Télécharger l’application
24.8% M2M SERIES / Chapter 94: Daniel (Chapter 3)

Chapitre 94: Daniel (Chapter 3)

BAGO TUMULOY sa bahay ay naisipan ko munang dumaan sa tindahan ni mang Rodel.

Nauuhaw kasi ako kaya naisipan kong bumili ng coke. Isang bakla si mang Rodel na nasa kwarenta na ang edad. 

Napapansin kong malaki rin ang pagnanasa niya sa akin.

Madalas ay hindi niya ako pinapabayad kapag may bibilhin ako at iniimbita pa akong pumasok muna saglit sa tindahan niya. Doon na rin siya nakatira.

Pero hindi ko siya pinapatulan. Alam ko kasi kung ano ang iniisip niya at gustong gawin sa 'kin.

Madalas kasi siyang nakikipagtalik sa mga tambay sa lugar namin.

Binabayaran niya ang mga ito. Nalaman ko ang tungkol doon dahil na rin sa sinasabi ng mga kakilala kong nagamit na niya. 

Ininom ko agad ang coke. Pagkatapos kong inumin ay ibinalik ko na agad ang bote sa kanya. Dumukot ako sa bulsa para kumuha ng pambayad. 

"Daniel, may mga bago akong porn movies dito. Baka gusto mong panoorin. Pasok ka muna," imbita niya na hindi agad pinansin ang twenty pesos na binigay kong pambayad.

"Idagdag mo na lang sa allowance mo 'yan. H'wag mo nang bayaran," mayamaya ay dagdag pa niyang sabi.

Sobrang lagkit ng mga titig niya sa akin na animo'y hubo't hubad ako sa kanyang harapan. 

Napailing na lamang ako ng ulo. Hindi talaga ako titigilan ng baklang ito hangga't hindi niya ako natitikman.

Medyo nainis na ako nang mga sandaling iyon. Gusto ko siyang sigawan na, "Tumigil ka na nga! Mas maganda pa ako sayo, 'no!" 

Tsk... kung kaya ko lang sana lumadlad ginawa ko na talaga sa kanya iyon para tumigil na. 

"Sige na, Daniel. 'Lika sa loob. May pizza rin ako rito baka nagugutom ka," muling yaya ni mang Rodel sa 'kin. 

Dahil siguro sa mabait lang talaga ako ay nginitian ko na lang siya.

"Next time na lang po. Akin na ang sukli, mang Rodel. Hinihintay na ako ni nanay sa bahay," I told him. 

"Asahan ko ang next time na 'yan ha. Siyanga pala may girlfriend ka na ba ngayon?" tanong niya na panay ang tingin sa harap ng pantalon ko.

Parang sinusukat niya kung gaano kalaki ang nasa loob. 

"Wala pa po, mang Rodel," tugon ko. 

"Gano'n? Useless naman ang pagiging pogi mo niyan kung 'di ka magpapakasawa sa mga babae," nakangisi niyang sabi.

Manyak na manyak talaga ang dating ng baklang tindero. Kumunot ang noo ko.

Wala nga talagang mabuting impluwensiya ang màtandang 'to. Puro kalibogan lang ang nasa isipan. 

"Focus po ako sa pag-aaral, mang Rodel," sabi ko. 

"Alam mo kasi ang mga babae parang cellphone lang ang mga 'yan. Kapag gusto mo pa, Daniel, paglaruan mo muna." 

"Bakit, mang Rodel? Naranasan mo na bang mangbabae? 'Di ba bakla ka?" tanong ko. 

Tumawa siya. Nagtaka naman ako. 

"Alam mo kasi, dumaan din ako sa pagiging lalaki bago ko pa napagtantong lalaki rin pala ang gusto ko," sabi niya kapagkuwa'y malanding tumawa.

Tumitig siya sa akin ng makahulugan. Naisip kong baka kagaya ko rin siya noong kabataan niya.

Baka nagtago rin si mang Rodel noon sa closet. Hindi malayo ang iniisip ko sa kanya 'di ba?

Maraming nakaranas ng ganoon, e. Huli na nilang nare-realize na hindi pala sila straight.

Napatango-tango na lamang ako. "Gano'n po ba?" tipid kong tugon. 

"Ang dami ko kayang naging chicks noon, Daniel," nagmamalaki niyang sabi.

Ngumiti ako sa kanya. Alam kong pogi rin si mang Rodel noong kabataan niya. Halata naman sa mestisuhin niyang hitsura. 

"Talaga po?" kunwari ay interesado kong tanong.

Ngumiti siya sa 'kin sabay kagat ng ibabang labi. Ang sarap talagang suntukin sa bibig ng baklang tindero. Napakalandi, e.

"Daniel, bakit 'di mo muna subukang mamakla? Malakas ang appeal mo talaga, e. Ikakayaman mo ang hitsurang 'yan," mayamaya ay sabi niya. 

Medyo nakaramdam ako ng inis sa tanong niyang iyon pero pangiti-ngiti pa rin ako.

Hindi na lang ako nagsalita pa. Pero ewan ko nga ba kung bakit nanatili pa rin ako roon.

Naiinis na ako pero ayaw pa umuwi na lang. Ang gulo ko rin, 'no?

"Basta kung may kailangan ka, nandito lang ako, ha," muli niyang sabi na halatang sobrang init na ang nararamdaman sa taglay kong kakisigan. Ang yabang ko na ba? Hehe...

Napabuntong-hininga ako at mas piniling ipagsawalang-kibo na lang ang mga sinasabi niya.

Tanga rin ako nang mga sandaling iyon kasi hinayaan ko lang siyang pagnasaan ako at hindi pinilit na ibigay na ang sukli ko para makaalis na.

"Pasensiya na, Daniel, nakalimutan ko tuloy ang sukli mo," natatawa niyang sabi na sinuklian ko lang ng ngiti. "Ang pogi mo talaga, baby ko. Ang bango-bango mo pa," dagdag niyang sabi.

Sa totoo lang nakakaloka ang pagtawag niya sa akin ng 'baby ko'. 

Pagkatapos ibigay ni mang Rodel ang sukli sa akin ay tumalikod agad ako.

Sa pagmamadali ay hindi ko napansing may tao pala sa likod. Nagbanggaan kaming dalawa.

Pareho kaming natumba sa kalsada. Nakadagan ako sa matipuno niyang katawan.

Ang laki ng katawan niya at ang tigas. Amoy na amoy ko ang natural na amoy ng isang lalaki na nagpapitik ng puso ko no'n agad-agad.

Hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko nang mga sandaling iyon.

Tumitibok-tibok ang puso ko lalo na nang masilayan ko ang mukha niya.

Shit! Ang gwapo! sigaw ng isipan ko. Hawig talaga siya kay Joseph Marco. Ang isa sa mga kinalolokohan kong artista. 

Mga ilang sandali rin bago namin naisipang tumayo. Buti na lamang at walang masyadong tao. Si mang Rodel lamang yata ang nakapansin sa amin.

"Sorry!" halos sabay naming sabi.


next chapter
Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C94
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous