Télécharger l’application
7.69% Regrettable Love / Chapter 4: Three

Chapitre 4: Three

"Kamusta ang trabaho?" kaagad na pambungad saakin ni Lovely pagkaupong-pagkaupo ko sa kama.

"Okay naman." isa-isa kong tinanggal ang suot kong medyas at itinabi ito sa sapatos.

"Nakapagpasa kana ba ng Schedule mo sa school doon sa pinagta-trabahuan mo?" tanong niya

"Uhuh..."Tinanggal ko ang pagkakatali sa aking buhok at pagod na humiga ng kama.

"Hindi ka maliligo?" anang niya ng mapansing naghahanda na ako sa aking pagtulog.

"Mamaya, konti, pagod pa ang katawan ko." after nun ay hindi na ako nakarinig pa ng boses niya. Ipinikit ko ang aking mata para ipagpahinga ito sandali ngunit dala na rin siguro ng pagod ay walang alinlangan akong nakatulog.

Well its been hard for me, almost 3 weeks na akong nagtatrabaho for my expenses at ang hirap kumayod. Mahirap. Kung sana buhay lang ang mga magulang ko, marahil ay hindi ko inaalala ang mga kakainin ko araw araw, I wish they are still alive.

Malungkot akong napabangon sa aking hinihigaan at natulala sa kawalan. Pinagmasdan ko ang mahimbing nang natutulog na si Love sa tabi ko. Biglang lumandas ang luha sa mata ko habang nakakaramdam ng pangungulila saaking mga magulang.

Nagtungo ako ng banyo para makapaglinis ng katawan, hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at kailangan ko pang maglinis ngunit, baka, nagbabakasali akong sa pamamagitan nito ay mawala ang bigat ng nararamdaman ko.

Pinagmasdan ko ang timbang dinadaluyan ng pagpatak ng tubig at sumasaby din dito ang aking matang naghihinagpis.

Napaupo ako sa sahig at hinayaang malunod sa sariling luha. I've been living my life in darkness. Hindi ko alam kung papaano ako makakawala sa bangungot na ito. Magigising sa gabi na kung hindi nangungulila ay natatakot naman.

Kailan ba ako magiging matatag para sa sarili ko? Kailan ko ba matatangap lahat?

Kailan ba ako titigilan ng mga ala-alang iyon?

"Billy, billy..." napabalik ako sa aking sarili ng marinig ko ang pagtawag na iyon ni Love.

"Oh." sagot ko.

"Okay ka lang?" Kaagad kong pinunasan ang luha sa mata ko at ngumiti sakanya. Pinagbuksan ko din siya ng pinto.

"Of course." mapag-panggap na sagot ko.

"B-Bigla ka kasing nawala sa tabi ko. Akala ko-" pilit ang ngiti kong ibinigay sakanya.

"Ano ka ba, okay lang ako. Maglilinis lang ako ng katawan." Matapos kong sabihin iyon ay iniwan na niya ako. Sinarado ko na lamang ulit ang banyo at naglinis na.

*

Pagkagising ko kinabukasan ay halos hindi ako makatayo. Biglang sumama ang pakiramdam ko.

"Okay ka lang?" tanong ni Love saakin.

"I don't know, masama ang pakiramdam ko." sagot ko sakanya.

"Ha? First day of school natin ngayon. Papasok ka ba?" Tumango tango ako sa sinabi niya.

"Sure ka?" paguulit niyang tanong saakin.

"Ou." Tuluyan na akong bumangon sa aking pagkakahiga at pilit na naghanda sa pagpasok. Nakaalalay saakin si Love papasok ng paaralan at napangiti ako doon.

"We will not be classmate in some other subject kaya hindi kita ganun ka masasamahan." tumango ako sa sinabi niya.

"Hindi mo naman ako dapat samahan sa lahat." nanghihinang sambit ko sakanya.

Kinuha niya sa kamay ko ang schedule na hawak ko at pinagtugma ang kanya.

"May mga classes tayo na pareha, kaya mamayang uwian. Hihintayin nalang kita sa gate ng school para sabay tayong uuwi." mala-awtoridad na sambit niya.

"Ano ka ba, hindi naman na kailangan." Tinap ko ang balikat niya. "Kaya ko, simpleng lagnat lang ito." Napailing-iling siya.

"No, hihintayin kita." Napahinga na ako ng malalim at walang magawa kundi ang sundin siya. Ibinigay niya na saakin ang bag ko at nakangiting nagpaalam.

"Uuna na ako..." napangiti na lamang ako habang pinagmamasdan siyang naglalaho sa paningin ko.

Huminga ako ng malalim at pinagmasdan ang building ng College of Business Addministration. Sinuri kong mabuti ang kabuuan nito at kahit nanghihina ay pinilit kong ihakbang ang aking mga paa para makarating sa klase ko.

Same building kami ni Lovely pero ang unang klase niya ay nasa first floor at ako naman ay 3rd floor. Bawat hagdan na nadaraan ko ay nakaka-kaba. Sanay naman ako sa ganito pero biglang kinabog ang dibdib ko at knowing pa na masama ang aking pakiramdam.

And finally, habang binabagtas ko ang 3rd floor ay mas lalo akong kinabahan. New face, new set of classmate and I am hoping na he's here.

Bawat estudyanteng nadaraanan ko ay may kanya-kanyang pinag-uusapan at nang nasa tapat na ako ng Room 305 ay mas lalong kumabog ang dibdib ko, napansin ko din na tahimik na ang buong klase. Nasa loob na ang professor.

Napansin niya ang presensya ko sa labas kaya nakita ko ang paglapit niya saakin.

"Excuse me are you new here? Did you belong in my class?" tumango ako sa sinabi niya at ipinakita ang class registration ko at schedule.

"Sige pasok ka. Tamang tama at I'm planning to get a person who will intoduced first, but since your new. You are the one." Ngumiti ako sa sinabi niya at sumunod sa pagpasok.

"Hi guys, I will call you "guys" now because you are not an elementary student, youre not an High School who will call me Ma'am, and youre also not a first year college to get the introduction of how college torture you." Nagtawanan ang buong klase sa sinabi niya. "Is that okay?" tumango tango kami sa sinabi niya.

"But you can call me Ms. Gonzalez because I'm still single." inemphasise pa ni Ms. Gonzales ang still single. Tago akong natawa sa sinabi niya.

"So since you will be introducing yourself to me, this beautiful girl will be the first. And for sure each of you are familiar to each other, right?"

"Yep." sagot nila

Masigla ang mga tingin ni Ms. Gonzales ng inilahad na niya saakin ang harapan. Ramdam ko ang mga tinging ipinupukol nila.

"Hi, Good Morning. I am Billy Christia Corpuz, 3rd year student, majoring marketing. I'm from Community College somewhere in Laguna but I hope its really nice knowing you all." narinig ko ang palakpakan saakin ng mga bago kong kaklase at pinaupo na ako sa kung saan ko gusto. Pero mas pinili kong sa likod lamang para hindi gaanong napapansin.

Natapos ang pagpapakilalang iyon. Nag intoroduction saamin si Ms. Gonzales about sa mga course and outline namin this semester.

Ngunit kaagad nabaling ang tingin ko ng may isang lalaking pumasok sa klase. Bigla akong kinabahan, biglang nandilim ang mata ko. Labis labis ang kabog ng dibdib ko sa presensya niya.

"Mr. Liam?" inilihis ko ang paningin ko sakanya.

"You're late. Again." Hindi ko na napansin ang ginawa niya at pinigilan ko ang mga luhang lumandas sa mga mata ko. Bigla akong nanahimik.

Natulala sa kawalan, and I know mas malala pa dito ang mangyayare saakin.

Biglang humangin ng malakas at sandali akong napasulyap sa kinaruruonan niya ngunit nahuli ko siyang nakatingin saakin.

Blanko ang emosyon, at naramdaman ko na lamang na may luha na palang lumalandas sa mata ko.

Kaya ko ba? Kaya ko bang harapin siya?


next chapter
Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C4
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous