nga bang sabihin sa akin?"
"I-i didn't know, either, Ziv. Believe me." nag-uunahan na sa pagpatak ang mga luha niya.
Thank God, her baby's safe. Hindi niya mapapatawad ang sarili niya kung may nangyaring masama sa anak niya nang dahil sa kapabayaan niya.
"Damn it, Leighana, you're a doctor. How come, you didn't notice the symptoms? Your menstruation... paanong hindi mo napansin 'yon? As early, as your first year in MedSchool, itinuturo na ang mga sintomas ng pagbubuntis. Paanong hindi mo alam?" sunod-sunod na tanong ni Ziv sa tinig na pilit na nagpapakahinahon.