Jema POV
Naramdaman ko ang pag galaw ni Deanna sa aking tabi, sinyales na gising na ito mula sa kanyang pagtulog. Ngunit masyado pa yatang mabigat ang mga ko para imulat.
Napangisi ako sa aking sarili, mabuti pa siya. Ang sarap ng tulog niya. Eh ako?
"AAAAHHHHHHHHH!!!" Sigaw nito sa akin bago ako itinulak papalayo sa kanyang katawan.
"Hmmmmm." Pag ungol ko at mas lalo pang nag sumiksik sa kanyang katawan. Ipinatong ko rin ang aking kanang kamay sa kanyang tiyan at ang isang binti ko naman ay nasa kanyang mga binti. "Five more minutes." Wika ko bago ibinaon ang aking mukha sa kanyang leeg.
"A-anong ginagawa mo dito? Atsaka...paano ka napunta rito? Diba dapat na sa kama ka?" Natataranta na tanong nito sa akin bago pwersahang babangon na sana ng pigilan ko siya.
"Shhhhh! Ang ingay mo! Kapag hindi ka tumahimik diyan i-momorning kiss kita. Sige ka." Pagbabanta ko sa kanya. Sandaling natahimik naman ito ngunit muli na namang nagsalita pagkaraan ng ilang segundo.
"K-kailangan mo ng bumangon Jema. Mag-aasikaso pa tayo sa pag pasok." Napa ungol akong muli dahil sa inis. Naman oh! Inaantok pa 'yong tao eh.
Napahinga ako ng malalim bago tuluyang iminulat na ang aking mga mata. Habang siya naman ay mabilis na napabangon mula sa pagkakahiga at tuluyan na ngang napatayo upang makalayo sa akin. Tinignan ko lang naman ito ng masama bago napakamot sa aking ulo.
Napangiti ito sa akin. Ako naman, tinarayan ko lamang ito atsaka muling hihiga na naman sana nang bigla ako nitong buhatin at inihagis sa kama. Mabuti na lang eh may foam kahit papaano ang kanyang kama, hindi ako masyadong nasaktan sa kanyang ginawa.
Mabilis na napatingin akong muli sa kaya habang tatawa-tawa itong nakatingin sa akin. "You!" May pagturo na sabi ko sa kanya. "Inaantok pa 'yong tao, ang aga aga mong magising."
"Tsk!" Wika nito gamit ang kanyang dila. "Kasi ho, mahal na Prinsesa. Wala ho tayong katulong dito. Hindi katulad sa inyo na may maghahain at may maghahanda ng pagkain para sayo." Sabi nito.
"Dito, kailangan mong magising ng maaga upang pagsilbihan ang sarili. " Dagdag pa niya bago tumalikod na at kumuha ng isang malinis na tuwalya mula sa kanyang closet. Ini-abot niya iyon sa akin.
"Mauna ka ng maligo, habang naliligo ka eh magluluto na muna ako ng ating agahan." Inuutusan ba ako nito o ano?
"Hindi kita inuutusan. Okay lang naman sa akin kung ikaw ang magluluto at ako na ang mauunang maligo." Kaagad na sabi nito na tila ba nababasa ang nasa isip ko.
"Sabi ko nga. Ako na ang mauunang maliligo." Sagot ko rito bago napatayo na mula sa kama at kumuha ng sarili kong towel mula sa aking maleta.
Nauna na itong lumabas ng kuwarto habang ako naman ay ngingiti ngiting nakabuntot sa kanya pababa ng hagdanan. Akalain mo 'yon? Para na pala kaming mag-asawa dahil sa iisang bahay nalang kami, iisang kuwarto, ipagluluto ako nito ng makakain at sabay pa na papasok sa school.
Ayos diba?
Pagkatapos kong maligo ay si Deanna na ang sumunod na gumamit ng banyo. Hindi ko pa namataan pa si Aling Lucy. Marahil maaga nga itong umalis para pumasok sa trabaho. Hindi na rin ako sinabayan pa ni Deanna sa pagkain ng agahan dahil nauna na raw itong kumain. Kaya ang ending, kumain ako ng mag-isa. Nakakinis siya!
"Hindi man lamang ako hinintay o sinabayan. Hmp!" Bubulong bulong na sabi ko sa sarili. Habang naghihintay kay Deanna dito sa labas ng bahay. Nauna na akong lumabas dahil mas gusto kong lumanghap ng sariwang hangin.
Sobrang inaantok pa talaga ako. Ikaw ba naman ang pagpiyestahan ng mga lamok at take note ha, ang ingay ingay pa nila. Kulang nalang pumasok sila sa loob ng tenga ko. Pero si Deanna, ang sarap sarap parin ng tulog at hindi man lamang nakakaramdam na mayroong pumapapak sa kanya.
Ang lakas pang humilik. Sabi ni inner self.
"Pffftt!" Pigil ang tawa na napakagat ako sa aking labi noong maalala ko kung gaano ito kalakas humilik. Grabe! Hindi niya talaga ako pinatulog kagabi.
Napapikit ako sandali habang naghihintay parin sa isa. Anong oras kaya siya matatapos sa kanyang ginagawa sa loob ng bahay? Tss!
Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakapikit noon habang nakasandal sa may pader ng kanilang bahay, malapit sa pintuan. Basta noong sandaling iminulat ko na ang aking mga mata ay nakatayo na si Deanna sa aking harapan habang nakatitig sa aking mukha.
Agad itong napa iwas ng tingin bago napatikhim. Hindi rin nakaligtas sa akin ang pamumula ng kanyang magkabilaang tenga, sa naka ponytail kasi ang hanggang balikat na buhok nito kaya kitang kita ko.
Tinititigan ba niya ako habang nakapikit kanina? Hindi ko maiwasan na hindi iyon maitanong sa aking sarili.
"Hindi pa ba tayo aalis? Malapit na tayong malate." Wika nito bago napatalikod na sa akin. Ako naman, hindi ko mapigilan ang hindi mapangiti ng nakakaloko habang pinagmamasdan siya.
Hmmmm. I smell something fishy. Sabi ko sa loob ko.
"Anong nginingiti-ngiti mo diyan?" Tanong nito sa akin nang muling mapalingon sa aking kinatatayuan.
Mabilis akong napailing rito bago nagtungo sa aking kotse na naka parada lamang sa harap ng kanilang bahay. "Nothing." Sagot ko sa kanya bago binuksan ang pintuan ng sasakyan. Umikot ito sa kabila at doon sumakay na rin sa passenger seat.
Habang binubuhay ko ang makina ay nahuli ko itong muli, na napa sulyap sa aking mukha. "May dumi ba ako sa mukha?" Pagtataray tarayan ko rito. "O baka narerealize mo na ngayon kung gaano ako kaganda." Pabirong dagdag ko pa.
Kaagad itong napaiwas ng tingin sa akin bago napatingin sa labas ng bintana. "Ang assuming lang." Bulong nito sa sarili.
"Ano kamo?" Hindi ko kasi nadinig dahil masyadong mahina.
"Walaaaa. Ang sabi ko, tara na dahil malalate na tayo." Pag-iiba nito ng topic atsaka muling ibinalik ang mga mata sa labas ng bintana.
Nakapagat akong muli sa aking labi upang pigilan ang kilig na nararamdaman. Pagkaraan ng ilang minuto ay narating na nga namin ang University. Magkasabay kaming muli na nagtungo sa aming first class, habang pinagtitinginan ng maraming estudyante na aming nakakasalubong.
Pagdating sa loob ng classroom ay panay ang hiyawan ng aming mga kaibigan at kaklase. Kumalat kasi sa buong University ang pag-uusap namin kahapon ni Deanna tungkol sa paglipat ko sa kanila. Bagay na hindi ko na ngayon maitatanggi lalo na at sabay pa kaming bumaba mula sa loob ng aking kotse.
Napapailing na lamang ako habang nakatingin sa mga ito. Habang si Deanna naman ay clueless parin na nakatingin sa kanilang lahat. Hinawakan ko ito sa kanyang braso bago iginala papunta sa kung saan kami dapat naka pwesto.
Lumipas pa ang tatlong oras, at sa wakas, natapos din ang tatlong klase na meron kami. Sakto ng tumunog ang bell, lahat ng aming mga kaklase ay kaagad na nagtayuan na, 'yong iba naman ay nagsimula ng nagsilabasan mula sa loob ng classroom para kumain ng kanilang panghalian.
Nauna na rin ang aking mga kaibigan, nag-inat ako bago napapikit pa. Muli ko na naman kasing akong naramdaman ng matinding antok. Inaasar pa nga ako kanina ni Kyla na mukha raw akong Zombie dahil sa lalim ng aking mga mata.
Sino ba naman kasi ang makakatulog ng maayos kung bawat pag galaw mo ay marami kang lamok na maririnig? Isama mo na iyong katabi mong parang tambutso sa ingay ng bibig habang natutulog. Tss!
Sakto pagmulat ng aking mga mata ay nahuli ko na namang nakatingin sa akin si Deanna. But this time, hindi na ito kumurap pa o napaiwas ng tingin mula sa akin.
"Ehem!" Pag tikhim ko bago napaiwas ng tingin mula sa kanya. Ako pa yata ang namula ang pisnge dahil sa mga titig niya. Ano bang problema niya? Kanina pa siya tingin ng tingin sa akin. Sa lahat ng klase namin ngayong umaga, panay ang pag sulyap nito sa akin. Akala niya siguro hindi ko napapansin.
"Kanina ka pa ha." Sabi ko sa kanya bago na meywang. "Kanina ka pa tingin ng tingin sa akin." Bago ako napatayo na mula sa pagkaka upo habang buhat ang aking bag at nagsimula ng lumabas mula sa loob ng classroom. Kaagad din naman itong sumunod sa akin.
Napatawa ito. "Bakit ba? Masama bang tumingin sayo?" Ganting sagot nito sa akin. Aba't sumasagot pa talaga.
Napataas ako kilay. "Hindi. Sinabi ko ba?" Muling pagtataray tarayan ko sa kanya, ngunit konti nalang ay bibigay na ako at tuluyan ng mapapangiti dahil sa cute nito kung sumagot sa akin.
"Nakakainis ka lang kasi." Nakangusong sabi ko rito bago napayuko ngunit nagpatuloy parin sa paglalakad.
"M-may nasabi ba akong mali para mainis ka sa akin?" Inosenteng tanong nito habang mayroong concern na expression sa kanyang mukha at mga mata.
Napahinga ako ng malalim. "Naiinis ako sayo kasi ang hina mong maka pick-up. Akala ko ba matalino ka?" Malapit ng maubusan na pasensya na sabi ko rito.
"A-ano bang pinagsasabi mo diyan?" Natatwa na tanong nito sa akin. "Chill, baka kulang lang yan sa tulog." Dagdag pa niya bago napatingin sa paligid dahil pinagtitinginan na kami ng iilang estudyante.
Napa irap ako. "Gusto ko kasi, PATULAN mo na ako." Bigay diin ko sa sinabi dahilan para matigilan ito sa paglakad. Nagtatanong ang mga nitong napatitig sa aking mukha. "Kailangan ko pa bang ulitin 'yong sinabi ko? Ghad!" Pilosopo na tanong ko sa kanya.
"Ha? A-ano ba kasing ibig mong sabihin? Diretsahin mo nga ako" Kunot noo na tanong nito sa akin. Napa face palm ako.
"Argghh! Nevermind." At tuluyan na nga akong nainis rito habang nagpapadyak.
"Alam mo? Sa lahat ng tao rito, ikaw nalang ang hindi pa nakakakita na gusto kita. Hindi ko alam kung manhid ka ba o nagmamanhid manhidan lang. Dyan kana nga!" Inis na singhal ko rito bago siya tuluyan ng tinalikuran para mag walk-out.
Nakakainis na kasi! Minsan iniisip ko, siguro kailangan ko pa siyang halikan para lang matauhan. Para lang malaman nito na gustong-gusto ko siya.
Nagtatakang napapatingin sa akin ang aking mga kaibigan ng makarating ako sa Cafeteria at naupo sa aming lamesa. Wala sa kanila ang gustong kumausap sa akin, alam kasi nila kapag naiinis ako hindi nila ako makakausap ng maayos.
Napasulyap ako sa may entrance at nakita roon ang kadarating lang na si Deanna habang nakatingin sa akin, directly. Iyong tingin na para ba itong nahuli sa isang kasalanan at hindi alam kung papaano hihinge ng tawad. Hmp!
Hindi niya ako madadaan sa ganyang tingin, unless nalang kung naiintindihan na nito ang pinagkaiba ng salitang gusto ko siya bilang kasintahan at gusto ko lang siya bilang kaibigan.
Deanna kasi eh. Manhid manhidan. Hahahahahaha