ELLE
"Babe asan na ang mga marurumi mong damit? Kunin ko na kasi maglalaba din naman ako." Sabi ko kay Kyle habang nagkakape siya sa may dining room. "Ako na ang maglalaba, babe. Buntis ka remember? Tsaka baka ano pang mangyari pag napagod ka ng sobra." Casual na sabi niya ngunit saakin, may dalang kilig yun.
"It's okay babe tsaka washing machine naman ang gagamitin ko eh. Promise hindi ko papagurin sarili ko." Sabi ko habang nakangiti.
"Hays, ikaw talaga. Sige na, basta kung pagod ka na, ako na ang magtutuloy niyan okay" Sabi niya at ginulo ang buhok ko. Tumalikod na ako at dumiretso na papunta sa kwarto namin ni Kyle upang kunin yung mga labahin namin..
After ay dumiretso na ako sa likod ng bahay namin dahil nandoon ang washing machine. Sa madaling sabi, doon talaga kami naglalaba sa likod.
Inuna ko muna yung mga puting damit namin. Nilagay ko na ito sa washing machine at sinet na ang timer nito. Habang hinihintay kong matapos ang timer, ay sinimulan ko na ihiwalay ang mga maruruming damit. Syempre, hiwalay sa mga di kaparehas na kulay nito.
Ngunit habang nagkakalkal ako, ay may napansin akong pulang mantsa.. "Naku, si Kyle naman, dito pa talaga sa beige na long sleeves niya nagkamantsa." Bulong ko sabay kuha doon sa beige niyang long sleeve.. Ngunit laking gulat ko na lamang pagkakuha ko nito..
Parang huminto ang pag-ikot ng mundo ko at parang nabingi ako sa katahimikan..
Hindi ito isang mantsa lamang..
Kundi isa itong lipstick.
Pulang lipstick..
At lalong nagpagulo sa isip ko ngayon dahil ever since na nagpakasal kami ni Kyle, ay pinagbawalan niya na akong maglagay ng pulang lipstick..
Kinabahan ako sa di malaman na kadahilanan..
No... T-that can't be..
Muli akong tumitig sa pulang mantsa na nung una'y inakala kong simpleng mantsa lamang. Ngunit isa itong mantsang nagbukas ng kakaibang pag-iisip at nagdala ng malalim na katanungang bumabagabag saaking isipan..
"May dapat ba akong ipag-alala, Kyle? May dapat ba akong ikabahala?" I suddenly uttered in the wind..