Télécharger l’application
48.45% Maybe This Time Love Can Win (Tagalog) / Chapter 188: Chapter 216

Chapitre 188: Chapter 216

"Hay!' Muli kong buntong hininga bago ko sinagot yung phone.

"Sir?" Mahina kong sabi.

"Sabi mo nagpaalam ka kay Boss Helen?" Tanong niya kaagad sa akin.

"Nagtext ako Sir, kasi nung tinatawagan ko naka off yung phone niya" Paliwanag ko kasi yun naman ang totoo.

"Bkait galit na galit? Alam mo Michelle na di kita sinabihang pumunta diyan ikaw yung nagpresenta ngayon pati kami nadadamay. Umalis ka na diyan pumunta ka na sa boyfriend mo!" Iretableng sabi ni Sir John.

"Malapit naman ng matapos Sir, Tapusin ko nalang po!" Paki usap ko para sana di na siya maabala kasi alam ko nasa Pampangga pa siya manggagaling.

"Wag ka ng makulit Michelle! Umalis ka na bago pa ipasara ng boyfriend mo yung buong opisina natin at bago pa ko muling sermunan ni Boss Helen. Sa susunod sa office ka lang at wag na wag ka ng lalabas!"

"Sige po!" Malungkot kong sagot. Wala akong nagawa kasi nga nanghimasok na si Martin at may mga taong nadamay dahil sa akin kaya pumayag narin ako kasi wala rin naman talaga akong magagawa.

Kababa ko palang ng phone ng makita ko si Martin palapit sa akin.

"Tara na!" Utos niya.

Di ko siya sinagot at sadyang nilagpasan ko lang siya para sana kunin yung gamit ko.

"Sabi ko tara na!" Madiin niyang sabi.

"Kukunin ko lang yung gamit ko hintayin mo nalang ako sa labas." Sagot ko sa kanya. Kung tutuusin naiinis na talaga ako sa kanya kaya lang pinipigilan ko kasi nga maraming taong naka tingin sa amin.

Bumalik ako sa server room para kunin yung gamit ko.

"Aaalis ka na Ma'am? Tanong ng isang technician sa hotel.

"Yes Sir, Meron lang akong emergency pero papunta na po si Sir John mga ten minutes andito na siya." Paliwanag ko.

"Baka pwedi naman hintayin mo muna siya Ma'am alam mo naman kailangan natin itong maayos." Paki usap niya sa akin.

"Di na pwedi kailangan na naming umalis." Sagot ni Martin na sumunod rin pala sa akin.

"Parating naman na si Sir John." Muli kong sabi sa technician kasi mukang na intimidate na siya kay Martin kasi natulala na siya habang naka tingin dito.

'Sige po Ma'am!" Tanging nasagot niya nung natauhan.

Kinuha ni Martin yung bag ko at tuluyan na kaming umalis.

"Di ba nag-usap na tayo na di ka na pweding mag support outside office? Bakit nasa labas ka?" Panenermon sa akin ni Martin habang naglalakad kami papuntang parking area.

Di ko siya sinagot kaya muli siyang nagsalita.

"Ang tigas ng ulo mo! Kapag may nangyari sayong masama ewan ko nalang sayo! Napaka simple lang naman ng instruction ko ang hirap ba nun sundin?"

Nagpatuloy siya sa pagsasalita pero di ko na inintindi at nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang makarating kami sa kotse niya. Para siyang nanay ko na kung magsermon andun yung sinasabi niya na napaka tigas ng ulo ko para sa akin naman daw yung inuutos niya. Di naman daw ako mamatay kung susundin ko siya at marami pang iba.

Kahit anong daldal niya di ako nagsalita at nanatili akong naka tingin sa labas ng bintana. Marahil nga dahil di ako sumasagot at tumahimik narin siya.

"Sa Pad tayo Mnag Kanor!" Utos ni Martin.

"Sa bahay namin." Utos ko naman.

Tiningnan kami ni Mang Kanor sa front mirror para siguraduhin kung sino ang dapat niyang sundin saming dalawa.

"Sa Pad ko!" Muling sabi ni Martin.

Syempre si Martin yung nagpapasahod sa kanya walang nagawa si Mang Kanor kundi mag U-turn papunta sa Pad niya.

Nung huminto yung sinasakyan naming kotse sa stop light agad kong kinuha yung bag ko at lumabas. Agad akong sumakay sa isang jeep na naka parada sa bandang unahan namin.

"Michelle!" Narinig ko pang tawag ni Martin pero di ako lumingon.

Buti nalang nag Go na kaya agad umandar yung jeep.

"Bayad Kuya diyan lang sa may kanto!" Sabi ko nung iabot ko yung bayad ko sa driver. Mula kasi sa kanto pwedi na ko dun sumakay ng bus papunta sa bahay namin.

Laking gulat ko ng biglang nag preno si Manong Driver kasi may humarang na kotse sa harapan niya at lumabas dun si Martin na mabilis na naglakad papunta sa pwesto ko.

"Baba na diyan!" Sigaw niya sa akin.

Pero di ako natinag at nanatili akong naka upo.

"Baba sabi!" Ulit niya.

Kagaya ng nauna deadma ako na parang di ko siya kilala at wala akong naririnig na nagsasalita.

"Miss bumaba ka na at naabala mo na kami!" Sabi ng katabi kong babae sa kanan.

Doon ko lang napansin na nag cause na kami ng traffic dahil nga sa pagharang ni Mang Kanor sa kalsada para di makalagpas yung jeep na sinasakyan ko at di rin kayang magmaneobra ng driver para sana maka lipat sa ibang lane.

"Baba ka na Miss!" Utos na ng Driver.

Wala akong nagawa kundi bumaba.. Saktong pag baba ko agad akong hinablot ni Martin at mabilis na isinakay sa kotse.

"Sa bahay namin!" Sabi ko.

Tumango lang si Martin kay Mang kanor para sang ayunan yung gusto ko kasi kapag di niya pa ko pinagbigyan muli akong baba at sisiguraduhin kong di na ako muling sasakay sa kotse niya.

Naging tahimik na yung biyahe namin di na siya nagsalita at lalo ako di na nagsalita. Naka siksik ako sa may bintana at naka tingin lang sa labas. Kahit minsan di ko siya tinapunan ng tingin kaya di ko alam kung anong ginagawa niya pero minsan naririnig kong bumubuntunghininga siya.

Makalipas ng ilang oras ay nakarating kami sa bahay. Pag hinto pa lang ng kotse ay agad na kong bumaba at di ko na siya nilingon. Agad akong nag bless kina Papa at Mama na nanunuod na ng TV sa may sala pagkatapos ay agad din akong umakyat.

Narinig kong binati ni Martin yung magulang ko pero di ko na siya pinansin.

Nagpalit ako ng damit na pambahay para matulog na. Wala na kong ganang kumain ng dinner ang gusto ko lang ay ipikit ang mata ko para maka limutan ko yung nangayari kanina. Yung lahat ng mga sinabi nila sa akin at panenermon nila na para bang maling-mali yung ginawa ko di man lang nila inintindi yung point ko.


next chapter
Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C188
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous