Télécharger l’application
37.5% Owning Her (tagalog) / Chapter 9: Chapter 9

Chapitre 9: Chapter 9

IT'S SUNDAY MORNING, the day of her wedding day. Dapat sana garden wedding pero dahil bigla na lang bumuhos ang malakas na ulan sa malaking sala ng mansion ng mga Capistrano ginanap ang kasal nila.

It's been thirty minutes nang ikasal sila. Wala pa rin tigil ang ulan. Ang mga bisita, ang pamilya niya at si Veron na hanggang ngayon hindi pa rin makapaniwala na kay Mael siya ikinasal at ang mga magulang at lolo ng asawa niya, ang priest na nagkasal sa kanila at ang isang sakristan nito, pati na rin si Don Damien Arcega at ang anak nitong lalaki na ngayon ay kausap ang kapatid niyang si Juancho.

Nakaharap na niya ang Don noong sinapak ng apo nito ang kapatid niya na muntik nang ikinabulag ng kapatid niya dahil nabasag ang salamin na suot nito at bumaon sa talukap ng mata nito ang bubog. Sinagot ng Don ang lahat ng gastos at humingi nang tawad sa kanila kasama ang magulang nung sumapak sa kapatid niya.

Napabuntong-hininga siya habang nakatingin sa labas ng bintana. Makulimlim kahit alas diyes pa lang ng umaga. Napakalakas ng ulan sa labas na para bang nagsasabing isa yong babala.

"Shemay, lakas pa rin ng ulan, girl."

Napalingon siya kay Veron na may hawak na flute glass at may lamang alak. Nakatanaw din ito sa labas.

"Sa tingin mo babala kaya ng langit iyan sa akin?"

Eksaherada itong lumingon sa kanya. "Napaka superstitious mo naman, blessing yan noh, biruin mo di lang ambon ang ibinagsak ng langit bagyo pa! Oh, ha, saan ka pa love na love ka ni Papa god di lang super guwapo nang napangasawa mo super yaman pa, day!"

Natawa na lang siya at napailing sa sinabi nito. Wala naman itong alam kaya hindi na lang niya pintulan ang sinabi nito. Siguro hanggang mamatay siya ibabaon na niya ang bahagi na iyon ng buhay niya. Wala na dapat na may makaalam pa no'n maging ang pamilya niya dahil masasaktan lamang ang mga ito. Lalo na ang Itay niya. Paniguradong sisisihin nito ang sarili.

Siguro naman magiging maayos din ang lahat kung susundin niya ang mga gusto ni Mael. Tutal hindi naman mahirap gawin iyon dahil mahal na niya ang asawa. Kung kailan pa ay hindi na niya alam basta naramdaman na lang niya na mahal niya na ito. After all hindi naman ito ganoon kasama. Binuhay nito si Jonas kahit na nandito ang lahat ng pagkakataon para pabayaan na lang ang pinsan. Hindi niya alam kung anong nangyari dito kung bakit bigla na lang itong nagbago at parang naging obsess ito sa kanya.

Hindi kaya mahal din ako ni Mael? Bulong niya sa isip. Yon lang naman ang naiisip niyang dahilan kung bakit siya nito pinilit magpakasal.

"Uy, si Suzette ba yon?" Siniko siya ni Veron at may ininunguso sa kanya. Sinundan niya ang itinuturo nito. Nakita niya ang isang blond na babae na kausap ng asawa niya. Sexy ito sa soot na maiksing dress na hapit dito. Napakaputi ng balat nito na parang ibinababad sa gatas. "Si Suzette nga! Wow, lalo siyang gumanda."

Kumunot ang noo niya hindi lang dahil sa naalala niya kung sino ito kundi dahil na rin sa sobrang lapit nito sa asawa niya. Halos ikuskos na nito ang malaking dibdib sa braso ni Mael. Wala sa loob na niyuko niya ang sariling dibdib.

"Naku girl, nagmukang pasas yang dibdib mo," nakakalokong sabi ni Veron na nakatingin din sa dibdib niya. Pinamulahan siya ng mukha dahil sa sinabi nito. "Lapitan mo ang asawa mo girl at bakuran," udyok nito sa kanya.

"Ha? Bakit ko naman gagawin yon?" takang tanong niya dito pero sa totoo lang naisip na rin niyang gawin iyon dangan nga lang at inabot siya nang hiya.

"Aba eh, diba ex niya yan? Sumunod pa yan kay Mael sa US diba? Naku, Ange, bakuran mo ang asawa mo dahil uso ang sulutan ngayon. Kilala mo ba si Dolor yung may hawak ng section A?"

Kilala niya ang tinutukoy nito. Co-teacher din nila sa school na pinagtuturuan nila.

"Yung asawa no'n childhood sweetheart niya pero wag ka, after two years of marriage ayun may betchay na ang hudas! Kilala mo ba kung sino ang betchay? Naku di ka maniniwala!" Ipinaikot pa nito ang mga mata.

"S-sino naman?" curious na tanong niya dito. Kahit gusto niyang mapailing dahil umandar na naman ang pagiging intrigera at chismosa ng kaibigan.

Lumapit ito sa kanya at bumulong. "Si Mayumi yung tindera sa pharmacy, pinsan niyang si Suzette. malaki din ang boobs." Iniliyad pa nito ang dibdib sa kanya.

"Kaya wag kang pakampante sa mga babaeng malalaki ang boobs dahil malalandi yan," dagdag pa nito at nilagok ang hawak na alak. Parang may pinaghuhugutan ang kaibigan niya. Parang may galit sa mga gifted.

Binaling niya uli ang tingin sa asawa na ngayon ay masayang-masaya na nakikipagkuwentuhan kay Suzette o Suzy. Nakaramdam siya nang inis. Parang nagiging bitter na rin siya sa mga gifted. Nagmartsa siya palapit sa asawa. Iniwan si Veron na nagche-cheer pa sa kanya.

"Mael!" tawag niya dito. Agad na bumitaw ito sa pagkakakapit ni Suzy at sinalubong siya. Hinalikan siya nito nang mabilis sa labi saka hinapit sa baywang niya at dinala sa kausap nito. Ikinatuwa niya iyon lalo na nang makita kung paano tumalim ang mga mata ni Suzy sa kanya pero saglit lang at buong ka plastikan na rin itong ngumiti.

"Suzy, meet my lovely wife Mrs. Angela Baello-Capistrano," magiliw na sabi ni Mael. Nalanghap niya ang amoy alak na hininga nito, medyo namumula na rin ang pisngi nito.

"Oh, hi, nice to meet you," inilahad nito ang kamay sa kanya.

Inabot niya iyon kahit medyo naiilang siya. Naramdaman niya ang pagpisil nito sa kamay niya. Pinilit niyang hindi mapangiwi. Pasimple niyang hinila ang kamay niya dito at ikinapit na lang sa tiyan ng asawa niya. Sumunod ang mata roon ni Suzy. May nakita siyang panibugho sa mga mata nito.

Kumapit ito sa kabilang braso ng asawa niya at umangkla doon. Dikit na dikit ang suso nang malanding babae. Pinilit niyang huwag sumimangot halata namang nang aasar ito at hindi niya bibigya ng satisfaction ang babae na makitang naiinis siya.

"Can I borrow your husband?" Matamis na nakangiti nitong baling sa kanya. "May ipinangako kasi itong asawa mo sa'kin na ibibigay niya." Makahulugan itong tumingin sa asawa niya na nang-aakit ang mga mata. "Rigth Mael?"

Naikuyom niya ang kamay. Ano naman kaya ang bagay na ibibigay dito ng asawa niya?

"Ah, Oo, do'n tayo sa library." Muntik na niyang makurot si Mael ng bigla na lang itong bumitaw sa kanya. "Wait me here, hon," sabi nito at humalik sa pisngi niya.

Susundan niya sana ang mga ito pero nakalapit na sa kanya ang Lola niya.

"Angela!" tawag nito sa kanya.

"L-la?" Napipilitang hinarap niya ito.

"Kami'y uuwi na at ang iyong Itay ay lasing na. Ipahahatid daw kami ng daddy ni Mael kaya wag ka nang mag-alala. Asan pala ang asawa mo?"

"Ahmm, m-may kinakausap lang ho na investor sa itaas."

Nalukot niya ang suot na puting dress na hanggang tuhod niya lang ang haba. Hindi niya masabing may kausap na ibang babae ang magaling niyang asawa.

"Ah, gano'n ba. Oh, siya kami ay tutuloy na sabihin mo na lang sa asawa mo hane?"

Humalik pa ito sa pisngi niya. Sumama siya dito hanggang sa saksakyan. Nandoon na rin ang ama niya at kapatid. Nagpaalam siya sa mga ito at nangakong dadalaw sa mga ito.

Nang makaalis na ang sasakyan ay agad siyang bumalik sa loob nadaanan niya pa si Veron na kausap si Jim ang secretary ni Mael.

Mabilis siyang umakyat sa taas papunta sa library ni Mael. Dalawa ang libarary sa mansion ang isa ay na sa left wing ng second floor at ang isa naman ay ang karugtong ng kuwarto nilang mag-asawa, doon siya nagtungo.

Nasa pinto na siya at nakita niya na bahagya iyon nakaawang. Dahan-dahan siyang sumilip doon. Naitakip niya ang kamay sa bibig para mapigil ang malakas na pagsinghap.

Nandoon nga ang asawa niya, nakaupo sa couch at nakakandong dito si Suzy habang nilalaro ng huli ang kuwelyo ng polo ng asawa niya.

Parang may sumaksak sa puso niya sa nakita. Malapit na malapit ang mukha ni Suzy sa mukha nang taksil niyang asawa, parang konti na lang ay magtutukaan na ang dalawa.

"Kailan mo balak i-file ang annulment papers niyo?" tanong ni Suzy sa asawa niya.

"Kakasal ko lang, Suzette," sagot ni Mael.

Nasaktan siya sa sagot ng asawa niya. Ibig sabihin ba may balak itong ipa-annul ang kasal nila?

"So? Alam mo, tama naman ang Tita Matilde! Bakit ba kailangan mo pang pakasalan ang Angela na yon? Kahit apo pa siya ni Don Jose Almendra mas mayaman pa rin ang mga Capistrano dahil old money kayo."

Nagulat siya sa narinig. Siya apo ng nasirang Don?

"Shut up," ani ng asawa niya at isinandal ang ulo sa couch.

"Totoo naman ah? Gasino lang ba ang 40% share na makukuha mo sa Almendra Internationals kapalit nang pagpapakasal mo kay Angela gayong wala pa yon sa 1/4 ng mamanahin mo sa daddy at mommy mo? Sana ipinaubaya mo na lang yon kay Jonas he badly needed it."

"Mamamatay muna ko bago ako magpaubaya sa tarantadong yon!" nagtatagis ang bagang na ani ni Mael.

Hindi na niya makayanan ang mga naririnig lumayo na siya sa pinto. Nanginginig ang kamay na naglakad siya sa hallway. Kung gano'n apo siya ni Don Jose Almendra?

Naalala niya ang mama niya ay Almendra ang apilyido pero hindi niya naman naisip noon na may koneksyon sila sa mga Almendra. So kaya siya pinakasalan ni Mael dahil isa siyang Almendra at may makukuha itong mana mula sa Lolo niya? Ibig sabihin hindi siya mahal nito gaya ng iniisip niya. Kundi may interes lang ito sa makukuha sa pagpapakasal sa kanya?

At si Jonas alam ba nito iyon kaya rin nakipaglapit sa kanya?

At ang usapan ng mag-ina noon na narinig niya. Totoo pala na may mamanahin siya hindi ng lang galingItay ng sa tatay niya kundi galing pala sa lolo niya.

Mga walang hiya!

Hindi niya namalayang nakapunta na siya sa malaking pool ng mansion makulimlim pa rin pero humina na ang ulan. Tumingala siya at humalo ang ulan sa mga luha niya.

Napahikbi siya. Ngayon alam na niya ang pakiramdam nang nagmahal, umasa at nasaktan. Napaka-naive niya para isiping may pagmamahal sa kanya si Mael.

Oo nga at kababata niya ito. Pero kung ikukumpara naman sa mga nakarelasyon nito maitutiring siyang basahan. Napaka-ilusyunada niya. Napakagaga niya. Dapat kasi nanatili na lang siyang galit dito. Dapat kasi hindi na lang bumilis ang tibok ng puso niya para dito. Ngayon heto ang napala niya.

Siguro kung di niya na-realize na mahal niya ito hindi ganito kasakit ang mararamdaman niya.

"Angela..."

Natigilan siya sa boses na tumawag sa kanya. Nilingon niya ito. Tumalim ang mga mata na tinitigan ang lalaking basang-basa na sa ulan at hirap na lumakad papalapit sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito?" nakatiim bagang na tanong niya dito. Isa pa ito. Nasisiguro niya na alam nito ang tungkol sa mana kaya ito nakipag lapit sa kanya.

"I want to see you... I want to talk to you, babe..." anito nang makalapit sa kanya.

Akma nitong hahawakan ang kamay niya pero iniiwas niya iyon.

"babe..." usal nito tila nasaktan sa ginawa niyang pag-iwas dito.

"Anong sasabihin mo sa'kin?" sarkastikong tanong niya dito.

"Sumama ka sa'kin."

Pagak siyang tumawa kahit walang tigil ang pag-agos ng luha niya.

"Kasal na ako kay Mael. Sa kanya na mapupunta ang mana," patuyang sabi niya dito.

Bumakas ang pagkabigla sa mukha nito.

"So, alam mo na pala?" naging blangko ang mukha nito.

"O-Oo "

"Wala akong pakialam sa mana Angela." Nagyuko ito ng ulo. "Oo, aaminin ko noong una yun ang dahipan kung bakit nakipaglapit ako sayo. Pero nang makilala kita... nung mga panahon na mapalapit ako sayo, totoong minahal kita." Tumingin ito sa mga mata niya.

Hindi niya alam kung nagsasabi ito nang totoo o hindi. May mababago pa ba kung nagsasabi man ito ng totoo sa kanya? Kasal na siya. May asawa na siya. May mahal na siyang iba.

Lalo siyang napaiyak. Niyakap siya nito.

"Sumama ka sa'kin," bulong nito sa kanya.

"Hindi na pwede." dahil mahal ko na ang pinsan mo kahit na hindi niya ko mahal. "Mag-asawa na kami. Sa mata ng diyos at ng mga tao asawa na ako ni Mael."

Humiwalay ito sa kanya at hinawakan ang mukha niya. "Lumayo tayo, babe," desperadong sabi nito. "Pumunta tayo sa ibang bansa don sa walang nakakakilala sa atin--"

Kumalas siya dito at umiling-iling.

"Hindi pwede--"

Hindi niya natapos ang sasabihin dahil sinakop na nito ang labi niya. Wala na siyang lakas para tumutol kaya pinabayaan niya ito. Napaiyak siya habang hinahalikan siya nito. Dahil sa halik nito mas lalo niya lang na-realize na mas mahal niya si Mael kaysa sa nararamdaman niyang pagmamahal noon para dito. Bumitaw ito sa kanya.

"No..." sabi nito na tila nanghihina. "You can't love him," bulong nito na tila sa sarili lamang sinasabi iyon.

"I-I'm sorry," aniya. Siguro nga minahal siya nito.

Pero huli na ang lahat dahil may mahal na siyang iba at kasal pa. Kahit ang sakit sakit na isiping ang taong mahal niya ay hindi naman siya mahal. Kaya siguro hindi na niya magawang magalit dito dahil kahit papaano may bagay na pagkakapareho sila.

Nagmamahal sila ng taong hindi sila ang mahal.

Tumalikod na siya dito at pumasok na sa loob ng mansion.

NAIKUYOM ni Mael ang kamao. Gusto niyang sugudin ang dalawa pero nagpigil siya. Hindi niya hahayaang makita siya ng pinsan niya na nasasaktan. Kahit gustong-gusto na niyang basagin ang salamin ng bintana at talunin ang pinsan para patayin sa bubog nang halikan nito si Angela.

"How touching."

Napalingon siya kay Suzy na nakatanaw din sa asawa niya at kay Jonas. Tumungga ito ng alak na hawak nito.

"dalawang taong nagmamahalan na pinaghiwalay ng isang obsess na psychopath--"

Binalingan niya ito at sinakal napasandal ito sa dingding. Napaigik ito pero pilit pa ring ngumingiti nang nakakaloko. Binitawan niya ito. Muntik na itong matumba kung hindi pa ito napahawak sa cabinet na malapit dito.

"I'm not a psychopath!" Gigil na dinuro niya ito.

Tumawa ito nang nakakaloko.

"I'm a psychiatrist, Ishmael." Tumalim ang tingin niya dito. "And you are my patient." Pinnag laruan nito ang tenga niya. Tinabig niya ang kamay nito. "Kawawang Angela paniguradong lalamugin mo lang siya sa kama," iiling-iling na sabi nito. Nagtagis ang mga bagang niya. "Pero para hindi mangyari yon I can take her place in your bed honey... Kaya kong i-tolerate ang pagiging halimaw mo sa kama."

Tinawanan niya lang ito. "I can tame the beast in me Suzette " Tumalikod siya rito at naupo sa swivel chair. Inabot niya ang bote ng rum at nagsalin sa baso. "I dont need you," patuyang sabi niya dito.

Galit na lumapit ito sa kanya at hinampas ang dalawang kamay sa lamesa.

"Hindi mo marerendahan ang halimaw sa loob mo Mael!"

"Shut up or I will let this monster kill you," gigil na sabi niya dito.

Natigil ito at halatang natakot.

"You better shut your fucking mouth Suzette or I'll shut it forever! Get out of my sigth now!"

Nanginginig na muling tinitigan siya nito bago padabog na umalis.

Nilagok niya uli ang alak na nasa lamesa.

to be continued..


next chapter
Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C9
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous