Télécharger l’application
80% Mr. Lover Meets Ms. Simple / Chapter 8: Chapter 7

Chapitre 8: Chapter 7

Maaga ako pumasok ngayon dito sa school kasi napag usapan namin ni Jv na mag uusap kami gusto ko klaruhin sa kanya ang lahat.

Andito ako ngayon sa rooftop kung saan nangyari ang hindi dapat mangyari wala na ako ibang maisip na pupuntahan kaya dito ko naisipan para deretsyo rin kami sa klase mamaya.

Napag desisyunan kong umupo na lang muna habang nag iintay kay Jv hindi ko mapigilan kabahan sa maari namin pag usapan pero isa lang ang nasisigurado ko I will stay as his bestfriend yun lang.

Narinig ko ang pag bukas ng pinto nitong rooftop kaya baka andito na si Jv hindi ko alam pero sa mga yabag na naririnig ko hindi maiwasang tumibok ng malakas nitong puso ko.

Nilalamon ako ng kaba na hindi ko naman dapat maramdaman kailangan ko iparamdam sa kanya na wala lang sa akin ang pag uusap namin na ito.

"Ivy" tawag nya sa akin

"Anong pag uusapan natin Jv?"ayoko na magpaligoy-ligoy pa.

"About Us" derekta nyang sagot

Us? Anong Us? Hindi ko sya maintindihan.

"What do you mean Us?! There's no Us Jv!" hindi ko intensyon na mag taas ng boses pero hindi ko napigilan ang sarili ko.

"Ivy there's an Us" pamimilit nya naalala ko bigla yung pagpapakilala nya sa akin noong araw ng laro nila.

"Kung ang sinasabi mong Us is yung pagpapakilala mo sa akin sa ibang studyante noong laro nyo. Jv please stop! It was just an act! There's nothing serious hindi ko sineryoso yon"

Kitang kita sa mga mata nya na may kakaiba hindi ko lang maintindihan kung ano yon.

"Ivy listen to me the kiss that happen to us! Is that a joke for you?!" ramdam ko ang inis nya.

"No! Pero tinatake ko yon as incident!" walang dahilan para halikan nya ako.

"What the fuck Ivy! I mean that kiss! I kiss you because I want you to know how much you mean to me"

Naguguluhan na ako sa kanya hindi ko makita ang pinupunto nya!

"Jv ano ba?! Ano ba yang sinasabi mo?! Mali yung ginawa mo at aaminin ko mali rin ang ginawa kong pag tugon sa halik mo at pinagsisihan ko yon!"

"Really?! Pinagsisihan mo yon?!" kitang kita sa mga mata nyang nasasaktan sya kahit ako nasasaktan rin hindi ko itensyon na saktan sya.

"Yes! Mag bestfriend tayo Jv and ayoko masira yon nang dahil lang dito kaya please let's stop this"

"Yeah we're fvcking bestfriend but Ivy everything changed! Nung mahalikan kita at nang tumugon ka doon ko narealize na hindi ka lang basta bestfriend!"

Nakikinig lang ako sa sasabihin nya hindi ko alam pero pakiramdam ko wala na akong masabi.

"Ivy you know how much you mean to me, you know how much I care for you pero nung makita kita pinag uusapan ng lahat I feel like I want to protect you"

Ano bang nagbago? Wala ako makitang nagbago.

"Jv hindi mo ako kailangan protektahan kasi kaya ko ang sarili ko! And ano yung sinasabi mong nagbago?! Walang nagbago Jv"

"Jv wag mo naman sirain ang pagkakaibigan na meron tayo! Ano lang sasabihin ng lahat especially your fangirls?! Huhusgahan nila tayo lalo na ako! I'm not the one for you Jv"

"I don't care to other people! I don't care if they judge us! The Important here is Us!"

"Jv ilang beses ko bang uulitin sayo na walang tayo?! Nakakapagod na Jv!"

Naiinis na ako sa taong ito hindi ko na sya mabasa hindi ko na alam ang gagawin ko.

"And bakit ka umalis yesterday ng basta-basta?! Hindi mo sinasagot ang mga tawag and text ko! Fvck Ivy! I'm so worried about you!" galit nyang sabi.

"It's none of your business Jv"

"Fvck Ivy please! I'm so drunk last night because of you! I can't do anything to find you! I don't know where to find you! Tinawagan ko ang landline nyo sa batangas pero wala ka daw doon I thought your Nanny there is lying pero nung si Gaile na ang tumawag ka daw talaga don"

"I'm so frustrated last night! Pakiramdam ko masisiraan na ako ng ulo kakaisip kung nasaan ka!"

"Ivy I like you! Not as my bestfriend but as a woman! Alam ko marami ako naging girlfriend pero iba ka sa kanila"

Nanikip ang dibdib ko nang sabihin nyang gusto nya ako paano sya nakakasiguradong gusto nya nga ako baka dahil lang hinalikan nya ako.

"Nahalikan mo lang ako gusto mo na ako?! Seryoso ka ba dyan Jv?! Hindi ako ang nababagay sayo"

"No It's not about the kiss! It's about my real feelings for you and so what kung hindi ikaw ang para sa akin?! Pero para sa akin ikaw ang nababagay sa akin!"

Hinakawan nya ang magkabilang braso ko wala na naman akong makapang salita na pwedeng sabihin sa kanya. Naguguluhan ako ng sobra.

"Jv naman?! Walang-wala ako sa mga naging girlfriend mo! Tama yung mga fans mo mukha lang ako katulong mo! Kaya pwede ba tama na?!"

Sa wakas may nakapa na rin akong salita.

"Jv! Hindi mo ako pwedeng magustuhan dahil bawal! Mag kaibigan tayo at ayoko sirain yun. Jv yun na lang ang meron tayo! Iba na lang Jv!"

"Don't push me away Ivy please! Ikaw lang ang gusto ko at wala nang iba. Hayaan mo ako iparamdam at ipakita sayo na gusto kita at kaya kita protektahan"

Hindi ko na alam ang dapat isipin pa kay Jv. Sobra na ako na is-stress sa kanya hindi pwede ang gusto nyang mangyari.

"Jv let's stay as Bestfriend! Wag mo ipagpilitan ang sarili mo sa akin dahil hindi naman kita gusto!"

Kinailangan ko mag sinungaling para mag mukha akong strong sa kanya. Gusto ko rin sya at masaya akong malaman na gusto nya ako pero hindi pwede.

"I know. What I want from you is to let me show you how sincere I am na gusto kita" kalmado nyang sagot.

"Jv please! Ako na nagmamakaawa sayo let's stay bestfriend at yun naman ng makasanayan natin ayoko masira ang matagal natin napagsamahan"

"Jv hindi katulad ko ang nababagay sayo wala pa ako sa kalingkingan mo at lalo na sa mga naging ex mo!"

"I don't care about your looks what i want is you!"

Sumasakit ang ulo ko dahil kay Jv hindi matitigil to kung ipagsisiksikan nya na gusto nya ako.

"Jv kung ayaw ko masira ang pagkakaibigan natin at ipagpipilitan mo yan gusto mo mas mabuti pang mag iwasan na lang tayo kalimutan natin may pinagsamahan tayo"

Hindi ko na sya naintay pang sumagot at nag walk out na ako hindi ko na kaya nasasaktan ako sa pagtulak ko sa kanya lalo na sa nararamdaman nya para sa akin.

Pero mas importante sa akin ngayon ang pagiging mag bestfriend namin wala na akong iba pang hihilingin sa kanya kundi maging mag bestfriend na lang kami.

Nararamdaman kong basa ang mga mata ko at dumeretsyo ako dito sa cr ng girls. Hindi ko alam bakit kailangan ko umiyak.


next chapter
Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C8
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous