Télécharger l’application
64.51% Schrodinger's Bane / Chapter 20: Chapter 19

Chapitre 20: Chapter 19

Xathieur's POV

Halos maguho ang mundo ko dahil sa narinig ko

Parang hindi nagsisink in sa utak ko yung mga narinig ko

Hindi naman siya pamilyar sa akin pano nangyari naanakan ko siya?

Hindi ko rin maalala kung nakipag one night stand ba talaga ako

Baka naman nirape lang ako niyan nung mga panahong naglalasing ako sa bar mag isa kasi broken hearted ako mula sa pang go-ghost sa akin ni Zoey

Ang daming tanong sa utak ko pero parang hindi ako makapag salita

Hindi ako naniniwala

Parehas lang kaming maputi nung bata anak ko na agad?

Nakaupo kami ngayon sa living room namin at magkakaharap

" Sigurado ka bang may nangyari sa atin? baka pinag samantalahan mo ako nung lasing ako " bungad ko sa babaeng Miley daw pangalan ba

" Bakit naman ako mag sasamantala sa lasing? " natatawang sagot niya

" Dahil kanasa-nasa naman talaga ako" simpleng sagot ko

Totoo naman kanasa-nasa talaga ako

Kaya hindi ako magugulat kung pinag samantalahan niya ako nung gabing 'yon kung tama nga ang iniisip ko

" Kung sa akin nga talaga 'yang bata ay mag papa dna test kami, kung magpositiv man ay pananagutan ko " nakita ko namang ngumiti siya

Bata pananagutan ko hindi ikaw

" Pero hindi ako makikisama sa'yo kung 'yan ang iniisip mo " agad namang nawala ang ngiti sa mga labi niya dahil sa sinabi ko

Sa tingin ko ay umaasa siyang papatusin ko siya kung magkataon nga na magpositive ang test

" Saka na natin pag usapan lahat pag may result na, bumalik kayo bukas magpapa dna test kami " sabi ko at tinignan yung bata bago dumiretso ng akyat sa kwarto ko

Kamalasan hindi ko pangarap maging binatang ama

Kasalanan 'to ni Zoey

Kung hindi niya ako ghinost ay hindi ako magpapakalunod sa alak at hindi ko rin maiisipang makipag one night stand

Edi sana ay hindi ako magkaka anak ng wala sa oras

Ang dami na ngang problema dagdag pa 'to

Hindi na ako magtataka kung sa mga susunod na araw ay mga naging babae naman ni Zayden nung panahong broken siya ang kakatok at may dalang bata na mga anak niya kuno

Bumaba ako ng maghahapunan na

Habang kumakain ay nag uusap usap sila

" Xath, sigurado ka bang hindi mo pakikisamahan yung babae kung mapatutunayan na anak mo nga sa kaniya ang bata? " baling sa akin ni Volker

" Hindi, ayaw ko " iling ko kaya napatawa siya

" Mukha naman siyang matino " gatong ni Gio

" May matino bang babaeng nakikipag one night stand sa hindi kakilala, at hindi pa gumagamit ng protection " kontra agad ni Astra

Nakwento ni Azure kanina na hindi maganda ang encounter ni Miley at Astra kaya siya ganiyan doon

Pero alam naming tama naman siya

Sino nga bang matinong babae ang makikipag one night stand sa hindi kakilala

Base rin sa sinabi ni Astra kanina ay hindi maganda ang ugali ni Miley kaya ayaw ko lalo siya pakisamahan

Masaya naman ako sa buhay kong laro laro lang sa paligid

Ayaw kong matali sa isang tao habang buhay, baka mawalan ako ng gana magpatuloy ma buhay at magpatiwakal nalang bigla.

Buong gabi kong iniisip ang nangyari

Hanggang ngayon ay lutang pa rin ako at para bang hindi ko pa rin natatanggap sa sistema ko 'yung sinabi ni Miley

Hindi talaga nag sisink in sa utak ko ang lahat

Kasabay din ng paglalim ng gabi ang paglalim ng mga iniisip ko

Katapusan na ba ng malikigayang ara sa buhay ko kung ama na nga ako?

Paano kung hilingin nung bata pag nag kaisip na siya na pakisamahan ko 'yung nanay niya, kakayanin ko bang magpatali?

Sobrang daming tanong na tumatakbo sa isipan ko ngayon

Para akong wala sa sarili

Hindi pa man lumalabas ang test ay ang dami ko na agad what ifs sa utak ko

Paano nalang kung lumabas ngang positive 'yon

Baka maparanoid na ako ng tuluyan

Pagtapos kumain ay dumiretso ako sa kwarto para maligo

Masyadong nakakapagod ang araw na 'to

Ang daming naganap na nakakawindang at ang hirap paniwalaan pero may katotohanan

Kailangan ko na matulog baka sakaling mahimasmasan na ako bukas kung matutulog ako ng matagal tagal

Pipikit pa lang sana ako ng may narinig akong galabog sa may gate yata namin nang galing puta

Pero dahil inaantok na nga ako ay pumikit nalang ako

Hindi pa man ako nakakatulog ay nakarinig na ako ng sunod sunod na putok ng baril kaya napabalikwas ako ng bangon

Kasunod non ay nakarinig ako ng mga humaharurot na sasakyan kaya nagmadali akong bumaba

Pagbaba ko ay saktong kababa lang din ng iba

Pero pansin ko ay kulang kami

Dumiretso kami sa may gate ay nakita ang sahig na may mga bakas ng bala at iilan pang bala na naiwan

Wala din ang sasakyan ni Rye, siguro ay hinabol niya ang mga 'yon kasama si Levi dahil wala din si Levi

" Tawagan niyo si Rye baka mamaya ay hindi niya kasama si Levi " sabi ko sa kanila

Si Gio ang nag-contact at mga ilang ring pa bago 'yon nasagot ni Rye

" Kasama mo ba si Levi? " tanong namin sa kaniya

" Oo " sagot niya naman

Nakakarinig din kami ng mga mura mula sa kanila ni Levi

" Mag ingat kayo ah "

" Oo tangina ng mga 'to ayaw pa huminto eh napapagod na ako " reklamo ni Rye sabay rinig namin ang paghampas niya sa manibela

" Rye lumiko sila doon "

Ilang sandali naming narinig na nag uusap sila Rye at Levi

" Rye i-eend na namin 'tong tawag mag ingat kayo susunod kami " paalam ni Zayden

At agad niyang ibinaba ang tawag

" Bantayan niyo si Ej isasama namin si Raven " paalala ni Volker bago namin iwanan sila Gio sa bahay

Apat lang kami nila Volker, Zayden at Raven

Habang nasa byahe kami ay biglang tumawag si Rye

" Palabas na sila ng boundary ingat " paalala niya sensyales na ang layo ng tinatakbo nila ngayon

" Wag niyong papatayin ang tawag " dagdag pa ni Levi

Halos paliparin ni Zayden ang sasakyan para maabutan namin sila Rye

Pero biglang nakabig ni Zayden ang manibela ng sumigaw si Levi mula sa kabilang linya

" RYE KABIGIN MO! "

Huling salitang narinig nila bago sila nakarinig ng pagsalpok ng sasakayan at naputol ang kabilang linya


next chapter
Load failed, please RETRY

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C20
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous