Télécharger l’application
98.23% No Strings Attached / Chapter 111: Goodbye, Elle Lavender Villafuente

Chapitre 111: Goodbye, Elle Lavender Villafuente

Narrator's POV

Wala nang mas sasakit pa sa magulang ang mawalan ng anak lalo pa't nag-iisa lamang ito at pinakainiingatan mo.

Mula sa pagkasilang ng iyong anak hanggang sa natutong magsalita ay nandiyan ka upang umagapay at alagaan ito.

Labis ang tuwang iyong nadarama nang marinig no ang unang salitang lumabas sa kanyang bibig. Ang pagtawag niya sa iyong pangalan sa unang pagkakataon ay tila bang mga paru-parong naglalaro sa iyong tiyan.. Walang pasidhi ang tuwa't-galak na iyong tinatamasa..

Lumipas ang maraming taon at lumaki na ang anghel ng buhay mo. Nagkaisip at lumaking may respeto sa mga nakakatanda. Hanggang sa nakapagtapos ng pag-aaral at nakahanap ng permanenteng trabaho..

Walang perpektong anak ganoon din ang mga magulang. Nandyan ang tampuhan at minsan ay nagkakasakitan na dala ng mga emosyong di mapigilan.

Ngunit sa paglipas ng araw, mas matibay pa rin ang pundasyon ng isang 'PAMILYA' kaysa panandaliang alitan na bunga ng hindi konkretong rason..

Nagka-asawa't dapat nang magkaroon ng sariling pamilya ang ninais ng iyong anak, ngunit sadyang mapagbiro ang tadhana minsan.

Isang araw, biglang nawala ang iyong anak. Hindi makita at hindi mo nakausap dahilan para hindi ka makatulog sa gabi at hindi mapanatag ang iyong pusong hindi matahan sa pagtibok nito.

Hanggang sa may nakapagsabi na natagpuan na raw ang iyong anak. Labis ang sayang nadarama mo ngunit agad itong napawi nang mapagtanto mo ang sunod na nalaman mo.

Tila pinagsakluban ka ng langit at lupa sa iyong nalaman. Ayaw mong maniwala, hirap mong unawain ang pumasok sa iyong tainga ngunit sadyang ito ang totoo..

Tinanong mo siya, "Bakit ang anak ko pa? Bakit siya pa na kay buting anak saamin.. Bakit ang anak ko pa na buntis at pati ang munting anghel sa sinapupunan at walang kamuwang-muwang sa mundo ay nadamay?"

Dumaan ang mga araw.. Makalipas ang pitong araw na burol ay dumating na ang araw na pinakamasakit sa lahat.. Ang pamamaalam..

Inumpisahan na ang misa, at binasbasan na ang kanyang mga labi.. Isa-isa nang nagsasalita sa harap. Lahat ay emosyonal. Lahat ay di makapaniwala sa nangyari. Lahat ayaw tanggapin ang totoo.

Tumayo si Patty at dumiretso sa harap upang ibigay ang kanyang huling mensahe sa kanyang namayapang butihing kaibigan..

"Isang mapag-aruga, mapagbigay, at mapagparayang kaibigan.. Yan ang masasabi ko sayo, Elle.." Huminto si Patty sa pagsasalita dahil sa nagbabadyang pagtulo ng kanyang mga luha.

"Elle, kung nasaan ka man ngayon, kayo ng anghel mo, nawa ay mahanap mo ang kapayapaan at kasiyahan na deserve mo.. Sayang lang at hindi ko man lang nakita ang inaanak ko. Siguradong-sigurado ako na gwapo yan.. Siyempre hihintayin ko pa yan diba?" Sinubukang magpatawa ni Patty ngunit habang natatawa siya at tuloy pa rin sa pagtulo ang kanyang mga luha..

"Maraming salamat sa lahat, Elle. Ni minsan hindi tayo nagka-alitan or ni minsan hindi ako nagtanim ng galit sayo dahil nga isa ka talagang mabuting kaibigan, saamin ni Vanessa and I thanked God for giving you to us.. Muli, maraming maraming salamat sa lahat, Elle! Mamimiss ka talaga na---min!" Hindi na napigilan ni Patty ang magpigil. Tuluyan na siyang humagulgol. Nilapitan naman siya nila Kuya Arnold at Claire. (Ang mga naging kaibigan ni Elle mula nang magbakasyon siya sa Tagaytay)

Sunod na tumayo upang magsalita ay si Vanessa..

"Magandang araw sa inyong lahat..." Pag-uumpisa niya bagamat nanginginig ang kanyang mga kamay, ay kumuha siya ng lakas sa mga alaalang pinagsamahan at pinagsaluhan nila ni Elle..

"Si Elle po gaya ng sinabi ng kaibigan naming si Patty ay napakaselfless. She isn't self-centered. Sinisigurado niyang okay lahat ng mga taong nakapaligid sa kanya.. She assures that wala siyang inaapakang tao.. She is a gem as a friend kaya labis akong nasasaktan ngayon dahil sa biglaang pagkawala niya, sila ng anghel niya.. " Tumigil sa pagsasalita si Vanessa at pinawi ang kanyang mga luhang walang tigil sa pagpatak.

"Ngunit alam kong masaya na sila sa kung nasaan man sila ngayon.. Nawa ay patuloy mo kaming gabayan at iparamdam saamin ang pagmamahal mo saamin as your true friends.. Mahal ka namin, Elle.. Hanggang sa muli nating pagkikita.." Pilit na ngumiti si Vanessa sa harap ng mga tao ngunit kabaligtaran ito sa kinikilos ng kanyang mga mata.

Sunod na tumayo upang magbigay ng kanyang huling mensahe ay ang Tatay ni Elle..

"Aminado akong naging sobrang higpit ko kay Elle.. I was too ambitious and perfectionist na gusto kong maging ako si Elle. I tried to control and manipulate her. Hindi ko naisip kung masaya ba si Elle sa buhay na pinili ko para sa kanya ngunit hindi siya nagreklamo. Wala akong narinig na kahit anong reklamo galing sa kanya.. She was a perfect daughter for me, and I don't deserve to be a father to her.." Tumigil sa pagsasalita si Tito Danilo. Ang tatay ni Elle..

"Elle, anak at sa apo ko, patawad dahil hindi ako naging perpektong ama sayo. Patawad anak dahil hindi ko nasunod at nabigay ang pangarap na gusto mong maging paglaki mo. Patawad dahil kinontrol ko ang buhay mo, sana ay mapatawad mo ako anak. Mahal na mahal kita, kayo ng apo ko.. Tandaan mo lagi yan, anak." Agad na bumaba ang tatay ni Elle dahil naluluha na rin siya.

Kinondisyon muna ang kanyang sarili ang nanay ni Elle. Pinipigilan niya ang emosyon niya habang naglalakad patungo sa harap.

"Elle became my life when I gave birth to her. She was the route of my life the moment I saw her. Parang isang magandang musika sa tainga ko nang una ko siyang marinig na umiyak nung naipanganak ko na siya.. She was our princess and forever will be our princess. To our little boy, know that grandma loves you so much kahit hindi ka pa namin nakikita.." Ngumiti ang nanay ni Elle at muling nagsalita..

"Hinding-hindi ko makakalimutan ang bawat parte ng iyong mukha, Elle.. Hinding-hindi ko makakalimutan ang mga ngiti mong nagpapagaan ng araw ko. Hinding-hindi ko makakalimutan ang pagiging mabuti mong anak saamin ng Papa mo..

Ayokong sabihing, Paalam." Pinahiran niya ang kanyang mga luha sa kanyang mga mata.

"But, to see you again soon. Mahal na mahal na mahal ka namin, anak! Lagi mo yang tatandaan!" Nilapitan siya ni Tito Danilo dahil sa biglang paghagulgol nito.. Lahat ng tao ay napayuko dahil sa naging mensahe ng kanyang ina..

Dinala na ang labi ni Elle sa kanyang magiging huling hantungan.

Isa-isa na nilang inaalalayan ng bulaklak ang namayapang si Elle..

Lumipas ang ilang oras, ay ganap nang nailibing si Elle..

Ang mga huling taong umalis ay ang mga magulang ni Elle, at mga kaibigang sila Patty at Vanessa. Lahat ay nagtataka kung bakit wala si Kyle sa libing ng asawa niya.. Ngunit hindi nila binigyan ng atensyon ito at inasikaso muna nila ang kanilang anak sa huling pagkakataon..

Isang oras na ang lumipas magmula nang umalis sila Patty, ay biglang may sumulpot na babae..

Babaeng nakapula at namumugto ang mga labi nito dahil sa kapal ng suot na lipstick.

Nilapitan niya ang puntod at binasa ang nakasulat sa lapida nito.

'Elle Lavender Villafuente'

'Kiel Lavender Villafuente'

Napangisi siya.. Tunay na ngang panalo na siya.

"Goodbye, Elle.. Rest in peace.... forever.." Bulong niya sa hangin.

"Are you satisfied now?" Biglang tanong ni Iona.

"Yes.. very satisfied. Okay na ba yung pinapaggawa ko sayo?" Pagpapalit niya ng topic dahil sisirain lamang ng kapatid niya ang kanyang kasiyahan.

"Yes. Ano ba talaga yang binabalak mo?! Hindi ka pa ba kuntento sa nangyari?" Tumawa ng nakakaloko si Ally...

"You'll find it soon, dear twinsister. Halika na." And with that naglakad na siya paalis sa puntod ni Elle.

Sandaling tumingin si Iona sa lapida ni Elle nang biglang namatay ang kandila nito.

'Marahil sa hangin.' Bulong niya sa kanyang isip at isinindi ulit ito at umiiling na sumunod sa kakambal niyang kapatid na si Ally..


next chapter
Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C111
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous