Thirty Three
Malakas ang aking paghinga habang nagliligpit, halos lahat kami ay abala. Maya maya ay biglang pumasok si Sir Ver at pumapalakpak.
"Good job everyone, please pack up were going to have a Party tonight." Kaagad naghiyawan ang mga katrabaho ko dahil sa sinabi niya ngunit wala akong kainte-interes roon.
Sinubukan kong buhatin ang isang box na may laman nang puro mabibigat na gamit pero hindi ko makaya hanggang sa biglang sumulpot sa gilid ko si Liam at binuhat ito para saakin.
"A-Akala ko umuwi kana." Litanya ko sakanya.
"H-Hindi pa, hinarangan ako ng Boss mo. Sumama daw ako." Wala sa sariling sambit niya.
"Ha? Pero ako na diyan." Hindi niya padin ako pinansin, ang mga katrabaho ko ay nagbubulong bulungan na dahil sa kinikilos niya.
At sa tuwing may kukunin akong gamit ay mabilis niya itong inaagaw, siya ang naglilinis.
Mas lalo tuloy nag-iba ang tingin saakin. Napahinga ako ng malalim ng tuluyan na kaming lumabas sa Building, kasama ko parin si Liam at mabuti na lamang at hindi siya naka-Police Uniform ngayon dahil paniguradong paguusapan kami lalo ng mga tao, knowing na palagi siyang trending sa mga social media ngayon.
Nakasunod kaming dalawa sa nauuna kong mga katrabaho, hindi ko rin magawang magsalita dahil naiilang ako. At pakiramdam ko ang haba haba ng araw ngayon, ang daming nangyare. First is he kiss me and second things is about that interview.
I dont know kung paano ko pa siya papakitunguhan.
Naiilang akong napasulyap sakanya habang nahuli ko din siyang nakatingin saakin.
"By the way, Thank you." Basag ko ng katahimikan naming dalawa.
"If you didnt said Yes to me, alam na alam kong papagalitan na naman ako ng menapause kong Boss." Napangiti siya sa sinabi ko.
"Kaya ba youre so desperate na mapapayag ako?"
Tumango tango ako. "Ou, I love my job as well thats the main reason."
Nagsipasukan na kami sa Restobar na inukopa namin para lang saamin, hinayaan kaming umorder ni Sir Ver ng mga pagkaing gusto namin.
Sa harap ko pumwesto si Liam, napapagitnaan naman ako ni Liyan at John.
Kanina pa ako sinisiko ng dalawang ito at nagbubulong bulungan sa likod ko.
"Ma'am kanina pa kayo tinititigan ni Sir Liam, Ma'am" bulong bulong nila saakin.
Ou alam ko, kaya nga gumagawa ako ng paraan para lamang maibsan itong pamumula ng pisngi ko dahil alam na alam kong tinitigan niya ako. At hindi niyo naman kailangan ipaalam pa saakin ang lahat.
Napatingin kami lahat sa pagtayo ni Sir Ver at kinuha ang attention namin.
"Okay first of all, I would like to thank Mr. Perez for trusting us this Photoshoot, Our interviewer and Photographer. We promise to give you a good feedback about this magazine and to my employee who make this project possible Ms. Billy..." nagpalakpakan sa tabi ko si Liyan at John.
"And to the company who are there and investing with us. Thank you so much for the effort you've make. And then Lets start the party" halos lahat kami ay naghiyawan dahil sa sinabi ni Sir Ver.
There is always a time na gustong gusto ko si Sir Ver, when it comes to his employees, he didnt forgot to appreciate all that work hard at gusto ko siya when it comes to that.
He always thankful to us kahit na bugbog ng pangaral at pagalit kami sakanya.
Makalipas ang ilang minuto ay nagsisimula na silang mag-inuman, si Liam ay tahimik lamang na umiinom samantalang ako ay medyo natatamaan na.
Nagkanya-kanya narin ang iba kong katrabaho ngunit ang hindi makaya ng mata ko ay ang isa-isa nilang paglapit kay Liam at pag o-offer ng mga kung ano-ano para lamang mapansin.
Mapakla akong napangiti.
"Sir Liam ito po." May ibinigay na sisig si Divine habang walang magawa si Liam kundi tanggapin iyon.Psh!
Masama ko siyang pinagmasdan habang ngumingiti kay Divine, sinundan ko ng tingin si Divine na ngumingiti-ngiting bumalik sa mga kaibigan niya.
Sa sobrang pagka-inis ay pinuno ko ang basong hawak ko ng alak at mabilis na tinungga iyon.
Lumapit saakin si John at may binulong. "Ma'am, dahan dahan lang po." Nago-okay sign lamang ako sakanya at ibinalik na ulit ang tingin sa inumin ngunit sinalubong kaagad ako ng masamang tingin ni Liam na animoy may mali akong ginawa sa paningin niya.
Maya maya ay lumapit saakin si Sir Ver, ipinatong niya ang kanyang kamay sa magkabila kong balikat at bumulong din. Bigla akong napalunok dahil sa lapit ng mga mukha naming dalawa, sinulyapan ko rin ang mga kakaibang tingin saakin ng mga empleyado.
Kahit na natatamaan ako ay bigla akong kinabahan.
"My favorite Emplo-" hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin ng biglang ipinilipit ni Liam ang kamay nito.
"Ahhh, Ahhhh" daing ni Sir. Tumayo na ako at hinawakan ang kamay ni Liam.
"You are harrasing her..." galit na litanya nito. Napalunok ako sa inaakto niya, maging ang mga tao sa paligid ay natigilan.
"I-Im fine" sambit ko. Pabagsak niyang binitawan ang kamay ni Sir at mabilis na kinuha ang kamay ko at pwersahan akong hinila palabas ng Resto na iyon.
Dinala niya ako sa walang katao-taong parking Lot at padabog na binitawan.
"Whats your problem? Hes harrasing you at sasabihin mo lang na okay ka?" Tinitigan ko ang naghihimutok niyang mga mata.
Hindi ako nagsalita.
"Did he always do this to you?" Galit na naman na tanong niya. Ngunit hindi parin ako nagsalita.
"Tell me? Did he?"
"Why you're so concern Liam? If I tell you, Yes! Anong gagawin mo? Ipapakulong mo ba siya?" Natigilan siya sa sinabi ko at nagiwas ng tingin.
"Yes, ipapakulong ko siya." Mapakla akong napangiti.
"Why? Because of that? Tell me, are you jealous?" H-Hindi siya nagsalita. Tinitigan niya ako ng tagos na tagos.
Pinutol ko ang mga titig na iyon. "You shouldnt , Liam"
Pilyo niya akong nginitian na kinakunot ng noo ko.
"At ikaw hindi?" Napalunok ako sa sinabi niya.
Iniwas ko ang aking mga tingin sakanya, dahil baka mapa-amin ako sa oras na magtama ang mga tingin namin.
Tumalikod ako at hindi nagsalita ngunit maagap niyang hinila ang kamay ko.
"At ikaw hindi?" Paguulit niyang tanong saakin.
"H-Hindi, why would I be jealous? After this diba, wala na. We will not be seeing each other again."
"At sinong may sabi sayo?" Mas lalo akong natigilan dahil sa sinabi niya at pinaningkitan ko siya ng mata.
Hindi ko mabasa ang kanyang mga pilyong ngiti at tuluyan na niyang hinawakan ang aking kamay at iginaya papasok ulit ng Resto-Bar.
Bumalik na ako sa kinauupuan ko kanina at gayun din siya, nagkakasiyahan narin sa loob at ang mga kasamahan ko na ang kumakanta sa entablado. Masaya na ang buong paligid pero hindi ko padin mai-focus ang aking sarili rito dahil napapaisip padin ako sa sinabi niya.
Hindi nagtagal ay tumunog ang phone ko at iniluwa nito ang pangalan ni Bryle. Napatingin pa si Liam saakin, agaran kong sinagot ang tawag.
"Yes Bry"
"Billy kasama mo ba si Lovely? Kanina ko pa siya hindi makontak." Kagad akong tumayo at kinabahan.
"Nope." Dali-dali kong kinuha ang bag ko.
"Nasaan ka ba?" Tanong ko sakanya.
"Nag-away kasi kami kanina, nasa tapat ako ng bahay nila pero wala siya. Kinakabahan ako Billy..."
"Sige, pupunta ako diyan." Sagot ko at tuluyan ko ng pinatay ang tawag. Nagpaalam na ako kila Liyan habang kakaiba naman akong tiningnan Liam. Nagmamadali akong lumabas ng Resto-Bar ng may biglang humigit saakin at si Liam na naman.
"Saan ka pupunta? Sino yung tumawag sayo?" Kinunutan ko na siya ng noo dahil sa mga sinasabi niya.
"I'll have to go." Madiing bigkas ko.
"Answer my question first, Billy. Who is that?"
Hindi ako nagsalita at inalisa ko ang mga mata niya.
You. Are. Really. Jealous. Liam.