"CHEERS!" malakas na sigaw ni Maritoni. Kasalukuyan siyang nasa isang bar sa Maynila kasama ang mga kaibigan na sina Carol at Jona na tila ba nakikipagdiwang din sa pagiging malaya niya.
Annulled na kasi sila ng kaniyang asawa na si Kyle. Sabay nilang napagkasunduan ang bagay na iyon. Ngunit tila siya lang ang labis na naapektuhan. Siya lang ang labis na nasaktan.
Hindi niya matanggap na ganon lang kadali ang pagpayag ng dating asawa na para bang wala na ito ni katiting na pag-ibig pa sa kaniya. Aminado siya labis siyang nasaktan sa hiwalayan nila na iyon. Mahal niya parin si Kyle.
" Oh,konti na lang 'yung beer, um-order pa tayo!" sabi niya na halata na sa kilos ang pagkalasing.
Nagkatinginan naman sina Carol at Jona. Napapailing nalang ang mga ito,hindi kasi lingid sa dalawa na mas nasaktan ito sa hiwalayan nila ni Kyle.
" Oy sis,tama na 'yan,lasing kana,"awat ni Jona sa kaibigan.
" No,i'm not!Hindi pa ko lasing, 'no?Gusto ko pang uminom," aniya pa.
Sinubukan niya pang tumayo ngunit natumba siya nakaramdam ng pagkahilo.
" Oh! Hindi ka pa lasing ng lagay na 'yan, ah.Ni hindi ka na nga makatayo, eh," sambit ni Carol habang inaalalayan siya.
" I want more beer pa,sige na tawagin niyo na yung waiter!"
" Toni, enough!Nakakailang bote kana, oh?Hindi ka naman sanay uminom, eh!"
inis na sabi ni Jona.
" Why? 'Kala ko ba we're here to celebrate so, bakit walang beer?" tanong niya pa sa mga kaibigan. "More beer!More beer!" sumasayaw sayaw pa na sabi niya.
Agad itong nilapitan ng dalawa at pinaupo.
" Shocks! Toni,ano ka ba mag behave ka nga,pinagtitinginan nila tayo, oh!" wika ni Jona habang nahihiyang tumingin sa paligid.
Pinagtitinginan na rin kasi sila ng mga tao dahil sa eksenang ginagawa niya.
" You call this celebration?Tingnan mo nga parang pinaparusahan mo ang sarili mo! Pag di ka umayos diyan iiwan ka namin dito!" inis naman na sabi ni Carol.
" Oo nga! Uuwi kang mag-isa," pagsang-ayon naman ni Jona.
Hindi nakaimik si Maritoni,napatitig lang sa dalawang kaibigan na tila seryoso sa mga sinabi. Namumungay na ang mga mata niya at namumula pa ang pisngi dahil sa kalasingan.
" Ang susungit niyo naman! Sige, iwanan niyo rin ako gaya ng ginawa ni Kyle," sabi niya habang namalisbis ang luha sa mga mata.
Nagkatinginan naman ang dalawa. Bakas sa mukha ang awa para sa kaibigan.
Napabuntung-hininga muna si Carol bago nagsalita. " Look sis,kaya ka namin sinamahan dito kasi gusto ka naming damayan. Kahit dimo sabihin alam naming sobrang nasaktan ka," pagpapahinahon na sabi ni Carol na hinihimas pa ang kaniyang likod.
" Tama si Carol,matagal na tayong magkakaibigan,kilalang kilala ka na namin. We know that you are brave, Toni,but this time alam naming lubog na lubog ka. Sa kilos at pagtawa mo pa lang,we know it,we know you are hurt so badly," dugtong naman ni Jona na ngayon ay hawak na ang kamay ng kaibigan.
" Whatever happen, sis,we're here for you. Bestfriend forever kaya, no! Iwanan ka man ng lahat,but not us, okay?" niyakap pa ni Carol ang kaibigan na lalo pang naiyak.
" Thanks mga,sis," naluluha naman niyang sagot.
Nagyakapan ang tatlo habang nag- iiyakan. Hindi na nila namalayan na pinagtitinginan na sila ng ibang costumer na tila nagtataka pa.
" Okay, girls, enough na baka kung saan pa makarating 'tong iyakan na 'to," natatawang sabi ni Jona.
" Kaya ako? Never akong mag-aasawa,pare-pareho lang ang mga lalaki. Ayoko ng stress sa buhay, no?" hirit pa ni Carol.
" You're wrong, Carol. Hindi ganon ang nasira kong si Dennis, 'no? He's one of a kind,kaya hindi na ako nag-asawa kasi alam kong wala na akong makikilalang katulad niya," wika pa ni Jona.
" Tama iyan, sis,just focus your attention nalang to your daughter." Si Carol habang inaayos ang mga bote ng alak. " Speaking of daughter,paano nga pala si Angel,sis?" baling nito kay Toni na ngayon ay tulala na nakikinig lang sa kanila.
Hindi agad nakaimik si Maritoni. Ang totoo ay napag-usapan na nila ni Kyle iyon. At napagkasunduan nilang sa poder ni Kyle mananatili ang anak nila. Mayaman sina Kyle at nakakasiguro siyang magiging maganda ang buhay nito. Sa Amerika ito maninirahan kasama ang mga lolo at lola ng bata.
"Oh, ano, sis?Si Angel,kanino siya mag stay?"pukaw ni Carol sa pananahimik niya.
" Sus,kanino pa ba, eh, 'di kay Toni! Siya ang mommy, eh," sagot naman ni Jona.
Napatingin siya sa dalawang kaibigan na nakatitig sa kaniya na tila hinihintay ang magiging sagot niya. Hindi niya alam kung paano sasabihin sa dalawa ang naging pasya nila na kay Kyle ito sasama. Gusto niya rin kasi mapaganda ang buhay ng kaniyang anak na si Angel,na alam niyang hindi niya kayang ibigay. Hindi siya nakatapos ng pag-aaral dahil nga maaga siyang nag-asawa. Tanging maliit na koprahan lang ang pag-aari ng mga magulang niya.
" Ano naman ang ibig sabihin ng expression ng mukha mo, sis?" sita ni Carol sa kaniya.
" I hate that expression of your face!Dont tell me-" nagtatanong ang mga mata ni Jona pero hindi naituloy ang gustong itanong.
" Yes. Actually,kay Kyle, siya magstay," nakayuko niyang sabi. Hindi naman makapaniwala ang dalawa sa narinig. Nanlalaki ang nga mata nila sa gulat.
" How could you? Ikaw ang mommy niya, Toni!" galit na sabi ni Carol.
"Pinilit ka ba ni Kyle na gawin iyon? Bakit ka pumayag? tanong ni Jona. "Dapat nasa poder mo si Angel, kasi ikaw ang mommy niya!" nanggagalaiti na sabi pa ni Jona.
" Pareho naming napagdesisyunan iyon," tugon niya.
" Pero bakit?" sabay na tanong pa ng dalawa.
" Dahil mas mabibigyan sya ng magandang buhay ng Daddy niya.Ayokong matulad siya sa akin na walang natapos!"
" That shit reason! Ang totoo ay kaya mo naman siyang buhayin. Maganda naman sana ang buhay mo ngayon kung nakapagtapos ka pero hindi,dahil mabilis kang nagpauto sa lalaking iyon!"inis na sabi naman ni Carol.
" That exactly what i mean! Gusto kong lumaki siyang karespe respeto,may pinag- aralan. At kilalang galing sa mayamang pamilya. Para kapag nag asawa na siya,hindi siya lolokohin,hindi siya mamaliitin. Ayokong sapitin niya ang sinapit ko ngayon,napakamiserable!" naiiyak na naman niyang sabi.
" Pero sis-"
" Enough," putol ni Carol sa sasabihin pa sana ni Jona. Hindi na umimik ang dalawa,saka siya nilapitan ng kaibigan at niyakap. Lalo namang naiyak si Toni at umatungal na nga ito na parang bata. Hindi nila alam ang gagawin sa kaibigan na ngayon ay lumalakas ang atungal.
" Hoy!Ano ka ba naman, sis,tumahan ka na nga para kang bata!"saway ni Carol.
Inaya na nila ang kaibigan para umuwi dahil halos mag eskandalo na ito sa pag-iyak.
Lahat tuloy ng alaala na nangyari sa kanila ni Kyle ay bumalik sa kaniya at mas nakaramdam siya ngayon ng lungkot at sakit mula sa puso niya.