Télécharger l’application
91.75% Maybe This Time Love Can Win (Tagalog) / Chapter 356: Chapter 356

Chapitre 356: Chapter 356

Agad ko ibinaling yung tingin ko sa iba at saka ako lumapit sa kuhaan ng tubig at uminom. Pagkatapos nun ay muli akong umakyat na para bang di ko siya nakita.

Muli akong humiga sa kama pero di mawala sa isip ko yung itsura ni Martin. Basang-basa na siya sa ulan at kung mananatili pa siya roon ng matagal tiyak na magkakasakit na siya.

Pagtingin ko sa relo na nakasabit sa ding-ding ng kwarto ko saktong alas dose na ng madaling araw at base sa buhos ng ulan tiyak ko na magpapatuloy pa ito hanggang umaga.

Makalipas ng ilang minutong pagkakatingin ko sa kisame ay muli akong bumangon at dahan-dahan akong lumapit sa bintana. Maingat akong sumilip sa awang ng kurtina para tingnan kung andun pa siya at kagaya kanina nanatiling naka upo dun si Martin habang naka tingin sa direksyon ng kwarto ko kaya mabilis akong nagtago dahil sa takot kong mahuli niya kong naka tingin sa kanya.

Di ko maiwasang mapakagat labi dahil sa nakita kong sitwasyon ni Martin. Naawa ako sa kanya pero pinipilit ko paring patayin yung awa na iyon kaya muli akong bumalik sa higaan ko.

"Kapag nilamig yan, uuwi rin yan!" sabi ko bago ko ipinikit yung mata ko pero makalipas ng ilang minuto ay muli akong nagmulat ng mata, paano kasi mukha parin niya yung nakikita ko kaya muli akong bumangon at sinilip siya sa bintana at gaya parin kanina andun parin siya nagpapakabasa sa ulan.

"Pakamatay ka diyan!" usal ko at saka ako muling bumalik sa higaan pero makalipas lang ng ilang minuto ay muli akong bumangon pero di na ko sa bintana pumunta kundi bumaba na ko ng tuluyan.

"Diba sabi ko sayo umalis ka na!" bulyaw ko kay Martin mula sa pintuan. Di ko na natiis kasi mamaya may mangyari sa kanya na masama masisi pa kami, dahil nga sa harap na bahay namin siya.

"Di ba nga sabi ko rin sayo di ako aalis hangga't di mo ko kinakausap!" sagot din ni Martin sakin habang naka cross yung dalawa niyang braso sa dibdib niya. Malamang nilalamig na siya kasi ako nga na di basa at naka tayo lang sa may pintuan namin nilalamig siya pa kaya.

"Umuwi ka na!" muli kong sigaw pero di siya kumilos at naatili lang sa dati niyang posisyun.

"Bahala ka sa buhay mo, pakamatay ka diyan!" sambit ko, balak ko na sana muli siyang pagsarhan ng pintuan at talikuran ng makita kong bigla siyang lumuhod.

"Anong ginagawa mo?" sigaw ko habang nanlalaki yung mata ko kasi nga di ako makapaniwala sa ginawa niya.

"Hon, mahal na mahal kita please mag-usap tayo."

"Tumayo ka nga diyan!" di ko alam kung lalapitan ko siya para patayuin o babatuhin ko ng suot kong tsinelas eh.

"Hon, please! Nilunok ko na lahat ng pride ko wag mo lang akong iwan. Di ko na kayang maghintay ng panibagong dalawang taon."

"Bwist ka talaga!" tanging nasabi ko habang galit akong lumakad papunta sa kanya. Syempre kahit anong galit ko di ko kayang makita siyang naka luhod dun, ano ako santo na kailangan niyang luhuran.

"Tumayo ka diyan!" sabi ko kay martin habang hinawakan ko siya sa kwelyo ng suot niyang polo shirt at hinila ko siya pataas para mapilitan siyang tumayo.

Pagtayo ni Martin agad niya kong niyakap, "Hon, I'm sorry kung ano mang kasalanan ko sayo I'm sorry!"

"May magagawa ba yang sorry mo, matapos mo kong lokohin!" sagot ko sa kanya habang pinaghahampas ko siya sa likod kasi grabe yung pagkakayakap niya sakin at kahit anong gawin kong tulak ay di siya bumibitiw kaya likod niya yung pinagdiskitahan ko.

"Di kita niloko!"

"Di mo ko niloko, matapos mo kaming pagsabayin ni Ellena!" sagot ko kay Martin habang umiiyak na kaya binitawan ako ni Martin at hinawakan yung dalawa kong pisngi at itinapat yung mukha niya sa mukha ko.

"Di ko kayo pinagsabay, ikaw lang ang para sakin!" seryosong sabi niya sakin.

"Eh bakit mo siya pinakasalan?" galit kong tanong sa kanya na may kasamang hampas sa dibdib niya.

"Di ko siya pinakasalan, sino ba nagsabi sayo niyan? Ikaw lang ang pinakasalan ko, ikaw lang talaga!" sigaw din ni Martin.

Dahil sa pagkakasigaw ni Martin bigla akong natigilan. Nakatingin lang ako sa mukha niya at pinagmamasdan ko siya kung totoo ba yung sinasabi niya sa akin.

"Ikaw lang ang pinaksalan ko at wala ng iba. Mahal na mahal kita, di ba sinabi ko yun sayo? Kaya paniwala ka sakin, ikaw lang ang babaeng gusto kong makasama habang buhay!" sabi ni Martin sakin na puno ng sincerity at kahit umuulan nakita kong lumuluha din siya na kagaya ko.

"Kung ako lang ang mahal mo asan ka ng isang linggo, bakit di kita ma-contact?" tanong ko sakanya habang naka hawak ako sa dalawang balikat niya.

"Sorry kung pinag-alala kita, nawala kasi yung phone ko." sabi ni Martin

"Nawala yung phone mo? Bakit inabot ka ng isang linggo?"

"Nung umalis ako ng Sabado, naging critical yung lagay ni Lola kaya kinakailangan namin siyang dalhin sa America. Dahil nga mahina din Papa at Lolo ako yung sumama, pagdating ko ng America saka ko lang na-realize na wala yung phone ko. Bumili naman ako kagad kaya tinawagan kita pero out of coverage ka na." sabi ni Martin habang pinupunasan ng thumbs niya yung luhang pumapatak sa gilid ng mata ko at kahit umuulan, alam niyang luha ko iyon.

"Bakit di ka tumawag kay Mike o kaya kay Mang Kanor para sabihing di mo ko maka-usap?" tanong ko kay Martin kasi alam ko naman sa time na yun, malamang sira na yung phone ko samantalang yung isa iniwan ko sa condo niya.

"Maniniwala ka ba Hon kapag sinabi ko sayo na maliban sa phone number mo wala na kong ibang kabisadong number." sabi ni Martin habang idininik yung noo niya sa noo ko.

Di ko alam kung matatawa ako o maiiyak sa sinabing iyon ni Martin.

"Hon," tawag niya sakin pero di ako kumibo at tiningnan ko lang siya kasi nga tinitimbang ko yung mga sinabi niya sakin.

"Mahal na mahal kita, wag ka ng magalit please!" sabi ni Martin sakin uli bago niya ko hinalikan sa labi.


next chapter
Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C356
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous