Télécharger l’application
84.21% Paalam Muna Sa Ngayon / Chapter 16: Chapter 16 - JOSH AT RACHAEL

Chapitre 16: Chapter 16 - JOSH AT RACHAEL

Lumapit ang binata at tumayo sa itaas ng hagdan habang pinapanood ang dalaga na masayang nililibot ng tingin ang kabuuan ng balkonahe na ngayo'y pinalalamutian ng mga nagkikislapang mga ilaw. Ngumiti si Rachael sa kanya, at habang ang binata naman ay naupo sa itaas na bahagi ng hagdan upang doon hintayin ang paakyat na dalaga.

Bago pa man tuluyang pumanhik si Rachael ay iniabot nito sa binata ang dala-dala isang paper bag ng pagkain.

" Binili ko to sayo. Baka kako gutom ka na sa paghihintay." Alam kasi niya na hihintayin ni Josh ang pag-uwi niya.

"Salamat." Nakangiting wika ng binata. "Lika kain ka rin." yaya rito ni Josh.

Ngumiti lamang ang dalaga at umayat ito upang maupo sa kanyang tabi.

"Salamat ah... ang ganda ng mga ilaw." pagkabanggit  nyon ni Rachael ay sandali itong nanahimik bago pa muling nagsalita, "Matutuwa niyan si Elijah."

Sumeryeso si Josh nang mga sandaling iyon. At nagtanong, "Kumusta siya?" Halos pabulong ang boses nito.

"Ayos naman. Baka bukas pa kami makakauwi." Sagot ni Rachael sa pagitan ng pagbuntung-hininga.

"Matagal nakong di nakakaramdam ng takot... ng kaba..." medyo basag ang boses ni Josh nang nagsasalita, "... hanggang kanina."

Tumingin sa kanya ang dalaga na tila naaawa. Diretso lamang ang tingin ni Josh sa kawalalan.

Ang binatang ito, na kanyang katabi, ay puno ng takot sa kalagayan ng kapatid. Naisip ni Rachael. Ganoon pala yun. Ganun pala ang pakiramdam ng may karamay... ng may kakampi. Halos gusto tuloy niyang yakapin si Josh sa mga oras na iyon. "Salamat, Josh." Iyon lamang ang tanging nasabi ni Rachael sa kabila ng sari-saring emosyon na nag-uunahan sa kanyang dibdib.

Kalmado ang binata ng harapin siya. Pinagmasdan pa siya nito, ang kanyang mukha, ang kanyang mga mata na biniyayaan ng mga makakapal na pilik-mata. Hindi tuloy alam ni Rachael ang magiging reaksyon ng mga sandaling iyon.

"Pero... hindi ako matatakot." wika ng binata na di inaalis ang tingin sa kanya, "... para sa'yo... di ako matatakot."

Masyadong malakas na ang kabog sa dibdib ng dalaga nang marinig ang tinuran ni Josh at ayaw niyang mabasa ng huli ang naglalaro sa isipan niya kaya agad niyang iniwas ang tingin mula sa binata at binaling ito sa kalangitan.

Sandaling katahimikan.

"Bakit, Josh?"

Nagtaka ang binata kung anong nais itanong ng dalaga ngunit bago pa man niya ito tanungin ay nagpatuloy si Rachael, "... Bakit mo nagawa yun kay Elijah? Na nagawa mo siyang saktan?"

Hindi nakapagsalita ang binata sa tanong na iyon ni Rachael.

"Nagtataka kasi ako kung bakit..."

Kinabahan si Josh at muli nilamon siya ng pagsisisi. Ngunit di niya inaasahan ang mga susunod na sasabihin ng dalaga.

" Hindi ka masama eh. Ewan ko pero alam ko hindi ka ganun. Josh..." hinawakan ng dalaga ang kamay ng binata na ngayon ay nakakuyom. Dama niya na may pinagdadaanan ang binata at gusto niya makatulong din dito o maging sandalan man lamang sa kung ano mang pinagdadaanan ng lalake  sa buhay.

Nalaman ni Rachael na ninakawan ng mismong ina ng binata ang kanyang ama. Malaking halaga ng pera pero nagawa pa ring patawarin ng ama ni Josh ang kanyang ina. Ngunit kalaunan ay nalaman na may kalaguyo rin pala ito at huli na nang malaman nilang nag-alsa balutan ang ina at sumama sa iba.

Naiwan silang mag-aama. Imbis na idemanda ay hinayaan na lamang ng ama ni Josh ang kanyang ina at pinili na lang maging manahimik alang-alang sa mga anak.

Mula noon ay nagrebelde si Josh. Ang dating masayahin at atletang binata ngayo'y naging pabaya, tambay at basagulero.

Nalaman niya na naging sanhi ito ng pabalik-balik sa highschool ng binata. Napagtanto rin niya na ka-edad niya si Josh. At lihim pa nga siyang napangiti nang maalala ang araw na ayaw na ayaw nitong maki-ate sa kanya.

Hindi niya akalaing ganoon pala kabigat ang pinagdadaanan ng binata at ng pamilya nito. Nabanggit din nito sa kanya ang nakababatang kapatid na si John. Ang maliit na si John. Na ang awa sa kapatid ay ikinukubli na lamang ng mga bulyaw at pagtataboy kung minsan.

At alam niya na hindi ni sa katiting, naiintindihan ng bata ang mga nangyayari. Naalala ni Josh yung araw na iniabot niya dito ang inayos na nasirang laruan. Ang mga ngiting iyon sa kanya ng bata na walang hinihinging kapalit...

Tumulo ang luha sa isang mata ng binata na dumaloy sa pisngi nito at nagtuloy-tuloy at naglaro sa medyo lumalagong mga balbas sa panga ng lalaki. Nakita lahat iyon ni Rachael dahil kumislap ito sa tama ng mga ilaw. Iba pala pag isang lalaki ang nakita mong lumuha. Madadama mo ang sakit mula sa kanyang puso.

Di na pinigilan pa ni Rachael ang sarili at nagkusang pinahid ang mga luha sa pisngi ng binata. Bago pa man bawiin ng dalaga ang kamay mula sa pisngi ng lalaki ay hinawakan agad ito ni Josh na tila ba walang balak pakawalan.

Nang humarap sa kanya ang lalaki ay halos sumabog ang kanyang puso sa awa nang makita ang dinadalang lungkot sa mga mata nito. At alam ni Rachael sa mga oras na iyon na kailangan ng makakaramay ang binata.

"Hindi na ngayon." wika ng dalaga. Na ang ibig sabihin ay hindi na sila malulungkot pa mula ngayon. Nagpatuloy ito, "Gagawin nating masaya ang mga darating na araw ah... mula ngayon." Alam nilang mahirap pero buo ang determinasyon ng dalawa.

Parang nangungusap ang mga mata ni Rachael sa paningin ng binata. At nagbibigay ito ng lakas ng loob sa dibdib ni Josh.

Tumango ang binata sa tinuran ng dalaga.

"Oo... simula ngayon."

Sapat na ang maiikling sagot na lumabas mula sa makipot na labi ng binata upang matiyak ni Rachael na kahit papaanon ay nakaramay siya sa lalake.

Iyon lamang at nagpatuloy ang dalawa sa mga pangarap... sa hinaharap na mga bagong umaga... nag-usap sila ng kung anu-anong mga plano para sa nalalapit na pasko... bagong taon... pati mga handang ulam na gustong kainin ni Josh, maging ni Elijah, ay kanila ring napag-usapan... at marami pang masasayang mga bagay-bagay ang pinag-usapan ng dalawa... lahat ng mga iyon, habang pinagsasaluhan ang dalang munting pasalubong ni Rachael... sa ilalim ng mga masasayang ilaw... doon sa balkonahe... nabuo ang magagandang mga pangarap nila Josh at Rachael.


next chapter
Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C16
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous