Télécharger l’application
Prince in the Other World [Romance] Prince in the Other World [Romance] original

Prince in the Other World [Romance]

Auteur: Lunaaaaa_

© WebNovel

Chapitre 1: 01

"Dakipin siya, wag na wag niyo siyang hahayaang makatakas. Wag na wag kayong babalik hangga't hindi ninyo kasama ang mahal na prinsipe!" dumagundong ang napakalakas na boses ng hari sa loob ng palasyo, nangangalaiting ibinato nito ang kanyang tasang hawak at naiinis na napaupo sa kanyang trono.

"Ano na ang kailangan kong gawin? Hindi ko na alam, lahat na ng alam kong paraan ng parusa ay naipataw ko na sayo, ngunit matatag ka parin at patuloy na sinusuway ang aking mga utos. Ganoon mo naba talaga ako kinamumuhian, mahal na prinsipe?" matatalim ang mga matang anas ng hari, nanghihina itong napabuntong hininga at sumandal sa kanyang trono.

Kinakailangan na niyang magisip ng pinaka magandang paraan para mapatino ang kanyang prinsipe. Hindi maaaring ganoon kapilyo niyang ihaharap sa lahat ng kanyang mamamayan ang prinsipe bilang susunod na hari ng bansang Hanyang. Ano nalang ang sasabihin ng mga ito sa kanya kung nakita nilang ganoon ang asal ng mahal na prinsipe?

"Mahal na hari, gusto niyo po bang ipatawag ko na si Baek?" magalang na tanong ni ministro Jang, nakayuko ito at dahan dahang nagpunta sa gitna ng hari. Tinitigan siya nito at napaisip, kung iyon nalang ang magiging paraan para magtino ang prinsipe, gagawin niya.

"Tawagin mo ang tagapag bukas ng kasalukuyan, Ministro Jang. Kailangan ko ng turuan ng leksyon ang, mahal na prinsipe. Dalhin mo siya sa aking silid, maguusap kami roon." ani niya, tumayo ito at nagsimulang maglakad papunta sa kanyang silid.

"Masusunod, kamahalan." yumuko ulit ang ministro at ng maka alis na ang hari ay siya naman ang umalis, inutusan ang mga kawal na kumuha ng ng isang kabayo at siya mismo ang magtutungo sa bayan ng casib upang kausapin ang tagapag bukas ng kasalukuyan.

"Habulin ninyo ako, napaka bagal ninyong kumilos!" natatawang saad ni Minseo, ang susunod na itinakdang hari. Napangiwi siya ng initake siya ng mga nagyeyelong kunai na mabilis naman niyang naiwasan, napakalakas talaga ng mga loob nila para atakihin siya. Paano nalang kung nadaplisan nga ang pisngi niya? kawawa naman ang napakagwapo niyang mukha.

Naiiling na kinontrol niya ang paligid. Pinatigil niya ang oras, ganoon narin ang hangin, ang pag galaw ng mga kawal na tinutugis siya, lahat lahat ay pinatigil niya. Hinihingal na napaupo siya at sumandal sa malaking puno, nagpahinga ito ng ilang minuto atsaka natatawang napatingin sa mga kawal na hanggang ngayon ay hindi parin gumagalaw.

Ang pinaka ayaw niya sa lahat ay ang hinahabol siya. Ilang beses narin niyang sinabi sa kanyang mahal na hari na ayaw niyang maging susunod na hari, ngunit sadyang mapilit talaga ito. Ang katuwiran nito ay siya lamang ang nararapat na umupo sa trono, ngunit siya si Minseo, kung anong ayaw niya ayaw niya, kung anong gusto niya gusto niya. Hinding hindi niya gagawin ang mga bagay na hindi niya gusto.

Natawa siya ng maalala ang itsura ng mahal na hari ng tumakas siya kanina mula rito, habang kumakain sila sa hapagkainan ay nagsimulang mag salita ang mahal na hari tungkol sa kanyang pagiging sunod na hari at ayaw niyang pakinggan iyon kaya agad siyang tumakbo paalis.

Maaari namang ang kanyang kapatid nalang na si Jun ang umupo bilang susunod na hari kaya bakit siya pa? Nakakabagot kayang umupo nalang buong maghapon sa trono, mag utos at walang ginagawa, ang aalalahanin mo lang ay ang bansa mo, at iyon ang ayaw niya.

"Nakatakda na ang mga nakatakdang mangyari." gulat na napatingin siya sa taong nagsalita sa gilid niya. Isa itong babae, nakatakip ang mukha at nakasuot ng napakahabang bestidang itim. "Sa pagtilaok ng manok, magbubukas ang sagradong pintuan patungo sa kasalukuyan, at kahit anong gawin mo hinding hindi mo iyon matatakasan."

Napakunot ang noo niya, "Anong mga pinagsasabi mo? at isa pa, sino ka para kausapin ako?" tumayo siya at kunot ang noong dahan dahang lumapit rito, napangisi siya ng mahalata niyang umiiwas itong makita niya ang kanyang mukha.

"Para sa kaalaman mo, hindi tipo ng isang makisig na lalaking kagaya ko ang mga babaeng misteryoso at walang lakas ng loob, kaya kung ako sayo tatanggalin ko na ang telang nasa iyong mukha upang makita kita." ani niya rito, ngumisi siya rito at isang matatalim na titig lang ang nakuha niya mula rito kaya napailing siya, matapang ang babaeng ito.

"Sobrang tanda ko na para sa iyong kaalaman, mahal na prinsipe."

Naningkit ang kanyang mga mata. Papaano nito nalaman na siya ang mahal na prinsipe? Siguradong ipapapatay siya kung malaman ng mahal na hari.

Pilit niya ring inalala kung may nakita naba siyang katulad nito, kakaiba kasi ang pananamit nito kaysa sa mga ibang babae na nakatira sa Hanyang, ang mga suot nila ay desente, makikita mo ang pagiging mayaman nila at talagang napaka ganda ng mga disenyo, pero ang babaeng nasa harap niya ngayon ay napaka misteryo.

"Saang bayan ka nakatira? Nalibot ko na ang buong bansa ng Hanyang ngunit wala pa akong nakikitang kagaya mo, atsaka bakit kaba nagtatakip ng tela sa iyong mukha? kulubot naba ang kutis mo o tatatlo nalang ang ngipin mo?" pang aasar niya rito.

"Ang mga immortal na may dugong makapangyarihan ay kailan man hindi kumukupas ang kagandahang taglay. Ngunit ang maipapayo ko lamang sa iyo, ay tanggapin na ang plano ng iyong amang hari na ipadala ka sa kasalukuyan. Wag na wag mong paplanuhing baguhin ang nakatakda dahil hinding hindi mo magugustuhan ang magiging kapalit kapag tadhana ang bumawi." saad nito, nagsimula itong tumalikod at maglakad palayo sa kanya.

"Sino ka para sabihan ako ng dapat kong gawin o hindi? Isa kang lapastangan!" sumigaw siya at akmang hahabulin pa ito ngunit bigla nalang itong naglaho. Nailing siya at napabuntong hininga, napakarami na talagang mga taong misteryoso.

Ngunit ano ang sinasabi ng babaeng iyon na ipapadala siya ng amang hari sa kasalukuyan? Hindi niya alam na meron pa lang kasalukuyan, o nagbibiro lamang ang babaeng iyon?

"Siguraduhin mong walang makaka alam na alam mong ako ang prinsipe. Kung hindi, tigok ka." natatawang ani niya habang nakatingin sa lupa kung saan nawala ang babae.

Napangiwi siya at agad na umalis na sa lugar na iyon, ng makalayo layo na siya ay agad niyang ipina walang bisa ang kapangyarihan niya upang makagalaw na ulit ang mga kawal.

°°°°°°°°

Nagtungo siya sa bayan ng Joseon kung saan marami siyang mga babaeng pinagsasabay sabay. Para saan pa't napaka gwapo ng mukha niya kung hindi niya pakikinabangan, hindi alam ng mga mamamayan ng Hanyang kung sino ang susunod na hari, walang nakaka alam ng kanyang itsura at pangalan. Sa oras na malaman ng kahit sino kung sino at ano siya, o ano ang pangalan niya, kamatayan ang parusa.

Siya ang susunod na hari, at walang nakaka alam non tanging ang hari, si Jun, ang mahal na inang reyna, at si Ministro Jang pati narin ang mga tauhan sa palasyo lamang ang nakaka alam. Nang nasa bayan na siya ng Joseon ay nagtungo siya sa isang espasyo kung saan nagaganap ang kasiyahan tuwing biyernes at tama nga siya, nagkakasiyahan na ang lahat ng mga taong naroon.

Nagtaka siya ng magtinginan ang lahat sa kanya at magbulong bulungan. Napataas ang isa niyang kilay at napabuntong hininga. Sobrang nakaka akit naba talaga ang kanyang itsura para ganon ang reaksyon nila? Sabagay, sanay na siya roon.

Pumunta siya sa loob at hinanap sina Wikyung, Huyan at Kwanghee ngunit hindi niya natagpuan ang mga ito kaya napabuntong hininga siya. Nasaan na kaya ang tatlong babaeng laruan niya? Ngayon lang lumiban sa kasiyahan ang mga iyon at talagang nakakapagtaka.

"Napaka malas na araw naman nito." bulong niya sa kanyang sarili at marahang nailing iling pa.

Agad na umalis na siya sa lugar na iyon, ngunit pagkalabas niya palang ay agad niyang nakita ang mga kawal na humahabol sa kanya kanina. Nagtago siya at itinakip ang maliit na tela sa kalahati ng kanyang mukha, nagpanggap na karaniwang tao lang at naglakad na parang wala lang.

Napapikit siya ng maalala ang kanyang damit. Hindi niya napalitan ang suot niya. Ito siguro ang dahilan kung bakit nagbubulungan ang mga mamamayan kanina. Siguradong makaka agaw ng pansin ang suot niyang matingkad ang kulay at presentableng tignan na puro mayayaman lang ang mayroon at may kayang bumili o magpagawa.

Napailing siya, ayaw na niyang umuwi pa sa palasyo mamayang gabi. Siguradong maraming nagbabantay na kawal roon, at marami naring nakapaikot sa kung saan saang sulok ng bansa para ipahanap siya. Sa dami ba naman ng kawal sa palasyo, idagdag pa ang mga kawal sa ibat ibang lugar ay tiyak mabilis siyang mahuhuli kaya napag pasiyahan niyang tumuloy nalang sa pinag kakakitaang silid ng ibang mamamayan, kahit wala siyang pera.

"May pera ka ba?" tanong sa kaniya ng may ari na agad naman niyang tinanguan.

"Siyempre naman, pinaplano ko ring kumain rito ng gabihan, pakidala nalang ang pagkain sa aking silid." ani niya rito, isang seryosong mukha ang ipinakita niya rito para malaman nitong hindi siya nagbibiro, kahit nagbibiro nga siya.

"Sabagay, mukha ka namang mayaman, napaka desente ng iyong suot at mukhang mamahalin. Sumunod ka sa akin." utos nito na siyang tinanguan niya, habang tumutungo sila sa magiging silid niya ay nagsalita pa ang ginang.

"Ano ba ang nais mong makain? Ilang araw ka rin ba rito mamamalagi?" tanong nito sa kaniya, may pagka masungit ang boses nito, napailing iling siya, ganito parin ba ito makikitungo sa kanya kapag nalaman nitong siya ang prinsipe?

"Kung anong meron kayo, ayos lang sa akin." saad niya, hindi na ito nagsalita pang muli.

Maya maya ay tumigil sila sa isang kuwarto, "Heto ang magiging silid mo, pag patak ng alas nuwebe dapat ang lahat ay nasa loob na ng kanilang kuwarto. Ayoko ng may nakikita akong pakalat kalat pa." ani nito, "Sige, silipin mo ang loob."

Tumango siya at binuksan ang kawayang pintuan, maganda naman at presentable sa loob, medyo masikip nga lang, "Ayos na ito. Salamat."

"Sige, mauuna na ako." nagsimula na itong maglakad papaalis at agad ring tumigil at humarap sa kanya, "Napaka gwapo mong lalaki, ngunit hindi puwede ang maingay rito, kahit gwapo ka pa. Ihahatid ko nalang rin ang magiging gabihan mo mamaya, hintayin mona lamang." ani nito at agad ring umalis.

Napasandal siya sa pintuan at napailing iling, natawa pa siya habang hinahawakan at hinahaplos ang kanyang mukha, "Napaka gwapo mo talagang binata, Minseo." huminga siya ng malalim at agad na pumasok sa loob.

Isinara niya ang pintuan at naglatag sa sahig pagkatapos ay binuksan ang bintana. Nanatali muna siyang nakatingin sa kalangitan kung saan makikita ang mga ulap, lumakas ang hangin at agad na pumasok iyon sa loob ng silid dahilan para lumamig at mamatay ang lampara na siyang natatanging ilaw niya.

Hindi nalang niya pinansin ang lampara at nanatili pa ring nakatayo at nakasilip sa bintana, mamaya na siya mag sisindi ng lampara tutal ay maaga pa naman. Napakaraming tanong sa kanyang isipan, at napakaraming hinanakit sa kanyang puso.

Ang mga mamamayan ng hanyang na nasa matataas na posisyon, sobrang napakasaya nila dahil nakukuha at nagagawa nila ang lahat. Samantalang siya, hindi. Kahit kelan hindi siya naging masaya.

Isa lang ang rason niya, gusto niyang mamuhay ng malaya. Hindi kagaya ngayon, tumatakas siya sa kanyang amang hari para lang makaramdam ng kalayaan pero kahit ganoon ay hindi niya parin maramdaman. Pakiramdam niya darating parin ang araw na kelangan niyang tanggapin kung sino at ano siya, kung ano ang tungkulin niya sa dinastiyang ito.

Napakaraming mga mamamayan ng Hanyang na gustong makuha ang puwestong meron siya pero heto siya, tinatakasan iyon. Bakit nga ba gustong gusto nila ang puwesto ng prinsipe o pagiging hari? dahil ba kontrolado mo ang lahat? dahil ba lahat ng utos mo ay masusunod?

Lahat man ng yan ay mangyari, siguradong ang puso mo, hindi masaya. Hindi ka makakaramdam ng kalayaan, sapagka't sa mundo nila, ibang iba ang pananaw ng mga kagaya nila.

'Sa pagtilaok ng manok, magbubukas ang sagradong pintuan patungo sa kasalukuyan, at kahit anong gawin mo hinding hindi mo iyon matatakasan.'

Pumasok sa isip niya ang sinabi ng babae kanina. Meron nga kayang kasalukuyan? Anong klaseng mundo naman ang meron sila? Katulad rin ba nila ang mga ito? may hari, may reyna, may prinsipe, may prinsesa, may kawal, maraming namamatay, at maraming nahuhusgahan sa mga bagay na hindi nila ginawa?

Sa mundo ba nila, may tinatawag na kalayaan? Dahil sa mundo nila, sakal na sakal na siya, pero pinipilit niyang baguhin ang mundo niya, pinipilit niyang baguhin ang nakasanayan niya at ang nakatakda.

••••••

Kilala siya sa palasyo bilang isang prinsipe na mapagbiro, palatawa, at napakalakas ngunit sa loob looban niya, sirang sira na siya. Dahil iyon sa mga desisyon ng kanyang amang hari, na hinding hindi niya susundin kailan man.

"Nakita niyo ba ang mahal na prinsipe?"

"Hindi po."

"Libutin niyo ang buong bayan ng Joseon, magtira ng kawal na magbabantay sa mga paligid pagkatapos ay libutin niyo rin ang bayan ng Gwangha."

Mabilisan niyang isinarado ang bintana ng makita ang ilang mga kawal sa labas, nagiwan siya ng kakaunting siwang at doon tinignan at pinakinggan lahat ng kanilang pinaguusapan.

"Kailangan nating mahuli ang mahal na prinsipe ng hindi nalalaman ng ibang mga tao. Umalis na kayo, ako na ang bahala rito."

Nanlaki ang mata niya sa sinabi nito lalo na ng pumasok ang kawal at kinausap ang babaeng masungit na may ari ng bahay. Mabilis niyang sinara ang bintana, naglagay ng tela sa kanyang mukha at binuksan ang pintuan, tumingin tingin muna siya sa paligid bago tuluyang umalis at naghanap ng malalabasan.

Ngunit huli na ang lahat, napakaraming kawal ang nakapalibot sa bahay kaya wala siyang nagawa kundi ang hulihin siya ng mga ito. Napakarami ring mga taong nakatingin sa kanila, sumisilip at nagbubulong bulungan.

"Napaka gwapo pa naman niya, kriminal pala."

"Paano mo naman nasabi iyan?"

"Ang sabi ng isang kawal ay nilapastangan daw ng lalaking iyan ang Hari kaya tinutugis."

Natawa siya sa mga narinig, ayaw nilang sabihin na siya ang prinsipe kaya ang sinabi nila ay isa siyang kriminal?

Nagpumiglas siya sa hawak ng kawal ngunit masyado itong malakas, kaya naisip niyang gamitin ang kapangyarihan niya laban rito ngunit maraming tao, tiyak na agad nilang malalaman na siya ang prinsipe kung ipinakita niya ang kapangyarihan niya.

"Ang lakas naman ng loob niya para kalabanin ang Hari. Nasa tamang pag iisip paba siya?"

"Sa tingin mo ano kayang ginawa niya?"

"Panigurado ay sinumbatan niya ang Hari, wala ba siyang galang?"

Nailing iling siya at tinignan ng matalim ang mga nagbubulong bulungan, napa atras ang mga ito at agad siyang sumigaw, "Ako ang prin... " mabilis na tinakpan ng isang kawal ang kanyang bibig at kinaladkad na siya paalis sa lugar na iyon.

Nagsimulang gamitin ng tatlong kawal ang kanilang katana, nagpapatama sa bawat punong nakikita nila na may kasamang dilaw na tela hudyat na ang lahat ay pumasok sa kanilang mga bahay at walang lalabas.

Agad na natakot ang lahat, nagsimulang pumasok sa kanilang mga bahay at nagsara ng mga pintuan at bintana.

Natawa siya at kinagat ang kamay na kanina pa nakatakip sa bunganga niya, "Alam mo ba kung gaano kaalat ang iyong kamay? Sa susunod na tatakpan mo ang bunganga ko gamit ang kamay mo ako mismo ang papatay sayo." seryoso at matatalim ang mga matang saad niya sa isang kawal, yumuko ito sa kanya at humingi ng paumanhin.

"Kayong dalawang nakahawak sa likod ko, nasasaktan ako. Baka kayo ang gusto niyong itali ko?" saad niya, umiling ang dalawa at pinaluwagan ang tali sa kanya kaya agad siyang napangisi. Sunod sunuran ang mga ito sa mahal na hari, hindi ba sila nagsasawa?

"Saan niyoko dadalhin?" tanong niya, sumagot ang pinaka pinuno sa kanila.

"Sa sagradong bayan, mahal na prinsipe." sagot nito sa kanya, napakunot ang noo niya.

"Sa Gyeongju? Anong gagawin ko roon?" tanong niya rito, alam niyang isang sagradong bayan ang Gyeongju. Hindi pa siya nakakapunta roon at walang mga taong nakatira doon.

"Hindi ko rin alam, mahal na prinsipe. Iyon ang utos sa amin ng mahal na hari." nang marinig niya ang mahal na hari ay agad siyang napabuntong hininga.

Hindi na siya nagsalita pang muli at sumunod nalang sa kung saan ang mga ito pumunta. Nang makarating sila roon ay napakaraming nagbabantay na mga kawal na nakapalibot sa buong bayan. Nagtungo sila sa isang silid at agad niyang nakita ang mahal na hari, si Jun, at ang mahal na inang reyna.

Agad siyang pinakawalan ng mga kawal at lumapit siya sa kinaruru unan ng mahal na prinsipe.

"Anong plano mo?" seryosong tanong niya sa hari.

"Mahal na prinsipe!" saway sa kanya nang mahal na inang reyna.

Natawa siya at inulit ang kanyang tanong, "Anong plano mo, mahal na hari?" tanong niya, mababakas ang pait sa tono ng kanyang boses.

"Nais kong sa kasalukuyan ka muna tumira, panandalian lamang iyon dahil ibabalik rin kita rito, ibabalik rin kita sa sandaling pupuwede ka ng umupo sa aking trono. Ngunit sa ngayon, ibibigay ko muna ang puwesto kay Jun." ani nito sa kanya.

Napatingin siya sa kapatid at yumuko ito sa kanya, "Makaka asa ka, mahal na prinsipe."

"Anong pinagsasabi niyong kasalukuyan, mahal na hari?" tanong niya rito, naguguluhan na siya. Tama ba ang sinabi ng babae kanina sa kagubatan?

"Ikaw ang mag paliwanag sa kaniya, Baek." utos ng hari sa lalaking nasa likod niya, yumuko ito sa hari at lumapit sa kanya.

"Ang kasalukuyan ay ang ibang mundo, mahal na prinsipe. Mananatili ka muna doon bilang kabayaran ng iyong mga kasalanan at ikaw ay makakabalik lamang kung desidido ka ng mapasaiyo ang trono."

Napangisi siya, kahit kelan hindi siya uupo sa tronong iyon. Hindi maaari, hindi pupuwede.

"Ganoon ba? Paano ako makakapunta sa kasalukuyan?" tanong niya rito, iminuwestra nito ang kanyang kamay at pinaupo siya sa isang upuan sa may gitna. Agad siyang umupo roon at lumapit ang dalawang kawal, tinalian siya ng kulay itim na tali at nagtungo ang lalaki sa harapan niya. Nasa likod nito ang mahal na hari, nakataas ang kamay habang matiim na nakatingin sa kanya.

"Pakiusap, mahal na prinsipe, magtino kana at ikaw ay babalik rin dito." saad ng mahal na hari, nagsimulang magsalita ng kung ano ano ang lalaking nasa harapan niya, may kung ano itong binabasa mula sa libro.

Isang ngisi ang pinakawalan niya bago siya unti unting pumikit hanggang sa maramdaman niya na may kung anong humihila sa kanyang katawan.

"Hanggang sa muli, mahal na prinsipe."


next chapter
Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C1
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous