Télécharger l’application
36.08% Maybe This Time Love Can Win (Tagalog) / Chapter 140: Mr. De Jusus 4

Chapitre 140: Mr. De Jusus 4

Tuluyan ng naidikit ni Mr. De Jesus yung katawan niya sa akin at talagang nangingilabot ako kaya naisipan kong tuhurin yung ari niya para sana makatakas ako pero dahil nga sa madalian kong pagkilos naiwasan niya ito.

"Sabi ko naman sayo wag ka ng pakipot alam ko naman na gusto mo rin ito. Kaya nga lagi kang bumabalik dito kasi nagpapansin ka sakin?" Hanggang sa huli di parin talaga siya tumugil sa pag-aasume niya a may gusto ako sakanya.

Naisip ko mas makakabuti kung ire-reverse pschology ko siya.

"Di ko kasi akalain na mapapansin mo ko Arman!" Paglalambing ko sa kanya pero kung tutuusin gustong gusto ko na siyang bugbusin.

"Masyado ka kasing nagpapansin sa akin kaya pinagbibigyan na kita!" Pag-sang ayon niya sa akin.

Tuluyan na niya kong niyakap habang yung dalawang kamay niya ay nasa bewang ko pero alam ko di pa yun ang tamang pagkakataon nung akma na niya akong hahalikan mabilis kong tinusok ng dalawa kong daliri yung dalawang mata niya talagang ibinuhos ko dun yung natitira kong pwersa.

"Ahhhh! Sigaw niya habang takip-takip niya yung dalawa niyang mata bahagya siyang napaatras dahil dun. Kaya sinipa ko yung ari niya ng ubod ng lakas dahil dun natumba siya. Pagtumba niya agad akong tumakbo papunta pintuan.

Iniwan ko na yung bag ko ang importante makalabas ako sa kwartong ito sakto naman ng pagbukas ko ng pinto may tao ring papasok dahil nga mas matangkad yung pumasok sa dibdib niya ko bumanga.

"Hawakan mo yang babaeng yan! Wag mong papaalisin!" Sigaw ni Mr. De Jesus kaya muli akong napa tingin sa dereksyon niya habang hawak-hawak parin yung pagitan ng kanyang binti. Dahil sa pagkakatusok ko sa mga mata niya lalo iyong namula na akala mo para siyang demonyo.

Agad pumasok sa isip ko na kasabwat niya yung taong nabangga ko. Ang tangin naisip ko bumalik sa bag ko at kunin ang screw driver dahil kung magiging dalawa sila tiyak na mahihirapan na ko makatakas atleast kung may hawak akong sandala kahit maliit na chance may pag-asa.

Patakbo na ko sa upuan kung nasaan yung bag ko ng may biglang may humawak sa braso ko kaya napilitan akong tingnan ang may gawa nun pero laking gulat ko ng bumungad sa akin ay si Martin.

"Okey ka lang?" Mabilis niyang tanong sakin na punong-puno ng pag-aalala.

"Martin!" Tawag ko sa pangalan niya at mabilis ko siyang niyakap di ko na napigilang lumuha. Nanginginig yung buo kong katawan ngayon lang pumasok yung takot sa buo kong katawan.

"Okey ka lang?" Muli niyang tanong sa akin medyo malakas na yung boses niya na halatang nagtitimpi ng galit.

"Oo!" Sagot ko habang patuloy na umiiyak.

"Saglit lang! Dito ka muna!" Sabi ni Martin sa akin. Habang isinandal niya ko sa may pader mapalapit sa pintuan. Nilapitan niya si Mr. De jesus na patuloy na nakahiga sa may sahig akala ko pagbabantaan lang niya or tatakutin pero laking gulat ko ng bigla niya itong suntukin sa muka.

Di lang isang beses madaming beses halos di ko na mabilang nanlaki yung mata ko dahil dun dahil ngayon ko lang nakita na ganun si Martin punong puno ng galit ang kanyang muka na akala mo sinapian.

Tanging naririnig ko yung "Ah... Ah..!" ni Mr. De Jesus habang pinapa ulanan ni Martin ng suntok ng makita kong may dugo na yung muka ni Mr. De Jesus bigla akong napa pikit parang di ko na kayang tingnan lalo ng makita kong tumalsik yung isa niyang ngipin.

Nung di ko na marinig yung ungol ni Mr. De Jesus akala ko tinigilan na siya ni Martin kaya muli akong nagmulat ng mata pero laking gulat ko ng makita kong inupuan na siya ni Martin sa katawan habang patuloy ang pagsuntok sa muka. Punong-puno na nga dugo ang muka ni Mr. De Jesus wala ng parte ng muka niya na walang dugo di mo na nga makikila ito samantalang si MAring punong-puno narin ng dugo ang kamao niya may mga talsik narin ang suot niyang damit pati muka niya.

Kitang kita ko sa muna niya ang killing instinct na parang gusto na niyang patayin si Mr. De Jesus kaya agad ko siyang nilapitan bago pa niya tuluyang mapatay ito.

"Hon, tama na!" Mahina kong sabi pero di parin siya tumigil kaya napilitan akong hawakan yung braso niya na muli niya sanang isusuntok. Dahil sa ginawa ko tumingin siya sa direksyon ko kaya muli akong nagsalita.

"Tama na!"

"Michelle!"

"Bahala na ang pulis sa kanya! Wag mong dumihan ang kamay mo sa walang kwentang tao!"

Dahil dun para siyang natauhan, dahan-dahan siyang tumayo pero bago kami tuluyang umalis dalawang beses pa niyang sinipa si Mr. De Jesus. Dinampot niya yung bago ko na ansa upuan at hinawakan niya yung kamay ko at tuluyan na kaming lumabas at iniwang walang malay at duguan si Mr. De Jesus sa sahig.

Paglabas namin ng pintuan nasalubong namin si Yago na nagulat kasi nga puro dugo si Martin samantalang ako naman ay napaka messy ng itsura.

"Call the police." Tanging nasabi ni Martin habang patuloy na naglakad papunta sa looby.

Medyo lito pa ako kaya di ko na napansin yung mga taong naka tingin samin na parang nagtataka kung anong nangyari. Naramdaman ko na lang pinasakay ako ni Martin sa kotse niya sa may front seat. Kinabit niya yung seat belt ko at sinigurado niyang okey ako bago siya pumunta sa driver seat.

Makalipas ng ilang minuto tuluyan na kami umalis. Di nagsasalita si Martin at seryoso lang na nagmamaneho samantalang ako naka tingin sa labas ng bintana Iniisip ko yung nangyari kanina di ko napigilang yakapin yung sarili ko.

Mukang naramdaman ni Martin yung nararamdaman kaya ipinark niya yung kotse sa may gilid ng kalsada kaya tiningnan ko siya. Kagaya ko naka tingin lang din siya sa akin habang yung dalawang kamay niya at naka kapit sa manibela.

Nginitian ko siya para malaman niyang okey lang ako at wala siyang dapat alalahanin. Yung dugo na nasa muka niya at nanuyo na pero di nun nabawasan ang ka gwapuhan niyang taglay. Pero nung naisip ko na yung dugo na yun ay galing sa walang hiyang taong iyon agad akong naiinis kaya kinuha ko yung wet wipes na nasa bag ko at pinunasan ko yung muka niya ng dahan-dahan.


next chapter
Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C140
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous