Télécharger l’application
26.47% My Husband's Revenge / Chapter 9: CHAPTER 9

Chapitre 9: CHAPTER 9

5:30 am

Paglabas ni Arabella sa banyo ay tumutunog ang kanyang cellphone. Agad agad niyang nilapitan ang cellphone at dinampot para sagutin ngunit nag end call na iyon. New number ang nakarehistro sa call list niya, at nakalimang miss calls na pala ito sa kanya.

" Sino kaya ito, ang aga naman!" saad niya sa sarili, baka ang kaibigang si Joy na naman ito at may chismiss na namang sasabihin kaya lang walang load kaya nakigamit na naman sa kung sino sa bahay nila. Napailing na lamang niyang ibinaba ulit ang telepono at ipinagpatuloy ang pagbibihis.

Nagbloblower siya ng buhok ng tumunog na naman ang kanyang telepono. Itinigil niya ang ginagawa at napapangiting pinindot ang answer button.

" Good morning, ano na naman yang chismiss mo at dina naman yan makapaghintay", pambibiro niya agad sa kaibigan. Kung hindi yung mga gwapong namemeet niya ay mga crush nito sa mga ibang department

" What keep you so long!", dumadagundong ang boses ni Tyron sa kabilang linya. Nailayo pa niya ng konti ang aparato mula sa pagkakadikit sa kanyang tainga. Nagtaka siya kung saan niya nakuha ang number niya, wala naman siyang maalalang nanghingi ito ng number niya.

" Hey! are you there?", untag pa nito mula sa kanyang pag iisip.

"uhmmm, yeah!"

" Kanina pa ako tumatawag, what keeps you busy this early?!", masungit paring turan nito.

" Ahhh naligo ako, sorry i don't know na ikaw yung tumatawag", paliwanag niya dito.

"That long?", maktol pa rin nito. Kaya di niya napigilang matawa.

" Yes, FYI 10 -15 minutes akong naliligo", saad niya dito.

Hindi siya makapaniwalang kausap niya ngayon sa telepono ito, at nasa ganong mood ang binata. Nasa business trip ito, at kahapon lang nagtravel papuntang Singapore ata. Basta somewhere outside the country, hindi na niya tinanong kung saan noong sabihin nitong mawawala siya ng 2-3 days.

" Akala ko kung ano na ang nangyari saiyo, i called you five times if you don't notice", saad ng nasa kabilang linya na halatang nag li-low na ang boses.

" I did...may importante ka bang sasabihin?", tanong niya dito habang naglalagay ng cream sa mukha.

" Kailangan ba may importante akong sabihin para tawagan kita?", binatang nakikinita ng dalagang nakakunot na ulit ang noo.

" oh...that's not what i mean. Nagkape kana ba?," out of the blue ay naitanong niya. Sa totoo lang di niya talaga alam kung paano sila magkakaroon ng rapport sa pagkakataong iyon.

" Yah, i' m about too, but im thinking of you", saad nito at halos nawala sa linya ang paglalagay niya ng kulay sa kanyang eyebrow. Ano daw?

" I'm ok, focus ka lang sa ginagawa mo diyan", saad niyang di maipinta ang matamis na ngiti sa kanyang mga labi. Para bang kinilig siya na ewan sa isiping iniisip siya nito.

" i miss you!", dagdag pa nito kaya di niya mapigilan ang sariling magtatalon sa tuwa.

" same here", turan niya habang kagat kagat ang kanyang hintuturo. Parang nasa cloud nine siya ngayon subalit kontroladong kontrolado niya ito na hindi naman magmukhang kilig na kilig siya sa binata.

" Did you eat?", maya maya ay tanong nito.

" Nope, agahan ko nalang para mag almusal ako sa jolibee mamaya"

" Again?", angil nito at napangiti siya.

" I used to...ikaw kumain ka muna diyan before ka umalis sa hotel", narinig pa niya ang sariling bilin niya sa binata. Kung ano ano lang ang pinag usapan nila, hangang makapagbihis siya at handa nang umalis sa bahay. Nag paalam lang din ang bianatang nasa kabilang linya ng may marinig siyang kumausap dito.

"Woow! that aura, kanino galing yang nakangiti mong mga mata?" Si Joy habang ibinababa ang bag sa kanyang cubicle. Ngumiti lang siya at kunwari hindi narinig ang sinabi nito

" Hey! Ale, im talking to you", lumapit na ito sa kanyang cubicle at nakapamaywang pa.

" Pinagtritripan mo na naman ako ang aga aga, oo na ililibre na kita ng luch mamaya", kunway turan niya dito.

" You slept with someone nung weekend!", walang kagatol gatol na sabi nito. Bigla siyang pinamulahan ng mukha.

" Anong sinasabi mo?", natatawang sabi niya habang itinago ang pamumula ng mukha

" Naamoy kita, wag kang magkaila", ang kaibigan sabay sundot sa tagiliran niya. Bilib talaga siya sa taong ito, kahit pakikipagtalik ng iba naaamoy niya.

" Madam Auring ikaw ba yan?", sabi niya, alangan naman aminin niya ang haka haka nito diba? kahit magkaibigan sila ipinapangalagaan pa rin naman niya nag tinatawag na privacy.

Buti nalang at nag siren na kaya, nakaiwas siya sa pag interrogate ni Joy sa kanya dahil gustuhin man niya o hindi kailangan na nilang harapin ang kani kanilang mga trabaho.

Halos lahat ng tao sa Communication Department ay busy sa kanilang mga ginagawa. Mag oout of town na naman kasi ang karamihan sa kanila kaya kanya kanyang preparation ng mga presentations. Nagpahatid na rin ang iba ng pagkain sa loob ng upisina kasi tinatamad na rin nag ibang magsilabas para mag lunch.

" Psst! cellphone mo kanina pa nagwawala, boss mo daw", si Joy pagbalik niya sa cubicle galing sa CR. Napakunot noo siya, pero agad din niyang kinuha iyon ng maalalang si Tyron ang tumatawag. Boss pala ang inilagay nitong pangalan nito sa phone niya. Pinindot ni ang green button saka pasimpleng umupo sa kanyang cubicle.

"Hi! ", mahinang bati dito, lihim pa niyang sinulyapan si Joy, alam niya kasing nag-oobserba ito.

" Finally! ", anang nasa kabilang linya na halatang may pakayamot.

" I'm in the office po, i cant get your call during office hours", natatawang paliwanag niya dito.

" Oh i hate your company", maktol ulit nito kaya lalo siyang napangiti.

" Hows your meeting?", bagkus ay tanong niya.

" Ok naman, yung mga artist nalang ang hindi pa ok, marami silang demand."

" Oh ok, kumain kana?",

" Not yet!"

" Kumain kana, its almost 12:30 here",

" Wala akong gana, mas gusto kitang kainin", ang binatang nasa kabilang linya at narinig pa niya ang pagtawa nito. Kahit di niya nakikita ito ay pinamulahan siya ng mukha. May pagkapilyo din nag binata kahit wala sa oras.

"Loko loko! bilisan mo na nga lang kausapin ang mga tao diyan ng makauwi kana", natatawa ring turan niya nang makarecover sa joke nito.

" Why, you miss me?", he teased.

" Uhmmmm",

" Uhmmm what?",

" Uhmmmm yes and no!

" What do you mean?",

" Yes i miss you, and no! i really really really really miss you", aniya habang di makapaniwala sa sarili sa mga nasabi niya. Medyo nakaramdam pa siya ng pagkapahiya sa sarili ng narinig niya ang malakas na pagtawa ng binata sa kabilang linya.

"Be there babe, the soonest!" paninigurado pa nito bago nila kapwa binaba ang telepono. Medyo mapabuntunghininga pa siya ng malalim ng ibaba ang telepono sa mesa, bigla niyang namiss ng sobra ang binata.

'At ano naman ang ibig sabihin ng malalim na buntunghininga na yan?", si Joy nakapangalumbana na pala sa kanyang mesa.

" Wala, marites kana naman diyan" mula sa pagkabigla ay pabirong sinungitan niya ito.

" Sabi ko na sayo, may sexcreto ka", pangungulit nito ulit at napatawa siya sa term nito

" Ikaw talaga! bumalik kana sa table mo, as in now na", sabi niya dito habang natatawang itinuro pa ang cubicle nito. Tumalima naman iyon ngunit sumenyas din na itinuro nag dalawang mata tapos ibinalik sa kanya. Binelatan niya ito, saka natatawang ibinaling ang atensiyon sa computer.

Late natulog si Arabella sa gabing iyon. Kahit gusto niyang makatulog ng maaga ay hindi siya dalawin ng antok, kaya minabuti niyang buksan ang laptop at rineview kanyang mga presentations.

Sakto 12:00 nang matapos na niyang iedit ang mga iyon. Tinignan niya ang kanyang cellphone ngunit wala man lang kahit na anong nakaregister na may tumawag. Naisip niya baka napagod ang binata kaya maagang natulog kaya hindi na siya natawagan. Napailing siya sa sarili, kahit di niya aminin sa sarili hinihintay niya talaga ang tawag ni Tyron. She misses him at iyon ang hindi niya maipagkakaila.

Mula sa pagkakatulog ay nagising ang dalaga ng maramdamang may tumabi sa kanya. Yumakap sa kanya ito at maya maya ay hinagilap ang labi nito ang kanyang mga labi. Napamulagat bigla ang dalaga sa pag aakalang nananigip siya. Laman kasi ng isip niya ang binata bago siya matulog kaya pati sa pagtulog ay naroon iyon. Tyron bite her lips kaya hindi talaga siya nananaginip. Sa tuwa niya ay niyakap niya ito ng mahigpit.

" Your here already?", masayang pahayag niya dito.

" In flesh! sabi mo kasi miss mo ako, so i'm here", saad nitong nakangiti kaya di niya napigilang halikan iyon.

" Thank you", saad niya dito.

" For what?",

" For coming home...safe and

sound!", sagot niya dito. Napangiti iyon kasabay ng paghinang ng labi nito sa kanya.

" i miss you more babe", saad nito pagkatapos bago pinaghinang ulit ang kanilang mga labi.

As usual nagising si Arabella mula sa tunong ng kanyang alarm clock. Naramdaman niya ang pangangalay ng kanyang mga kamay mula sa pagkakaunan ni Tyron sa mga ito. Nakakayap pa ito ng padagan sa kalahati mg kanyang katawan habang mahimbing na natutulog. Pinagmasdan niya ito saka dahan dahang dinampian ng halik sa kanyang buhok. Alam niyang napagod ito sa biyahe mula sa ibang bansa kaya hinay hinay ang kanyang ginawang paggalaw.

Tumuloy siya sa banyo pagkatapos, nag toothbrush saka tumuloy sa paliligo.

Paglabas niya sa banyo ay mahimbing pa rin ang binata sa pagtulog kaya naisipan niyang pumunta sa kusina at naghanda ng almusal.

Hotdog, itlog at ham ang inihanda ni Arabella. Hindi siya malimit kumakain sa bahay ng umaga pero since nandoon ang binata kaya naispire siyang magluto para dito.

Kasalukuyan siyang nagpiprito ng hotdog ng may biglang yumakap sa kanyang likod. Nabigla siya saglit ngunit napangiti rin ang dalaga pagkatapos.

"Bakit mo akong iniwan sa bed?", patampong sambit ng binata mula sa kanyang likod.

" Nagluto ako ng almusal natin, saka ang sarap ng tulog mo kaya hindi na kita ginising" paliwanag niya dito.

" You shouldn't do that", pagmamaktol pa rin nito ay natatawa ang dalagang hinarap niya ito. Nagtaka pa ito dahil nakaligo na rin ang binata kaya ang sarap sarap nito sa paningin.

" Hindi na po mauulit, now maupo ka na doon sa harap ng mesa at kakain na tayo", malambing na utos niya dito.

" I want to eat you first", malanding saad ng binata at nahampas niya ito sa braso.

" Loko! loko! umupo ka nga doon, matatapos na ito", nakatawang saad niya habang hinarap ulit ang kanyang liniluto.

" I'm serious", maya maya ay nakadikit na naman ito sa kanyang likod. Nakahawak na rin ito sa nakabuhol niyang roba at agad nagsipaglaglagan ng tanggalin nito ang pagkakabuhol. Tuloy tumambad ang hubad niyang katawan sa harap nito. Gusto niyang pulutin agad iyong at ibalot ulit sa katawan ngunit mabilis siyang sinaklit ng binata at pinaghinang ng matagal ang kanilang mga labi habang naglalakbay ang mga kamay nito sa ibat ibang parte ng kanyang katawan. Narinig pa niyang pinatay nito ang stove bago siya binuhat papunta sa kanyang kuarto.

" Don't move!", saad ni Tyron pagkatapos ng kanilang pagniniig. Nakayakap ito sa kanya at dinig na dinig pa niya ang malakas na pagpintig ng puso nito.

" Malalate na tayo" , saad naman niya at sumimangot iyon.

" just a minute, i want it this way". anang binata at wala na siyang nagawa kundi pagbigyan ito. Kung hindi niya lang iniisip ang kanyang trabaho nanaisin niyang nakakulong sa mga bisig nito kahit maghapon magdamag.

" Waiting here at the plaza!".

Isang text message ang natanggap ni Arabella mula kay Tyron. Five o'clock na ng hapon at naghahanda na ang lahat para sa pag uwi. Napangiti siya sa mensahe nito, actually siya ang may gusto na hindi siya idrodrop-off at susunduin sa building ng kanilang kompaniya. Hindi sa ayaw niya, kung siya lang masusunod gusto rin niyang malaman ng mga kasama niya or hindi nang buong mundo na she's with Tyron Alegre, the most eligible bachelor in town. Or hindi pala na siya ang asawa ng famous CEO of A&A Corporation. Pero hindi, since hindi naman niya ito pag-aari forever, mas mabuting walang nakakaalam kung ano ang connection niya dito. Arabella felt somewhat pain? pero hindi niya dapat maramdaman ang ganon kasi in the first place and right from the start alam niya kung ano siya sa buhay ng isang Tyron Alegre.

Pagbaba ni Arabella sa taxi ay agad hinanap ng kanyang mata ang kinalalagyan ng binata. Medyo malawak ang plaza kaya kung saan saan dumako ang kanyang mata. Maya maya ay nahagip ng kanyang paningin ang kumpol ng mga bata, may pinagkakatuwaan ang mga ito, kaya pala wala ni isang nakapansin sa kanya. Dati rati kasi pagbaba palang niya sa may taxi ay nagtatakbo na ang mga itong lumapit sa kanya. Gusto niyang daanan ang mga ito kahit pasimple lang, curious lang siya kung ano nag pinagkakaabalahan ng mga ito.

Napahinto ang dalaga mula sa mabagal na paglakad ng mamataan ang lalaking nakatayo sa may harapan ng mga ito, naka black na Tshirt, naka jeans at nakasuot ng white cap. Kung hindi niya kilala ang body built nito ay hindi niya makikilala ang lalaki. Sobrang bumata kasi sa rugged na suot at parang Daniel Padilla ang dating. Mula sa di kalayuan ay napapangiti niyang napagmasdan ang binata, he is so cute. Natawa pa siya ng tumayo ang driver nito mula sa pang-eechos sa mga batang naroon. Napakamot pa ito sa ulo ng biglang magtawanan ang mga ito at sabay sabay na nag "boo".

" Ate Araaaa!", mula sa kumpol ng mga bata ay nalingunan siya ni Marco. Agad nagsitayuan ang mga iyon at nagsitakbohang lumapit sa kanya.

Natatawa ring niyang pinagkukusot ang mga buhok ng mga ito saka isinenyas na bumalik sa kinaupuan kanina.

"Hi!" saad ni Arabella pagkalapit niya sa binata. Lihim pa siyang napasinghot dahil napakabango nito, parang palaging bagong ligo.

" What took you so long", hindi man nakatingin ay angil nito.

" Rush hour walang masyadong makuhang taxi, buti naman at napadako kayo dito. Mukhang napasaya niyo ng todo ang mga bata", saad niya habang tuwang tuwa sa nakikitang kasiyahan mula sa mga bata.

" Ronnie gave them food and entertainment too.", saad nito at nakangiti niyang nilingon nito. Akala niya sa iba nakatingin ngunit biglang nanghang ang kanyang ngiti ng nakatingin pala ito sa kanya.

Bigla siyang naasiwa, thinking kung may mali sa kanya. Tinanggal pala niya ang blazer kanina tanging ang white sleeveless na upper niya ang nakabandera habang nakatuck in sa lagpas tuhod niyang palda.

Bigla niyang naitaas ang hawak na bag at blazer hanggang s adibdib niya saka patay malisyang nginitian niya ito bago bumaling ang tingin sa mga bata.

" I don't want to see displaying your curve in public", mula sa malapitan ay narinig niyang turan ng binata. Mahina lang at siya lang ang nakarinig ngunit pinamulahan siya ng mukha. Anong display ang sinasabi nito? manggas lang naman ang wala sa kanyang damit. Naexposed lang ng konti ang kanyang boobs dahil nakatuck-in ng mataas ang kanyang mahabang palda.

" Lets go!", maya maya ay ay hawak na nito ang kanyang kamay palayo sa mga bata.

" Si Ronie?", saad niya pa dito sa driver niya.

" He knows what to do, just hope in the car", pahayag ng binata kaya sumunod nalang din siya.

" Wag kang magtatanggal ng blazer kapag lalabas ka sa office or Not even walking in your office like that", saad nito ulit habang paalis na ang kanilang sasakyan.

"Why? masama bang magtanggal ng jacket kung mainit?", natatwang pahayag niya.

" Yes, for you lalo na sa ganyang inner. My God! you are so sexy, pagpiyestahan ka ng mga tao sa labas",

Ewan ba niya kung music sa kanyang pandinig ang sinabi nito pero parang hindi naman dahil nakabusangot ito.

" Should i take that as a compliment or should i be ashamed?," tulirong saad ng dalaga dito, parang mas matimbang kasi sa pandinig niya na hindi kaaya aya ang kanyang ayos.

" That's not what i mean. You look great, kaya lang masyadong exposed ang curve mo and...i find that exclusive!",

" Exclusive? ",

" Yeah! exclusive just for me...and that body of yours is exclusive for my eyes only", ang binata na walang pag aalinlangan kaya di niya napigilang pagtawanan ito. Ang cute naman, did Tyron Alegre sounds too possessive?

" What's on your mind? bakit ka tumatawa?", saad nito sa ikinilos niya.

" Wala, ang cute mo para kang si Daniel Padilla",

" Oh, really?", hindi makapaniwalang saad ng binata sa tinuran niya, ngumiti pa ito ng pagakatamis tamis sabay hawak sa kamay niya saka mabilis na inilapit sa labi nito at hinalikan.

Natuwa naman ng todo ang dalaga sa ginawa nito ngunit idinaan nalang niya ng pagngiti ang pagkakilig niya.

*****†*******#*************#**


next chapter
Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C9
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous