Ang Ammut ay nakakita lamang ng isang anino na kumutitap sa halip na makita ang paggalaw ni Ye Song gamit ang kanyang mga mata. kaya nang lumitaw si Ye Song sa harap mismo niya, hindi nagawa ng Ammut na makapag-react!
Hindi niya inaasahan na si Ye Song ang gagawa ng inisyatibo para umatake. higit pa rito ay napakabilis ni Ye Song!
Sa sandaling nailapit ni Ye Song ang distansya sa pagitan nila, ang kanyang kanang kamao ay sumabog, payak at simple, nang hindi gumagamit ng anumang mga kasanayan sa labanan kung nasaan ang puso ng Ammut.
Bang!
Isang malakas na putok ang tumunog sa buong kagubatan at ang impact ay nakalikha ng isang marahas at mabangis na hangin na may kakayahang sirain ang lahat sa daanan nito!
-99999!
Dahil napakataas ng kanyang luck, ang [God's Blessing] ay madaling na-activate kasama ng kanyang iba't ibang mga buff.
Ang lahat ng kanyang buffs ay sabay-sabay na na-activate at nagsanib sa suntok na iyon,
Dahilan para hindi makayanan ng Ammut ang suntok na nagmula kay Ye Song!
Isang marahas na panginginig ang naganap sa katawan ng Ammut at sa sunod nitong paghinga, isang mahinang tunog ng pagsabog ang nagmula sa kinaroroonan ng kanyang puso!
Pagkatapos ng ilang sandali, ang kanyang buong katawan ay tumalsik palayo na parang isang patay na hipon.
Sunod-sunod na nag-crash ang Ammut sa mga puno at tumama sa mga durog na bato bago bumagsak sa lupa sa ibaba.
Ang lupa ay nayanig habang nagkalat sa paligid ang mga buhangin at alikabok.
Ang lahat ng mga puno ay nawasak sa dinaanan nito dahil sa impact at isang malaking tipak ang nahukay mula sa lupa dahil sa isang suntok na iyon!
Isang malaking butas ang lumitaw sa dibdib ng Ammut ngunit humihinga pa rin ito dahil pinrotektahan siya ng mga black vines sa katawan nito at inabsorb ang ilan sa impact sa suntok na ginawa ni Ye Song.
Ngunit sa kabila ng lahat ng iyon, ang Ammut ay malubha pa ring nasugatan at walang natitirang oras sa kanyang buhay!
Dahan-dahang lumakad si Ye Song patungo sa halimaw na nakahiga sa lupa na may dugo sa buong katawan nito. nang makita niyang humihinga pa ito ay walang ginawa si Ye Song at tinitigan niya lamang ang Ammut sa mga mata nito.
Nang makita ng Ammut si Ye Song na nakatitig sa kanya habang siya ay unti-unting namamatay, Tinipon nito ang kanyang huling lakas at tumawa na parang kinukutya ang lalaking nasa kanyang harapan.
Hindi mapigilan ni Ye Song na kumunot ang kanyang noo nang makita ito at bigla siyang nakaramdam ng pagkalito.
Habang hinuhulaan niya kung ano ang tinatawa ng Ammut, bigla niyang narinig na nagsalita ito bago maubusan ng hininga.
"Hahaha.. tapos na ang misyon ko! ang kailangan ko lang naman gawin ay abalahin ka .."
Nang marinig niya ang sinabi ng Ammut, biglang naramdaman ni Ye Song ang isang hindi magandang premonition sa kanyang puso.
Habang siya ay nagkakaroon ng masamang premonition, ang system ay biglang umalingawngaw sa kanyang ulo!
*DING*
*Isang biglaang quest ang na-trigger!*
-
[Pagsalakay ng mga halimaw!]
Ang bayan ng Malaya ay inaatake ng mga halimaw!
Ang Devilslaves ay naglunsad ng isang sorpresang pag-atake sa bayan ng Malaya at ang mga tao ay nasa panganib!
Mayroon ka lamang tatlumpung minuto upang iligtas sila!
Bilisan mo! ang mga halimaw ay sumasalakay na!
Time Left: 29 minutes 59 seconds
-
Nang makita ni Ye Song ang na-trigger na quest, biglang tumalon ang pagtibok ng kanyang puso.
Nang mabasa niya ang nilalaman ng quest, bigla siyang nataranta sa labis na pagmamadali dahil nag-aalala siya sa mga nangyayari sa bayan ngayon.
Nang maisip niya ang tungkol dito, hindi na siya nagtagal pa at ibinaling ang kanyang ulo patungo sa direksyon kung saan nakatakas ang grupo ni Roy Balboa kanina.
Sa isang tunog ng "Swoosh!" , nawala ang katawan ni Ye Song sa manipis na hangin at ang kanyang anino ay kumislap sa mga puno habang ang kanyang silweta ay gumagalaw na parang multo.
Ang mga natitirang halimaw na nakatago sa dilim ay nagulat sa kanyang biglaang paggalaw ngunit mabilis silang nakabalik sa kanilang pandama at nagsimulang habulin si Ye Song.
Sa pagkamatay ng kanilang pinuno, ang mga anino sa dilim ay nagsimulang makaramdam ng pagkabalisa tungkol sa misyon na ibinigay sa kanila pero tinatagan pa rin nila ang kanilang kalooban at pinili na gampanan ito.
Nagsimula silang gumalaw nang magkakasabay at mabilis na hinabol si Ye Song.
Samantala, habang si Ye Song ay tumatakbo nang mabilis hanggang sa kanyang makakaya..
Sa malalim na kagubatan hindi kalayuan sa kanya, sa hilaga lamang sa may katimugang hangganan o border ng Freedom Land, maririnig ang mga palumpong(bushes) na kumikibo sa paggalaw habang ang isang pangkat ng mga kalalakihan at kababaihan ay lumabas mula sa likuran nito.
Ang isa sa mga lalaki ay tumingin sa langit habang nakasimangot. habang nakatingin sa paglubog ng araw sa likod ng mga bundok, ibinaling ng lalaki ang kanyang tingin sa grupo at sinabi,
"Li Hong, sigurado ka ba na dito ang daan? totoo ba ang sinabi mo na may bayan dito?"
Nasa kamay ni Li Hong ang isang mapa kung saan ay pinag aaralan niya ito.
Lumingon siya sa paligid upang tingnan ang lugar at maya-maya lang ay itinuro niya ng bahagya ang daan sa kanan.
"Huwag kang mag-alala, tumingin ka doon. iyon ang ilog na sinasabi ko. ito ay isang lokal na palatandaan malapit sa bayan ng Everest at mayroong isang lawa sa tabi mismo nito. maliit lang ito kaya makakarating tayo doon bago lumalim ang gabi. halika na't magpatuloy na tayo. pagkatapos ng pagtawid natin sa bundok na iyon ay malalaman mo na totoo ang sinasabi ko .."
Isang malaking bundok ang sinasabing malayong distansya ang kailangan nilang tawirin kaya nag-aalangan ang kanilang grupo na magpatuloy dahil gabi na. mas gugustuhin pa nilang mag camping dito at maghintay hanggang sa pagsikat ng araw kaysa maglakbay sa gabi dahil ang mga halimaw ay mas agresibo at mas marahas kapag hating gabi.
December na guys! irregular muna ang release natin dahil kailangan ng pera para sa bagong taon hahaha!
Creation is hard, cheer me up!
I tagged this book, come and support me with a thumbs up!
Like it ? Add to library!