ELLE
"Naku naman kasi bakla, hindi ba sinabihan ka na namin na sasamahan ka na namin doon hindi ba? Tignan mo tuloy anong nangyari!" Bungad agad ni Patty saakin pagkaupong-pagkaupo ko pa lang sa upuan ko.
"Girl naman kasi, hays mabuti naman at maayos ka na.." Vanessa sighed in relief.. "Pero ang pinagtataka ko lang is, paano ka nalock doon?" Biglang tanong ni Patty saakin. Napatingin naman agad kami ni Vanessa sa kanya.
"Malamang dahil kay kuya guard siguro bakla. Kaya nalock siya doon diba?" Vanessa tried to answer Patty's question. "Ganoon ba? Hmm..." Bigla kaming napatingin sa bagong pasok ni Kuya Guard.
"Kuya Guard!" Tawag ni Patty. Itong baklang to talaga ang bibig! "Ano po yun?" Tanong ni Kuya Guard pagkalapit niya saamin. May hawak siyang envelope..
"May itatanong lang po sana ako Kuya Guard.." Patty started. "Sige po.." Ngumiti naman si Patty sa sagot ni Kuya Guard.
"Nung isang gabi po ba, kayo po ang naglock nung pinto sa may rooftop?" Halatang naguluhan si Kuya Guard sa katanungan ni Patty.. "Yung gabing umulan ng malakas po Kuya Guard.." Dagdag ni Vanessa..
"Ay yung gabing yun, hindi po eh. Isasara ko na sana dapat yun kaso pagka-akyat ko doon, nakasarado na ang pinto kaya agad na po ako bumaba para makauwi na.. Bakit po?" Agad kaming nagtinginang tatlo.. "Bukod sa inyo, may iba pa po bang nagsasara ng pintong iyon?" Vanessa asked.. Nagisip si Kuya Guard..
"Ako lang po eh. Bakit po?" Bigla akong kinabahan sa hindi ko alam na dahilan. "Ahh wala po. Salamat po sa pagiging masipag Kuya Guard. Okay na po." Ngumiti si Kuya Guard saamin at umalis na.
"If not Kuya Guard, who could it be Elle?" Vanessa asked out of confusion.. "I don't know..Baka hindi lang sinadya.. Baka hindi niya alam na nandoon ko sa itaas nung nilock niya ang pinto.. I really don't know.." Mahinang sabi ko pero bakas sa boses ko ang pangamba.. "Hindi kaya..." Agad kaming napatingin kay Patty..
"Hindi kaya ano?" Vanessa asked him.. "Bakla ano na?!" Inis na tanong ni Vanessa kay Patty nung makita niyang tahimik lang si Patty..
"Hindi kaya sinadya yun, Elle? I mean, baka may nakaalitan ka or may taong may galit sayo at napagdiskitahan ka ganoon?" Lalong lumakas ang kaba ko sa katanungan ni Patty. Aaminin ko, tumagos yun saakin kung bakit ay hindi ko alam..
"Loka ang friendly kaya ni Elle, hindi na ako magtataka pag sayo nangyari yun kasi malandi ka pero kay Elle?" Sabay turo ni Vanessa saakin ngunit hindi siya pinansin ni Patty. Halata mong seryoso si Patty sa mga oras na to..
"Alam kong naguguluhan ka din, pero Elle.." Bumuntong hininga si Patty bago niya ituloy ang kanyang sasabihin.. "Hindi man natin alam ang tunay na dahilan kung bakit ka nalock doon, pero kailangan mong mag-ingat lalo pa't buntis ka.." Patty said while holding my hands..
Tumingin saakin si Vanessa at tinapik ako sa balikat.. Hindi ko alam kung anong gagawin or iisipin ko ngayon.. Sa pagkakatanda ko, wala akong nakaalitan or nang-insulto ng kapwa.. Pero if totoo ang sinasabi ni Patty, then who would that be? What's his/her reason to do that thing to me?
Am I still safe?