Télécharger l’application
47.61% Lucky Me / Chapter 30: LUCKY THIRTY

Chapitre 30: LUCKY THIRTY

CHAPTER 30

LUCKY'S POV

Monday.

"Hello.. nandito na sa campus." May pagkalutang na sagot ko. Nabitin kasi ang tulog ko sa FX sa bilis mag drive ni manong driver.

"Bilisan mo may chika kami sayo matutuwa ka." Dinig kong sigaw ni Marlon sa background. Himala ang aga pumasok ng mga bayot?

"Daan lang ako canteen magtake out ako ng food antayin niyo nalang ako diyan."

"Sige sige bilisan mo at mapag iiwanan yang ganda mo sa campus kaloka ka!" sigaw ni Andi kaya medyo inilayo ko yung phone sa tenga ko.

'Kahit kelan di marunong magsalita ng 'di naka sigaw.'

"OA niyo sige na malapit na ako sa canteen." Saka ko binaba yung phone at isinuksok sa bulsa ng bag ko.

Pagpasok ko ng Canteen marami ng nakapila sa counter kaya nakipila narin ako. Abala ako sa pamimili ng o-orderin ng may biglang yumakap sa likod ko.

"LUCCKKKKKKYYY!!"

Nagtayuan ang balahibo ko sa batok ng may umakap sa akin mula sa likuran. Pagharap ko sinalubong ako ng makalaglag at makatastas panting ngiti ng isang Justin Kwon. Aakap pa sana siya ngunit pa simple ko siyang kinurot sa tiyan.

"Gusto mong kuyugin ako ng mga admirers mo?" pabulong na sambit ko. Nginusuan niya lang ako ng mapansing nakatutok ang mga mata nila sa aming dalawa. "Kamusta ka?" pag iiba ko ng usapan at hinila ko siya sa tabi ko. Walang papalag diyan sigurado dahil gwapo yung sumingit sa pila.

"I'm good lalo ngayon nakita na kita ulit. How's your weekend?" nakangiting tanong niya.

"Same as old. Sa bahay lang gumawa ng assignments at nagpahinga." Kunot noong tugon ko.

"Oh, bakit parang hindi ka masaya?" hinawakan niya ang noo ko at pilit na binubura ang pagkakakunot nito.

"Sira siyempre masaya dahil nakapagpahinga ako ng mahaba."

"Nag commute ka ulet papasok kanina?"

"Araw araw wala namang bago.."

"I see.. Gusto mo sunduin kita araw araw para palagi tayong magkasabay pumasok?" excited na alok niya. "Sige na pumayag kana!" mababaog ako sa kakulitan ng koreanong 'to.

"Sira ka talaga.. Pumila ka nga ng maayos." kinurot ko siya at halos mapaliyad pa siya dala ng pagtawa at kaharutan niya.

"Alam mo bang na postpone ang date ng Masquerade Party natin?" Mahinang bulong niya sa tenga ko.

"Oh really? Hindi ko alam kailan nag announce?" himala nahuli ata sa balita si Andi at Marlon ngayon.

"Nung friday pa, if I'm not mistaken after ata ng game niyo ng Volleyball." At saka kami umusad sa pila.

"Maaga kasi kami umalis after ng game.." Kagat labing sagot ko. Okay na mapost pone yun para magkaroon pa kami ng mahabang oras ni Wesley para makapag ensayo.

"Ahh-- kaya siguro hindi niyo narinig yung announcement sa campus." Pinanggigilan niya ang pisngi ko. "Napanuod kita maglaro grabe lalo mo lang talaga akong pinapahanga Gonzaga!" Pisting Koreanong 'tong pinaglilihian ata ako kanina pa ako pinanggigigilan.

"Maliit na bagay!" at sabay kaming natawa

"Excuse me.. kung hindi pa kayo o-order baka pwede na akong mauna." Kinabahan akong napalingon sa pamilyar na boses na nagsalita sa likod. Gusto kong lumubog sa kahihiyan ng magtama ang mga mata namin. Tae 'to hindi man lang makuhang ngumiti.

Patay ka bai! Napakagat ako sa dila ko ng maalala ko ang mga kalokohan ko kagabe. Shet, galit kaya siya?

"Sorry Kenneth! Sige mauna kana nahihirapan pa kasing umorder itong ka date ko 'e." Nakangiting palusot ni Justin kay Kenneth saka ako inakbayan para bigyang daan si Kenneth.

"Anong date? Siraulo ka mamaya marinig ka ng mga tsismosa diyan at bigla akong kuyugin sa field mamaya." kinurot ko siya sa tagiliran at bigla siyang tumawa. Hindi ko maiwasang titigan ang likod ni Kenneth. Bakit may mga taong ang gwapo parin kahit nakatalikod? Yun lang masungit. Tch!

"Sorry na Yobo.." pinihit ako paharap ni Justin. "Alam kong gutom ka na huwag ka ng magalit sa akin please." nakuha pang magpa cute kahit 'di naman kailangan. (Yobo means 'darling' in korean)

"EHERRRM." Tikhim ni Kenneth sa likod ni Justin. As usual blangko ang mukha at may bitbit na tray laman ang mga orders niya.

"Oops!" hinila ako ni Justin papunta sa dibdib niya dahil nakaharang ako sa daan. "Ano Yobo may naisip ka bang kainin bukod sa akin?" natatawang biro niya at pinandilatan ko siya sa gulat. Abnoy!

"Tss." Dinig kong singhal ni Kenneth pagdaan sa harap ko. Mamaya isipin ng payatot na 'to nakikipag landian talaga ako sa Koreanong 'to tulad ng ibinibintang niya.

"Yobo—yobo.. 'e kung dakutin ko yang yagbols mo ng manahimik ka!" singhal ko paglampas ni Kenneth. If i know gusto niya lang asarin si Kenneth kaya uma-acting 'to ng ganito.

"Sige gawa! Puro ka salita eh." hamon niya. Pasalamat ka maraming tao! Mahilig pa naman ako sa Korean dish kaya 'di kita palalampasin boy!

"Ikaw puro ka kalokohan."

"Psh! Takot ka pala e." Hinampas ko siya sa braso. "Oo na sige na alam ko namang pagkain lang makakapag patahimik diyan sa bibig mo eh." Natatawang sagot niya.

Matapos kaming umorder ng food sinamahan ko siya maglakad papunta sa table niya.

"Bakit pala pinabalot mo yung food mo? Sa classroom ka ba kakain?"

"Inaantay kasi ako ni Andi sa tambayan wala kasi kaming Instructor sa first subject namin kaya tambay muna kami siguro." Inilapag ko ang pinamili sa ibabaw ng mesa bago ako umupo.

"Kung may time ka daan ka sa Carlisle Hall may dance rehearsal kami mamayang 5:00PM. Nuod kayo ng mga friends mo." Nakalimutan ko aside sa taekwondo player siya memner din siya ng dance troupe sa campus.

"Di ba nakakahiya kasi wala naman kaming kilala dun?"

"Ako hindi mo ba ako kakilala?" turo niya sa gwapong mukha.

"I mean sa mga ka group mo. Nakakahiya naman kung basta nalang kaming susugod dun." Nakangusong sagot ko.

"Wala namang ibang tao dun kundi kami lang and besides mababait yung mga yun."

"Sige kapag maaga kaming naka labas dadaan ako." yun nalang sinabi ko pero nahihiya talaga akong pumunta mamaya ano pang isipin ng mga kasama niya bakit sumugod ang mga bakla galing sa Planetang Koyekok!

'Bahala na si Kokey!'

Nagpaalam na ako kay Justin pero naisip kong dumaan ng washroom baka laitin na naman ng mga bakla ang itsura ko kapagmakita nilang sabog sabog na naman ang buhok ko.

"Anubey ang aga aga ang haggard ko na." Bulong ko sa sarili habang sinusuklay ko ng daliri ang magulong buhok ko sa harap ng salamin.

Biglang bumukas ang pinto sa CR at iniluwa nun si Kenneth. Pareho kaming nagulat ng makita ang isa't isa. Hindi ako nagpahalata pero kinakabahan talaga ako sa presensiya niya kapag ganitong nagseseryoso siya. Lumapit siya sa sink at naghugas ng kamay.

"Kamusta? Nakauwe kaba ng safe sa inyo nung saturday?" bungad ko habang nakatingin sa kanya sa salamin. Nag angat lang siya ng tingin. Walang reaction. Blangko parin ang itsura. Hindi man lang siya ngumiti ng magtama ang mga mata namin. "Hoy, magsalita ka. Galit ka ba?" Saka ako sumandal sa sink para magkaharap kami.

"Galit? Bakit naman ako magagalit?" walang emosyong sagot niya.Mahihiya si Jackielyn Jose sa pagigigg monotonous ng boses niya.

"Dahil pinagtripan kita nung friday night?" Nahihiyang pag amin ko. "Look i'm sorry.. i'm just trying to make you laugh that night okay." Depensa ko dala ng guilt.

"How? By trying to flirt with me? Yeah thats really funny.." at sinabayan ng mapaklang tawa.

"Hala siya! Ang seryoso mo naman sige ka tatanda ka ng maaga!" At naalala ko na naman yung pinag usapan namin at bigla akong natawa sa isip ko.

"What ever Lucky. I have to go may klase pa ako." Padabog siyang humugot ng tissue. "Anyway, enjoy your date." At nilayasan ako ng walang sabi sabi.

'Sungit naman neto!'

"D-Date?" Nagtatakang tanong ko sa harap ng salamin. Kanino naman? Pisti! Don't tell me kinagat niya yung biro ni Justin kanina? May saltek talaga, may nagdi-date ba sa canteen ng ganito kaaga?

'Aga aga pang hapon na yung mukha niya!'

Mabilis akong naglakad papuntang tambayan malapit sa field at naabutan kong naghaharutan yung dalawa. Nilapag ko yung mga binili kong pagkain at sinadya kong damihan para hindi sila magalit dahil medyo natagalan ako.

"Oh himala 48 years Luis Manzano, anyareh?"usisa ni Andi habang inilalabas ang mga pagkaing binili ko at binuksan isa isa.

"Kausap ko kasi si Justin Kwon sa canteen nakasabay ko sa pila sa counter."

"Ay taray ang aga aga kumota na ang beklu!" okray ni Marlon na nangingintab ang mukha. Ano na naman kayang pampahid ang ginamit nila. Tch!

"Hoy ikaw Lucky mamahagi ka ng ganda huwag mong lahatin ang mga campush crush, nakuuu! Kukuyugin ka ng iba't ibang tribu ng mga makakating babae sa Carlisle!" pananakot ni Andi kaya natigil ako sa pang nguya ng cheese cake na kinakain ko.

"Hala bakit inaagaw ko ba sila sa mga fans nila? Sila naman ang lumalapit hindi ako." Sagot ko habang ngumunguya.

"E di ikaw na ang diyosa! Kaloka to pinagsasabihan lang kita dahil ayokong dumami ang kaaway mo sa campus." At winasiwas ang abaniko sa ibabaw ng mesa bago umupo.

"Maiba lang ses, alam mo bang bilib na bilib sayo ang family ko dahil sa husay mong kumanta!" Masayang kwento ni Marlon.

"Salamat, nakakahiya naman." Mahinang sagot ko.

"Oo diyan ako bilib kay Lucky performance level at hindi papakabog kanino man!" iniangat ni Andres ang isang kamay ko na para akong nangangampanya.

"Sabi ni Mommy kapag may event kami sa bahay sana maka-kanta ka ulet."

"Keri lang basta maraming tsibog!"

"Matanong lang seshie kapag kumakanta ka ano ang iniisip mo? Grabe kasi ang hugot mo damang dama namin ang nanunuot na emosiyon ng kanta." Tanong ni Andres na may pa kinang kinang pa ng mata. Gusto kong matawa ng bigtime. Ngayon ko lang kasi napansing naka contact lenses sila ni Marlon. And take note doll eyes pa. Lalo lang tuloy na emphasize yung mga pores nila. Hahaha!

"Iniisip? Mostly yung lyrics baka kasi makalimutan ko 'e." Pairong sagot ko.

"Litsi ka! Hindi yun. Kung anong ini-imagine o iniisip mo yun ang gusto kong malaman kapag kumakanta ka. Ganern!" inirapan ako ni Andi at natawa naman si Marlon sa lider ng tribu nila.

"Ahh— paano ba.. everytime kasi na kumakanta ako iniisip ko yung mga past experiences ko. Dun ko hinuhugot yung emotion para ma deliver ko yung message ng song ng maayos." Sagot ko sa dalawa na tutok na tutok sa sinasabi ko.

"May kinalaman ba si Jasper sa bawat hugot sa mga kanta mo?" activated na naman ang pagiging tsismosa ng ni Marlon.

'Yan na nga ba sinasabi ko.'

"Mmm—minsan marami kasi kaming masaya at sad memories ni Jasper kaya madaling humugot dun." napangiti ako pero sa loob loob ko parang kinukurot ng pino ang dibdib ko.

"Ano nga palang sinasabi ni Kenneth na aalis si Jasper? Saan siya pupunta seshie?" nakapangalumbabang at kunot ang noo ni Andres.

"Sa US, tinanggap niya na kasi yung petition ng parents niya last year pa kasi yun." Derechong tugon ko sa kanya.

"OMG! Paano ka na?" akala mo siya yung iiwan at dinaig niya pa yung reaction ko nung gabing ipinagtapat ni Jasper na aalis siya.

"Paano ako? Bakit kami pa ba?" pabalang na sagot ko sa kanya. Nakakainis iniisip ba nila maghahabol ako sa kumag na yun matapos ng mga nangyare sa akin nung huli?

"Ay kabugera ang Lucky Gonzaga!" sabat ni Marlon at tinaasan ako ng kilay.

"Sandali, ano pala yung ichi-chika mo sa akin kanina?" pag iiba ko ng usapan dahil umiinit ang ulo at kamao ko kapag ang despalkong lablayf ko ang pinag uusapan.

"Tungkol sa Party natin." Pabulong na sagot ni Marlon. Bakit kailangan niya pang ibulong?

"Sabi ni Justin na suspended daw ulet at wala pa raw exact date. Totoo ba yun?"

"E alam mo naman pala kaloka ka!" pairap na sagot ni Marlon.

"Malay ko sa inyo pwede naman kasing sabihin kanina sa phone dami niyo pang pa suspense!" at binato ako ni Andi ng kinakin niyang sitsirya..

"Dahil diyan pag usapan naman nalang natin yung nangyari sa party ni Marlon." Malaki ang pag kakangiti ni Andi pagkatapos niyang magsalita.

"So ibig sabihin.. kong wala pang exact date ang party it means marami pa kaming time para makapag practice ni Wesley. Yes!!" pag iiba ko ng usapan at nagkunwaring hindi ko narinig yung huling hirit niya.

"LUCKY MANZANO huwag mong ibahin ang usapan." Muntik ng di bumalik sa normal ang eyeball ni Andres sa sobrang pag irap.

"A-Anong usapan?" maang maangang sagot ko.

"Anong eksena niyo ni Kenneth sa party ni Marlon? Ano yung sigawan, selosan at tapos hinatid ka pa niya pauwe?? EXPLAIN YOUR ANSWER IN 1 WHOLE SHEET OF MANILA PAPER, BACK TO BACK, 12 FONT SIZE, LUCIDA HANDWRITING FONT STYLE---" pinandilatan ko siya at sinalpakan ko ng hotdog ang maingay niyang bibig.

KINGENANG BIBIG YAN, SARAP SALPAKAN NG BASAHANG BILOG!!

Baklang 'to nagpapapak ata ng mikropono kapag may free time siya. Pasimple kong inikot ang paningin ko sa paligid baka may makarinig sa bungangaan namin.

"Sige i-lakas mo pa at malalaman mo lahat ng kasagutan diyan sa mga katanungan mo bakla ka!" at inirapan ko siya bago ako umupo.

"Ay sorry sesshhhie sige i-chika na yan!" excited na sagot niya. Nagbukas muna ako ng juice.

Kinuwento ko ang lahat ng nangyari sa akin ng araw na yun. Simula noong tinawagan ako ni Jasper, hinatid kela Marlon, yung pag papaalam ni Jasper, pagkikita namin ni Kenneth sa harap ng bahay ni Marlon. Hindi ko na binanggit yung pinag usapan namin ni Justin. Ayokong asarin nila ako dahil sa pag iinarte ko.

Hindi ko na dinetalye yung buong usapan namin ni Jasper dahil hanggang ngayon hindi pa din naman nila alam ang dahilan ng paghihiwalay namin. Nahihiya kasi akong ipaalam sa kanila at nalulungkot ako kapag naaalala ko ang mapait na karanasan kong yun. Hindi pa ako handang magkwento sa mga kagagahan ko last summer.

"Bakit ba kayo naghiwalay ni Jasper. Third party?" tanong ni Marlon. Tumango lang ako bilang sagot dahil ayaw ko ngang magkwento.

"Gaano ba kasakit ang ginawa sayo ni Jasper at ayaw mo na siyang balikan ses?" muling hirit niya at parang manikang de susi kung makakurap ng mata. Si Andres naman tango lang ng tango sa sinasabi ng katabi.

"Masakit na masakit. Yung tipong mawawalan ka ng gana sa lahat ng bagay." Pumait ang panlasa ko. Ito pa naman ang pinaka ayaw ko ang ikwento ang nakaraan ko.

"Mas masakit pa kapag dyinosok ka ng notring sa puerta?" napatayo pa siya sa sobrang OA niya.

"Aba'y malay ko hindi ko naman na experience yun sa kanya." Nahihiyang sagot ko sa kanila.

"WHAAAATTT!?!?" sabay nilang sigaw at napahampas pa sa mesa. Muntik na akong malaglag sa kinauupuan ko.

"Eh akala ko ba nag kemehan na kayo nun? Diba sabi mo "Dakilang Lahi" siya?" umupo ng maayos si Marlon at naging sunod sunod ang pagsubo ng pagkaen.

"Oo dakila naman talaga.." tumango tango ako. "Pero never akong nagpa--- basta alam niyo na yun.. NEVER! NEVER!" umiling iling ako.

"Virgin si Inday." Nakangiwing sagot ni Marlon.

"Choosy pa sesshie may kepay?" kantiyaw ni Andres.

"NEVER AS IN NEVER KA PA TALAGANG NAGPA URING SA KANYA?" Hindi maka get over na segunda ni Marlon. Problema ng mga 'to, akala ba nila ganun lang yun kadali?

"NOPE, I'M STILL A VIRGIN." Very proud at naka ngiting sagot ko sa kanila.

"So buo pa ang paso wala pang kahit isang crack?" naninigurong tanong ni Andi. Gusto kong matawa sa paglalarawan niya sa virginity ko.

"Korak, wala pang lamat. Intact!" kumpirma ko at mukhang hindi parin sila kuntento. Ano bang palagay nila malandi ako? Maygad! Conservative 'to uy!

"Bakit ayaw mo ses? Masaya kaya. Ha ha ha!" napangiwi ako sa malanding tawa ni Marlon.

"Baliw! Siyempre gusto niyang gawin namin yun noon kaso wala kaming protection kaya ayoko din."

"Ang taray may matres at tatlo ang bahay bata ang friend naten!" pang aasar ni Andi at nag apir sila ni Marlon.

"Trot! Makaarte bakit mabubuntis ka ba niya?" natatawang sagot ni Marlon.

"BUGAK! SIYEMPRE DAPAT RESPONSABLE KAYONG DALAWA! SAFE SEX ANG TAWAG DUN." Natahimik sila pareho. "Hindi porket mahal mo all the way ka na. Dating babaero si Jasper at alam kong marami na siyang experience sa sex. Ako wala pa. Siya ang first boyfriend ko at siya din ang first time ko sa oral sex." Nag init tuloy ang pisngi ko kakapaliwanag sa kanila.

"Ahhhhh—" sabay tango nilang dalawa.

"Bakit don't tell me hindi kayo gumagamit ng condom?" nagpalipat lipat ako ng tingin sa kanila at pareho silang nag iwas ng tingin sa akin. "JUICE COLORED! SARAP NIYONG PAG KU-KUNYATAN PAREHO!!" gigil na sigaw ko sa kanila.

"Don't worry ses, safe naman yung kakemehan ko." Nahihiyang pag amin ni Marlon.

"Ako din seshie, promise!" si Andi habang dumadampot sa binili kong pagkaen.

"ULOL PAKYU KAYO! Ayusin niyo nga mga buhay niyo!" sigaw ko sa kanila at sabay sabay kaming tumawa dahil sa sinabi ko. "KABAHAN KAYO HOY! HINDI BA KAYO TAKOT MAG KA AIDS? MGA BAKLA 'TO! LIBRE LANG CONDOM DUN SA CENTER SAMIN IHIHINGE KO KAYO!!" Malakas na sigaw ko sa kanila at mabilis nila akong hinila at tinakpan ang bibig ko.

"Oo na huwag ka ng maingay. Hindi yun ang topic dito ikaw!" singhal ni Marlon.

"So anong plano mo ngayon sesshie?" pag iiba ni Andi ng usapan.

"Wala naman so far.. Moving forward at i-enjoy ang buhay dalaga."

"Hindi ka ba nagsisisi sa naging desisyon mo seshie? I mean ang gwapo gwapo ni Jasper Teng, maygad! Kahit sinong babae o beklu iikot ang wetpaks kapag kaharap siya." Nanghihinayang na sagot ni Andi.

"H-Hindi naman." Kinapa ko ang dibdib ko kung meron pa nga ba. Wala. "And besides natikman ko na siya yun ang mahalaga." At sabay kaming napabungisngis ng tawa ni Andres.

"Yan ang tunay na Lodi!" nag high five pa kami ni Andres.

"Sayang naman hindi ko pa siya na mi-meet tapos aalis na siya kaagad." Malungkot na sabat ni Marlon.

"Ganun talaga seshie nalaman niya kasing may kaibigang "PANGET" si Lucky kaya nagmadali na siyang nagpa book ng ticket pa US." Pang aasar ni Andi.

'Yan na naman sila sa okrayan nila.'

"At nagsalita ang sobrang ganda at maputing friend ko." Sarkastikong komento ni Marlon.

"Hoy kung iku-kumpara naman sayo lamang na lamang at angat na angat ang ganda ko." Ayaw magpatalong kontra ni Andres.

"Hoy, ANDRES BOLIVAR JR. walang IMBA o PANGET na ginawa ang Diyos.. Hindi nga lang talaga naten alam kung sino ang gumawa sayo." Maarteng tugon ni Marlon na ikinatawa ko at pinandilatan ako ni Andi kaya ako huminto.

"Abah abah! Nagsalita ang ti-tisayin kong friend na bukas na bukas ang mga pores!"

"Yan na naman kayo tumigil nga kayo para kayong mga timang!" pasigaw na awar ko sa dalawa. Nanahimik sila pareho at kumain ulit. "Bakit wala ka bang dyowa ngayon Marlon?" tanong ko habang kumakain siya.

"Meron pero jowa-jowaan lang bago pa lang kasi kami. Nandun siya nung party." At nagkatinginan kami ni Andi.

"Taray, buti pa pala ang mga panget, may lovelife." Parinig ni Andi at hinampas siya sa braso ni Marlon.

"Well, ganun talaga wala tayong laban sa true love.." seryosong sagot ko at biglang tumawa ng malakas si Andi.

"Ewan ko sa inyo. Bakit ses wala ka bang ka kemehan ngayon?" si Marlon kay Andi.

"Wala na yung crush ko may dyowang chanak, yung isang crush ko paminta pala. Hu hu hu!" napayuko si Andi sa mesa.

"Darating din ang para sayo ses, TRUE LOVE WAITS." Sabay tapik sa balikat ni Andi. Parang nabuhayan naman ng loob si Andi at tumingin kay Marlon.

"Kung TRUE LOVE WAITS?? Saan yung WAITING AREA? Maghihintay na ako. NOW NAH!!" at nagtawanan kami ng bongga sa ka OA'han ni Andi.

ANDI'S POV

After ng madugong Math subject namin nagkayayaan kaming pumunta ng canteen para bawiin ang naubos naming enerhiya. Inaantay namin si Lucky at kasalukuyang nakatambay kami sa 3rd floor kung saan malapit ang CR. Dinugo at nakunan din ata si Lucky after ng madugong klase namin.

"Lintek na Math yan halos maubusan ako ng dugo andaming sinasabi!" si Marlon habang inaayos ang gamit sa bag niya.

"Ay true seshie feeling ko nga nakunan ako dun kanina." Maarteng sagot ko.

"Oo ses nakakalokang pag aralan ng paulit ulit ang relationships involving lengths and angles of triangles."

"Isa pa yang Triangle na yan kahit kailan panira ng buhay yan pati ba naman sa mga lessons problema pa." Naimbyernang sagot ko na ikinatawa niya.

"Inano ka ses ni Triangle? Bakit may naka love triangle ka na ba at makapag inaso ka 'e parang aping api?" mataray na tanong ni Marlon.

"Tseh! Palibasa puro mga nota sa music subject ni Ser Villanueva lang ang alam mo wala kang alam sa tatsulok!" singhal ko sa kanya.

"Nasaan na ba si Lucky dinugo ba sa hirap ng Math?" Natatawang tanong niya. "Katukin mo nga ses." Utos ni Marlon sa akin dahil ako ang pinaka malapit sa pinto ng CR.

"Luis Manzano, awat na kumota na ang pozo negro sa pupu mo!" malakas na sigaw ko sa pinto ng CR. Sabay tawa namin ni Marlon sa labas. Sa wakas nakaganti din ako sa mga pang aalipusta nila ni Kenneth sa bahay ng mga Ongpauco.

"Pakyu ka nagtu-toothbrushako. Sunod ako mauna na kayo bumaba." sigaw niya mula sa loob kaya napakibit balikat na lang ako.

"Mauna na daw tayo nag tutbras ang lola mo. Dumugo ata ang gilagid sa exams kanina. He he he!" saka ko inaya si bakla pababa ng hagdanan.

Pababa na kami ng ground floor ng masalubong namin si Amber na may bitbit na apat na magkakapatong na libro sa dibdib. Tarush! Ang lola mo rin minsan pabibo as if kaya ng mapayat na braso niya ang ganun karaming libro.

'Nasaan kaya ang mga julalay niya at hinayaan siyang magbuhat mag isa?'

"Psh! Faggots!" at sinamaan kami ng tingin habang paakyat siya. Hindi na namin siya pinansin. Madulas ka sana para maaga mong makita ang mga ninuno mo. Chos! Eme lang. Sa tagas ng utak nun malamang kami ang ituro niya kapag may nangyareng masama sa kanya.

"Problema ng impaktang yun?" pabulong na sambit ni Marlon sa akin at lumingon sa nakalampas ng si Amber.

"Malamang sa alamang dahil padin yun sa bolang isinampal ni Lucky sa kanya. Bwahahaha!" tawanan naming dalawa. Buti nga! Maganda lang siya pero dalubhasa ang kaibigan ko. Mabuhay ka seshie Lucky Me!

Inantay nalang namin si Lucky sa ground floor at sakto namang natanaw namin siyang pababa. Inayos niya ang suot niyang yellow na Jansport bag sa balikat habang naglalakad. Ilang hakbang nalang siya pababa ng baitang ng may biglang may babaeng tumili at sinabayan ng malakas na kalabog galing sa taas.

"BLLAAAAAGGGGGGGG"

"Ano yun?" usisang tanong ni Marlon at habang nakatingin kay Lucky na kunot noong napahinto sa paglalakad at lumingon sa pinanggalingan.

"Seshie sino yung hitad na tumili?" salubong namin kay Lucky na kasalukuyan paring nakatingin sa hagdanan.

"Ewan ko.. sa taas galing yung ingay paano ko malalaman?" tinaasan niya lang kami ng kilay pagharap.

"SI AMBERRRR!!!" magkasabay na sigaw namin ni baklang Marlon at sabay sabay kaming tumakbo paakyat kasunod si Lucky kung saan nanggaling ang kalabog at malakas na tili.

Nasa gitna na kami ng pag akyat ng makita naming walang malay na nakahandusay si Amber sa ibaba ng hagdanan at nagkalat ang mga librong dala niya kanina. Kinabahan ako ng sobra sobra sa nakita. Kahit na abot langit ang galit ko sa kanya nakaka awa pa din yung itsura niya habang walang malay na nakahandusay sa sahig.

"MAYGAD ANONG NANGYARE SA KANYA?" naghisterikal na sigaw ni Marlon. Tiningnan ko lang si Lucky dahil kagaya namin gulat na gulat din siya ngunit wala siyang imik. Agad siyang napaluhod sa harap ni Amber at sinuri kong may tama ang ulo o ibang parte ng katawan nito.

"Nadulas kaya siya, ano sa tingin niyo?" kinakabahang tanong ko. Walang gustong sumagot sa tanong ko dahil lahat kami kinakabahan sa nakikita. Malaking gulo ito kapag nagkataon.

"May chance masiyado kasing mabigat ang mga dala niya." Kalmadong sagot ni Lucky kay Marlon. Habang itinatapat ang tenga sa bibig ni Amber kung humihinga pa.

"H-Humihinga pa ba?" kabadong tanong ko at tumango lang siya ng dalawang beses.

"D-Dalhin na natin sa Clinic--" hindi naituloy ni Marlon ang sasabihin ng mapalingon siya sa taas.

"OH MY GOD! WHAT HAVE YOU DONE TO AMBER!!" Malakas na sigaw ni MJ habang bumababa at papalapit sa amin.

Masama itong tumingin kay Lucky at saka niya ito malakas na intinulak.

"LUCCKKKYYYY!" magkasabay na sigaw namin ni Marlon. Napaupo si Lucky sa sahig sa lakas ng pagkakatulak ni MJ. Awang awa ako sa itsura niya dahil mukhang hindi niya din inaasahang itutulak siya ni MJ. Inalalayan naming tumayo si Lucky at pinagpag ko ang maruning likuran niya.

"YOU DESERVED THAT! KULANG PA YAN SA GINAWA MO SA KAIBIGAN KO!" nanggagalaiting sigaw ni MJ habang duro duro si Lucky.

"Hoy babae!" humarang ako sa pagitan nila. "Walang ginagawa ang kaibigan ko diyan sa kaibigan mo." Pagtatanggol ko kay Lucky. Makapamintang wagas akala mo nakita niya ang buong pangyayare.

Sakto namang pababa nadin ng stairs ang magpinsang si Kenneth at Wesley at parehong nagulat sa eksena namin kasama ang wala paring malay na si Amber.

"Anong wala huling huli ko kayo sa akto!" tinabig niya ako sa balikat at muli na naman niyang itinulak si Lucky. Hindi na nga siya napaupo sa sahig tumama naman ang likuran niya sa pader.

"Jesus! What happened here, Lucky are you okay?!" halos talunin na ni Wesley ang hagdanan papalapit kay Lucky.

"Anong nangayari kay Amber?" nag aalalang tanong ni Kenneth at masamang tumingin kay Lucky.

"SIGURADONG IKAW ANG MAY KAGAGAWAN NITO, SALOT KA TALAGANG BAKLA KA!" malakas na bulyaw ni MJ at sinugod si Lucky na kasalukuyang inaalalayan parin ni Wesley.

"PAAAAKKKKKKKKK! PAAAAKKKKKKKKK! PAAAAKKKKKKKKK!"

Natulala kaming lahat sa ginawa ni MJ. Nagulat kami sa walang kabog abog na pagsugod niya at kaliwa't kanang pananampal niya kay Lucky.

"ANO HINDI KA MAKASAGOT DAHIL ALAM MONG KASALANAN MO?" MAGSALITA KA GAGO KA INAANO KA NG KAIBIGAN KO HA!" Sigaw ni MJ at sumugod ulit at sinabunutan si Lucky. Mabilis namang naawat ni Wesley at Kenneth si MJ.

"MJ walang kasalanan si Lucky sa nangyare." pilit na paliwanag ni Marlon.

"ANONG KARAPATAN NIYONG GAWIN YAN SA KAIBIGAN KO!" sigaw niya sa aming tatlo at mangiyak ngiyak ito sa galit.

"At ano rin ang karapatan mong pagbintangan ang kaibigan ko!" Nanggigigi na sigaw ko.

"That's enough!" ma autoridad na awar ni Kenneth. "Dalhin muna natin si Amber sa clinic. Kayong tatlo sumunod kayo sa amin." At walang alinlangang binuhat si Amber. Dahil sa kaba at tensiyon sa nangyare kay Amber wala kaming nagawa kundi sumunod na lang sa kanila.

Paglabas namin ng Palma Building sinalubong kami ng mga mangilan ngilang students sa campus.

"OH MY GOD WHAT HAPPENED TO AMBER?"

"DON'T TELL ME NAGKA BANGGAAN NA NAMAN SILA NG GRUPO NILA LUCKY?"

"KAWAWA NAMAN SI AMBER OH WALANG MALAY."

"TARA SUNDAN NATIN SILA GUYS!"

"MALAKING ISKANDALO NA NAMAN TO SIGURADO!"

"GRABE ANONG GINAWA NILA KAY AMBER?"

Habang papunta kami sa Clinic tahimik lang si Lucky at parang malalim ang iniisip.

Imposibleng si Lucky ang may kagagawan nun kay Amber nasa baba na siya nung may narinig kaming may tumili at kumalabog kanina. Kasing labo ni MJ ang mga akusasiyon niya sa kaibigan ko.

Naiwan kaming nakatanga sa labas ng clinic habang nasa loob si Kenneth at MJ.

"Oh my god, ano bang nangyare kay Amber." hindi mapakaling si Marlon na kanina palakad lakad sa harap namin.

"Lucky anong nangyari kanina, nag away ba kayo ni Amber kaya siya nagka ganun?" nag aalalang tanong ni Wesley kay Lucky.

Napa angat ng tingin si Lucky kay Wesley na parang nagulat sa akusasyon sa kanya.

"Actually kami ang unang nasalubong ni Amber kanina pababa ng stairs after ng Math class namin." Sagot ni Marlon kay Wesley at hindi padin mapakali.

"Nasa CR pa kasi si Lucky at nagtu-toothbrush kanina. Nakababa na siya ng may narinig kaming tumili at nahulog sa taas kaya nagmadali kaming tatlo na umakyat." paliwanag ko naman. Hindi ko pinagtatakpan si Lucky sadiyang yun lang ang katotohanan.

"I see, 'e bakit galit na galit si MJ kay Lucky kanina nakita niya ba yung nangyari?" nagtatakang tanong ni Wesley sa amin.

"Yun ang hindi namin alam bigla na lang siyang sumulpot galing sa taas at ng makita niya si Amber saka niya tinulak ng malakas si Lucky." Naiiritang sagot ni Marlon.

Sinilip ko si Lucky dahil kanina pa siya walang imik. Nag aalala ako kalagayan niya. Alam kong iniisip niyang siya ang magiging numero unong suspect sa nangyari kay Amber. Siya lang naman ang latest na nakabangga ni Amber sa campus.

'Sesshiee, magsalita ka ipagtanggol mo ang sarili mo.'

Naputol lang ang kwentuhan namin ng biglang bumukas ang pinto ni Clinic at dali daling sumugod ulit si MJ papunta sa direksyon namin.

Humarang kami ni Marlon dahil mukhang si Lucky na naman ang target niya.

"How is she?" salubong ni Wesley sa pinsan pero hindi siya pinansin.

"MALALAGOT KAYO SA PARENTS NI AMBER SA ORAS NA MAY MANGYARING MASAMA SA KANYA." banta ni MJ habang dinuduro kaming tatlo.

"MJ, Stop. Give them the benefit of the doubt. Let them explain their side." Mahinahong sabat ni Wesley.

"EXPLAIN WHAATT? SIYA LANG ANG NAKITA KONG BUMABA NG STAIRS NUNG TIME NA YUN BAGO NIYA ITINULAK SI AMBER." Habang nakaturo sa direksyon ng clinic.

"Hoy babae una naming nasalubong si Amber bago si Lucky. At nasa baba na si Lucky ng mangyari ang aksidenteng ibinibintang mo!" mas malakas na sigaw ko sa kanya.

'Husay din nitong magdiin akala mo siya lang ang testigo.'

"NATURAL KAMPIHAN NIYO YANG BAKLANG KAIBIGAN NIYO KESA SA KAIBIGAN KO." Ganting sagot niya.

"Malamang teh kaibigan namin yun eh." Sabat ni Marlon na mukhang napipika nadin kay MJ.

"OO NAKITA NIYO NGA SIYA PERO MAY NAKAKITA RIN BANG IBA? SINO BA ANG NAKARATAY DUN SA CLINIC NGAYON AT WALANG MALAY HA?!" nakakamanhid siyang kausap. Hirap niyang pagpaliwanagan ang sarap niyang isahog sa chopsuey.

"Oo kaibigan mo ang nakaratay dun MJ but it doesn't mean si Lucky agad ang gumawa nun. Paano kung aksidente siya at nadulas habang paakyat kanina? Nakita mo ba kung gaano karaming libro ang dala niya ha?" hindi siya agad nakasagot sa pamamaasim ko. Itong hindi naman nagkakalayo ang kulay namin huwag niya akong papaandaran.

'Unless hindi niya alam na may dalang libro si Amber kanina?'

"HINDI! PERO SIYA LANG ANG NAKITA KO KANINA KAYA SIGURADO AKONG SIYA LANG ANG PWEDENG GUMAWA NUN KAY AMBER!!" giit niya parin sa baluktot na katwiran niya.

"Bakit nakita mo ba si Lucky sa akto para idiin mo siya? Ano namang makukuha niya kung itutulak niya si Amber?" siyempre ipipilit ko rin ang gusto ko. Ano siya hello? Hindi siya ang bida sa kwentong ito at lalo ng hindi ako pareho lang kaming extra kaya tigil tigilan niya ako!

"DAHIL MORTAL NA MAGKAAWAY SILA AT GALIT SI AMBER SA KANYA AT SA INYONG MGA BAKLA!!

Bulyaw niya na parang kilo kilometro ang layo namin sa isa't isa. Mortal, oo parang yung kapraningan niya.

'Tagal namang mamaos nitong impaktang 'to at kanina pa sigaw ng sigaw.'

Sa pagkakakilala ko hindi ganun kababaw si Lucky. Kahit na ilang beses na silang nag amok ni Amber never ko siyang narinig o magplanong gumanti sa kababawan ni Amber.

"Kung si Lucky man o kami ang may pakana ng mga ipinaparatang mo sana hindi na kami nag magandang loob na silipin ang nangyari sa taas kanina. Sana hinayaan na lang namin siyang nakahiga dun hanggang mamatay siya!" nanggigigil na sagot ko. Kami na nga yung concern sa kaibigan niya tapos kami pa ididiin niya. Sarap idiin ng kamao ko sa mukha niya!

"Mag isip ka nga puro ka kuda non- sense naman lahat ng sinasabi mo!" Inis na sabat ni Marlon.

"DAHIL MALAKI ANG GALIT NIYO SA GRUPO NAMIN! LALO NA DIYAN SA KAIBIGAN NIYONG MANG AAGAW!" walang katapusang bintang niya. Napamaang kaming lahat sa huling sinabi niya. Ansaveh? Mangaagaw daw sino? Tonta! 'e allergic nga ang baklang 'to sa mga lalake 'e. Malabong namang si Marlon yun, jusmiyo kahit ata magpa raffle ng lalake hindi mananalo ang seshie kong bukas na bukas ang pores.

"Wow, MJ kami pa ang galit sa inyo? E sino ba sa atin ang ginawa ng routine ang pag sugod, manampal at mambuhos ng tubig sa mukha?" pambabara ko. Infairness kakaiba yung tapang na ipinapakita ko. Well nandiyan si Kenneth at Wesley kaya malakas ang loob ko. Hehehe!

"DAHIL GUMAGAWA KAYO NG PARAAN PARA GALITIN KAMI DAHILAN PARA MASAMPAL KAYO SA MUKHA!" puno ng kayabangang tugon niya. E kung siya kaya sampalin ko sa batok ng matauhan siya? Muntik ko na siyang sugurin sa gigil ko buti nalang nahawakan ako ni Marlon sa braso.

"At sino ka para manampal kung kelan mo gusto huh?! Magulang ka ba niya? Kapatid kaba niya? May ebidensiya kabang siya talaga ang may gawa nun kay Amber?" Gigil na gigil na turo ko sa mukha niya. Kundi ako inawat ni Wesley at Marlon malamang umiikot na ang ulo ni MJ sa leeg niya.

"ENOUGH!! Hindi ma su-sulosyunan ang problemang 'to sa pagsigaw sigaw niyo ng dalawa." Seryosong sabat ni Kenneth. "Lucky bakit mo nagawa yun kay Amber?" napalingon kaming lahat sa kanya maliban kay MJ na napangisi dahil nakahanap siya ng kakampi. Yun hawa hawa na sa kapraningan. Sabagay EX niya nga pala yun.

Pero hindi sumagot si Lucky. Nakatingin lang siya kay Kenneth na parang ito ang pinakawalang kwentang bagay na nakita niya. Kaloka ang seshie ko parang hindi si Kenneth James Ang ang kumakausap sa kanya.

"B-Bakit?" maangas na umusli ang kaliwang labi ni Lucky paitaas. "So confirmed na ako nga talaga na ang gumawa nun sa kanya?" sarkastikong sagot ni Lucky.

"Tinatanong lang kita kung tama ba yung mga sinasabi ni MJ." At titig na titig siya kay Lucky. Maygad kung ako ang tinitigan niya malamang naka ihi na ako sa kulay yellow kong panty.

"Tss, bakit hindi yung EX mong si Barbie ang tanungin mo pag gising niya?" Inirapan niya si Kenneth. Oo nga si Amber lang ang makapagsasabi kung sino ang gumawa ng kabaliwang yun sa kanya. But knowing Amber malamang si Luckuy ang idiin nila sa laki ng galit niya sa seshie kong saksakan ng malas este ng ganda.

"DAHIL IKAW LANG ANG PWEDENG GUMAWA NUN KAY AMBER, DAHIL GUSTO MONG MAKAGANTI SA AMIN!" banat na naman ni MJ ng makakuha ng bwelo. Sarap nitong sikuhin sa noo sa kaingayan niya.

"Makaganti? Saan na naman?" nakapamulsang sagot niya. Kahit kailan talag ahindi man lang nakuhang magpa girl.

"HUWAG KA NG MAGMAANG MAANGAN BAKLA!"

"PWEDE BA MJ, WALA AKONG PAKI SA NARARAMDAMAN MO KUMAEN KA NG TAE!" ganting sihaw Lucky. Gusto kong matawa ng malakas sa sinabi niya at alam kung ganun dun si Wesley at Marlon.

"IKAW LANG ANG NAKITA KONG BUMABA NUNG PAPASOK AKO SA CLASSROOM KANINA BAGO UMAKYAT SI AMBER!" Pagdidiin niyang muli kay Lucky.

"Oo nakita mo nga akong bumaba pero nakita mo bang tinulak ko?" derechong sagot ni Lucky.

"HINDI NGA.. PERO WALANG MANINIWALA SA ALIBI MO. ALAM NG BUONG SCHOOL ANG ALITAN NIYO NI AMBER, SA VOLLEYBALL COURT AT KAY KENNETH." Napailing lang si Kenneth sa narinig at singtaas ng bahaghari ang kilay ni Lucky. "KAYA IKAW LANG ANG MAY MOTIBONG GAWAN SIYA NG MASAMA."

'Tibay nito pinaninindigan niya talaga yung paniniwala niya.'

"Ikaw paano mo nalaman si Amber ang masasalubong ko ng mga oras na yun nung pababa ako?" dahan dahan siyang lumapit sa kinatatayuan ni MJ. "Tibay naman ng third eye mo pinantayan ang kapraningan mo." napatingin kaming lahat kay MJ na hindi makasagot sa tanong ni Lucky.

"May point ka sesshhiie, ano may x-ray vision ba ang mga mata mo MJ?" sarkastikong komento ko sa husay ng pagkatao niya.

"M-May u-usapan kaming magkikita ni Amber." Nautal na sagot niya.

"So, in-assume mo na talaga agad na masasalubong ko si Amber sa stairs kanina?" agad siyang pinukulan ng masamang tingin ni MJ. "Kaya ako agad ang sinisisi mo sa nangyari sa kanya ganun ba MJ?" paglilinaw ni Lucky at nanlaki ang mata ni MJ sa galit. Parang bigla tuloy akong nalito sa eksena nila.

"FUCK YOU!!" malakas na sigaw niya at sinamahan pa ng dirty finger na ang dirty naman talaga sa itim ng kulay at budhi niya. Buti nalang talaga wala ng masiyadong tao sa kinaroroonan namin ng ganitong oras kundi may panibagong iskandalo ang academy.

"Seriously!?" May himig ng pagdududang tanong ni Lucky. Hanga ako sa pagiging kalmado niya sa kabila ng mga paratang ni MJ.

"P-PINAPALABAS MO BANG AKO ANG TUMULAK KAY AMBER?" parang iiyak na sambit ni MJ sa sobrang galit.

"Actually iniisip lang namin kanina na.. na baka nadulas siya." Casual na sagot ni Lucky. "Hmmm.. Pwede... siguro nga may tumulak sa kanya." Makahulugang pagtatapos ni Lucky bago tinalikuran niya si MJ at umupo ulet sa bench. Impakta 'tong si Lucky may alam kaya siya na hindi niya ini-spluk sa amin ni Marlon? Pero imposible magkakasama kami mula pa kaninang umaga nahiwalay lang siya kanina dahil nag banyo siya.

"ANG KAPAL MO! NGAYON AKO ANG IDIDIIN MO SA KASALANANG GINAWA MO HAYUP KA!" Umiiyak na sigaw niya at hinabol niya si Lucky pero nahawakan siya sa braso ni Kenneth.

"Kwits lang.. ngayon alam mo na yung pakiramdam na idiin ka sa isang bagay na hindi mo naman ginawa." Walang emosiyong sagot ni Lucky bago sumandal sa bench at tumingin sa malayo.

"Nasa baba na si Lucky ng mangyari ang aksidente Mj kaya malabo yang mga paratang mo." Paglilinaw ni Marlon. Buti nalang hawak ni Kenneth sa braso si MJ kundi nasasakmal ng Black Panther ang mala kesong mukha ng seshie ko. Aw!

"There's only one way to find out the truth.." Napalingon kaming lahat kay Wesley na seryosong nakatitig kay Lucky. Napairap naman ang seshie kong trese ang bewang. Tseh!

"What's on your mind Wesley." Seryosong tanong ni Kenneth.

"Follow me.." Saka naunang naglakad si Wesley. Sumulyap ulit ako kay Lucky na mukhang walang balak kumilos o sumunod sa amin.

"Ano diyan ka na lang paninindigan mo ang binibintang sayo ng babaing yan?" Malakas na sigaw ko kay Lucky at napahinto sa paglalakad ang mga kasama ko.

"Bakit pa ako sasama?" pabalang na sagot niya. Sarap nitong ihagis sa field!

"Ses, sumama kana para malaman natin ang totoo at malinis natin ang pangalan mo." Nag aalalang sagot ni Marlon pero nakakapit sa braso ni Wesley. Oh diba para paraan din ang bakla ng hindi nahahalata.

"Hindi na." Agad na tanggi niya. "Para saan pa diba ako namang ang prime suspect ni Kenneth at MJ?" sarkastikong sagot niya habang nakaturo sa dalawa. Nakita kong nagulat si Kenneth. Si MJ naman ay nagtaas naman ng noo.

'Juice colored tigas ng bungo mo Inday!'

"SO INAAMIN MO NG IKAW ANG TUMULAK KAY AMBER?!" Mataray na tanong ni MJ.

"Aantayin ko nalang magising si Amber." Tumayo siya at naglakad papalapit sa amin. "At kapag nalaman ko ang totoo. Hahatiin ko sa apat ang ulo ng gumawa nito saka ko ipapakain sa pusa ko." Pananakot niya kay MJ na biglang nanlaki ang mata. Biglang lumapit si Wesley kay Lucky at hinila ang kamay niya. "Huwag kang makulit Wesley sinabing dito lang ako." Galit na sigaw ni Lucky.

"Sasama ka o bubuhatin kita?!" seryosong banta niya. Nabigla ako dahil ngayon ko lang siyang nakitang namumula sa galit at nasanay akong palagi siyang tumatawa at naka ngiti kay Lucky.

"S-Sabi ko nga sasama na. Saan ba yun?" At na unang naglakad si Lucky at iniwan kaming apat.

'Siraulong to sasama naman pala dami pang kuda!'

Naglakad kami papuntang Carlisle Hall. Pumasok kami sa loob ng building at huminto sa tapat ng Security office.

"Anong gagawin natin dito? Ipapahuli na ba natin ang mga baklang 'to?" Sarkastikong tanong ni MJ.

"Hindi. Dito natin malalaman kung sino ang tunay na may kagagawan nun sa kaibigan mo. At mananagot siya sigurado." Seryosong sagot ni Wesley na ikinatameme ni MJ.

Pag pasok namin sa Security Office nagulat ang ilan sa mga naroon.

"Good afternoon po. Sino po ang OIC on duty ngayon." Magalang na bungad ni Wesley.

"Magandang hapon sir Wesley." bati ng matandang guard na sumalubong sa amin.

Sabagay kilala dito si Wesley dahil lagi siyang nagpa-pratice sa building na 'to.

"Mang Rudy magandang hapon din po." Nakangiting bati niya ulet.

"Ano hong maitutulong ko ser?"

"Sino po ang pwede naming lapitan kung kailangan ko ng access sa CCTV sa Palma Hall?" Seryosong sagot ni Wesley.

At saka lang kaming natauhang apat nila Kenneth, MJ at Marlon nung narinig namin yung word na "CCTV." Tulala kaming lahat na pinapanuod si Wesley habang nakikipag usap sa matanda.

'Oo nga may CCTV cam ang lahat ng stairs at elevators ng Carlisle bakit hindi ko agad naisip yun?'

"Kay Celso ser sumunod ho kayo sa akin." At saka kami sumunod sa matandang guard at naglakad sa hallway. Nanguna si Wesley at Marlon kasunod sina Kenneth at MJ. Nasa hulihan naman kami ni Lucky.

Kung lahat kami na excite sa naisip na idea ni Wesley, gusto kong kurutin ng pino sa singit itong si Lucky. Wala man lang siyang pakialam o kahit magpakita ng interes sa idea ni Wesley. Panay lang kutkot nito sa kuko at pagkatapos mangulangot habang naglalakad.

"Anoh? Sisigaw ka na naman, sumama na nga ako diba?" singhal niya pag angat niya ng tingin. Muntik na akong tumili ng ipitik niya sa direksiyon ko ang kulangot sa daliri niya. Sa kasamaang palad tumalsik yun sa iabng direksiyon. Nagkatitigan kami ng ilang segundo at magkasabay kaming nagtakip ng bibig at nagpigil ng tawa. Nagpapadiyak ako sa sahig habang nakaduro sa ulo ni MJ.

'Punyemas ka Lucky!!'

"Sana dinamihan mo yung tipong may nakapalaman na kuto o lisa. I'm sure lalaking spoiled at maldita ang mga yun sa ulo niya." Bulong ko at halos magliliyad na siya kakatawa habang naglalakad. Sinamaan siya ng tingin ni Kenneth ng lumingon sa direksiyon niya at mabilis siyang umayos ng tayo saka nanahimik. "Serious na kasi." Bigla ko siyang siniko ng makita kong nangungulangot na naman siya.

"Seryoso naman ako ahh."

"Wirdo mo kasi parang wala kang pakialam sa nangyayari."

"Andres, minsan masarap mawalan ng pake sa mga bagay-bagay. Try mo lasang fresh air." At narinig kong natawa si Kenneth ng bahagya sa narinig habang na nakikinig pala sa sinabi ni Lucky. Kung may kaakibat na kurot ang bawat pag irap ko namamaga na ang pisngi ni Lucky.

Pumasok sa isang kwarto malapit sa theater kung saan madalas nag e-ensayo si Wesley. Bumungad sa amin ang nakaupong guard sa harap ng limang malalaking Flat TV Screen sa loob kwarto. At makikita ang mga cctv cam's na nakakabit at nakakalat sa buong campus. Mula sa mga gate, hallways, canteen, pathways ng bawat buildings, field, parking lot, elevators at maging sa labas ng main gate ng school. Kinilabutan tuloy ako pakiramdam ko nasa loob kami ng PBB House. Wala ka palang takas dahil may cctcv ang bawat sulok ng Carlisle.

"Ano pong maitutulong ko sa inyo?" wika ng isang lalakeng halos kasing taas ko ngunit mamasel masel. Mukhang alaga sa gym si kuya, yummy!

Nilahad namin ni Marlon ang buong detalye ng naganap na incident sa Palma Hall. Nagulat ang ang dalawang guard dahil wala silang kamalay malay na may gulo na palang nangyayari sa loob ng campus ng hindi nila nalalaman.

"Mabigat pala ito kapag nagkataon dahil anak ng may ari ng school ang involve sa aksidente. Napapailing na wika ni Mang Rudy sa amin.

"Kuya Celso pwede niyo po bang ipakita sa amin ang kuha sa 3rd floor ng Palma Hall. Between 5:30PM-6:00PM para malaman namin ang totoong nangyari. Gusto ko lang po naming malinis ang pangalan ng kaibigan ko." Magalang at maayos na pakiusap ni Wesley.

"Sige po sir Wesley. Hanapin po naten."

Nag antay kami ng almost 20 minutes para ma pull out yung video clip ng insidente sa Palma Hall. Nag antay lang kami sa labas dahil masiyado kaming marami sa loob. Ilang sandali lang lumabas si Kuya Celso sa pinto at sinenyasan kaming pumasok ulet sa loob. Wala kahit isa sa amin ang nagsalita habang papasok kami sa malamig na kwarto. Tahimik kaming pumasok at tumayo sa mismong likuran ni Kuya Celso habang kunot noo itong nakatingin sa isang tv screen.

"Guys dito sa video clip ang tanging cover lang ng cctv cams ay ang buong stairs ng 3rd floor at yung buong stairs ng 2nd floor hanggang pababa." Turo niya sa isang tv screen na may apat na split screen. "Pero yung hallway ng buong 3rd floor kung saan makikita ang bawat classroom ay hindi naten makikita." Dugtong niya at sabay sabay kaming tumango. Bigla tuloy akong kinabahan dahil gustong gusto kong malaman ang totoong nangyari kanina. Kung tama ba ang ibinibintang ni MJ Belmonte sa kaibigan ko. "Okay lets watch this." Pinindot niya ang keyboard at saka itinuro angpinaka gitnang tv screen.

Sa cctv video makikitang bumababa kami ni Marlon habang nagtatawanan. Nakasalubong namin si Amber na paakyat 2nd floor bitbit ang mga libro at kami naman ni Marlon pababa naman ng ground floor. Ilang sandali lang si Lucky naman ang nasalubong niya sa gitna ng stairs paakyat. Huminto muna sila sandali at waring nag uusap.

Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko sa nakikita. Si Amber at Lucky habang magkaharap sa gitna. Ang isa paakyat ang isa baba naman. Litsi ano kayang pinag uusapan nila? At bakit walang nabanggit si Lucky kanina. May sinabi lang si Amber na hindi naman namin naintindihan at saka nagtuloy umakyat pataas. Si Lucky naman lumingon lang at nagkibit balikat saka ito tuloy tuloy bumaba.

Si Amber naman umaakyat ngunit saglit itopng huminto at muling nilingon si Lucky na kasalukuyang bumababa. Pagharap niya may biglang may dalawang kamay na tumulak na dala dala niyang mga libro. Saka siya na out of balance bago tumimbuwang patalikod at nabitawan ang mga libro habang gumulong pababa ng hagdanan.

"OH MY GOD! OH MY GOD!" Halos mapatalon ako sa lakas ng pagsigaw ni MJ. Gusto ko siyang sikuhin sa cheekbone sa kaartehan niya.

"FUCK!" Napatakip sa mukha si Marlon.

"Kaninong mga kamay yun?" turo ni Wesley sa screen. "That's insane!" maring dugtong niya pa. Binalot kami ng ilang segundong katahimikan ng muling i-reply ni Kuya Celso ang eksena.

"Wala po bang cctv cams sa 3rd floor hallway kuya Celso." Nag angat ako ng tingin ng magsalita si Kenneth. Isa pa 'tong wirdo, napapansin kong kanina pa 'to na nanahimik at panay ang sulyap kay Lucky at kapag nahuhuli siya ni Lucky na nakatingin agad siyang iiwas ng tingin.

"Wala pa po sir hindi pa kasi namin napapalitan ng bagong units ng cctv cams ang buong hallway sa 3rd floor kaya naka off ang buong hallway na yun sa ngayon." Sagot ni KuyaCelso habang nire-rewind ang eksena kanina. Parang gumuho ang natitirang pag asa ko. Oo sa video malinaw na malinaw na hindi si Lucky ang tumulak kay Amber pero mas maganda sana kung mahuhuli namin kung sino. Nairita ako ng makita kong parang hindi naman apektado si MJ at nagawa niya pang magpangiti ngiti sa tabi ni Kenneth.

Nilapitan ko si Mj. "Oh ano Mj, si Lucky pa rin ba ang prime suspect mo sa nangyari kay Amber?" nakapamewang napagtataray ko.

"Sa susunod sana inaalam mo muna ang totoong nangyari hindi yung turo ka ng turo." Sabat ni Marlon at nilapitan si Lucky na nakaupo lang sa isang sulok. Hindi siya umimik pero masama ang tinging ipinupukol niya sa aming magkakaibigan bago siya mag walk out.

Hanggang paglabas shocked parin kaming lahat sa napanuod namin sa cctv cam. At wala ni isa man sa amin ang nakapagsalita o komento habang naglalakad kami papalabas ng Carlisle Hall.

"L-Lucky, I'm sorry.." hinawakan ni Kenneth sa braso si Lucky bago kami makalabas ng building. Blangko ang mga matang napatitig si Lucky sa kamay ni Kenneth. Dahan dahan niyang inalis ang kamay ni Kenneth.

"Sorry? Bakit sa akin ka nag so-sorry.. ako ba yung na aksidente?" pabalang na sagot niya bago tinalikuran si Kenneth.

"Lucky please hear me." Muling kumapit ang kamay ni Kenneth sa braso ni Lucky.

"And then what?" walang emosiyong sagot ni Lucky pagharap. Ngayon ko lang nakitang mag seryoso si Lucky at nakakatakot pala mga seshie. Kahit ang isang Kenneth James Ang walang magawa sa maitim na aura na bumabalot sa seshie ko. Hindi ko naman masisisi dahil pangalan niya ang nadidiin sa isyu.

"Bro please let him go." Maagap na awat ni Wesley sa dalawa.

"Magpapaliwanag lang ako." Giit ni Kenneth pero walang nagawa kundi ang bumitaw.

"Ikuwento mo sa pagong." Nakangiwing sagot ni Lucky bago mag walk out. Kung ibang pagkakataon lang 'to gusto kong matawa talaga. Kahit kailan napakawalang kwentang kausap ng bayot na 'to. Jusko, si Kenneth James Ang yun.. kung ako ang hinawakan ng ganun baka naglupasay na ako sa kilig.

"Ses! Si Lucky awatin mo!" turo ni Marlon sa direksiyon ni Lucky na pasugod sa kinatatayuan ni MJ sa mismong entrance ng building. Ibinaba ni MJ ang cellphone niya ng mapansing papalapit si Lucky. Agad kaming napasunod ni Marlon habang nakabuntot parin sa amin ang dalawa.

Maygad! Sana walang sapakang maganap.

"Tandaan mo hindi pa tayo tapos Gonzaga." Mayabang na salubong niya kay Lucky. Kundi lang ako hinihingal sa pagtakbo malamang nasiko ko na siya sa mani este sa batok. Listsing babae 'to talagang pinanindigan ang kapraningan niya.

"Tss!" singhal ni Lucky. "Sana sa tuwing na nagsisinungaling ang isang tao nababawasan sila ng ngipin pa isa isa." binangga niya sa balikat si MJ at naunang maglakad palabas ng building.

Umangalingawngaw ang sirena ng Ambulance na pumapasok sa campus papunta sa direction ng Clinic.

Nagulat na lang kami dahil maraming students ang sumusugod sa direksiyon namin. Pinangungunahan ng dalawang Gasul Girls na si Karen at Jhorica at mga bagong recruit nilang mga babaeng kawangis at kahugus nila. Maygad, kailan pa naging planta ng gasul ang Carlisle Academy?

"MAGBABAYAD KAYO SA GINAWA NIYO KAY AMBER!" Sigaw nung Jhorica sa aming tatlo.

"SIGURADONG WALA NA KAYONG LUSOT DAHIL ALAM NA NG PARENTS NI AMBER ANG NANGYARI SA KANYA." Singit nung Karen.

Susugod pa sana yung isang maliit na Gasul Girl pero hinarang ko siya sa noo gamit ang daliri ko. Nagmukha tuloy siyang batang paslit na pilit na lumalaban sa mas matangkad sa kanya.

"Oh huwag na kayong umeksena tapos na nag shooting. Nandun ang ebidins sa Security Office. Ipa Bluetooth niyo sa Guard i-post niyo sa Facebook para sumikat kayo.." Sagot ko habang nakaharang sa kanila.

"HOY MGA BAKLA, NGAYONG GISING NA SI AMBER MAGSILAYAS NA KAYO DITO BAGO PA KAYO IPADAMPOT SA MGA GUARD!" Sigaw nung isang member ng Pink Rangers na hindi man lang pinantay ang blush on bago sumugod.

"Tumigil na kayo wala silang kasalanan sa nangyari kay Amber. Tanungin niyo tong kaibigan niyo na dinaig pa si Nostradamus sa husay niya manghula." Sarkastikong sagot ni Wesley habang nakatingin kay MJ na kasalukuyang nakayuko sa hiya sa tabi ni Kenneth.

"MAMARU KASI!" sigaw ko sa harap nila ng makita kong naglakad na naman papalayo si Lucky.

"Kenneth, sasamahan ko muna sila Lucky." natatarantang paalam ni Wesley sa pinsan. Tinanguhan lang siya ni Kenneth bilang tugon.

Sumunod si Wesley at Marlon at naiwan naman si Kenneth na kasalukuyang nakatanaw sa Ambulance na papalabas ng campus.

'Tama yan wag ka munang susunod dahil baka daragin ka ni Lucky Me.'

"Ses anong MAMARU?" Inosenteng tanong ni Marlon habang nakabuntot sa aming tatlo.

"Eh di MAMARUnong!" Sigaw ko sa mukha niya at nakita kong napangiti si Wesley.

"Hoy Lucky!" sigaw ko at bigla siyang huminto sa paglalakad. "Baklang 'to! Baka gusto mo kaming antayin kanina pa ako hinihingal kakahabol sayo!" litanya ko at napairap lang siya.

"Oo nga ses bakit ba pahabol ka ng pahabol nakakaloka ka!" nang gigitatang reklamo din ni Marlon. Taray nito dinaig pa ang nagmarathon sa sobrang pawis.

"Baliw! Anong nagpapahabol nauutot ako kaya ako lumalayo tapos sunod pa kayo ng sunod." singhal niya saka tumalikod at tumakbo papalayo sa aming tatlo.

"BWAHAHAHAHAHAHA!" malakas na tawa ni Wesley habang nakahawak sa tiyan. Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis sa kawirduhan ng kaibigan ko. Maygad!

"Daan muna tayo sa Canteen nagutom ako sa mga kaganapan ngayon." Reklamo ni Marlon habang nakahawak sa tiyan.

"PUSH!" mabilis na sang ayon ko at wala paring tigil sa pagtawa si Wesley.

To be continued...


next chapter
Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C30
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous