Télécharger l’application
80.76% My Epic Love / Chapter 21: My Destiny

Chapitre 21: My Destiny

Aubrey 's Point of View

Nagulat pa ang mga lovers ng marinig nilang may tumikhim.Grabe sila, sa sobrang busy yata sa ginagawa nila hindi man lang nila narinig ang pagbukas at pagsara ng pinto.

" Ehem! Pare mukhang ok ka naman na yata eh." asar ng nakangising si Mark.

Napakamot na lang si Icko ng ulo at ngumiti.Pero napalitan ng gulat ang expression nya pagkakita sa akin.

Sabi ko na nga ba hindi nya agad ako napansin.

Asa ka pa, eh busy nga sya sa pakikipag-?... tsk! bat di ko masabi.

Selos much ako.

Nakatingin lang sya sa akin.At ako naman eh yumuko lang ng hindi ko matagalan yung tingin nya.Para kasing may kakaiba dun sa tingin nya.

Hindi ko ma-explain eh, parang sadness and at the same time pained.Ewan ko kung tama ako ng tingin pero yun ang nakita ko sa mga mata nya.

Hindi ako kumikibo habang nag-uusap-usap sila.Alam kong masama ang tingin ni Abby sa akin pero hindi lang sya makapag-taray dahil nasa labas lang si tita Rhia.

Si Icko naman madalas kong nahuhuling sumusulyap sa akin pag hindi nakatingin si Abby sa kanya.

Naks! Nakaw tingin lang ang peg, parang totoo ha?

Dun lang ako sa sulok habang nagbabasa kuno nung magazine na nakita ko dun sa may table.Awkward kasi ng sitwasyon kaya kunwari busy na lang ako sa pagbabasa.

Maya-maya lang pumasok na si tita na kasama na yung doktor.Ni-check nya si Icko sa buong katawan then maraming sinabi na kung ano-anong chuvanes at pagkatapos sinabi na pwede na daw itong lumabas ng ospital anytime.

Nagpaalam na yung doktor at sumabay na rin si tita para magbayad na ng bill nila dahil gusto na nya  lumabas at umuwi na sila ora mismo.

Nung makaalis na si tita Rhia ay nagpaalam na rin si Abby na uuwi na.Alam naman nya kasi na dinededma lang sya ni tita kaya siguro nagpaalam na.

Pero bago sya lumabas ng pinto ay tinignan nya ako ng stay away from my boyfriend look at sa ako inismiran ng bonggang-bongga.Problema nun?

Pagbalik ni tita Rhia hiningi nya ang tulong namin para mailabas na si Icko.Hindi man ako kumportable na malapit sa anak nya, hindi ko naman matitiis si tita.

Kaya no choice ako.Tumulong kami sa pagliligpit ng mga gamit nila hanggang sa maihatid namin sila sa bahay nila.

Hindi ko pinapansin si Icko at iniiwasan ko rin na mapadikit man sa kanya.Palaging kay tita Rhia ako nakalapit.

Nakikita kong gusto nya akong lapitan at kausapin pero sa tuwing tatangkain nya na lumapit ay umiiwas ako.

Hanggang sa magpaalam na kaming umuwi ay hindi na kami nagkausap.

Alam kong nalulungkot sya base sa nakikita ko sa mga mata nya.Siya lang ba? ako rin naman.

Hindi naman sa masyado akong nag-iinarte. Mas mabuti na yung ganito kami kesa naman patuloy lang akong umasa at masaktan.

Pagdating sa bahay tinanong agad ako nung tatlo kung ano ang nangyari sa pinuntahan ko.Hindi naman ako nagdamot ng impormasyon sa kanila.Lahat kinwento ko pati yung nakaka-inis na tagpo nina Icko at Abby na inabutan namin.

Syempre nagwawala na naman sila sa inis buti na lang dumating na si tita Rain kaya kumalma na sila.

______________

Pagdating ng Lunes ay nakita ko ang kotse ni Icko sa parking lot ng school.Pumasok na pala sya. Paano kaya ang gagawin ko na pag-iwas sa kanya mamaya sa klase namin sa Humanities?

Iniisip ko ang mga posibleng gagawin kong pag-iwas sa kanya mamaya nang biglang bumukas ang kotse nya at lumabas sya mula sa driver's seat.

Saktong nakatapat na ako dun para dumaan.Parang nanlalambot ang mga tuhod ko ng magkatinginan kami.

Shete! Muntanga na naman ako na nakatitig lang sa kanya.Naka blue shirt sya at black pants, nakasuot din sya ng cap.Kahit na may mga konting galos pa rin sya sa mukha ang gwapo-gwapo pa rin nya.

Nasaan naman ang hustisya?

Hindi ko alam kung gaano kami katagal na nakatingin lang sa isat-isa.

Naputol lang yun nung biglang sumulpot si Abby galing sa kung saan at biglang yumakap kay Icko at mabilis din na nagdampi ng halik sa labi nya.

Mabilis akong lumayo.Mahirap na baka makita na naman nya ako at bigla na namang umusok ang ilong nya at magbuga ng apoy.

Pagdating sa klase namin sa Humanities, pinili ko na sa harapan umupo at sakto naman na isa na lang ang bakanteng chair.

Pumasok si Icko at nakita ko na palinga-linga sya.Nang makita nya ako ay parang nadismaya sya na tumingin sa inuupuan ko.Nakapagitna kasi ako sa dalawang kaklase namin na boys.

Kuyom ang palad na nagmartsa sya papunta sa likod para umupo.

Ano nangyari dun?

Natapos ang klase namin.Nililigpit ko ang mga gamit at libro ko sa bag ng may tumayo sa harapan ko.

Alam ko na kung sino sya kahit na nakayuko ako at hindi tumitingin base sa sapatos na suot nya, kabisado ko na eh.

Tumayo ako at naglakad palabas ng classroom namin.Nararamdaman kong nasa likuran ko sya at sinusundan ako.

Vacant period ko at naisip kong umuwi na lang muna sa bahay.Naglakad ako papuntang entrance gate nang maramdaman kong may sumusunod pa rin sa akin.Lumingon ako at laking gulat ko ng si Icko ang malingunan ko.

Teka saan sya pupunta? May susunod na klase pa sya ah!

Hinayaan ko na lang baka may bibilhin lang sa labas.

Dahil isang kanto lang naman ang layo ng bahay namin sa school ay agad akong nakarating.

Kinuha ko ang susi sa bag ko at nang akmang bubuksan ko na ang gate ay may umagaw ng susi sa mga kamay ko at ito ang nagbukas ng gate.

I heaved a deep sigh.Akala ko pa naman may pupuntahan syang iba, sinundan pala nya ako hanggang dito.

Wala na akong nagawa, napaka unethical naman kung paaalisin ko sya kaya ibinukas ko na lang ng maluwag ang gate hudyat na pwede syang pumasok.

Pagpasok namin ay dumiretso na sya ng upo sa sofa.At home kasi yan dito dahil madalas syang pumunta nun nung friends pa kami pag wala syang magawa sa kanila at isa pa ka vibes na rin nya si tita Rain.

Hindi rin naman sya kumikibo basta nakatingin lang sya sa akin.Mapapanis laway namin nito. Kaya ako na ang unang bumasag ng katahimikan.

" Bakit mo pa ako sinundan? Wala ka bang pasok?"

He cleared his throat then face me.

" Meron.Gusto kitang makausap.It's about time na sabihin ko na sayo ang lahat Aubrey."

Naguguluhan akong tumingin sa kanya.

"May mga bagay akong hindi nasasabi sayo.Madalas naguguluhan ka sa mga sinasabi ko.I really just can't believe na pwede palang maging posible ang lahat.Aubrey ang pagkikita nating dalawa ay hindi sinadya at gaya ng sinabi ko sayo noon na ang panaginip ay hindi kabaligtaran minsan nagkakatotoo talaga."

" What do you mean Icko?" naguguluhan ko pa rin na tanong.

" Aubrey I think you are my destiny!"

Ha! Ano daw?


L’AVIS DES CRÉATEURS
AIGENMARIE AIGENMARIE

Dear readers ilang chapters na lng then POV ni Icko tapos epilogue na.

Salamat po sa lahat ng sumuporta sa story na ito.Samahan nyo po ako hanggang sa ending...

Thank you po!

next chapter
Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C21
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous