Télécharger l’application
20% ROYALEIGH ACRES ACADEMY / Chapter 4: RAA : The Devil Smile

Chapitre 4: RAA : The Devil Smile

"What?!"

Sa pagkakaalam ko, gusto kong mamuhay ng tahimik. Mag-aral ng mabuti para gumanda kahit papano ang buhay ko. Hindi ko kailanman pinangarap na sumali sa isang club na pwedeng ikapahamak ng buhay ko. Kahit nga sa dati kong school, hindi ako sumasali sa kahit anung club kasi ayokong sumakit ang ulo ko sa mga responsibilities bilang member. Ang gusto ko lang gawin noon ay magfocus sa academics para kahit papano matataas ang makuha kong grades.

"Margaux, I told you we don't need her here. She didn't even read the handbook. I'm sure she will just become a burden to this club."

Ahy teh, grabe! Nakumpirma ko na talaga na may masamang ugaling tinatago tong si Stefan. Lakas makainsulto na wala akong silbi at pabigat lang. Tusukin ko kaya yang mga mata niya nang marealize niya na ang sama-sama ng ugaling pinapakita niya sa akin. Akala naman niya sasali ako sa mga kalokohan nila dito. No way! Like capital N-O!

"But Stefan sayang naman ang offer ni Mrs. Ruiz sa atin, if we can't persuade Reine to join our club."

Matulis ang mga titig na pinukol sa amin ni Stefan sa sinabing iyon ni Margaux. Wait, sino naman si Mrs. Ruiz? At anung offer ang pinag-uusapan nila na kapalit ng pagsali ko sa club nila? Bakit parang pakiramdam ko kilala na nila ako before pa nila ako kinaladkad dito?

"Sino naman si Mrs. Ruiz?"

"Look Margaux, she didn't even know who Mrs. Ruiz is. Hindi man lang niya kilala ang taong nagpaaral sa kanya dito."

May halong pangungutya ang paraan ng pagkakasabi ng lalaki.

"Hello, wala naman kasi akong kilalang Mrs. Ruiz sa buong buhay ko. Ang alam ko si Mrs. Magdalene ang amo ni mama na nagpapaaral sa akin dito."

"Exactly, Mrs. Magdalene Ruiz, stupid."

What did he just say? I can feel the burning sensation of my blood flowing rapidly to my head and to some parts of my body. Kinuyom ko nalang ang kamao ko para mapigilan ang sarili. Sino ba siyang pagsalitaan ako ng ganito, ha? Sa buong buhay ko wala pang ibang taong nakagawa sa akin ng ganun kahit na ang nanay ko.

"Please Stefan, just be a little sensitive. Kailangan natin si Reine for the sake of the club."

Sabat ni Margaux nang mapansin na bumibigat na ang atmospera sa paligid.

"Look everyone, I don't care kung anuman ang offer na iyan sa inyo ni Mrs. Ruiz at ayoko na ding alamin. One thing is for sure right now, ayoko sumali sa club na ito. Period!"

Tumayo na ako at pinukulan ng masama at matutulis na tingin si Stefan na may tinitingnan na kung anu-anong mga papel sa table niya. Parang wala man lang siyang pake at hindi affected sa mga sinabi ko. Well mas lalo namang wala akong pakialam sa mararamdaman niya. Sinagad niya ang pasensya ko. Inayos ko ang pagkakasabit ng aking sling bag sa balikat ko at tinungo na ang pintuan.

"I'm sorry, Reine. You can call me if you'll changed your mind."

Dismayado ang mukha ni Margaux nang may inabot siya sa akin na calling card. Napatingin muna ako dito ng mga ilang segundo at pinag-isipan kung tatanggapin ko ba yon. Napaisip-isip ako na baka isang araw kakailanganin ko iyon. Tinanggap ko nalang ang maliit na card at nginitian siya.

"Thanks, Margaux."

Pagkakuha ko ng card ay walang lingon-likod na akong lumabas sa clubroom na iyon. Sobrang naiinis pa din ako sa pakikitungo sa akin ni Stefan. At napaisip din ako sa mga nalalaman ko sa school na ito. Tiningnan ko ang aking relo. Alas dyes y medya pa lang. Tumingin ako sa paligid. May mga iilang mga estudyante akong nakikitang nakatambay sa sa gilid, ang iba nama'y nakakasalubong ko, samantalang kapareho ko ng direksyon yung iba.

Bigla kong naalala kung anu ang meron sa araw na ito. Nanindig bigla ang mga balahibo ko sa katawan at nakaramdam ng kaba at takot lalo nang maalala ko kanina ang nangyari sa hallway na binangga ako ng isang estudyante.

Binilisan ko nalang ang mga hakbang ko at dumiretso sa classroom namin. Pagkarating ko sa room naming hindi na ako nagtaka na sarado ito at sobrang tahimik. Mabilis ko pinihit ang seradura ng pinto. Mabuti nalang at hindi nakalock iyon. Pumasok agad ako nang tuluyan ko na itong nabuksan at agad ding sinara. Nakahinga ako ng maluwag. Kahit papano safe ako dito. Hangga't hindi pa natatapos ang araw na ito, plano kung dito muna tumabay at pagnilayan ang lahat ng nangyayari at mga nalalaman ko. Isa pa, kailangan kong basahin ang handbook para maintindihan ang lahat.

Hinila ko ang isang upuan at nilapag ang bag ko sa isa pang upuang katabi. Binuksan ko muna ang aking bag at kinuha ang handbook. Buti nalang hindi ko ito iniwan sa dorm ko. Huminga muna ako ng malalim at inihanda ang sarili sa mga mababasa ko mula dito.

Hindi ko pa man nabuksan ang unang page ng handbook nang mapatigil at biglang nanigas sa kinauupuan. Pakiramdam ko kasi may nakatitig sa akin. Biglang sumalakay sa akin ang takot at kumakabog ng sobra sa kaba ang aking dibdib. Ayokong lumingon baka kung anu pa ang makita ko pero paano kung guni guni ko lang. Nilakasan ko nalang ang loob kong icheck ang buong paligid. Naimagine ko tuloy ang mga horror movies na pinanood ko dati tulad ng may babaeng nakaputi at natabunan ng mahabang buhok ang mukha o kaya'y babaeng naliligo sa sariling dugo at dilat ang mga mata na nakatingin sa akin. Idagdag pa na pinakita sa akin ni Stefan ang gurong pinagsasaksak ng estudyanteng bumangga sa akin kanina.

Handa na akong lumingon nang may tumikhim mula sa likuran ko.

Yikes!

Lalo akong nanigas sa kinauupuan ko. Multo ba iyong narinig ko? May multo bang tumitikhim? Mahabaging langit iligtas niyo po ako sa kapahamakan.

"Excuse me, Miss?"

Kung tama ang pagkakarinig ko, boses lalaki iyon. May tao nga sa likod ko. Hindi naman siguro ito multo, 'di ba? Walang multong nag-eexcuse me, eh. Hindi kaya isa ito sa mga estudyanteng gustong idistressed ang sarili at nananakit o pumapatay ng estudyante. Pero wala namana kong pinapastress na kapwa ko estudyante,ah.

"Bahala na nga.'

Lakas loob akong lumingon at sumalubong sa aking paningin ang isang lalaking nakaupo sa upuan ko na inuupuan ko kahapon. Kaya pala hindi ko siya napansin kanina nang pumasok ako sa nasa may bandang gilid kasi iyon.

Gulo gulo ang buhok nitong kulay reddish-brown at tila ba kakagising lang ang mapupungay nitong mga mata. Nakaputing polo shirt ito na medyo gusot. Pero malinis pa din tingnan kahit na parang hindi naliligo dahil may kaputian ito.

"Who are you?"

Lakas loob kung tanong kasi hindi ko napansin na isa siya sa mga kaklase ko na nameet ko lang kahapon.

"Jairus Devy Tyler."

Tumayo ito sa kinauupuan, sinampay sa balikat ang backpack nitong dala at lumapit sa akin na nakangiti. Kinilabutan tuloy siya sa mga ngiti nito na parang tulad ng mga ngiti ni Lucifer sa Lucifer Movie series na pinapanood niya. In short, parang devil smile. Idagdag pa ang mga mata nitong parang nakakatunaw kung tumingin.

"And you?"

Humila ito ng isang upuan na katabi sa akin at umupo ng nakaharap sa posisyon ko. Mas lalo tuloy akong kinabahan sa ginawa nito lalo na at hindi pa din maalis-alis sa mukha nito ang tila ba nakakalokong mga ngiti. Nagmukha tuloy itong demonyong timang.

"Ahmm... I'm Alexis Reine Casamere."

Pinipigilan ko ang aking sarili na mabulol para hindi nito mahalata na nanginginig yung boses ko sa kaba. Baka mapansin nitong natatakot ako sa presensya nito. Binalik ko nalang ang atensyon sa student handbook na nasa aking harapan para hindi nito mapansin ang nararamdamang takot at kaba ngayon.

Binuksan ko nalang ang handbook at pilit tinutok ang mga mata sa unang page. Pero tila ba nawawalan ako ng kakayahang basahin ang mga salitang nakaprinta doon dahil alam kong nakatutuok sa akin ang atensyon ng lalaking nakaupo sa paharap sa posisyon ko.

Baliw ba ang lalaking ito? Kahit na sobrang kinakabahan ako pero hindi ko kayang matiis ang ganito. Alam niyo ba yung feeling na ganito na hindi ka mapalagay dahil alam mong may nagbabantay sa mga kilos mo ng walang dahilan.

Wala akong ibang choice kundi salubungin ang kanyang mga tingin. Kaya iniangat ko ang aking ulo pero parang gusto kung matunaw nang masilayan muli ang kanyang mukha. Nakangiti pa din ito ng parang isang Psychopath pero kapansinpansin ang mga mata nito na tila ba kumikislap na nakatingin sa kanya.

"Is he crazy?'


next chapter
Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C4
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous