"Mine, Mine!!" malakas na sigaw ni Macy atsaka biglang pinalo ng malakas ang bola.
Andito kami ngayon sa Gym, may activity kami which is sport, ang mga boys ay nag lalaro ng basketball habang kaming mga girls ay volleyball naman.
"Aaahhh!" malakas na sigaw ko atsaka binuhos lahat ng enerhiya ko sa pag palo ng bola at ang kinalabasan ay nanalo kami, kaya lumapit saakin si tashya at Macy na patalon talon.
Nakapasok na rin si tashya, gumaling na siya mula sa pag kakasakit, at bakas na sa muka nito ang sigla kaya nakahinga ako ng maluwag.
I can't see my friends hurting.
Humiwalay ako sa dalawa na busy sa pakikipag kuwentuhan sa kabilang grupo at kinuha ang face towel ko sa bag, basang basa na kasi ako ng pawis.
"woah, ang galing mo dun" sabi ni Tart na pinupunasan rin ang tumutulong pawis sa nuo niya, may inabot siyang isang water bottle saakin ng mapansin niyang kanina pa yata ako lunok ng lunok dito, bawal pa kasing lumabas ng gym habang di pa tapos ang activity tapos nakalimutan ko yung lalagyan ko ng tubig na nasa bag ko pala.
"Salamat" naka ngiting pasasalamat ko sakaniya atsaka kinuha ang tubig na agad ko namang ininom.
"Magaling ka sa volleyball bakit hindi ka sumali sa volleyball players ng school?" tanong niya atsaka umupo sa katabi kong upuan.
"ahhh, wala lang di ko feel sumali" pag dadahilan ko.
Kaysa naman sabihin ko sakaniya na minsan na naming pinag awayan ni Lance to, ayaw niya akong pasalihin dito dahil manipis at mikli lang ang suot na pang ibaba.
"Haha ganun ba?"natatawang sabi niya kaya tumango nalang ako.
"Abi! Tart! Tawag kayo ni ma'am" sigaw ng isa sa mga kaklase ko kaya nag katingan kaming dalawa ni Tart.
Kahit nalilito ay mas pinili nalang naming puntahan si maam kaysa sa umupo nalang dun
"bakit po ma'am?" magalang na tanong ko sakaniya.
"Busy ba kayo?" tanong niya pabaluk.
"No ma'am." sagot naman ni Tart.
"Good, nakita ko sa mga moves niyo na sanay na kayo kaya di niyo na kailangan pang sanayin, kaya kayo ang bumili ng pag kain para sa mga kaklase niyo" sabi niya atsaka kami inabutan ng 2 libo.
"Kahit anong pag kain ma'am?" tanong ko.
"Yes, and be safe." sabi niya atsaka kami iniwan duon, ipinadala nito saamim ang id niya para makalabas kami.
Napatingin ako sa itsura ko, di naman ako madungis pero basang basa na ako ng pawis, pero mabango parin naman ako.
"tara, mag palit muna tayo ng damit, baka mag ka sakit tayo pag pinatagal pa natin tong damit na basa ng pawis" sabi niya kaya tumango nalang ako.
Nag paalan din ako sa dalawa kong kaibigan na binigyang malisiya ang inutos ni ma'am
Yung dalawang talagang yun, dapat di pinag sasama.
Nag kahiwalay kami ni Tart, di naman pwedeng sa cr naming mga girls siya mag bihis, may makakita pa saamin tapos mag sumbong kay Lance edi malaking gulo yun?
Alam mo naman ang utak ng lalaking yun, sarado pag galit siya kaya iniiwasan kong magalit siya, nakita ko na kasi itong nagalit ng sobra sobra and trust me, di niyo rin magugustuhan once na nakita niyo siyang nag wala.
Natapos na akong mag bihis at agad na lumabas ng c.r, nag simula na akong maglakad at halos sumigaw ako ng may yumakap muls sa likod ko.
At buti nalang ay naamoy ko ka agad ang napaka familiar na amoy ni Lance.
"ginulat mo ko" sabi ko habang naka hawak sa dibdib ko.
"Activity again?" tanong niya mula sa likod ko, dahan dahan naman akong tumango bilang tugon
"Okay, pero bakit nasa labas ka? Akala ko ba may activity kayo?" tanong niya pa.
"Ah nautusan kasi kami na bumilinng pag kain para sa mga kaklase ko" sabi ko sakaniya.
"Kami?"
"Oo kami ni ta-" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng halikan niya ako sa labi atsaka nag paalam.
Pinamulahan naman ako sa ginawa niya, kahit kilala ko ang mga kaibigan niya 'di ko paring maiwasang mahiya sa mga harap nila everytime na ginagawa ni Lance yun.
"Tara na?" sabi ni Tart na nakatayo na pala sa likuran ko, oww shot nakita niya kaya na hinalikan ako ni Lance?
Nakaka- bakit ko ba to iniisip? Napa iling nalang ako atsaka umalis na kami, sasakyan niya ang sinakyan namin at nag tungo sa isang cafe.
Nag order kami ng ibat ibang pag kain, tatlong dosena ng cupcakes at 40 na hot coffee at may iilang cold coffee para sa mga taong di mahilig sa mainit na kape.
Pag katapos ay agad din kaming bumalik ng school.
"Ako na" sabi ni Tart ng akmang bubuhatin ko yung tinapay na naka box.
Nag pasalamat nalang ako sakaniya atsaka nag lakad na, sumabay naman siya saakin, habang nag lalakad kami ay tumatawa ako dahil ang corny nga mga joke niya pero agad ding napatigil ng biglang tumunog ang phone ko.
"Mauna ka na sasagutin ko lang to" sabi ko atsaka tinignanan ang caller, si Lance.
"okay, sunod ka ah" sabi niya kaya tumango na akao atsaka nag paalam.
Sinagot ko na rin ang tawag.
"Hello? Love?"
"Having fun with that jerk?" mahina pero matigas na sabi niya.
"What?" naguguluhang tanong ko.
"Come to our place, NOW." madiing sabi niya atsaka ako pinatayan ng tawag.
Anong meron sa lalaking yun? Nag simula na akong maglakad at kaysa sa pumasok sa gym ay dumeretso ako sa lugar nila Lance.
Hindi na ako kumatok atsaka pumasok nalang bigla.
Hanggang sa may isang pares ng kamay ang humila saakin para ma untog ako sa matigas nitong pangangatawan.
"l-Lance" kinakabahang sabi ko dahil ang itim ng aura niya ngayon, aalis sana ako sa dibdib niya ng mas hapitin niya pa ito "nasasaktan ako, ano ba!" di ko mapigilang mapalakas ang boses ko
"Shut up!" matigas na sigaw niya rin saakin kaya natigilan ako, napatingin ako sakaniya na nakatingin pala siya saakin, bigla akong kinabahan at natakot, parang may ayaw akong mang yayari.
"Who told you to get near with that punk?" malamig na tanong niya.
"I-inutusan lang kam-" hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ko ng mag salita siya ulit
"And lumabas ka ng ganiyan lang ang suot tapos may kasama kapang ibang lalaki?!"
Sigaw niya kaya napa pikit ako, hindi ko alam kung anong kinagagalit niya! Nag paalam na man ako sakaniya kanina ah.
"n-nag paalam na man ako sayo kan-"
"pero hindi mo sinabi na siya ang kasama mo!"
"Sasabihin ko naman eh, kaso bigla kang umalis kani-"
Napatigil ako sa pag sagot ng bigla nalang niya akong sunggaban ng halik, nanlaki ang mga mata ko at pilit na kumakawala sa pag hahawakak niya sa bewang ko pero hindi ko magawa.
Marahas ang bawat pag galaw ng labi niya kaya hindi ko maiwasang masaktan, nag simulang tumulo ang mga luha ko dahil sa ginagawa niya.
Hindi! Hindi siya si Lance, hindi ako kaya ni Lance!
"P-please, stop." naiiyak na sabi ko at para na mang natigilan siya sa pag iyal ko dahil natigil siya
"Fuck! I'm sorry love, I'm sorry." sabi niya atsaka ako niyakap ng mahigpit.
"I'm sorry, I'm sorry." ulit na sabi ni Lance habang yakap yakap ako ng mahigpit.
Natigil na rin ako sa pag iyak atsaka pinili nalang ang manahimik, gusto ko siyang bulyawan, gusto ko siyang saktan, gusto ko siyang sipain pero di ko magawa, wala akong lakas para gawin ang alin man sa mga yun, atsaka isa pa. Hindi ko kayang saktan ang lalaking mahal ko.
"Love I'm sorry, I didn't meant to. Talk to me please." may pag mamakaawang sabi niya
Nilagay niya ang daliri niya sa baba ko atsaka inangat, napa titig ako sa mata niya, may guilt akong nakikita. Bakit ba di ko magawang msgalit sa lalaking to?
"W-why did you do that?" mahinang tanong ko sakaniya, hinawi ko ang kamay niya na nasa baba ko atsaka pinatong ang ulo ko sa balikat niya.
Nang hihina ako dahil sa nangyare, di ko inexpect na mag kakaganito kami, atsaka ayokong nag away kami, hindi ko kaya.
Pero tong ginawa niya, hinahalikan niya ako oo, pero hindi sa way na masasaktan ako.
Lance's POV
Sht! Napa iyak ko siya, damn myself.
Bakit ba hindi ako nag iisip? Gumagawa nalang ako ng sarili kong disisyon, ngayon napa iyak ko tong taong mahal ko, aahhh.
"I'm sorry." mahinang sambit ko atsaka siya niyakap ulit.
Gusto kong tanungin siya kung ano yung nasa isip niya ang kaso ay natatakot ako na baka iwan niya ako, I can't lose my girl, I just cant, she's my everything, she is my life, I'll be insane if ever I lost her.
Ako na ang unang bumitaw sa pag kakayakap asatsaka siya tinignan.
Napatingin ako sa maamo niyang muka, sobrang ganda niya kaya posibleng mag kagusto ang lokong yun sa girlfriend ko, abi is the most popular girl sa buong campus dahil sa bait at gandang taglay nito, nung unang tapak niya palang sa paaralang to ay siya na agad ang kauna unahang taong naka kuha ng atensyon ko.
Hindi ko siya hahaya-ang mapunta sa iba dahil akin lang siya, simula ulo hanggang paa akin lang siya! Ililibing ko ang mga taong may tangkang agawin siya. Sasagasaan ko lahat ng mga taong may binabalak na harangin kaming dalawa.
Dahan dahan kong kinuha ang kakaibang pabango sa bulsa at nilgyan yung paniyo ko ng hindi niya nahuhulata.
"Here." sabi ko sabay abot sakaniya ng paniyo, agad naman niya itong tinanggap atsaka pinag punas sa basa niyang pisnge, kaya naamoy niya ang amoy na nilagay ko.
"Lance, I'm tired." mahinang sabi niya atsaka bigla nalang itong nawalan ng malay pag katapos ma amoy ang kakaibang amoy na nilalagay ko sa paniyo ko.
Bigay saakin yun ni Iker, gawa ng papa niya.
Binuhat ko siya ng pang bridal style atsaka siya nilabas sa tambayan namin.
I-u-uwe ko muna siya ng mag ka usap kami ng masinsinan.
Habang nag lalakad ay may nakasalubong ako ng di kaayang ayang tao sa buong mundo.
Bakit ba nabuhay tong lokong to?!
"Did you see your gir- oh... What happened to her?" nag aalalang tanong niya atsaka agad akong nilapitan, kung hindi ko lang talaga hawak si abi ngayon sa mga bisig ko baka napatay ko na tong lalaking to.
Napaka pakelamero.
"Ano bang pake mo?" masunget na tanong ko, kaysa sa pansinin niya ako ay mas pinili na niya lang titigan si abi.
Medyo na offend naman ako, what the hell. Andito boyfriend niya tapos tititigan niya yung girlfriend ko ng ganiyan?
Nag hahanap talaga ng sakit sa katawan tong lokong to!
Hindi ko nalang siya pinansin atsaka nilagpasan, nag lakad pa ako hanggang sa makita ko sila Iker at Xerxes na takang naka tingin saakin.
"Napano siya?" tanong ni Iker atsaka patakbong lumapit saakin, naka sunid naman sakaniya si Xerxes.
"It's not your business moron!" asik naman ni Xerxes kaya tinanguan ko ito.
Ito ang nag sabi saakin na mag kasamang umalis si abi at yung lalaking yun, kaya ganun nalang ang galit ko ng todo.
Ayokong sumasama siya sa hindi ko kakilala at ayokong may kasama siyang ibangalaki bumod saakin.
Possessive na kung possessive, bastat ang teritoryo ko ay akin lang, and I don't fucking share what is mine.
"Ano bang next?" tanong ko sa sarili ko.
Nasa kusina kasi ako at nag luluto, hanngang ngayon ay hindi pa nagigising si abi.
Nag luluto ako ng adobo, sasabayin ko siya sa pag kain once na nagising siya, I need to clear things. I Don't want to lose her.
Ilang minuto lang ang lumipas ay natapos na agad ako sa pag luluto, inayos ko pa ito atsaka nilagay sa malaking tray atsaka binuhat.
Dahan dahan akong nag lakad papunta sa kwarto at dahan dahan ko ring binuksan ang pinto, nakita ko siyang kakagising lang kaya nilapitan ko siya.
"Hey, let's eat." naka ngiting saad ko pero agad itong nawala ng i-iwas nito ang paningin saakin
I know it, she's feeling awkward with me.
Kaysa lapitan ito ng tuluyan ay binitawan ko nalang sa maliit na lamesa ang pagkain.
"I know, your still mad at me. But love, please eat this, niluto ko pa yan, eat this ah? Lalabas na ako para maka kain ka" nakangiti pero bakas ang lungkot na saad o.
Tumalikod nako at ng akmang aalis ay hinawakan nito ang isang kamay ko kaya napatigil ako at napatingin sakaniya
"Please stay." mahinang saad nito pepr tama lang para marinig ko
"But you're mad at me."
"I-I'm not mad, I'm just shock." pag amin nito, lumapit naman ako sajabya atsaka umupo sa tabi nito.
Hinawakan ko ang buhok nito atsaka siya hinalikan sa nuo.
"Hindi na mau-ulit yun, kumain kana love." malambing na saad ko.
gumango naman ito at inumpisahan na ang pag kain sa niluto ko.
"Whats time is it?" tanong nito biglan.
"2:23" maiksing saad ko kaya natigil siya sa pag kain.
napabuntong hininga naang ako ng maramdaman ang pag tigil nito sa pag subo.
"I'm sorry love, hindi ko na uulitin yun." paninigurado ko, tumingin siya saakin atsaka ako nginitian.
"sana nga Lance, sana nga."