Télécharger l’application
62.92% M2M SERIES / Chapter 240: Jin (Chapter 85)

Chapitre 240: Jin (Chapter 85)

KINABUKASAN, alas dos pa lang nang madaling araw ay ginising na si Jin ng kanyang ama't ina. Pinatulong siya sa paglilitson ng baboy. Pista na sa kanilang bayan nang araw na iyon. Hindi na nila dinisturbo pa ang pagtulog ni Din. Hindi pa rin niya pinapansin ang kambal mga ilang araw na ang nakakaraan magmula nang gawan siya nito nang isang bagay na hindi pa rin niya matanggap. Hindi naman talaga katanggap-tanggap ang ginawa nito. Hindi niya sukat akalaing magagawa siyang kantutin ng sariling kambal. Sobrang sakit sa kalooban niya iyon dahil hindi naman siya bakla.

Ang ina niyang si Adela ay abala naman sa kusina sa pagluluto ng pansit at menudo. Tatlong putahe lamang talaga ang lulutuin nila. Wala rin naman silang masyadong bisita.

"Jin, napapansin kong parang lagi kang malungkot nitong mga nagdaang araw. Okay ka lang?" tanong ni Ryan sa kanya. Nasa likod ng bahay sila noon nakapwesto. Doon nila nilitson ang baboy.

Pilit siyang ngumiti sa ama. "Okay lang ako, tay. May namimiss lang ako sa Manila," sabi niya.

"May naging kasintahan ka ba roon, 'nak?" nanunuksong tanong ng ama.

"Wala po. Pero kaibigan marami. At saka namimiss ko si Daniel. Siya ang naging buddy ko roon." May bigla siyang naisip. Hindi kaya pinaalam na ng kanyang tito Rey at tita Lea ang kanyang paglisan sa bahay ng mga ito? Pero sa tingin niya'y mukhang hindi naman kasi wala namang sinabi ang kanyang mga magulang o kaya nag-usisa man lang.

"Buti naman naging malapit kayo ni Daniel," nakangiting sabi ni Ryan. Ilang sandali ay bigla itong sumeryoso. "Jin, ano naman ang pakikitungo ng tito Rey mo sa 'yo?"

Napalunok siya ng laway sa katanungan nito. Napansin kasi niyang napakaseryoso ng mukha ng kanyang ama. Bumuntong-hininga siya. Hindi niya dapat ipaalam na naging parausan siya ng kapatid nito.

"Okay naman, tay. Itinuring naman niya akong parang anak doon," sabi niya.

Ngumiti ang kanyang ama. "Buti naman kung ganoon."

Kumunot ang kanyang noo. Pansin niyang parang may gustong sabihin ang kanyang ama pero nagdadalawang-isip lamang ito.

"Tay, 'di ba tinanong mo na rin ako tungkol kay tito Rey? Bakit ano ba talaga ang meron sa kanya?" prangka niyang tanong.

Humugot nang malalim na hininga ang kanyang ama kapagkuwa'y seryosong tumitig sa kanya. "Jin, kaya mo bang magtago ng sekreto?" tanong nito.

Hindi alam ni Jin kung bakit bigla siyang kinabahan nang mga sandaling iyon. Nababasa kasi niya sa mukha ng ama na hindi biro ang gusto nitong sabihin.

"Oo naman, tay. Hindi naman ako madaldal, e," natatawa niyang sabi.

Humugot ulit nang malalim na hininga ang kanyang ama. "Kasi Jin. Si tito Rey mo, may ginawang malaking kasalanan sa 'kin," mayamaya ay sabi nito.

"Po? A-anong kasalanan niya sa 'yo, tay?"

"Jin, bakla ang kapatid ko at hindi ko sukat akalaing pati ako ay magagawa niyang gamitin," diretso nitong sabi.

Napanganga siya sa matinding rebelasyon nito. Pati pala ang ama niya ay kagaya niya ring biktima ng sariling kapatid.

"Tay, seryoso?"

"Oo, 'nak. Hindi lang isang beses nangyari. Maraming beses. Tinatakot niya akong magpapakamatay siya kapag hindi ko siya pinagbigyan," gumaralgal ang boses ng kanyang ama hanggang sa napaiyak na ito, "mahal na mahal ko 'yon, e. Kaya wala akong nagawa kundi ang magpaubaya na lang sa kanya. Pero matagal na 'yon, Jin. Bata pa kami no'n. Iyon ang rason kung bakit tinatanong kita kung paano ka niya tinatrato roon. Hindi ko siya mapapatawad, 'nak, kung pati ikaw ginamit niya."

Napalunok na naman siya nang maraming laway. Sa totoo lang ay sumagi na sa isip niya noon na ipagtapat ang mga nagpapabigat ng kanyang kalooban pero hindi niya magawa dahil takot siya.

"Tay, h'wag kang mag-alala. Anak ang turing niya sa akin doon," sabi niyang pilit na ngumiti. Isang malaking kasinungalingan pero naisip niyang mas mabuti nang hindi na muna malaman ng kanyang ama ang katotohanan.

"Buti naman, Jin," sabi ni Ryan na nagpahid ng mga luha. "Kaya ko sinasabi sa 'yo dahil matagal ko nang kinimkim ang tungkol sa bagay na ito. Nabibigatan na kasi ako."

"H'wag kang mag-alala, tay. Atin-atin lang ang tungkol dito. At saka gaya nga ng sabi mo, mga bata pa kayo no'n. Siguro naman nagbago na si tito Rey. Alam kong hiningi na niya ng tawad ang kasalanan niya sa 'yo."

"Sana nga, 'nak. Sana nga..."

Alas singko ng umaga ay tapos na ang paghahanda nila. Nauna nang naligo si Jin sa balon nila sa likod-bahay. Napatingin siya sa bintana ng kwarto ni Din. Hindi nga siya nagkakamali, nandoon na naman ito at pinagmamasdan siya habang naliligo. Tumalikod na lamang siya. Naka-boxer lamang siya noon.

Pasado alas siyete ay dumating na ang inimbita ng kanyang mga magulang. Malugod naman nilang tinanggap ang mga ito. Tatlong pamilya ang dumating. Nagdala rin kasi ng iba pang kakilala ang inimbitahan nila.

Sa totoo lang ay walang kilala si Jin sa mga ito. Sabi ng kanyang mga magulang, malayong kamag-anak na nila ang mga ito. Galing daw sa Davao at kakalipat lang sa bagong tinitirhan.

Matapos kumain at makipag-usap nang kunti sa mga bisita ay nagpaalam si Jin sa mga magulang. Gusto niyang maglakad-lakad sa labas. Tinawagan niya si Marian pero hindi talaga niya ito makontak. Naisip niyang pumunta na lang sa peryahan. Hindi na kagaya ng dati na napakaraming tao sa tuwing may pista sa lugar nila. Siguro natakot ang karamihan dahil sa nangyayari sa lugar nila.

"Jin, hintayin mo ako! Gusto kong sumama sa 'yo!"

Napahinto siya sa paglalakad. Nilingon niya si Din. Kagaya niya, suot din nito ang pulang damit na binili ng kanyang mga magulang. Kung hindi gaanong close sa kanilang dalawa, hindi talaga makikilala kung sino siya at kung sino si Din. Mas lalo na noon na pumayat din siya dahil sa pagkakalagnat. Parang iisang nilalang na lang talaga sila nang mga panahong iyon.

"Din, gusto kong mapag-isa!" matigas niyang sabi. Alam niyang maaari siyang saktan ni Din anumang oras nitong gustuhin dahil sa sinasabi nitong kapangyarihan na mayroon ito pero wala na siyang pakialam. Ayaw talaga niyang makasama ang kambal.

Nakita niya ang pagkadismaya sa mukha ni Din. Nagbaba ito ng paningin at tumalikod. Parang kinurot naman ang puso niya nang mga sandaling iyon. Lalo na at ang pagiging maamo ng kanyang kambal ang nakapinta sa mukha nito noon. Hindi ang Din na mabangis na animo'y demonyo.

Pero nagmatigas siya. Nagpatuloy siya sa paglalakad at hindi na ito ininda pa. Mga ilang metro ang kanyang nilakad ay napalingon siya. Hindi na niya nakita si Din kaya muli siyang nagpatuloy sa paglalakad.

"Jin, lalong pumogi, ah... kailan ka pa umuwi?"

Napangiti siya nang makita sina Robin at Manny. Mga kaibigan din niya ang dalawa pero hindi gaanong close. Namumula na ang mukha ng mga ito dahil nag-iinoman.

"Noong nakaraang linggo pa," tugon niya.

"Pasok ka muna rito. Sali ka sa amin," sabi ni Manny.

"Oo nga naman, dude," sabi naman ni Robin.

Nakita niyang wala namang masyadong bisita. Bahay nina Robin iyon pero magkapitbahay lang talaga sila ni Manny. Pumasok nga siya sa gate na yari din sa kawayan kagaya ng sa kanila.

"Kayo lang dalawa ang nag-iinoman?" tanong niya nang makalapit sa mga ito. Binigyan siya nang mauupuan ni Robin.

"Oo nga,e. Abala pa ang barkada. Mamayang gabi na ipagpapatuloy. Sana maka-jam ka pa rin namin mamaya, Jin," sabi ni Manny.

Naisip niyang imbitado ang lahat sa party na gagawin sa mansion nina Marian nang gabing iyon. "Hind ba kayo pupunta mamaya sa mansion?" tanong niya sa mga ito.

Natawa si Manny, "ano naman ang gagawin natin doon? Mabobored lang tayo. Sama ka na lang sa amin mamaya. May sasakyan si Gener. Mamakla tayo sa kabilang bayan," sabi nito sabay tawa. Nakitawa na rin siya sa mga ito.

"Punyetang serial killer kasi, ubos na tuloy ang mga bakla sa lugar natin. Wala na tayong mapaglilibangan lalo na't ang aarte ng mga babae rito. Buti pa ang mga bakla, pakitaan lang ng katawan, maglalaway na," sabi ni Robin at nagtawanan ulit sila.

Pero sa totoo lang ay may kakaibang kirot siyang naramdaman sa dibdib nang mga sandaling iyon. Medyo apektado siya kasi bakla rin si Din at isa ito sa mga pinagtatawanan nila noon.

"Pass na ako sa ganyan, dude. May nobya na ako," nakangisi niyang turan. Tinanggap niya ang basong may lamang gin na inilahad ni Manny at kaagad na tinungga.

"Gano'n? Aminin mo, dude, mas masarap chumupa ang mga bakla," sabi ni Robin at malakas na tumawa. Nakitawa pa rin siya no'n kahit labag na sa kanyang kalooban.

Hindi na lamang siya nagkomento pa. Nagpatuloy lang sila sa pag-iinoman. Naramdaman niya ang pag-iinit ng katawan dulot ng alak. Namula na rin siya noon at wagas na kung tumawa. Medyo tinamaan na nga siya sa nainom.

Ilang sandali lang ay may lumapit na lalaki sa kanila. Hindi nila iyon kilala.

"Ikaw ba si Jin?" diretsong tanong nito sa kanya.

"Opo, ako nga, bakit?" medyo nagtataka niyang tanong dito.

"May gustong kumausap sa 'yo, sandali lang daw," tugon nito at napatingin sa labas kung saan may sasakyang nakaparada.

Napangiti siya. Naisip niyang drayber ang lalaking kaharap at ang gustong kumausap sa kanya ay si Marian.

"Sino ho ang gustong kumausap sa 'kin?" paninigurado niya.

"Basta sumama ka na lang sa 'kin."

Kumunot ang kanyang noo sa inaasal ng lalaking iyon. Pero tumayo pa rin siya at nagpaalam kina Manny at Robin. Tinukso pa siya ng mga ito na baka baklang parokyano ang gustong kumausap sa kanya. Buo ang isipan niya noon na si Marian ang gustong kumausap sa kanya at nandoon nga sa sasakyan nito naghihintay.

Nang makalapit sila ay bumaba ang bintana ng sasakyan. Napaawang ang kanyang mga labi nang makita kung sino ang nandoon.

"Kumusta ka na, Jin?"


next chapter
Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C240
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous