Naging tahimik yung biyahe namin di na kami nag-usap. Pinilit kong maka tulog pero ayaw akong pagbigyan ng pagkakataon. Pero kahit di ako tulog nanatili paring naka pikit yung mata ko para iwasan si Martin.
Patapat sa tapat ng bahay namin agad kong inalis yung seatbelt ko at kinuha yung bag ko sa likod na upuan para sana lumabas pero di binuksan ni Martin ang lock kaya wala akong nagawa kundi tingnan siya.
Nakatingin siya sa akin na parang nagmamakaawa na sabihin ko sakanya kung anong nangyari.
"Cool off muna tayo!" Mahina kong sabi sa kanya.
"COOL OFF?" Malakas niyang sagot sa akin.
"Oo!" Sagot ko habang naka tingin sa labas.
"Michelle tingnan mo ko! Anong problema?" Galit na galit si Martin at nakikita ko yun sa muka niya di ko alam kung sa akin o dahil sa sinabi ko pero tiningnan ko parin siya sa muka para ipakita na seryoso ako.
Ang tagal namin nagtitigan at wala ni isa sa amin nagsalita. Hanggang may kumatok sa bintana ng kotse si Mike. Kaya walang nagawa si Martin kundi buksan yung pintuan at tuluyan na kong lumabas.
"Anong ginagawa niyo bakit ang tagal niyong lumabas?" Pang-aasar nito sakin nung lumabas ako.
Pero di ako sumagot sa halip ay nilagpasan ko lang si Mike na parang di ko narinig yung sinabi niya.
"LQ kayo?" Narinig kong tanong Mike kay Martin pero di ko narining yung sagot nung isa.
Pagpasok ko sa loob nakita ko si Papa na nanunod ng TV sa sala kaya agad akong lumapit para mag bless.
"Kamusta?"
"Okey lang Pa." Marahil napansin ni Papa na medyo tahimik ako kaya kinamusta niya ako pero sympre ayaw kong mag-alala siya kaya sinagot ko siya nun. Lumabas si Mama mula sa kwarto nila ni Papa at may dala dalang mag tinuping damit ko.
"Oh andito ka na pala Michelle, Ikaw na nga maglagay nitong mga damit mo." Sabay abot sa akin ng mga damit na agad ko naman tinanggap.
"Good Evening po!" Bati ni Martin pagpasok sa bahay kasunod niya si Mike na bitbit yung buko pie. Yun lang talaga ang gusto ko kay Martin kahit kailan di pumunta sa bahay namin na walang dala napaka thought full niya.
"Magkasama na kayo ng dalawang araw pero andito ka parin." Sita ni Papa sa kanya.
"Kailangan lang po namin magusap ni Michelle Tito may kunting di pagkakaunawaan lang ayaw ko naman pong matapos yung araw na di namin nareresolve yung mis-understanting."
"Naku Bayaw kahit botong-boto ako sayo once na pinaiyak mo yung ate ko mabubugbog kita!"
Pagbabanta ni Mike ang nakakatawa lang habang sinasabi niya iyo ay sumusubo ng ng buko pie na dala ni Martin na inilatag na niya sa center table. Muli kong tiningnan si Martin na naka tingin din sa akin na parang nakiki usap ng mag-usap kaming dalawa.
"Pag-usapan niyong dalawa Michelle." Sabi ni Mama habang muling bumalik sa kwarti nila ni Papa kaya wala akong nagawa kundi kausapin si Martin.
"Doon tayo rooftop!" Sabi ko sakanya habang nauna na kong umakyat. Dumiretso muna ako sa kwarto ko para ilagay yung damit na tinupi ni Mama. Dirediretsong pumasok sa kwarto ko si Martin na parang sanay na sanay na talaga siya di man lang nangimi na baka mamaya makita siya ng mga magulang ko.
"Mauna ka sa rooftop!" Utos ko sa kanya habang sinasalansan ko yung mga damit ko sa aparador pero sa halip na sundin ako bigla niya kong niyakap at hinalikan.
"Matin... hmmm... hmmm!" Saway ko pero di ko na tuloy yung protesta ko dahil sa agresibo niyang halik. Nung halos mauubusan na kami ng hininga ng bitawan niya yung labi ko pero sobrang lapit parin ng muka niya sa akin habang nagsasalita.
"How dare you na makipag cool-off sakin samantalang kagabi lang magkatabi pa tayong natutulog na nakahubad at ...." Di ko na hinayaang tapusin niya yung gusto niyang sabihin agad kong tinakpan yung bibig niya ng palad ko.
"Ang ingay mo marinig ka ng parents ko!" Gigil na gigil kong sabi sa kanya. Inalis niya yung kamay kong nakatakip sa bibig niya at itinaas yung sa bandang uluhan ko.
"Anong problema sabihin mo sakin?"
Dahil sa tanong niya muli akong nagbaba ng tingin pero iniangat niya uli yung muka ko sa pamamagitan ng kanang kamay niya samantalang yung kaliwa ay hawak parin yung isa kong kamay. Isinandal niya ko sa may dingding para siguradong di ako makakatakas sa tanong niya.
"Hmp!" Irap ko sa kanya sabay baling ko sa kaliwa para muling iwasan ang tingin niya pero muli niya lang ibinalik ang muka ko sa tapat ng muka niya.
"Michelle di ako aalis dito hanggat di mo sakin sinasabi."
"Hmmm Si Elena..."
"May ginawa siya sayo?" mabilis akong umiling para itangi yung pahayag niya.
"Doon siya natutulog sa kwarto mo." Mahina kong sabi sa kanya. Binitawan ni Martin yung kamay ko at ang muka ko at tumayo siya ng diretso halatang nagulat din siya sa sinabi ko.
"Di ko alam." Mabilis niyang sagot sa akin.
"Alam ko!" Sagot ko naman pero muling tumulo yung luha ko. Alam ko naman na di niya alam na andun natutulog si Elena pero ang di ko lang alam kasi kung bakit andun pa yung mga picture at iba pang gamit niya at ang gusto ko sana kusang ipaliwanag yun sa akin ni Martin at di ko na sana kailangan pang itanong pero parang bakit ayaw niya iyon ipaliwanag sa akin kaya nasasaktan ako.
"I am sorry!" Apologize niya sa akin ng makita niyang tumutulo na yung luha ko.
"No need to apologize pero sana pagbigyan mo muna ako mag cool off muna tayo!"
"Michelle!"
"Sort out mo muna yung feelings mo saka muli tayong mag-usap."
"I know may feeling and I'm sure na mahal kita kaya wala dapat pang sort-out."
"If you love me magsasabi ka sakin ng totoo of you love me di ka maglilihim sa akin." Di ko na napigilang magtaas ng boses at ilabas yung sama ng loob ko feeeling ko kasi panakip butas lang ako.
"Tungkol parin ba kay Elena?"
"Kung totoong di mo na siya mahal bakit andun parin sa kwarto mo lahat ng gamit niya even your old pictures na magkasama kayo andun pa. Di akong selosang babae Martin at alam ko malalim yung pinagsamahan niyo and I don't want this feeling na para bang hinahadlangan ko yung pagkakaroon ng happy ending ninyong dalawa."
"Matagal na kong di umuuwi sa Laguna at di ko narin napansin yung mga ganung bagay I'm sorry."
Muli niyang sabi sa akin akma niya sana akong muling halikan pero umiwas ako. Gusto kong ipakita sa kanya na firm ang desisyun ko na makipag cool off muna sa kanya para makapag desisyun siya ng tama.