Télécharger l’application
26.37% M2M SERIES / Chapter 100: Daniel (Chapter 9)

Chapitre 100: Daniel (Chapter 9)

HINDI nga ako nagkamali. Ang dami ngang bisita ni Ruby. Tinukso pa nila kaming dalawa.

Panay ngiti ko na lang sa kanila. Buti naman at wala naman siyang bisita na kakilala ko talaga sa campus. Tinanong ko siya kung bakit.

"Baka kasi tuksuin ka nila, e. Ayoko namang mapahiya ka ng dahil lang sa kagagahan ko 'no!" sagot niya.

Napanatag lalo ang loob ko kay Ruby. May point nga siya.

Napag-isip-isip kong safe naman pala ako sa kanya kasi iniisip din naman niya ang kapakanan ko.

"Salamat, Ruby." Pinisil ko ang kamay niya.

Naramdaman kong napapitlag siya sa ginawa ko. Napatingin siya sa 'kin at napangiti kaya nginitian ko rin siya.

Pagkatapos kong kumain ay naki-join na kami sa ibang bisita.

Nagpasalamat ako at puro Red Horse lang ang alak na nandoon. Walang hard.

Kasi kapag hard, ilang shots lang lasing na ako. Sa amoy pa lang nahihilo na agad ako.

Masakit pa sa ulo kaya iniiwasan ko talaga ang mga ganoong uri ng alak.

Pinaalalahanan ko si Ruby na kunti lang ang iinumin ko dahil madali akong malasing.

Hindi naman siya nagpumilit. Masaya naman ang lahat. Panay tawa namin dahil sa jokes ng mga bakla.

Hindi rin nagpapahuli si Ruby. Tawa ako nang tawa. Napansin kong dalawa lang ang babaeng nandoon.

Karamihan ay mga bakla at may kanya-kanya ring partner na mga lalaki.

Well... hindi naman sa pagmamayabang pero ako ang pinakapogi sa mga lalaki.

Pati partners nila panay ang nakaw ng tingin sa 'kin with matching kindat at kagat pa ng labi.

Awts... hindi pala ako tunay na lalaki so hindi ako ang pinaka-pogi roon.

Hmmm... may napansin akong ang lakas talaga ng dating para sa akin pero casual lang ako.

Hindi puwedeng mahalata na tinatamaan ako sa lalaking iyon.

Basta, may biglang sumagi sa isip ko dahil sa lalaking nagngangalang Keno.

Bakla ang partner kaya medyo may kunting kirot din. Naks... napakaseloso ko talaga 'di ba?

Haysss... I closed my eyes na lang. Alam niyo ba sino ang naalala ko kay Keno?

Si Brad. Tsk... erase! Erase! Erase! Niluhuran na 'yon ni mang Rodel.

Nakaramdam ako na maiihi kaya tinanong ko si Ruby kung nasaan ang CR.

Nagpresenta siya na samahan ako. Tuksuhan naman agad ang mga nandoon.

Nagsisigaw ng "birthday sex!" Tawa na lamang ako nang tawa.

Ewan, pero ganoon talaga ako kapag nakainom na. Nagiging bungis-ngis ako na dinaig pa raw ang mga high sa mariwana.

"Daniel..." mahinang tawag ni Ruby sa akin.

Nasa loob na ako ng CR nang mga sandaling iyon at nakatayo sa harap ng toilet.

Napalingon ako sa kanya. Nakatayo lang siya sa may pinto.

"Bakit?" I asked him.

Kitang-kita ko ang nag-aapoy na pagnanasa sa mga mata niya nang mga oras na iyon.

Dahil siguro sa nakainom na ako ay wala naman akong kabang naramdaman.

Parang okay lang sa akin kahit ano pa ang gawin niya.

"Hmmm... wala... sige umihi ka na," nakangiti niyang tugon bagama't alam kong may gusto talaga siyang sabihin sa 'kin no'n.

Nagkibit-balikat na lang ako at nagmamadaling tinanggal ang butones ng aking pantalon.

Ibinaba ko na ang zipper at nilabas sa brief ang aking pagkalalaki.

Umihi agad ako. Gumaan ang pakiramdam ko pagkatapos. Inayos ko na ang aking sarili.

"Daniel..." muling tawag ni Ruby.

Napangiti ako. "Bakit nga? What do you want to say?" tanong ko ulit.

Humarap na ako pagkuwa'y humakbang papalapit sa kanya. Katabi ko na siya sa may pintuan ng CR.

Hinawakan niya ang kanang kamay ko at inilagay sa ilong.

Pumikit siya habang inaamoy ang aking kamay. Noon ko lang naalala na hindi pala ako nakapaghugas ng kamay pagkatapos umihi.

"Ang bango..." mahinang turan niya.

Hindi niya lang basta inaamoy ang kamay ko kundi may kasamang halik pa. Hinayaan ko na lang siya.

Hindi pa niya binibitawan ang kamay ko. Alam kong gusto niyang makipagtalik sa akin nang mga sandaling iyon.

Nababasa ko sa mga mata niya ang pagkadarang. Doon na ako parang kinabahan.

Nalito akong bigla sa mga nangyayari. Parang gusto ko na ayaw.

Gusto ko dahil nabitin ako sa pagsasalsal sa bahay at birthday gift ko na lang sa kanya.

Pero ayaw ko dahil sa pareho kaming bakla. Hindi ko yata kayang manluko.

Baka isang araw kapag nalaman ni Ruby na bakla rin pala ako ay pandirian pa niya ako.

"Happy birthday ulit, Ruby..." wala sa sariling nasabi ko.

Napatingin siya sa akin. Ngumiti at niyakap akong bigla. Naramdaman kong nag-iinit ang kanyang katawan.

Ang lakas din ng pintig ng kanyang puso. Nakikipagsabayan sa kaba ko.

"Tayo na. Baka ano na iniisip nila sa atin," mayamaya ay nakangiti niyang sabi.

Para siyang napaso at binitawan ang aking kamay.

Hinawakan ko ang kamay niya at sabay na kaming bumalik sa sala.

Lihim akong nagpasalamat at hindi naman pala siya kagaya ng ibang bakla na mapagsamantala.

"Ang bilis naman..." halos sabay na tukso nilang lahat sa amin.

"Fuck you, morons! Wala kaming ginagawang masama 'no!" natatawang sabi ni Ruby.

Magkatabi kaming umupo sa puwesto namin.

"Weeehhhh... 'di nga! Ikaw pa Ruby ang hindi gagawa ng masama? Hay naku! If I were you... hinila ko na si Daniel kanina pa sa kwarto!" sabi ni Chersey.

"Oo nga! Ang yummy kaya ni Daniel. Saka birthday mo ngayon. Tiyak pagbibigyan ka niya. 'Di ba, Daniel?" sabi naman ni Yumi.

Napatingin sa akin ang lahat. Hindi ko alam kung ano ang isasagot sa katanungang iyon ni Yumi.

Alam kong naghihintay sila sa sagot ko lalo na si Ruby.


next chapter
Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C100
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous