Nagising si Faith nang maramdaman ang pag vibrate ng phone niya sa bulsa. Natingnan niya na rin ang oras. Alas nueve pa. Di niya kilala ang number na yun. Sinagot nalang niya ito dahil tumatawag uli.
Nakadapa siya at nakatagilid ang mukha. Konting galaw lang sa pasa niya sa noo ay sumasakit na ito. Ramdam niya pa ang bukol niyon.
Hinintay niyang unang magsalita ang nasa kabilang linya.
"H-hello?" Utal pang bati ng boses lalaki.
"Oh." Hindi interesadong sagot niya. Nakapikit uli ang mga mata dahil mabigat pa ang kanyang ulo.
"Is this Ms. Faith Fajarah?" Pormal na tanong nito.
Bahagyang nagulat si Faith. Pero nakapikit pa rin siya. "Speaking."
Rinig niya ang pagbuntong-hininga ng lalaki. "Where are you right now?"
"Sino ka ba?" Pabalang niyang tanong.
"Si Raimer to."
Tama nga hinala niya. Medyo nahimigan na kasi niya sa boses.
"Pano mo nalaman number ko? San mo nakuha?"
"Sa school. Don't worry, number lang yung inalam ko."
Medyo napanatag siya nang marinig na number lang niya ang inalam nito.
"Bakit? Anong kailangan mo?"
Naaantok na siya uli.
"Nasan ka?"
"Bahay." Mahina niyang sabi.
"Pwede lumabas ka muna? Saglit lang. May ibibigay ako sayo."
Naghikab pa siya bago sagutin ito. "Ha? Anong lumabas?" Naiirita niyang tanong. Gusto na niyang matulog uli.
"Nasa labas ako ng boarding house nyo."
Agad nagmulat ang mata ni Faith at parang nawala agad ang antok niya. "Ano?!" Gulat niyang tanong.
"Nasa labas ako ng boarding house nyo." Ulit ng kausap niya.
"Anong ginagawa mo diyan?" Bumangon na siya kahit mabigat pa ulo niya at katawan.
"May ibibigay nga ako sayo."
"Pano mo ba ako natunton?" She stretched a bit. Tumayo siya at naihilamos ang kamay sa mukha.
"I'll explain if you get out of there."
Bumuntong hininga siya at tumayo na. Kita niya ang bata sa sahig nakaupo.
"Fine." She said and hung up. Inis niyang tinapon ang de keypad na phone sa kama at nagsuot ng tsinelas panlabas. "Ito ba yung panganib na sinasabi mo?" Tanong niya sa bata.
Umiling lang ito.
"Tsk. Okay." Lumabas na siya.
Isasara na sana niya ang pinto pero humabol pa yung bata.
"Sama ako." Walang emosyong sabi nito na nakatingala sa kanya. Iniwan nito ang bola sa sahig.
Nakadungaw siya dito. Nakipagtitigan. Pareho silang walang emosyon sa mukha.
"Tara." Saka niya niluwagan ang pagbukas ng pinto para makalabas ito. Sinara niya din yun.
Nauna siyang naglakad at nakasunod lang ang bata.
Paglabas ng gate ay nakita niya agad ang isang kotse. Bumukas ang pintuan at lumabas si Raimer. Presko na ang itsura at kahit di pa nakakalapit sa kanya ay amoy na niya ang pabango nito. Mayayaman nga naman. May bitbit itong isang malaking cellophane. Hinintay niya ang paglapit nito.
Ramdam niyang nakatago ang bata sa likuran niya.
"Pano mo nalamang dito ako nakatira?" Bungad niya dito nang nasa harap na niya ito.
"Good morning. How are you feeling?" Nakangiting bati nito na parang di pa narinig ang tanong niya.
"Pano mo nga nalaman?" Pagpupumilit niyang tanong.
"Same way as I got your number. So how are you feeling?" Maliwanag pa rin ang mukha nitong nakangiti.
Hindi siya sanay sa nakangiting anyo na Rain dahil ang kaluluwang Rain ay halos kasing sungit niya.
"i'm fine." Maikling sagot. "Anong kailangan mo? Don't tell me ibabalik mo ko sa ospital." Taas-noong sabi niya na parang nanghahamon pa.
Raimer chuckled. Magaan ang tawa nito. "No. Don't worry. I won't do that. And I understand. Ganyan din katigas ang ulo ni Rain so sanay na ko sa mga matitigas ang ulo." Nakangiti na naman ito.
Mataman lang siyang nakatingin dito. Hanga din siya sa taong to. Madali pa rin dito ang sumaya kahit na nakakamatay ang nangyari sa kanilang magkambal. Hindi gaya niya, parang namatay na ang kalooban dahil sa kanyang nakaraan. Mas mabigat pa rin kasi ang nangyari sa kanya kesa dito. Mas malagim at mas nakakamatay.
Tumikhim siya at iniwas saglit ang paningin dito. "So, why are you here?" Naiilang siya sa pagkamasiyahin nito.
"For this." Itinaas nito ang dalang plastic bag na may kasamang malaking ngiti.
Kumunot ang noo niya. "Nu yan?"
Ibinaba na nito ang bitbit. "For you. Mga kailangan mong inumin para mawala ang sakit ng ulo mo. Kasama na rin diyan food suplements para sa kalusogan mo. With fresh fruits na din." Hindi nawawala ang ngiti sa mga mukha nito.
Mas lalong kumunot ang noo niya. "Bakit?"
"Ha? Anong bakit?" Nagtataka na ding tanong ng binata.
"Bakit mo ginagawa to? I'm not your responsibility."
"Because you're my friend."
"Did i agree to it already?"
Natahimik ito at nawala ang ngiti sa mukha. Bumuntong hininga at tumingin uli sa kanya.
"Okay. But please, can't you just accept this?" He gave her a tiny smile.
Nag-isip pa siya. Mataman niya itong tinignan at bumaling sa bitbit nito. Nilahad niya ang kanyang kamay.
Agad bumalik ang masiglang ngiti ng binata at binigay sa kanya iyon. "Thank you." Sabi pa nito.
Tumitig siya sa nakangiting mukha nito at natawa bigla. "Ako dapat ang magsabi non. Thank you."
"Nah. Thank you dahil tinanggap mo."
"No, thank you for giving me this."
"You're welcome."
Saglit silang tahimik na nakatayo pareho. Bahagyang nakakailang ang katahimikan sa kanila.
"Ito lang ba ipinunta mo?"
"Para din kumustahin ka. At ito.." May kinuha ito sa bulsa na piraso ng papel at inabot sa kanya. "Instructions yan ng pag take mo ng gamot. Pati mga dapat mong kainin kung ayaw mo mag magfood supplement or vitamins."
Hindi na tiningnan ni Faith ang papel. Nilagay na niya yun sa bulsa.
"Sobra-sobra na ang ginagawa mo. Ang kabaitan mo sakin. Though hindi ko hinihiling sayo to. Salamat." She gave him a small smile.
Tumawa si Raimer. "Napangiti din kita."
"Wag mo ko masyadong pangitiin." Sinalubong niya ang tingin nito ng deritso at seryuso. "Baka mainlove ka sakin." Sabi niya na hindi na nag-iisip.
Napanganga naman si Raimer at napatitig nalang sa kanya. Halatang nagulat ito sa narinig.
Gusto ng mangiti ni Faith sa itsura nito. Tumalikod na siya at hinayaan na itong nakatayo sa labas. Pumasok na kasi siya sa gate. Bago niya sinara yun ay nakita niya pang sinundan nalang siya nito ng tingin na may ngiti pang humahanga.
Habang paakyat ay saka na niya hinayaan ang sariling ngumiti sa nangyari. Nakakatawa talaga ang pagkagulat nito sa narinig mula sa kanya. Di niya alam bakit nasabi niya yun.
Nang nasa tapat na siya ng pinto ng kanyang kwarto at bubuksan na ito ay bumaling muna siya sa bata. "Dito ka pa rin ba?" Mahinang tanong niya.
Tumango lang ito.
Binuksan na niya ang pinto at pinauna ang bata saka siya pumasok. Ni lock niya yun bago humiga sa kama. Saka niya naramdaman ulit ang pagod sa buong katawan. Tumingin uli siya sa bata at tinitigan ito. Sa sahig lang to nakaupo at nakatingin din ng deritso sa kanya.
"Wag mong ipagkalat na nakakausap at nalalapitan mo ko ha." Umpisa niya.
"Alam ko po, ate." Sagot agad nito.
"Wag mo rin masyadong ubusin ang lakas ko. May trabaho pa ako mamaya."
"Po?" Kunot-noong tanong nito.
"Wag mong higupin ang lakas ko. Wag ka magfocus sakin."
"Po?" Halatang wala talaga itong naiintindihan sa mga pinagsasabi niya.
Bumuntong hininga siya. "Mamaya ko na nga lang ipapaliwanag sayo." Tumalikod na siya dito at nagpahinga uli.
"Yow, bro.." Bungad ni Kent sa tawag ni Raimer. Nasa tapat pa rin siya ng boarding house ni Faith. Pero nasa loob na siya ng sasakyan niya.
"Bro, kailangan ko kayo makausap." Seryusong usal niya.
"Sige. Mamaya. During lunch. Lalabas kami ng school. San tayo magkikita?"
"Don tayo sa Ribs & Bibs."
"Ge bro. Walang problema. Ako na magsasabi sa kanila."
"Sige." He said at tinapos na ang tawag.
He needs their help tungkol sa balak gawin ng parents niya na pakialaman ang buhay ni Faith.