Chapter 7
"Von, Sa'n tayo pupunta?" Tinignan ko si Von na hila hila ang isang maleta sa isa nyang kamay, habang sa isa naman ay nakahawak sa aking kamay.
"Let's go on a date." Simpleng sagot nito sa akin. Sinulyapan lamang ako nito at maliit na ngumiti sa akin.
Napangiti naman ako sa kanya at tumango. Binilisan ko ang paglalakad ko upang mapantayan ko sya sa kanyang paglalakad. At sa sandaling mapantayan ko sya ay kinalas ko ang pagkakahawak nya sa kamay ko.
Tumingin ito sa akin, tinangala ko sya bago ngumiti. Ako na mismo ang humawak sa kanyang braso na tila isa akong batang takot mawala sa maraming tao. Habang nakahawak ako kay Von ay tinitingala ko sya minsan at nakikita ko na napapangiti ito habang diretsong nakatingin lamang sa daan na tinatahak namin dalawa.
"Na-miss kita." Bulong ko sa kanya na alam kong ilang beses ko ng nasabi sa kanya simula kanina.
Huminto ito sa paglalakad kaya napahinto rin ako. Akala ko kung anong gagawin nito, ginulo nito ang buhok ko bago muling naglakad. Napangiti na lamang ako at saka sumunod sa kanya.
Grabe, na-miss ko talaga si Von. Noong mga araw na hindi sya nagpaparamdam sa akin, akala ko ay iniwan na nya ako. T'wing gabi ay grabe ang pag-iyak ko dahil ni text man lang ay wala akong natatanggap mula sa kanya noon.
Humingi ako ng tulong non may Uno, pero hindi nya ako pinansin at sinabi lamang nito na pabayaan ko muna si Von.
"Umalis sya dahil siguro kailangan nya muna ng Space para pag-isipan ang sinasabi mong pagtanggap sa hiling ni Mom."
Hindi ko alam kung may alam ba si Uno sa sinasabing hiling ng Mom nila ni Von. Pero dahil sa pananalita nya ay nagkaroon ako ng ideya na may alam nga si Uno. Si Von kaya, alam nya?
Pinilit kong iwaksi ang kaisipan at tanong na iyon sa aking isipan. Kailangan ko munang tanggalin ang mga katanungan ko sa kanya, this is a date. Kailangan kong sulitin ang mga bibilang na oras naming dalawa ni Von.
Humawak ako ng mahigpit sa braso ni Von at kulang na lamang ay magsumiksik ako sa bandang kili-kili nya para lang mas mapalapit ako sa kanya. Hindi ko na muna inisip ang kung anong maaring maging tingin sa akin ng mga taong nakakakita sa akin kung paano ako kumapit kay Von, ang mahalaga ay maging masaya ako--kami ngayon.
Narinig ko naman ang bahagyang pagtawa ni Von dahil sa ginawa kong mahigpit na paghawak sa braso nya. Napangiti na lamang ako dahil alam kong mahihirapan akong harapin ang mga susunod na araw na hindi sya kasama. Sigurado akong mahihirapan ako.
-
Huminto kaming dalawa ni Von sa tapat ng isang sikat na Park, malapit lang din ito sa School na pag-aari ng pamilya ni Von. At dahil doon ay naalala ko nanaman ang usapan namin ng Mom ni Von.
Napatingin ako kay Von, maaliwalas ang mukha nito at mukhang sobrang saya ngayon. Napangiwi ako dahil mukhang sisirain ko iyon mamaya bago kami maghiwalay ng landas.
Mamaya na ako makikipaghiwalay sa kanya. Bulong ko sa isipan ko habang nakatingin sa mukha ni Von na pinagmamasdan ang buong Park.
Napalingon ito sa akin at kinunutan ako ng noo, pilit akong ngumiti noong hinawakan nya ang kamay ko at marahan akong hinila upang mas mapalapit ako sa kanya. Napayuko ako at napapikit noong maramdaman ko ang paghalik nito sa tuktok ng aking ulo.
Ano ba, Von? Bakit ka ganyan? Mahihirapan ako t'wing ganyan ka. Gusto ko sanang sabihin iyon sa kanya, gusto ko sana syang sigawa dahil sa pinaggagawa nya pero hindi ko magawa.
Mas nahihirapan ako dahil sa ginagawa nya. Napapaisip ako kung itutuloy ko pa ba o hindi na muna ang plano kong pakikipaghiwalay sa kanya. Masyadong mahirap para sa akin na iwan sya.
"Gusto ko ng ice cream." Wala sa sariling saad ko habang nakayakap parin ako kay Von.
Muli ay naramdaman ko ang paghalikn nito sa tuktok ng ulo ko bago ako marahang inilayo sa kanya. Napapikit ako noong guluhin nito ang buhok ko at pagtapos non ay hinawakan naman nito ang kamay ko't hinila ako patungo sa bilihan ng ice cream.
Napangiti naman ako habang pinagmamasdan sya na bumili ng Ice Cream. Alam na nito ang paborito kong flavor dahil madalas kaming dalawa dito kahit noon pang nag-aaral pa kami ng senior high. Dito kami madalas magtungo dahil dito rin ang lugar kung saan ko sya sinagot.
"Here," inabot ko ang binigay nyang ice cream sa akin. Malaki ang ngiti ko at mabilis pa sa alas kuatro na nilantakan ko iyon.
Narinig ko naman ang pagtawa ni Von habang pinagmamasdan ako. Napangiti ako. Pano ba yan? Hindi ko na makikita ang mga ngiti at pagtawa nitong lalaking 'to mamaya.
Matapos naming kumain ng ice cream ay napagpasyahan naming dalawa na umupo muna saglit sa bench at doon ay magkwentuhan na lamang muna. Syempre, matagal syang nawala at hindi nagparamdam sa akin.
Gusto ko paring malaman kung saan ba talaga sya nagpunta noong umalis sya, at kung anong dahilan nya at bakit bigla na lamang nawala sya.
"Von, san ka ba talaga nanggaling? At bakit bigla ka nalang nawala?" Tumingin ito sa akin na tila hindi nito inaasahan ang tanong kong iyon sa kanya.
Nakipagtitigan muna ako sa kanya ng ilang segundo at noong marealise ko na wala syang balak na sagutin ang mga tanong ko sa kanya at isang maliit na ngiti ang binigay ko sa kanya bago ako nag-iwas ng tingin.
"Okay lang. Kahit 'wag mo ng sagutin, Von." Saad ko habang nakayuko at pinaglalaruan ang daliri ko.
Kinagat ko ang ibabang labi ko noong maisip ko na parang nagbago sya. Bakit parang nawala ang Von dati na makulit? Maingay? Bakit bigla na lamang syang nananahimik at maski pagsagot sa mga tanong ko sa kanya ay hindi nya na magawa.
Ano ba talaga kasing nangyari sa isang buwan na wala sya?
"I found your sister," agad akong nag-angat ng tingin sa kanya noong sabihin nya iyon.
Akala ko ay nagbibiro lamang ito ngunit napaawang ang labi ko at gusto ko sanang magsalita ngunit parang nawalan ako ng boses. Sinarado ko ang labi ko at inantay na lamang na magsalita si Von.
"I found her, sorry kung hindi ko sinabi sayo agad. Hindi ko kasi alam kung paano ko sasabihin sayo," bumuntong hininga ito at saka tumingin sa akin ng diretso.
Wala naman akong maisagot sa kanya. Nakatingin lamang ako sa kanya at pinapakinggan ang mga sinasabi nya.
Kaya ba umalis sya? Saan nya naman nakita ang kapatid ko? Paano? At bakit nya naman hahanapin ang kapatid ko? Wala akong natatandaan na may sinabi ako sa kanya tungkol sa kapatid ko na nawawala. Kaya paano?
"Alam kong marami kang tanong sa akin, Irene. You can ask me anything, sasagutin ko." Sabi nito sa akin. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko bago ako umiwas ng tingin sa kanya.
Bumuntong hininga ako. Marami akong tanong sa kanya, marami akong gustong itanong sa kanya na gusto ko ring masagot nya. Pero sa sobrang dami ay hindi ko alam kung saan ako magsisimula.
"Paano mo nalaman ang tungkol sa kapatid ko?" Mahina kong tanong sa kanya at nag-angat ng mga mata para tignan sya.
Nakita ko ang pagpungay ng mga mata nito na lalo kong ipinagtaka. Bumuntong hininga ito at saka sumandal sa bench, tumingala ito kahit na nakakasilaw pa ang araw.
"Hindi ko sinabi sayo ang tungkol sa kapatid ko, kaya paano mo nalaman ang tungkol sa kanya Von?" Pumikit ito at nakita ko kung paanong gumalaw ang Adams apple nito.
"I accidentally heard your talk with your mother, sorry. Alam kong mali yung ginawa ko at hindi ko pa sinabi sayo, pero gusto ko lang namang makatulong sa inyo--sayo para hanapin ang kapatid mo. I'm sorry." Hindi ako nagsalita. Hindi ko tinatanggal ang mga mata ko sa kanya kahit pa nakatingin na ito sa akin.
Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko o kung anong dapat na maging reaksyon ko dahil sa sinabi nya. Narinig nya pala ang lahat ng pinag-usapan namin ng mama ko, pero hindi nya sinabi sa akin 'yon.
Ano 'yon? Palihim syang gumagawa ng kilos para mahanap ang kapatid ko? Palihim syang kumikilos habang kasama ako? Nakagat ko ang labi ko bago yumuko. Bumuntong hininga ako.
"Hey, sorry if i didn't tell you. Sorry, Irene." Nakita ko mula sa gilid ng mga mata ko ang ginawa nitong pagtayo mula sa kanyang kinauupuan at ang ginawa nitong paglapit sa akin.
Nanlaki ang mga mata ko at napaangat ng mga mata noong bigla na lamang lumuhod si Von sa harapan ko at hinawakan ang kamay ko. Naramdaman ko ang pag-init ng mukha ko at nangamba sa magiging reaksyon ng mga taong makakakita sa ginawa nyang iyon.
"Von.."
"Irene, please forgive me. Umalis ako ng walang paalam sayo, hinanap ko pa ang kapatid mo ng wala kang kaalam alam. Sorry." Paghingi nito ng tawad sa akin at hinalikan nito ang likod ng palad ko.
Napalunok ako at pinigilan kong mapangiti. Kailangan kong mag-seryoso, Irene kailangan mong magseryoso. 'Wag ka munang kikiligin!
"Von..."
"Irene...Baby, please forgive me." Halos magmakaawa na ito sa akin kaya naman hindi ko na maiwasang hindi mapangiti noong tawagin nya akong baby.
Argh! Naaasar ako sa sarili ko. Bakit hindi ko kayang pigilan yung pagngiti ko kapag sya na ang kasama ko? Mukhang mahihirapan 'ata akong iwan sya mamaya.
"Von, ano ka ba? Bakit ka naman humihingi sa akin ng sorry? Tumayo ka nga dyan." Pinatayo ko sya pero nagmamatigas talaga ito at hindi pumayag na tumayo mula sa pagkakaluhod nya sa harapan ko.
Napabuntong hininga tuloy ako.
"Tumayo ka dyan, Von. Pinagtitinginan na tayo ng mga tao oh." Mahina kong saad sa kanya at pilit ko parin syang pinapatayo ngunit nagmamatigas talaga ito.
"No, hindi ako tatayo dito hangga't hindi mo ako pinapatawad. Hanggang hindi mo sinasabi sa akin na hindi ka galit sa akin."
"Hindi naman ako galit sayo, Von eh. Pero sa ginagawa mong 'to, sige ka magagalit talaga ako sayo." Pananakot ko kaya naman hindi ko mapigilang hindi mapangiti noong dali-dali syang tumayo at pinagpag ang kanyang tuhod na medyo nadumihan.
"Really? You're not mad at me?" Naninigurado nitong tanong sa akin noong makatayo na ito. Tumango ako sa kanya at saka hinawakan ang kamay nya.
Ngumiti ako sa kanya at saka nagsalita.
"I'm not mad, Von. I'm just pissed. Naiinis lang ako dahil hindi mo man lang sinabi sa akin na hinahanap mo pala ang kapatid ko edi sana nakatulong ako sayo. Naiinis ako kasi bigla ka nalang umalis ng hindi ko alam ang dahilan." Narinig ko ang pagbuntong hininga nito at pagbulong ng kung ano sa kawalan ngunit hindi ko naman naintindihan.
Tumingin ito sa akin at hinawakan ang magkabila kong pisngi. Medyo yumuko ito para mahalikan ako sa aking noo. Napangiti ako at yumakap agad sa bewang nito.
"Grabe yung pag-aalala ko sayo, Von, alam mo ba 'yon? Tinatawagan kita pero hindi ka naman sumasagot. Don't do that again." Saad ko habang nakasubsob ako sa kanyang tiyan.
"Yeah. I won't do that again. Sorry, Irene baby." Napangiti ako bago may tumulong luha sa mga mata ko.
Hindi na nga nya gagawin, pero ako naman ang gagawa non bukas o di naman kaya ay sa makalawa.
Sorry Von, this is for your own good. Tutuparin ko nalang ang napag-usapan namin ng Mom mo, then ayos ka na. Sana lang mapatawad mo ako.
-
Written by Chewzychick