Twenty Two
Lovely POV
"Kwentuhan mo naman ako about diyan sa sinasabi mo?" sambit ni Mom habang nagbabalat ng prutas. Napatingin din ako kay Billy at ngayon ko nalang ulit siya nakita sa mga ganitong ngiti.
"Kasi Tita, I keep dreaming about this guy for almost a week. Liam, kilala mo naman po siya diba?" Tumango si Mom sa sinabi nito, ngunit napakunot noo ako. Sinong Liam? Siya ba yung lalaking pumunta dito, yung sinisisi ni Mom? Yung niligtas ni Billy sa accident?
"And we choose to transfer in State University, pati si Love sumama saakin." Tumingin siya saakin kaya ngumiti lamang ako. State University? Pero hindi kami nagtransfer, kung saan kami nag-first year doon na kami hanggang sa makatapos.
"And also Bryle broke up with her, diba Love?" Napapikit ako sa sinasabi niya. Bryle and I didnt broke up, he's deeply in love with me at imposibleng makikipaghiwalay saakin iyon.
"And I meet Liam again, alam niyo naman po kung ano ang pinagdanan namin diba?" Sobrang lawak ng kanyang mga ngiti na pati ako ay napapangiti na din. Napasulyap saakin si Mom at ngumiti din.
"And we choose to forgive and live well at huwag sisihin ang mga sarili, it is really a great happiness. Napapagod narin akong sisihin ang sarili ko sa mga nangyare. And he also confess to me that he likes me, but all of a sudden he disapeared." tumingin siya saakin. "All of you, dissapear." Bigla kaming natahimik.
Maya-maya ay biglang pumasok si Bryle, nagulat pa siya dahil nakita na niyang nakaupo na sa kama si Billy.
"Gising kana?" tanong niya rito, Kinunutan niya ito ng noo.
"How come? Diba hiwalay na kayo?" nagtatakang tanong niya. Nagkatinginan kami ni Bryle dahil sa sinabi niya.
"Kami ni Love? Break? No, we didnt." Mas lalong naguluhan si Billy sa sinabi niya kaya nilabas ko muna si Bryle at pinatahimik sandali.
~*~
Bigla akong kinabahan ng makita kong wala sa silid si Billy. Halos patakbo na akong nagtungo sa mga possible na lugar na naruon siya at laking pasasalamat ko ng makita ko siyang nakatanaw sa kalangitan habang nakaupo, nasa rooftop ito.
"Nandito ka lang pala." Hingal na hingal na tanong ko sakanya, nagtama ang tingin namin at tipid niya akong nginitian.
"Sorry hindi na ako nakapagsabi."
Tinabihan ko siya sa kanyang pagkakaupo at nagpahinga. Hinayaan ko siyang sariwain nito ang kagandahan ng lugar.
"I've been here for 2 weeks na, madami akong nakikitang unfamiliar faces, pero ang nasa isip ko lang ay ang alam kong nagaalalang si Liam."
Napalunok ako sa sinabi niya.
"Love." Hindi siya tumingin saakin habang tinatawag ang pangalan ko.
"Please, explain to me everything. Alam kong may alam ka kung anong nangyare saakin. Bakit ibang iba ang pinapakita niyo sa mga naaalala ko, why I keep seeing this memory na alam kong hindi naman nag-eexist. Why I choose to run away that wedding?"
Bigla akong kinabahan sa sinabi niya. At seryosong tiningnan siya.
"Billy, you are in deep sleep for 1 week, after the accident."
Kumunot noo siya. "Accident?"
"Ou, you've run away your wedding day at nalaman na lamang namin na nasa hospital ka na, base sa mga nakakita you are saving this man."
Natigilan siya at hindi makapaniwala sa sinabi ko. "So hindi panaginip yung napanaginipan ko, it is true?"
"Ang alin?"
"About that wedding and saving Liam."
Napatango ako. "It was also the reality"
Pigil ang kanyang ngiti at alam na alam ko ang lungkot sa mga mata niya, habang hinahayaan akong magsalita.
"And when youre asleep, lahat ng mga sinasabi mong nangyare, all of it was in your dream. Walang totoong nangyare doon." Biglang tumulo ang luha sa mga mata niya.
"All of it was in your imagination, maybe gumagawa ka ng sariling mundo where in you and Liam exist. Nagsisisi ka ba na hindi mo siya hinanap noon?" Hindi ito makapagsalita at hikbi lamang niya ang tanging naririnig ko.
"And we are not a college student, you are working in a magazine company as editor. All youve said, is not true, we didnt transfer school, I didnt broke up with Bryle and you didnt meet Liam." Niyakap ko siya ng mahigpit. Pati ako ay sinabayan ang bawat luhang nilalabas niya, pati ako ay nalulungkot na makita siyang ganito.
Kamakailan lang ay walang mapaglagyan ang sayang nilalabas ng kanyang mga mata habang kinukwento saamin ang mga nangyare at kung pupwede lang hindi pawiin ang mga ngiting iyon ay ginawa ko na, but this is the reality. Kailangan mong malaman.
And there is also someone waiting for you, all your explanation. Its Zared, your boyfriend.
And even me, I dont have any idea why you choose to run away that day? Is it because of Liam? Are you really in love with him?