Télécharger l’application
46.66% Mahal kita, Severino / Chapter 7: Kabanata 5

Chapitre 7: Kabanata 5

--------------------Abril 16, 1895-------------------

Alas-tres pa lamang ng umaga ay gising na ako upang labhan ang maruruming damit ni Ginoong Severino sa batis. Tuwing alas-singko siya ng umaga nagigising kaya't ako ay may dalawang oras pa upang maglaba nang hindi niya nalalaman. Nakatitiyak akong pagbabawalan niya akong kumilos ngayon dahil sa nangyari sa akin kahapon.

Buong araw akong nakahimlay dahil sa kanyang utos. Kahit mabuti na ang aking pakiramdam hindi pa rin niya ako pinahintulang gumalaw. Oras-oras niya rin akong tinatanong kung mabuti na ba ang aking pakiramdam. Pinaghandaan niya rin ako ng makakain at salabat upang mas lalo akong gumaling. Naalala ko pa ang kanyang sinabi kagabi.

"Hayaan mong alagaan kita dahil ganoon din ang ginagawa mo sa akin kahit iyon ay iyong tungkulin. Nais ko lamang masiguro ang iyong kaligtasan kaya't personal ko itong ginagawa. Hayaan mong bumawi ako sa iyo tulad ng aking ipinangako."

Hindi ko alam ang aking mararamdaman pagkatapos niyang sambitin iyon. Pakiwari ko, ako ang pinakamagandang binibini sa balat ng lupa dahil sa kanyang mga salita. Damang-dama ko ang sinseridad sa kanyang tinig at lalim ng kanyang pagkakatitig sa akin.

Sino ba namang mag-aakala na ang isang kasambahay ay inaalagaan ng isang ginoo na anak ng isang gobernadorcillo? Kahit sino sigurong tao ay hindi maniniwala kung iyon ay aking ikukuwento. Hindi na bale, wala naman akong balak na ipagsabi iyon sa iba. Tanging kaming dalawa lamang ang makakaalam.

Ibinaba ko muna sa sandali ang aking kagamitan sa paglalaba para ayusin ang balabal sa aking leeg. Mabuti na lamang nagsisilbing init ang gasera na aking dala upang maibsan ang lamig na bumabalot sa aking katawan at nagdudulot ng usok sa tuwing ako'y humihinga.

Habang ako'y naglalakad, aking nasaksihan kung gaano na kabuhay ang mga tao kahit alas-tres pa lamang ng umaga. May mga iilang tao na may dala-dalang lalagyan at patungo sa pamilihan upang mamalengke at ang iba nama'y abala na sa pag-aasikaso sa gawaing-bahay. Nakita ko ang isang babae na masayang kumakanta habang nag-iigib ng tubig sa palayok.

Naalala ko sa kanya si Georgina dahil sa kanyang buhay na buhay na ugali. Kumusta na kaya ang kanyang lagay sa pamamahay ng heneral na iyon? Ang pinagtataka ko lamang bakit siya pa ang pinili na maging tagapagsilbi sa heneral kung mayroon namang iba riyan na maaaring magsilbi sa kanila. Ano iyon? Personal nilang pinuntahan si Georgina upang kunin at gawing tagapagsilbi? Kaunti na lamang at iisipin kong may katotohanan ang biro niya sa kanyang liham--na nagandahan sila sa kanya kaya't siya ang napili.

"Oh, mierda! (Oh, shit!)" rinig kong sigaw ng isang babae sa aking harapan. Nang ito'y aking tingnan, kita ko sa kanyang mukha ang pamumula at nanlilisik na mga mata.

"Paumanhin po." Ako'y yumuko nang mapagtanto kong siya ang maybahay ng pinakamarangyang pamilya rito sa bayan ng Las Fuentas - si Doña Lucia De Montregorio.

"¿Lo siento? ¡idiota! (Sorry? You idiot!)" Hinila pa niya ang aking buhok, ibinagsak niya sa lupa at walang humpay na pinagsisisipa. "Eso es lo que te mereces! ¡Idiota! (That's what you deserve! Idiot!)"

Ako'y napapikit at napakagat sa labi upang pigilan ang aking malakas na pagdaing. Nais kong magsalita ngunit walang lumalabas sa aking bibig. Sobrang sakit. Walang awa niya akong sinisipa gamit ang kanyang matulis na sapatos na gumuguhit ng mahahapding sugat sa aking katawan.

"¿Qué estás mirando allí? todos ustedes huyen! (What are you looking at there?! All of you flee!)."

Sa huling sipa niya sa akin ay ang pagdura niya at lumisan na tila walang nangyari.

Hindi ko maintindihan ang kanyang mga sinabi tanging idiota lamang ang tumatak sa aking isipan. Ako'y dahan-dahang gumalaw at ibinukas ang aking mga mata. Iginala ko ito at nakita ko ang iilang mga tao na nakatingin lamang sa akin. Wala ni isa sa kanila ang balak akong tulungan marahil dala na rin ng takot sa naturang doña.

Ngunit kaya ko naman ang aking sarili. Ako'y huminga muna ng malalim bago ako tumayo. Ramdam ko ang kirot ng aking mga sugat sa braso at tiyan. Ipinulot ko ang aking mga gamit na dala at nagpatuloy sa paglalakad patungong batis kahit masakit ang aking katawan.

Ang sama ng doña na iyon. Hindi man lamang lumaban ng patas at gumamit pa ng kanyang matulis na sapatos upang ako ay saktan. Humingi naman ako ng patawad nang siya ay aking mabangga ngunit sadyang maitim ang budhi, hindi tinanggap at mas piniling manakit. Hindi ko siya gaanong makita sa kadahilanang namamatay-sindi rin ang gasera dahil sa hangin.

Isang bagay lamang ang sumasagi ngayon sa aking isipan. Nawa'y hindi makita o magtanong pa si Ginoong Severino sa aking sinapit kung sakali man na ito ay kanyang makikita.

****

"Ate, kanina ka pa hinahanap ni Ginoong Severino," biglaang pagtayo at bungad sa akin ni Delilah pagkapasok ko ng aming silid nang ako ay kanyang makita.

Tiningnan ko ang maliit na orasan na nakasabit sa itaas ng pintuan. Alas-kwatro trenta'y singko (4:35) pa lamang ng umaga. Ang aga niya naman nagising. "Bakit daw?"

"Nais ka niyang suriin subalit hindi ko naman alam kung nasaan ka kaya't wala akong naisagot sa kanya." Kumunot ang kanyang noo at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. "Ano ang nangyari sa iyo, Ate Emilia? Bakit ikaw ay may mga galos? Sino ang nanakit sa iyo?" Hinawakan niya ang aking mga galos kaya't ako ay napadaing ng mahina.

Ako ay umiling at ngumiti nang kaunti. "Wala ito. Tumama lamang ako sa malaking puno papuntang batis dahil ako ay maglalaba ng maruruming damit ni Ginoong Severino. Hindi ko gaanong nakita ang daan dulot na rin ng kaunting liwanag." Ayaw ko ng sabihin pa sa kanya ang totoo. Ayaw ko na siyang mag-alala pa.

"Tumama? May ganyan bang galos kapag tumama sa puno, Ate?" Hindi pa rin nawawala ang pagtataka sa kanyang mukha ngunit ang kanyang mga mata ay puno ng pag-aalala. Nilapit niya pa ang gasera na aking hawak sa aking balat. "Alam ko ang itsura ng natatamong sugat kapag tumama sa puno. Ngunit itong mga galos mo ay marami at ang iba ay namamaga't nangingitim. Malalalim ang mga sugat."

Paanong hindi mamamaga kung matulis ang ginamit sa akin pangsipa? Tunay na masakit iyon. "Ayos lamang ako, Delilah. Kakagising mo lamang ba? Nasaan na si Ginoong Severino? Ipaghahanda ko na ang kanyang pampaligo." Hindi ko na siya hinintay pang magsalita at lumabas na ng silid upang pag-initan ng mainit na tubig si Ginoong Severino pang-ligo.

Bago ako magpakita sa kanya, bumalik muna akong silid, saktong wala na si Delilah doon kaya't ako ay nagpalit ng damit. Ginamit ko ang puting manggas ni Itay upang takpan ang aking mga galos at sayang itim.

Huminga muna ako nang malalim nang nasa tapat na ako ng kanyang silid bago kumatok sa pinto niya. "Ginoong Severino, handa na po ang iyong pampaligo."

Bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang seryoso niyang mukha. Sumandal siya sa gilid at pinagkrus ang magkabilang braso sa dibdib. "Saan ka galing?"

"A-A, naglaba po ng inyong maruming damit sa batis." Sinisikap kong siya ay matitigan ngunit sadyang nakakakaba ang tagpong ito kaya't napayuko na lamang ako.

"Hindi mo man lamang ako kinonsulta kung ikaw ba ay maaari ng maglaba? Paano na lamang kung ikaw ay mabinat? Paano kung hindi pa kaya ng iyong katawa---"

"Kaya ko na po, Ginoong Severino. Tapos na po akong maglaba," pagputol ko sa kanyang sinasabi Tama nga ang aking kutob. Hindi niya ako papayagan mabuti na lamang ay nagawa ko na.

"Ang tigas talaga ng iyong ulo. Paano nga kung hindi kaya ng iyong katawan? Ano sa tingin mo ang aking mararamdaman, Emilia? Bakit ka ba nakayuko? Tumingin ka sa akin. Tumingin ka sa aking mga mata." May bahid na awtoridad sa kanyang tinig kaya't ako ay awtomatikong tumingin sa kanya. Hindi pa rin nagbabago ang kanyang reaksyon.

"P-Patawad po, Ginoo." Lihim akong napalunok nang mariin habang nakatitig sa kanyang mga mata. Kung hindi lamang sa maliit na sulo na nandito sa gilid ng pasilyo, hindi ko makikita ang kanyang mukha. "Handa na po ang iyong pangligo. Ihahanda ko na rin po ang inyong susuotin."

Napapikit na lamang siya, napahilot sa kanyang noo at nagsalita. "Hindi ko na batid ang gagawin ko sa iyo, Emilia. Ako ay nag-aalala lamang. Sana iyong nararamdaman." Binuksan niya ang kanyang mga mata at tumingin sa aking muli. "Salamat," bulong niya nang ako'y napadaan sa kanyang gilid upang pumasok sa kanyang silid.

Ang init ng kanyang hininga. Nagsitayuan ang aking mga balahibo sa katawan lalo na sa aking mukha. Hindi ko alam kung iyon ba ay kanyang sinadya o nagkataon lamang dahil ako ay dumaan. Ramdam ko naman ang iyong pag-alala, Ginoo. Maraming salamat.

Lumingon muna ako saglit patalikod ngunit siya ay wala na. Pagkatapos kong ilatag sa kanyang higaan ang kanyang barong tagalog, ako ay umalis na.

"Magandang umaga, Emilia," bati sa akin ni Doña Criselda nang nakangiti habang nakaupo sa duyan na upuan at naghahabi ng bulaklak.

"Magandang umaga rin po, Doña Criselda." Ako rin ay napangiti at nagbigay-galang. Ang ganda talaga niya. Tila hindi tumatanda ang kanyang maamong mukha. Kabaliktaran sa maitim na presensya ni Doña Lucia.

"Ikaw ba ay nanggaling sa silid ng iyong Ginoong Severino?"

"Opo, Doña Criselda. Inihanda ko po ang kanyang mainit na tubig pangligo at damit na susuotin. Babalik na rin po ako sa kusina." Akmang aalis na sana ako nang ako'y kanyang pigilan.

"Sa dalawang taon na ikaw ay nanilbihan dito, ngayon ko lamang nakita na ikaw ay napapalapit sa aking panganay na anak."

Napakurap ako dahil sa kanyang tinuran at nagsimula na namang mangarera ang mga kabayo sa aking puso. Maging siya pala ay napansin iyon. Mabuti na lamang at ako ay nakatalikod sa kanya hindi niya ako nakikita ngayon. Si Ginoong Severino kase, ako pa ang kanyang isinasama sa paghahanap ng hardin. Ako ay humarap sa kanya at ngumiti nang kaunti upang itago ang kaba na aking nararamdaman. "Hindi naman po sa napapalapit siya sa akin, Doña Criselda. Siya po ang may kagustuhan na isama niya ako sa paghahanap ng hardin at ang mayordoma rin po ang nagtalaga sa akin upang maging personal na tagapangalaga ng inyong anak."

Kumunot ang kanyang noo at tumigil siya sa kanyang paghahabi. "Hardin?"

Ha? Hindi ba alam ng kanyang ina ang tungkol sa hardin bilang sorpresa?

"Masyadong matanong si Georgina at maingay pa. Ayaw ko sanang may makaalam nitong aking gagawin kung kaya't ikaw ang aking nilapitan."

Biglang sumagi sa aking isipan ang kanyang sinabi sa akin dati. Ako'y napakagat ng labi at napapikit sandali nang mapagtanto kong ako ay nadulas.

"Bueno, hindi na ako magtatanong kung anong gagawin ng aking anak sa hardin na iyong tinutukoy ngunit masaya ako na nagkakalapit na kayo. Sa lahat ng naninilbihan dito, ikaw na lamang ang hindi pa niya nakakasalamuha nang husto. Mailap ka sa mga tao." Lumitaw na naman ang kanyang magandang ngiti na sa tingin ko ay namana ni Ginoong Severino. Ngayon ko lamang siya natitigan nang matagal, pareho sila ng ngiti ng kanyang panganay na anak.

Tanging ngiti na lamang ang aking naisagot. Hindi ko alam ang aking dapat sabihin.

"Maiba nga pala ako maayos na ba ang iyong pakiramdam?" Inilapag niya ang kanyang gamit sa paghahabi sa isang mesang kahoy at tumayo palapit sa akin.

Dahil sa kanyang paglapit, ako ay lihim na napaatras. "M-Maayos na po ang aking pakiramdam."

"Magaling ba mag-alaga ang aking anak? Maaari na ba maging asawa? Haha."

"P-Po?" Ako ay napatulala at napaawang pa ang aking bibig. Hindi ko inaasahan ang kanyang pagtawa at pagbiro. Sa aking palagay ito ang unang beses na siya ay nagbiro sa akin. Hindi ko na maalala pa pero pakiramdam ko ito nga ang unang beses.

"Nakita kong siya ay gumawa ng salabat at oras-oras bumibisita sa iyo kahapon upang suriin ang iyong kalagayan. Iba ang alaga ng aking anak, ano? Sakto lamang sa kanya ang pagmemedisina dahil ikaw ay kanyang napagaling." Ibang Doña Criselda ba ang aking nakikita? Siya ay tumatawa na parang bata habang pinagmamalaki ang kanyang anak. Hinawakan niya ang aking braso at pinisil kaya ako ay napadaing nang mahina.

"O-Oo nga po, e. M-Magaling po mag-alaga ang inyong anak," sagot ko na lamang upang mawaglit sa kanyang isipan ang aking pagdaing. Hindi ko napigilan ang aking sarili. Natamaan niya ang isa sa aking mga galos.

Kung kanina siya ay nakangiti, ngayon ay mababakas ang pagsasalubong ng kanyang dalawang kilay. Dahan-dahan niyang itinaas ang aking kamay habang nakatitig sa akin at sinunod ang manggas. Dahan-dahan niyang ibinaba ang kanyang mga mata at tumingin sa aking braso. "¿Que pasó aquí? (What happened here?)" Nanlalaki ang kanyang mga mata nang siya'y tumingin sa akin.

Hindi ko maintindihan ang kanyang sinabi ngunit ibinaba ko na lamang agad ang aking manggas at itinago sa aking likod ang aking mga braso. "Wala po ito, Doña Criselda. Tumama lamang po ako sa malaking puno patungong batis. Aalis na po ako." Yumuko ako sandali at agad na umalis. Kung mananatili pa ako ng ilang segundo, baka kung ano pa ang kanyang itanong. Mas mabuti nang ako ay makatakas.

Bakit pa nakita ng doña? Itinatago ko nga, e. Nawa'y hindi niya sabihin iyon sa kanyang anak. Tiyak akong mangungulit na naman siya.

--------------------Abril 19, 1895------------------

"Hindi pa rin ba nawawala ang iyong mga galos, Ate Emilia?" rinig kong tanong ni Delilah nang siya'y pumasok dito sa silid.

Kasalukuyan kong ginagamot ang aking mga galos ng dahon ng bayabas dito sa aming silid. Tanging pasa at kakaunting sugat na lamang ang natitira dahil humilom na rin ang iba kahit papaano nang ito'y aking pinahiran ng dahon pang-apat na araw na ngayon.

"Nilagyan ko lamang upang mas lalo pang maghilom," wika ko nang hindi tumitingin sa kanya. Natatamaan ng sinag ng araw ang aking brasong ginagamot na tumatagos sa aming maliit na bintana. Tanghaling-tapat na mabuti na lamang maaliwalas ang kalangitan.

"Ang sungit ni Doña Lucia, Ate. Wala naman akong ginagawang masama ngunit ako ay pinagtataasan niya ng kilay sa tuwing ako'y napapatingin sa kanya." Naramdaman kong siya'y umupo sa aking tabi at kinuha sa akin ang dahon ng bayabas. "Hayaan mo pong ako ang gumawa nito sa iyo." Tumingin siya sa akin, ngumiti at inumpisahan akong gamutin.

"Salamat. Huwag mo na lamang pansinin ang doña na iyon. Ganoon na talaga ang kanyang ugali basta huwag kang gagawa ng mga bagay na hindi niya magugustuhan. Baka ikaw ay kanyang saktan," paalala ko sa kanya. Ayaw kong mangyari sa kanya ang aking sinapit sa kamay ng doña na iyon.

Kasalukuyang nasa hapag-kainan ang dalawang kilalang pamilya rito sa mansion - ang pamilya y Fontelo at De Montregorio. Inanyayahan ni Don Faustino ang pamilya kaya't dito sila ngayon nagtatanghalian.

Nang ako'y makita ni Doña Lucia ay kumunot ang kanyang noo at sandaling napatitig sa akin kaya't mas pinili ko na lamang na bumati at yumuko bilang paggalang. Marahil ay namukhaan niya ako kaya't ganoon na lamang ang kanyang reaksyon.

Magkasalubong ang dalawang kilay ni Delilah nang iangat niya ang kanyang ulo at muling tumingin sa akin. "Bakit, Ate? Ikaw po ba ay sinaktan na niya? Paano mo nasabing siya ay nananakit?"

"Hula ko lamang iyon. Hali na. Baka tayo ay hinahanap na ng mayordoma." Matapos kong iligpit ang aking pinaggamitan, hinila ko siya palabas ng silid. Ako'y napaisip sa aking tinuran kanina lamang. Tunay ngang matalas ang pag-iisip ng aking kapatid. Sa aking sinabi, tila sinabi ko na rin sa kanya na ako ay sinaktan ng doña. Mabuti na lamang ako ay nakaisip agad ng maidadahilan.

Napahawak ako sa aking dibdib at napatulala nang biglang lumitaw si Ginoong Severino rito sa pasilyo patungong hapag-kainan. Seryoso ang kanyang mukha at nakatuon sa aking mga mata, bagay na hindi ako sanay. May problema kaya? Bakit tila seryoso ang kanyang mukha ngayon?

"Ginoong Severino, magandang araw po," rinig kong bati ni Delilah sa kanya.

"Magandang araw din sa iyo, Delilah," sagot niya nang hindi pinuputol ang tingin niya sa akin. Walang pasabi niyang hinawakan ang aking braso at itinaas ang manggas. Bumaba ang kanyang mga mata sa aking braso at lumiit ang kanyang mga mata na para bang sinusuri ito. "Sino ang may gawa nito sa iyo?" Hinawakan niya ang aking mga galos kaya ako ay impit na napadaing kaya't siya ay tumingin sa akin. "Bakit hindi mo sinabi sa akin na masama ang iyong pakiramdam? Wala ka ba talagang balak na sabihin sa akin ang nangyayari sa iyo, Emilia?"

"H-Ha?"

Bakas sa kanyang mukha ang pagkainis at sandali pang napapikit. "Sino ang may gawa niyan sa iyo? Sabihin mo sa akin at nang maparusahan ni Ama. Hindi makatarungan ito, Emilia."

"Ikaw ba ay nag-alala?" simpleng tanong ko nang nakakunot ang aking noo at bumitiw sa pagkakahawak niya. Hindi ko maintindihan ang kanyang ikinikilos.

"Hindi mo ba pansin?" Kung kanina ay may bahid ng pagkainis ang kanyang mukha, ngayon nama'y puno ng pagtataka at tila ba nagtatanong ang mga mata.

"Bakit? Ayos lamang ako, Ginoo. Hindi mo na kailangan pang mag-alala." Hindi ko batid kung bakit siya naiinis kung hindi ko man sabihin sa kanya. Hindi ko lamang sinabi sa kanya dahil alam kong siya ay mangungulit. Inaamin kong hindi ko inaasahan na siya ay mag-alala sa akin. Heto na naman ang kaba sa aking dibdib. Bakit ba ako laging kinakabahan? Sana ayos ka lamang, Emilia.

"Kaibigan mo ako, Emilia. Marapat lamang na alam ko kung ano ang nangyari. Kung hindi ko pa napansin kanina ang pagsagi sa iyo ni Magdalena at ang iyong pagdaing, hindi ko pa malalaman ang tungkol dito." Pinagkrus niya ang kanyang mga braso at bahagyang itinaas ang kilay. "Bueno, ikaw ay aking gagamutin. Kukuha lamang ako n---"

Hindi ko na siya pinatapos. Batid kong kukuha siya ng dahon ng bayabas. "Tapos na po, Ginoo. Apat na araw ko na itong ginagamot." Ibig sabihin, kanina pa niya sinusuri ang aking galaw? Hindi naman niya iyon mapapansin kung hindi nakatuon sa akin ang kanyang atensyon, e.

Sandali siyang natigilan at dahan-dahang lumaki ang kanyang mga mata. "Apat?! Ibig sabihin matagal na iyan?! Emilia naman bakit hindi mo sa akin sinabi?"

"Ginoong Severino, nangyari po iyan noong alas-tres ng umaga, kinabukasan matapos mo po siyang painumin ng salabat. Tumama raw po siya sa malaking puno patungong batis dahil maglalaba raw po siya ng inyong maruruming damit." Ang hilig talaga magkuwento ni Delilah.

Napasulyap sa kanya ang ginoo at muling tumingin sa akin. "Bakit ganoon, Emilia? Hindi ako naniniwala na tumama ka lamang. Marami ito at saka nangingitim pa. Kung tumama ka sa puno, maaaring hindi malala ang iyong sasapitin." Tiningnan niya muli ang aking pasa. "Napunasan mo ba ito ng mainit-init na tubig?"

"Hindi niya po napunasan, Ginoong Severino. Tanging dahon lamang po ng bayabas ang kanyang iginamot."

Bakit ba siya ang sumasagot? Siya ba si Emilia? Hindi na lamang ako kumibo pa. Ano pang saysay, e, si Delilah na ang sumasagot para sa akin.

Aking nasaksihan kung paano tunay na umukit ang pag-alala sa kanyang mga mata nang magtagpo ang aking pares ng mata sa kanya na mas lalong nagpapatindi ng aking nararamdaman. "Dapat noong araw na nangyari ito sa iyo, agad mong napunasan ng mainit-init na tubig upang magtuloy-tuloy ang daloy ng dugo at hindi mangitim. Hayaan mong ako ang gumawa niyon sa iyo."

"Ate." Ramdam ko ang pagyugyog ng kamay sa akin ni Delilah kaya't tumingin ako sa kanya. "Narinig mo po ba iyon? Ikaw raw ay gagamutin ni Ginoong Severino. Pumayag ka na, Ate, upang mas lalong bumilis ang paggaling ng iyong mga galos."

"Malinaw pa ang aking pandinig, Delilah."

"Pumayag ka na po, At---"

"Magaling na ako." Inangat ko ang aking ulo at sinalubong ang nakakunot na tingin ng ginoo. "Magaling na po ako, Ginoong Severino. Hindi niyo na kailangan pang mag-abala. May kailangan po ba kayo?"

"Ginoo, ang tigas po ng ulo ng aking ate." Hinawakan niya ang kanang kamay nito at ginalaw-galaw iyon.

"Delilah, ano ba ang iyong gina---." Hindi na natapos pa ang aking sinasabi nang muli na naman siyang magsalita. Sa totoo lamang ay napapagod na akong magsalita. Hindi ko ugali ang magsalita ng marami pwera na lamang kung kinakailangan. Nagiging pasalita lamang ako sa tuwing kasama ko ang aking kapatid. Ako'y nahahawa sa kanyang kaingayan.

"Pinagkakatiwala ko po sa inyo ang aking ate, Ginoong Severino. Wala pa pong ginoo ang naglalakas-loob na mag-alaga sa kanya kaya po asahan ninyo ang aking mainit na suporta."

Dahan-dahang sumilay ang ngiti sa labi niya at sumulyap sa akin saglit bago magsalita. "Talaga, Delilah? Nasa akin ang iyong suporta?"

Hindi ko mabilang kung ilang beses tumango ang aking kapatid. Napabuntong-hininga na lamang. Ano ba ang kanyang nakain at nagpapaniwala sa sinasabi ng maliit na ito?

"Opo, kaya po huwag niyo akong bibiguin, ha? Ngayon ko lamang po ibibigay ang aking buong pagtitiwala sa isang ginoo maliban sa aking namayapang ama." Malapad ang pagkakangiti ni Delilah na tila ba siguradong-sigurado sa kanyang mga sinasabi.

"Namayapa? Wala na kayong ama?" gulat na tanong nito na ikinatango ni Delilah.

"Opo, matagal na po kaming ulila ni Ate Emilia kung kaya't wala siyang panahon sa pag-ibig dahil nakatuon lamang ang kanyang oras at atensyon sa pagiging tagapagsilbi upang kami ay mabuhay."

"Paano nasawi ang inyong mga magulang?"

Akmang ibubuka ng aking kapatid ang kanyang bibig nang ito'y aking takpan at tumingin sa kanya nang nanlalaki ang mga mata. "Ang daldal mo." Kung ano ang aking ikinatahimik, iyon naman ang ikinadaldal ng aking kapatid.

"Nagtatano po siya, At---"

"Ang hilig mong mangatwiran."

"Pero, Ate, hayaan mong gamutin ka na niya. Tiyak akong mas mapapabilis ang iyong paggaling. Mabisa po kaya ang pag-aalaga ni Ginoong Severino. Hindi mo po ba napansin na ikaw ay gumaling agad nang ikaw ay kanyang paghandaan at painumin ng salabat?"

"Nawalan lamang ako ng ulirat ng araw na iyon, Delilah." Napaikot ko ang aking mga mata sa kanyang tinuran. Ano ba ang kanyang pinupunto? Na ako ay gumaling dahil sa kanyang pag-aalaga?

"Sus, ayaw mo pang aminin. Nawala nga rin ang sakit ng iyong ulo, e. Haha." Tumawa pa siya nang mahinhin nang may kasama pang pagtakip sa bibig.

"Paano ba iyan, Emilia? Dalawa laban sa isa, wala kang laban." Mas lalong lumapad ang kanyang pagkakangiti na umabot hanggang sa kanyang mga mata.

Nagkibit-balikat na lamang ako at pinisil ang balikat ni Delilah na para ipahiwatig sa kanya na kailangan na naming umalis.

"Kuya, ikaw ay hinahanap ni Doña Lucia," rinig kong wika ni Binibining Lydia kaya't ako ay napalingon sa kanya maging ang aking dalawang kasama.

Nang magtama ang mata namin ni Binibining Lydia, ako ay kanyang tinaasan ng kilay at tiningnan ng masama. Kung nakakamatay lamang ang tingin, sa aking palagay matagal na akong namatay. Ano na naman kaya ang problema ng batang ito? Lagi na lamang sira ang araw dahil sa sobrang katarayan.

"Anong tinitingin-tingin mo riyan, Emilia? Nais mo bang tusukin ko ang iyong mata?" Hawak-hawak ang kanyang kulay pilak na abaniko at itinuro ako nang nanlalaki ang mga mata.

"Huwag mo naman pong pagsalitaan ng ganyan ang aking ate, Binibining Lydia," malumanay ang tinig ni Delilah at hinawakan ang aking kamay.

"Tumahimik ka, Delilah. Hindi ikaw ang aking kinakausap."

"Lydia, bumalik ka na roon," wika ni Ginoong Severino ng may diin at seryoso ang tinig kaya't walang nagawa ang kanyang kapatid at umalis ngunit bago niyon ay tinaasan niya kami ng kilay.

"Ako na ang humihingi ng paumanhin sa inasal ng aking kapatid, Emilia, Delilah."

"Tunay po ba kayong magkapatid, Ginoo? Bakit po magkaiba kayo ng ugali?"

Natawa naman ang ginoo sa kanyang tanong samantalang pinagmamasdan ko lamang sila na nag-uusap. "Paumanhin muli."

"Ayos lamang po, Ginoong Severino, basta po ba ikaw," nakangiting sambit ni Delilah, tumingin pa sa akin saglit at kumindat.

Napangiti rin ang ginoo at ginulo kanyang ang buhok. "Walang anuman. Basta sabihin mo sa akin kapag ikaw ay susungitan ni Lydia." Umangat ang kanyang mata at mas lalong ngumiti sa akin sandali. Bakit ang ganda ng kanyang dalawang biloy? "Marahil ay hindi ko na mapupunasan ang iyong mga pasa dahil mukhang ako ay kakailanganin doon. Punasan mo lamang iyan ng mainit-init na tubig para mas mapabilis ang paggaling. Mauuna na ako. Paalam."

"Paalam, Ginoong Severino! Maraming salamat po!" maligayang pagpapaalam ng aking kapatid na may pagtaas ng kamay.

Hindi naman ako sumagot bagkus ay pinanood ko na lamang siya na umalis. Bago siya tuluyang makalayo, siya ay lumingon muna at ginawaran kami ng matamis na ngiti na nagpakaba sa akin.

"Ate, ang gwapo ni Ginoong Severino, ano?" lintanya niya kaya't ako ay napalingon sa kanya. Kitang-kita ko sa kanya ang paghanga sa kanyang mga mata na sinabayan pa ng malapad na ngiti. "Humahanga na siguro ako sa kanya, Ate Emilia. Nararamdaman ko ang bilis ng tibok ng aking puso, Ate."

Kumunot ang aking noo. Ano ba ang sinasabi niya? "Bata ka pa. Hindi mo pa alam ang iyong sinasabi. Maghulos-dili ka nga, Delilah."

"Bakit wala naman pong edad ang pag-ibig, a?"

"Nginitian ka lamang tumibok na agad ang iyong puso? Nais mo bang dukutin ko ang iyong puso, a?" Hinila ko siya patungong kusina habang wala naman siyang tigil sa pagsasalita.

"Mararamdaman mo rin ang aking naramdaman, Ate. Naniniwala ako. Ramdam kong pag-ibig na ito." Hinila ko siya patungong kusina.

Pinaikot ko na lamang ang aking mga mata. Anong pag-ibig? Saan ang pag-ibig doon? Sa parte kung saan siya nginitian ni Ginoong Severino at naramdaman niyang bumilis ang tibok ang kanyang puso?

"Bakit, Ate? Posible po bang hindi ka humanga kay Ginoong Severino? Halos lahat ng kababaihan dito ay humahanga sa kanya." Sinusubukan niyang abutin ang aking tingin habang kami ay naglalakad ngunit hindi naman ko siya tinatapunan ng tingin.

Mas pinili ko na lamang na manahimik kaysa sagutin ang kanyang tingin. Hindi naman importante ang kanyang tanong.

"Hindi naman po masama na ikaw ay humanga sa kanya, Ate," rinig kong wika niya.

"Sino ang may sabi sa iyo na ako ay humahanga sa kanya?"

"Sinabi ko lamang po kung sakali man na ikaw ay magkagusto po sa kanya."

Hindi naman siguro ako magkakagusto sa kanya. Sino ba naman ako upang kanyang magustuhan? Hamak na kasambahay lamang ako at wala pang pinag-aralan samantalang siya ay mula sa kilala't maimpluwensiyang pamilya at edukadong tao. Imposible iyon.

"Mabuti na lamang at nandito na kayo, Emilia at Delilah. Ako ay may paalala," wika ng mayordoma nang mapatingin siya sa amin. Sinundan niya kami ng tingin hanggang sa kami ay pumuwesto kasama ang iba pa rito sa isang pasilyo na hindi kalayuan sa hapag-kainan.

"Ano pong mayroon, Ginang Josefa?" tanong ni Corazon.

"Sa susunod na linggo sa araw ng Huwebes ay kaarawan ni Doña Criselda kaya't lahat kayo ay kailangang maghanda. Tulad ng rati ngunit mas malaki at magarbo ngayon." Nakatutok ang kanyang pares ng mata sa aming lahat habang iginagalaw pataas at pababa ang kanyang itim na abaniko na lagi niyang dala. "Pinaalala ko lamang sa inyo dahil baka iyon ay nawaglit na sa inyong isipan. Sige, kayo'y magsibalik na sa inyong mga gawain." Lumisan din siya matapos ang kanyang anunsiyo habang kami ay bumalik na rin sa aming mga gawain.

"Tiyak akong maraming panauhin ang dadalo. Marahil ay may sorpresa silang ihahanda," rinig kong sambit ni Cloreta na sinang-ayunan naman ng iba.

"Ako'y nasasabik na!"

"Tiyak akong mas masaya ngayon dahil nandito si Ginoong Severino hindi tulad ng nagdaang taon na wala siya rito."

"Siya nga sang-ayon ako riyan. Nawa'y mapansin na ako ni Ginoong Severino ngayon!"

Ako'y napailing na lamang sa aking mga naririnig. Wala rin namang pagbabago kung ito ay mas malaki at mas masaya. Tulad pa rin ng dati, puros batian, sayawan at may ilang pagtatanghal.

-----------------Abril 28, 1895-------------------

"¡Feliz cumpleaños amigo! (Happy Birthday my friend!)" sigaw ni Don Luisito na may kasamang malaking ngiti sa labi habang hawak ang isang babasaging bato.

"Maligayang kaarawan sa aking pinakamamahal at butihing ina at asawa," bati naman ni Don Faustino na sinamahan pa ng isang mainit na halik sa pisngi sa kanyang maybahay.

Isang mainit at malapad na ngiti na umabot sa mga mata ang iginawad ni Doña Criselda sa kanyang asawa habang nakatitig nang mabuti sa mga mata nito. "Maraming salamat, mahal." Hinagkan niya ito sa pisngi sabay lingon sa mga tao. "Maraming salamat, Don Luisito. Maraming salamat sa inyong lahat. Nagagalak akong nandito at kumpleto kayong lahat. Muchas gracias!" (Thank you very much!)

Buhay na buhay ang mansion ng pamilya y Fontelo, maraming makukulay na dekorasyon at mas dumoble pa ang mga panauhin ngayon kaya't kaming mga naninilbihan ay sobrang abala sa paglalabas ng maraming pagkain, may iilang nakatayo rito sa pinakagilid ng salas kung saan nagtipon-tipon ang lahat upang sila'y pagsilbihan.

Hindi naman nakaligtas sa aking mapanuring mata ang mukha ni Doña Lucia. Siya'y nakatitig lamang ng mabuti sa mag-asawang y Fontelo na ngayo'y magkayakap at nagtatawanan habang umiinom ng mamahaling alak na mula pa sa Europa.

Hindi niya napapansin na ako'y nakatingin na sa kanya dahil ang kanyang mga mata ay nakatuon lamang sa kanila. Tahimik siyang umiinom ng alak at mariin ang pagkakalunok base sa galaw ng kanyang lalamunan.

Lahat ay nagsasaya ngunit siya ay hindi man lamang makikitaan ng kahit na anong emosyon. Mabuti na lamang ay mabilis ang aking paggalaw kaya't ako ay agad na lumingon sa mga panauhin nang biglang lumingon sa aking gawi si Doña Lucia. Naramdaman ko ang mabilis na tibok ng aking puso dahil doon. Nawa'y hindi niya napansin o nahalata man lamang.

Ang mga magkakapatid na y Fontelo ay naghanda ng isang pagtatanghal para sa kanilang ina. Si Ginoong Severino ay hawak ang gitara habang nakaupo, si Ginoong Angelito, Binibining Lydia at Binibining Juliana naman ay nasa gitna at nakatayo.

"Ina, nawa'y magustuhan po ninyo ang aming munting handog. Kami ay nag-ensayo ng limang araw para rito kahit panay reklamo na si Lydia at Angelito dahil masakit na ang katawan. Marahil ay kulang sa ehersisyo ang dalawa. Hahaha!" sambit ni Ginoong Severino na ikinatawa ng mga panauhin.

"Kuya!" suway ni Binibining Lydia. Kasalukuyang nakakunot ang noo at magkadikit ang magkabilang braso sa dibdib at matalim ang tingin sa kanyang kapatid.

"Hindi ka na mabiro, Lydia, kaya't walang ginoo ang humahanga sa iyo! Hahaha!"

"Magsimula na po tayo, Kuya," pagsingit naman ni Binibining Angelito na magkahalong seryoso at nakangiti ang mukha.

"Opo, Ginoong Angelito" sabay kamot ng ulo ni Ginoong Severino na ikinatawa na naman ng lahat. Nagmukhang mas matanda ang dalawang nakababatang magkapatid kaysa sa kanya.

Nagsimulang tumugtog si Ginoong Severino ng isang kundiman. Hindi ako pamilyar sa kanya ngunit ito ay magaan sa pakiramdam. Ang kanyang mga kapatid ay nagsimulang gumalaw nang dahan-dahan na sumasabay sa ritmo ng kanta.

Ikaw ang aking ligaya

Pagmasdan mo ako, sinta 🎶

Ang kanyang mga mata ay nasa kanyang ina ng may kasamang matamis na ngiti at dumako sa mga panauhin.

Ngayon at kailan pa man

Ang aking pag ibig, 'Di maglalaho 🎶

Hanggang ang pares na iyon ay mapunta sa akin.

Iyong isipin sa tuwina

Sa ating pag-iibigan

Ay di magtataksil

Sa kabilang dako man ng mundo

Ikaw pa rin ang tibok 🎶

Ramdam ko na naman ang malakas na tibok ng aking puso. Tila mga kabayong nag-uunahan sa pagtakbo. Ang ganda ng kanyang tinig. Hindi ko iyon maitanggi. Ngayon ko lamang siya nakitang kumanta at tumugtog. Pakiramdam ko'y para sa akin ang kantang ito.

Lahat ng hanap ko Sa buhay

Sa'yo ay aking natagpuan

Kaya iyong panaligan

Labis kitang minamahal 🎶

Ano ba ito? Bakit ba siya nakatitig sa akin? Ako'y nangangamba na baka mapansin ng mga panauhin na sa akin nakapako ang kanyang mga mata. Ngunit ako ay mas nangangamba sa huling linya na kanyang binitawan. Hindi ko alam ngunit mas lalo lamang tumindi ang tibok ng aking puso. Ito ba ang sinasabi ni Delilah?

At sa habang may buhay

Ang puso ko ay tanging sa 'yo

Damhin at iyong paniwalaan

Ang iyong pagmamahal ang aking ligaya 🎶

Nakangiti siya sa akin na nagpalitaw sa kanyang malalalim na biloy at nagpaliit sa kanyang mga mata. Ako ay lumingon sa aking kaliwa at kanan, nagbabakasakaling ibang binibini ang kanyang nginingitian ngunit ako na ang nasa pinakadulo. Imposibleng ngumiti siya sa matandang lalaki na nasa aking harapan ngayon. Ako ay muling tumingin sa kanya. Tila nagbago ang paligid. Siya na lamang ang aking nakikita at tanging tinig niya na lamang ang aking naririnig. Bakit ganito? Ako ba ay humahanga na sa aking amo? Ngunit bawal iyon hindi ba?

Lahat ng hanap ko Sa buhay

Sa'yo ay aking natagpuan

Kaya iyong panaligan

Labis kitang minamahal

Ikaw ang aking ligaya

Bisig mong sa aki'y lakas

Parang nasa langit

Ang aking pakiramdam

Payapa sa tuwina

Kapag ikaw ay kasama

At sa habang may buhay

Ang puso ko ay tanging sa 'yo

Damhin at iyong paniwalaan

Ang iyong pagmamahal ang aking ligaya 🎶

Natapos ang kanta ngunit ang pares ng kanyang mata ay nakatuon pa rin sa akin. Natauhan na lamang ako nang pumalakpak ang mga tao at pinupuri ang magkakapatid sa kanilang pagtatanghal. Dahan-dahan akong humakbang papalayo upang lisanin ang lugar na pinagdarausan ng selebrasyon. Mas mainam kung ako ay magpapalipas muna ng oras sa aking paboritong hardin. Saktong papalubog na rin naman ang araw, kailangan ko ng sariwang hangin upang makahinga nang maluwag. Inaamin kong nahihirapan akong huminga ngayon dahil sa kanyang ginawa.

"Huli na ba ako para sa pagdiriwang na ito?" boses ng isang dalaga ang nangingibabaw kaya't ako ay napatigil sa paglalakad at napalingon, maging ang iba ay napalingon na rin sa pinagmulan ng tinig.

"Floriana, anak!" malakas na sigaw ni Doña Lucia ng may ngiti sa labi at lumapit sa isang binibining nakangiti ngayon. Iba siya sa aking nakilala nitong mga nagdaang araw na masungit at mapanakit.

"Ate Floriana!" sigaw naman ng isang bininini na hindi nagkakalayo sa edad ni Binibining Lydia.

"Ina! Luciana!" sabay yakap nito sa dalawa.

"Binibining Floriana, nandito na po pala kayo."

"Maligayang pagbabalik po, Binibining Floriana."

"Mas lalong gumanda ang binibini."

"Mabuti siya ay nakauwi ngayon."

Maging si Don Faustino ay tumayo upang lapitan ang anak, hinagkan sa ulo at niyakap ito nang mahigpit. "Kailan ka pa dumating? Hindi ka man lamang nagpasabi sa amin ng iyong ina upang ikaw ay aming nasundo sa daungan."

"Isang malaking sorpresa po ito, Ama. Haha." Isang yakap ulit ang iginawad niya at naglakad papunta sa direksyon ng mag-asawang y Fontelo.

"Maligayang kaarawan po, Doña Criselda. Nawa'y maibigan po ninyo ang aking munting regalo." Nakangiti siya nang malapad at iniabot ang isang maliit na kahon na nakabalot sa mamahaling tela. Pagtapos, siya ay humalik at yumakap sa doña.

Ngayon ko lamang siya nakita nang malapitan. Siya ay tunay na marikit, may maalon na buhok at hapit na hapit sa kanya ang kulay pilak at mamahalin na baro't saya. Dinagdagan pa ng kanyang maamong mukha, maputi at makinis na balat. Para siyang anghel na bumaba mula sa langit na nakangiti sa mga panauhin ngayon. Ni hindi rin makikitaan ng kahit na anong kapintasan.

"Maraming salamat, Floriana. Mabuti ikaw ay nakauwi ngunit hindi ka man lamang nagpasabi. Sinorpresa mo kaming lahat. Kumain ka na muna at tayo'y magkukwentuhan," nakangiting turan ni Doña Criselda at inaya ito sa hapag-kainan.

Muling nagkasiyahan ang mga panauhin. Ang iba ay abala sa pakikipag-usap sa kanilang mga kakilala at ang iba naman ay nanonood ng isa pang pagtatanghal na alay ng mga batang panauhin para sa buong pamilya.

Dumako naman ang aking paningin kay Ginoong Severino na ngayo'y nakatulala na kay Binibining Floriana. Tila ba hindi siya makapaniwala sa kanyang nakikita ngayon. Oo nga pala, kung tama si Georgina, marahil siya ang 'Floriana' na tinutukoy ng ginoo na pag-aalayan niya ng sorpresa.

Kasalukuyan silang nag-uusap ngayon, kapwa nakangiti sa isa't isa. Tinitigan kong mabuti ang itsura ni Ginoong Severino, tama nga ako. Nobya nga niya si Floriana. Kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang labis na pangungulila at pagmamahal para sa dalaga na marahil ay hindi rin niya nakita ng ilang buwan.

Tuluyan kong nilisan ang mansion at nagtungo sa hardin. Tahimik akong umupo at pinagmamasdan ang ganda ng araw. Ngayon ko lamang napagtanto, magkatulad si Georgina at Binibining Floriana na mahilig maayos. Sobrang ganda tulad nitong mga bulaklak na masayang nagsasayawan ngayon.

Napahawak ako sa aking dibdib. Bakit sa kabila ng kaba ay may kirot din akong nararamdaman?

-------------

Floriana De Montregorio

<3~


next chapter
Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C7
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous