Télécharger l’application
50.79% Lucky Me / Chapter 32: LUCKY THIRTY TWO

Chapitre 32: LUCKY THIRTY TWO

CHAPTER 32

LUCKY'S POV

Kinabukasan pagpasok ko ng school nagsuot ako ng headset habang naglalakad ng mabagal sa campus. Kapansin pansin na halos lahat ng madaanan kong students ay nagbubulungan at tinititigan ako ng masama. Sinalubong na ako ng mapang husgang tingin ng mga students sa campus. May mangilan ngilang students na naglalakas loob at na nanadiyang banggain ako sa balikat o pinapatid ako kapag nasasalubong ko sila.

Masakit pero kailangan kong magtiis. Wala akong magawa kundi magtuloy tuloy lang sa paglalakad. Wala silang alam sa tunay na nangyare kaya walang saysay kahit na baliin ko pa pa isa isa ang mga braso o binti nila. Wala akong paki sa nararamdaman nila. Hindi sila ang dahilan kung bakit ako pumasok ng maaga. May usapan kami nila Andi at Marlon na magkikita sa tambayan ngayon bago pumasok dahil may 40 minutes pa kami bago mag start ang unang klase.

Papalapit pa lang ako ay sinalubong na ako ng dalawang bakla at pinag gitnaan ako. Hinawakan ako sa magkabilang braso, inalalayan papunta sa bench. Kinapkapan ako na parang may nagpasok ako ng weapon of destruction sa campus.

'Hala anong nangyayari sa kanila?'

"Anong meron sa inyong dalawa para kayong mga timang?" Nagtatakang tanong ko sa kanila.

"Tumingala ka." Utos ni Andi at sumunod ako.

"Taas ang dalawang braso." Si Marlon habang kinakapa ang dalawang braso, kili kili at kamay ko.

Hinawakan nila ang mukha ko at tinitigan akong mabuti.

"ANO BA? PARA KAYONG TANGA! DINAIG NIYO PA YUNG EMENGARD SA GATE AH!" Sigaw ko sa kanila dahilan para matawa sila.

"Tsinek lang namin kung kumpleto pa yung katawang lupa mo." Pabulong na sagot ni Andi.

"Bakit de roskas ba ang braso at ulo ko? Kung maka check kayo parang may tinatago akong droga." Inirapan ko sila ng malala bago ako maupo.

"Ses, nag aalala lang kami sayo. Iniisip namin baka banatan ka bigla ng mga Pink Rangers pagpasok mo." Si Marlon na parang praning habang palinga linga pa sa paligid namin.

'Hindi lang mga Pink Rangers pati ata mga fans ni RED ONE, GREEN TWO, BLUE THREE AT YELLOW FOUR galit na galit sa akin kanina.'

Pero hindi ko na binanggit dahil ayokong mag alala sila kagaya ngayon.

"Bakit nila ako babanatan ano na naman ba ang bagong ibibintang nila ngayon? Na ako bumaril kay Ninoy Aquino sa Airport? O ako ang nagtangka sa buhay ng Santo Papa?" nai-imbyernang sagot ko na ikinatawa nila.

"Ses, kumalat na ang balita tungkol sa nangyari kay Amber kagabe. Naka post na sa iba't ibang Blog sa Carlisle ang aksidente." Mahinang bulong ni Marlon.

"Oh, hindi naman ako ang may kasalanan diba?"

"Oo pero maraming kumakalat na ikaw ang may pakana dahil maraming naka kitang students ng dinala natin si Amber sa Clinic kahapon at kasama tayo." Kabadong sabat ni Andi. Infairness kapag ganyang kinakabahan siya namumutla siya. Sabi ko na 'e Perla white lang talaga ang katapat niya.

"Hayaan muna sila basta malinis ang konsensiya ko at alam niyo yan at ng baliw na si MJ." Kalmadong sagot ko.

"Yun nga ang problema natin 'e. Si MJ ngayon ang nagkakalat na ikaw ang gumawa nun kay Amber." Napayukong sagot ni Marlon.

"Yan ang tunay na problema!" Sagot ko at sabay silang napatingin sa direksiyon ko.

"Yun na yun? Yan lang ang reaction mo? E halos mabaliw na kami sa pag aalala sayo baka may bangas ka o masampal ka na naman ng kung sino pag pasok mo?" Sigaw ni Andi.

"Andi, alam natin ang totoo kung may problema man dito si MJ yun dahil nababaliw na siya. Nakita naman niya ang cctv video diba? Ano pang problema niya?" Hindi sila sumagot aa sinabi ko.

"Wala pang nakaka alam tungkol sa CCTV video ses. Tayo lang ang nakaka alam tungkol dun dahil malalagot tayo sa school board kung pinangunahan natin ang pagkuha ng ebidensiya ng walangpahintulot nila." Magkakasunod na pumatak ang butil butil na pawis ni Marlon.

'Problema nga yan kaya pala ganun na lang ang reaction ng ibang students ng makita ako kanina.'

"Huwag kayong mag aalala. Lalabas din kung sino ang may gawa nito kay Amber at oras na malaman ko kung sino sila..." tumingin ako sa field kung saan abalang nagpa practice ang isang soccer team. "Ibebenta ko sa OLX laman loob nila para may pambaon ako ng dalawang buwan! Bwahahahaha!" malakas na tawa ko at yung dalawa natulala lang sa sinabi ko.

"Abnormal ka talaga." Binatukan ako ni Andres at napakamot ako sa ulo sa bigat ng kamay niya.

"Bakit na naman? Chill Andres wala tayong magagawa lalo't yun ang alam nila. Unless may alam kang ibang solusiyon." Hamon ko at nanahimik siya.

Nagpatuloy lang kami sa kwentuhan ng namataan ko si MJ kasama ang dalawang Gasul Girl na papunta sa tambayan namin.

"Oh, may bisita kayo." Nguso ko kela Andi at Marlon sa mga paparating at mukhang na imbyerna ang mga bakla sa nakita. Paglapit nung tatlong bisita namin biglang humarap sa isa't isa si Andi at Marlon. Tumayo ako sa kinauupuan ko para salubungin ang mga nag gagandahan kong mga bisita. Nasa gitna si MJ na pumalit sa pwesto ni Amber sa gitna ng dalawang Gasul Girls.

MARLON AT ANDI:

Langit Lupa - Beki Version

"Heaven, luffa, infairness, in in infairness,

okray heartness flowing ang dugesh..

Chuging, alive, disappear na you jan!"

'Yan ang mabubuting kaibigan iiiwan ka sa ere!'

"Oh, ano may bagong pangitain ka na naman bang ibubunyag MJ?" nakangiting bungad ko sa kanya. Tatag din nito 'e di nauubusan ng propesiya mahihiya ang mga manghuhula sa henerasiyong ito husay niya.

"HOY BAKLA, HINDI POR QUE NAKA LIGTAS NA KAYO KAGABE EH PWEDE NA KAYONG MAGPAKASAYA NGAYON." Duro ni MJ sa mukha ko at sa dalawang baklang nag bi-bisibisihan sa paglalaro.

"Bakit hind ka paba na kuntento sa nakita mong ebidensiya kagabe kaya ngayon ipinagkakalat mong ako padin ang gumawa nun kay Amber?"

MARLON AT ANDI: Nanay Tatay – Beki Version

Mudra Pudra betcham kez tinapey

Sisterette, brotherette betcham kez kapey..

Kyohat ng betcham kez ay following ninyeys..

Ang mawindangers ay ngetspipipay qou..

"OO AT HINDI AKO BASTA BASTA NANINIWALANG ABSUELTO KANA SA KASO. ANONG MALAY NAMIN KUNG MAY INUTUSAN KA PANG IBA PARA GAWIN YUN KAY AMBER?" sambulat niya sa harap ko. Napa kamot ako ng batok bigla dahil sa hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko sa kanya.

"WOW, Bilib naman talaga ako sa imahinasyon mo MJ, wala na bang katapusan yang kapraningan mo? Alam mo kasi nakaka sawa na 'e."

MARLON AT ANDI: Bahay Kubo – Beki Version

"Valer kuberch, kahit jutay.

Ang julamantrax donchi ay anek-anek.

Tsongkamas at julong, jogarilyas at kipay, tsitaw, jotaw, jutani.

Jundol, jutola, jupot, jolabastrax, at mega join join pa, jobanos, justasa, tsobuyas, jomatis, jowang at luyax, and around the keme ay fullness ng linga.."

"HUWAG KANG MAG SAWA BAKLA DAHIL HINDI KITA PATATAHIMIKIN HANGGA'T HINDI KA UMAAMING IKAW ANG MAY KASALANAN SA NANGYARING AKSIDENTE!" napaatras ang ulo ko ng bahagya ng magtalsikan ang laway niya.

"Sa totoo lang wala akong maalalang kasali ka sa iringan namin ni Amber? Pilit mong isinasali ang sarili mo MJ, alam mo ban kung anong tawag diyan?" nakapamewang na tanong ko. "E. P. A. L." Dahan dahan kong ini-spellout yung bawat letra sa mukha niyang napahiran na namn ng makapal na make up.

"EPAL? Huh, hoy hindi kami EPAL kayo ang totoong mga EPAL!" sabat nung Jhorica na nag nosebleed nung laban namin sa Volleyball. Pinukulan ko siya ng masamang tingin at napaatras siya sa tabi ng kakambal niyang gasul girl.

"HUH! MALAS MO LANG! KAPATID ANG TURING KO KAY AMBER. KAKAMPI AT KARAMAY NIYA AKO SA LAHAT NG BAGAY KAYA ANG KAAWAY NIYA AY KAAWAY KO DIN." Proud na proud na salaysay ni MJ sa malalim na samahan nila ni Amber. Anong paki ko? Buti kong madadagdagan ng pipti por pesos ang baon ko kung papatulan ko ang mga walang kwentang pauso niya.

MARLON AT ANDI: Bubuka Ang Bulaklak – Beki Version

"Bobokesh ang floweret, jojosok ang reynabelz, chochorva ng cha-cha, chenes eklavush.."

'Sarap bulatlatin ng mga pores ng dalawang 'to kasabay ng pagbuka ng bulaklak na kinakanta nila.'

"Sa bagay sa kapraningan hindi mapagkakailang magkapatid kayo." Tumuwid ako ng tayo bukod sa masakit siya sa mata nakakangilo rin kasing pakinggan ang boses niya. "Sana sinamahan mo na din siya gumulong sa hagdanan tutal naman karamay ka niya sa lahat ng bagay." Sagot ko habang hindi inaalis ang tingin sa kanya.

"MAG INGAT KA SA MGA SINASABI MO LUCKY GONZAGA, DAHIL KUNG NAKALIGTAS KA MAN NUNG UNA SISIGURADUHIN KO SAYONG SA SUSUNOD HINDING HINDI NA." nanlilisik ang mga matang banta niya. Pilit ko mang himay-himayin sa utak ko ang huling sinabi niya nadi-distract ako sa pa iba ibang kanta nila Marlon at Andi na gaylingo ang version. Kingena!

MARLON AT ANDI: Pen Pen (Pen Pen de Sarapen) – Beki Version

"Pen pen de chorvaloo

De kemerlaloo de eklavoo

Hao hao de chenelyn

De big yuten

Sfriti dapat iipit

Goldness filak chumochorva

sa tabi ng chenes."

"Mag ingat ka din MJ." Yumuko ako ng bahagya sa harap niya para magpantay ang mukha naming dalawa. "Sige ka mamaya bumalik yung mga sinasabi mong inutusan ko at ikaw naman itulak sa kalsada at mabaldado ka naman." Ganting pananakot ko. Kung gaano kabilis manahi ng utak niya ng kapraningan ganun din kabilis ang kamay niya para sampalin ako pero mas mabilis ako at nasalo ko ng walang kahirap hirap ang bisig niya.

"ANG KAPAL NG MUKHA MONG PAGBANTAAN AKO GONZAGA!" nangagalaiting sigaw niya habang hawak ko parin ang nanginginig na bisig niya. Natigil sa pagkanta yung dalawang bakla at nilapitan kami.

"Namimihasa ka naman ata 'teh? Ano 'di paba expired yung UNLI SAMPAL mo for two days?! Nag subscrice kaba sa Text SAMPAL and Send to 8888 tas UNLI na?" Gusto kong i-untog ang noo ko sa noo niya sa gigil ko. Huwag na baka may allergic reaction pa ang balat ko kapag madampian ng makapal na make up niya.

"BITAWAN MO AKO GAGO KA!" malakas na sigaw niya. Geez! Tumatalsik laway niya. Buti na lang wala masiyadong students sa kinaroroonan namin dahil masiyado pang maaga.

"Balato ko na sayo yung mga sampal mo kahapon pero ito ang tatandaan mo.." hindi ako nagpatinag sa mga masamang titig niya. "Huwag mong antaying mapikon pa ako.. dahil siguradong mauulol ka kapag ako ang nagbiro sayo." At saka ko pahagis na binitawan ang kamay niya. Mabilis na lumipad ang isang kamay niya para muli akong sampalin.

"Wrong.. Very Wrong." Napapailing na sagot ko. Muntik na siyang matumba ng pwersahan kong isampal ang sarili niyang kamay sa pagmumukha niya. Maagap siyang nasalo ng dalawang Gasul Girls. Mangiyak ngiyak siyang napahawak sa namumulang mukha. Wait, namula nga ba? Sa kapal ng make up ni MJ malabo ata. Tch! "I warned you MJ. Huwag mong ubusin ang pasensiya ko dahil sawang sawa na ako sa mga pagpapabibo niyong magkakaibigan." Muling banta ko sa kanya.

"HINDI PA TAYO TAPOS AT PAGBABAYARAN MO ANG LAHAT NG GINAWA MO! TANDAAN NIYO MGA BAKLA, MGA SALOT KAYO NG LIPUNAN!!" Malakas na sigaw niya at saka tumakbo pa palayo sa amin. Naiwan yung dalawang Gasul Girls sa harap ko. Ang sarap nilang pasingawin sa field.

"OH ANO PANG INAANTAY NIYO BAGONG TAON? ANO PAPASAMPAL DIN KAYO?" sigaw ni Andi at nagulat yung dalawang Gasul Girls.

"MGA BAKLANG PANGET!" malakas sigaw ni Karen sa aming tatlo.

"Wow, ganda ka 'teh? Ligawin, balingkinitan, long leggings, maputi, alon alon ang buhok!?" ganting sigaw at panlalait ni Andres.

'Tss, pinatulan pa. Ano daw yun long leggings? Baka long legged? Pauso 'tong si negra!'

"OO MAS MAGANDA KUMPARA SA INYONG MGA BAKLA MAS MAGANDA AKO!" Sumigaw din yung Jhorica.

"Hoy, kung feeling mo MAGANDA ka, You're not feeling well teh!" mataray na sagot ni Marlon at nakapamewang na lumapit sa dalawang Gasul Girls na unti unting napapaatras.

"SABIHIN NATING PANGET KAMI PERO MAS MAGANDA NAMAN YUNG MGA UGALI NAMIN KUMPARA SAYO BAKLA!" ayaw magpatalong sagot ni Karen. Ang liit liit ang lakas lakas ng boses. Ang sarap niya isako at itali sa puno ng sinisilungan namin ngayon.

"PANGET KA NA NGA ANG PANGET PA NG UGALI MO!" duro ni Jhorica at napangiwi lang ang dalawang bakla.

"Kung PANGET kayo pero maganda ang ugali niyo, edi PANGET pa rin kayo!! Mga baklang 'to ano kayo TRANSFORMERS?!?!" Sagot Andi habang nakapamewang sa harap nila at sabay kaming tumawa ni Marlon ng malakas.

"BWAHAHAHA HAHAHAHA AHAHAHAHA!"

"GASUL NA TRANSFORMERS BAGO YAN SES!" si Marlon.

"Ikaw ba si GASULETTE PRIME!" turo ko kay Karen.

"Ikaw naman si GASULITRON!" turo ni Marlon kay Jhorica.

Mukhang napikon at walang magawa yung dalawa at ura uradang nilayasan kaming tatlo.

"Kaloka, ang aga aga daming e-eksena ng mga yun!" at nag retouch si Andi ng make up sa mala bagua niyang salamin niya.

"Grabe ses, pang Best Actress yung emote mo dun kanina kay Lucrecia Kasilag!" si Marlon habang naka pangalumbabang nakatingin sa akin.

"Hindi mamatapos ang isyung ito hangga't hindi bumabalik si Amber para linawin ang isyu." Seryosong sabat ni Andi.

"Truth ses, kilala ko yang si MJ hindi yan titigil na ipagkalat na ikaw ang gumawa nun hanggat hindi nililinaw ni Amber ang nangyari sa kanya."

"Ewan ko ba.. minsan nakakapagod din pala umintindi ng mga taong hindi mo maintindihan." Sumandal ako sa upuan. Patong patong na nga ang problema ko sumasawsaw pa sila.

"Lucky gusto mo bang samahan ka namin sa simbahan? Paba basbasan ka namin ni Marlon para maalis lahat ng kamalasang nakadikit sa katawanag lupa mo." Seryosong suhestiyon ni Andi.

"AY! Bet ko yan ses!" sang ayon agad ni Marlon.

"LETSEH KAYO!" sigaw ko sa kanila.

'Wala na hindi na talaga ako tatantanan ng kamalasan habang nandito ako sa Carlisle.'

"Totoo seshie, kailangan nating tanggalin ang bumabalot na itim na awra sa katawan mo. Dadalhin ka namin sa Quiapo Church magtitirik tayo ng kandila kagaya ng ginagawa namin ng Auntie ko." Nakangusong kwento ni Andi.

"Naniniwala talaga kayo sa mga ganung bagay? Anong era ba kayong dalawa ipinanganak?" kunot noong tanong ko sa dalawa.

"Walang masama kung susubukan natin at wala din namang mawawala kung papayag ka. Masaya yun para makapag bonding naman tayong tatlo." Excited na singit ni Marlon.

"Okay masaya nga yun, para ipagtitirik ko din kayong dalawa ng itim na kandila para matahimik na din yang mga kaluluwa niyo." Birong hirit ko sa kanila at sinamaan nila ako ng tingin.

"Ikaw kahit kailan hindi mabenta mga biro mo." Nakasimangot na sagot ni Andi.

"E kahit kailan din kasi hindi mabenta yang mga suggestions mo." Ganti ko dahilan para irapan niya ako ng malala.

"Hoy seshie, very epektib ang simbahan ng Quiapo dahil parehong deboto ang parents ko ng poong Nazareno." Giit parin ni Andres sa gusto.

"Mukha nga ses, nakuha mo nga yung kulay ng poong Nazareno e." Pareho kaming napabungisngis ni Marlon sa banat niya.

"Basta kailangan nating magpunta dun mga seshie masaya yun makaka pamasyal tayo." Naka ngiting tugon niya. Yun lumabas din ang tunay na hangarin niya. Hindi kasi napapakali ang matabang pwet ni Andres kapag hindi nakakapag lakwatsa.

Nagkayayaan na kaming umakyat sa classroom pagkatapos naming mapagkasunduang pupunta kami sa Quiapo sa darating na Linggo. Naging masaya ang first two subjects namin ng umagang yun dahil English at Filipino subject namin. Pinag search lang kami ng mga short stories na babasahin namin sa next meeting sa English at sa Filipino naman susubukan naming i-translate sa Tagalog ang isang English na kanta na mapipili namin.

"Kaloka na mag aral pabongga ng pa bongga ang mga assignments natin every week." Pagda-drama ni Andi habang pababa kami ng building. Ngayon papunta naman kami sa computer subject namin sa Palma Hall. Naalala ko na naman yung insidente sa Palma Hall kagabi. Hanggang ngayon nagiging palaisipan pa rin sa akin yung dalawang students na narinig ko sa CR.

"Alam niyo ang balita nakalabas na daw si Amber ng hospital." Mahinang bulong ni Marlon habang naglalakad kami. Nagigitnaan nila akong dalawa habang naglalakad kaya salo ko ang tsismis sa ayaw at sa gusto ko.

"Talaga? Ano daw lagay niya may bali o pilay ba siya?" pabulong na tanong ni Andi at para kaming mga triplets na magkakadikit ang ulo habang naglalakad. Baklang 'to! Siya kaya ang itulak ko sa hagdan malamang sa taas ng ginulong ni Barbie siguradong magkaka polio siya. Charot!

"Wala naman pero ang chika sa akin naka neck collar o braces si Amber sa hospital at hirap pa siyang makalad at tumayo." May pa suspense pang kwento ni Marlon.

"Kahit nakaka imbyerna yan si Amber naawa pa din ako sa lagay niya, kung sino man ang gumawa nun sana mahuli na." Komento ni Andi at napabuntong hininga ng malalim.

"Ang balita isa hanggang dalawang linggo siyang magpapahinga. Kaya masama na ako kung masama pero pabor yung pansamantalang pagka wala niya sa ngayon para sa ikatatahimik ng kaluluwa natin sa campus." Nakangiting tugon ni Marlon.

"At nasisigurado kong pagbalik niya lalamunin tayo ng hanggang leeg na galit niya. Kaya tama ka Marlon." Kinindatan ko siya. Naisip kong wala akong magiging problema sa loob ng dalawang linggong wala si Amber. Kaya parang ginaganahan akong mag aral.

"Sigurado akong ma e-extend na naman ang Masquerade Party natin mga seshie dahil siguradong hindi papayag yun babaeng yun na wala siya sa party." Sing pait ng pawis niya sa batok ang hinaing ni Andres.

"PLANGGAKKK! Yun kasi ang oras na ipangalandakan ni Amber ang pagka babae niya sa buong Carlisle Academy!" Inis na sabat ni Marlon. Isa pa 'to. Ano bang problema ng mga 'to kay Barbie as if naman makikipaglabanan sila ng outfit sa kanya sa mismong party?

"Teka nga Marlon saan mo naman nakalap ang lahat ng mga balitang yan?" nagtatakang tanong ko dahil pagdating sa tsismisan talagang hindi nag papahuli itong dalawa.

"Sa mga group chat ng mga chikadorang kagaya ko sa Carlisle. Member ako ng lahat ng Groups dito kaya hindi ako nahuhuli sa balita." Very proud na kwento niya. Nalala ko tuloy yung unang beses na huminge kami ni Andi ng tulong sa kanya tungkol sa schedule ni Wesley. Mahihiya si Detectice Conan sa kanya.

"Hoy mga beks pumasok na kayo parating na ng instructor natin mamaya ang balitaktakan!" Sigaw ni Corazon na mukhang bigat na bigat sa hinaharap niya. Hindi ko napansin na nasa harap na pala kami ng classroom namin.

Nagtuloy na kami sa next class at dalawang oras ang Computer subject namin kay after ng klase gutom na gutom na kaming tatlo habang naglalakad papuntang canteen.

"Feeling ko tuloy nasa college na tayo grabe ang hihirap ng activities at assignament sa computer lab." Nangangamot na reklamo ni Andi.

"Ikaw Lucky parang hindi ka stress sa computer lab natin kanina ses?" nagtatakang puna ni Marlon.

"Medyo pero yung ibang activities kasi natin nagawa na namin yun sa dati kong school at si Kuya Jiggs Computer Engineer yun madalas nagpapaturo ako sa kanya." Paliwanag ko at para silang mga puppet na sabay na tumango tango habang nagsasalita ako.

"Ay seshie kapag makita mo ang shupatembang ni Lucky ANG GWAPOOOOOOHHHHH!!!" at nagtilian silang dalawa kaya pinagtinginan kami ng ibang studensts sa ingay nila.

(SHUPATEMBANG means– Kapatid)

"Trulili, ses? Ay! agahan natin sa Sunday daan muna tayo sa bahay nila Lucky bago tayo magsimba! Para sa umaga pa lang blessed na tayo." kinikilig na parang bulate si Marlon.

Nakarating kami ng school canteen at mabilis kaming pumila para umorder. Pumuwesto kami sa mga table na wala masiyadong students.

"Ay nakalimutan ko palang i-chika sa inyo mga ses. Mainit na usap usapan ngayon sa mga group chat yung Fieldtrip natin per year level. Nakakloka dahil ang balita sa Baguio daw ang destination ng lahat ng fourth Year." Mahihiya ang luma naming christmas lights sa bahay sa pagkikislapan ng mga mata ni Marlon at Andi.

"Bongga yan seshie kasi ito ang first time ni Lucky na makakasama sa Field Trip naten!" si Andi habang ihininto ang pagsubo ng burger at hindi maitago ang tuwa.

"Bakit anong masaya sa fieldtrip nakakapagod nga yun 'e." Nakasimangot na sagot ko sa kanila.

"Gagey! Iba mag celebrate ng fieldtrip dito sa Carlisle." maypagmamalaki sa tono niya. "Parang Team Building at may mga pa-games at kung anek anek tapos maglalaban laban ang lahat ng mga sections ng batch naten." Maiksing paliwanag ni Marlon.

"This year may 9 sections ang 4th Year. Diba merong 25 Students ang per sections? So, yung mga nasa special section idi-distribute yun sa natitirang 8 sections para fair ang bilang at ang laban." Masayang salaysay ni Andi. Hindi ko masakyan ang kakaibang saya nilang dalawa. Anong nakaka excite sa sinasabi nilang fieldtrip? Ewan ko pero mula kinder hindi ko na talaga trip ang sumama sa mga fieldtrips. Mas gusto ko pang kasama si Kuya Jiggs at Tita Jack mamili sa Divisoria kesa umupo ng ilang oras sa bus. Naumay lang siguro ako dahil madalas palagi akong sumasama sa mga fieldtrip ni Kuya Jiggs nung nag aaral pa siya. Hindi ko lang talaga trip lalo na kapag napuntahan ko na kaya madalas hindi ako sumama kung pwede naman. Mas gusto ko pang magbasa ng libro sa kwarto ko o matulog magdamag.

"I see mukhang masaya nga." kunwaring sang ayon ko para di sumama ang loob nila. "E bakit parang mas excited kayo?" nagtatakang tanong ko sa kanila at halos magkasabay silang umirap dahil sa tanong ko.

"Sinasabi ko na nga ba eh, GANDA KA LANG! MAGANDA KA LANG TALAGA LUCKY GONZAGA!!" napatayo siya sa upuan si Andres at ilang beses siyang hinila ni Marlon paupo pero bigo siya sa laki ng kaha ni Andres.

"Ay grabe siya oh!" napatakip ako ng isang kamay sa bibig. "Perstaym ko makakasama kung sakali Andres!" ako naman ang gumanti ng irap sa kanila.

"Ano ba ses ang weird mo talaga!" nagpa-pabebeng sagot ni Marlon ng tuluyan niyang mahila pa upo si Andres sa tabi niya.

"Ano nga sabihin niyo na nga kasi! Kapag ako mapika hindi talaga ako sasama!" biro ko at parang binuhusan sila ng malamig na tubig sa ulo. Kingenang mga 'to wala namang halong Trigonometry yung tanong ko bakit hirap na hirap sila?

"Ses naman e!" inabutan ako ni Marlon ng jumbo hotdog na agad ko naman isinubo. Pagkaen yan dapat di yan pinapalampas. "Basta sumama ka nalang para lahat tayo masaya, diba ses Andi?" todo ngiting pangungumbinse niya.

"Oww--kay! Maganda yan.." tumuwid ako ng upo. "Mukhang mag e-enjoy naman ata kayo kahit wala ako diba?" bahagya kong inilapit ang sarili ko sa mesa sako sila nginitian ng matamis.

"Seshie naman 'e nakakainis ka!" nag iinarteng sagot ni Andres at tumalbog talbog po sa kinauupuan niya.

"Ang simple ng tanong ko hindi niyo masagot tapos ako pa ngayon ang nakakainis?!" tinitigan ko sila ng masama at agad silang nagbaba ng tingin.

"E kasi nga kapag sumama ka ano..." nahihiyang sambit niya bago lumingon kay Andres. "Ano kasi ses kapag sumama may chance na mapunta sa section natin si Kenneth Ang at Wesley Ongpauco!" at nagyakapan ang dalawa sa sobrang kilig.

'Mga baklang 'to!'

"At kapag nangyari yun mataas ang chance manalo tayo sa mga games at activities." Parang nilapirot ang pigi ni Andres sa sobrang saya.

"Mataas ang chance?" ipinatong ko ang parehong braso ko sa mesa. "Paano kapag hindi sila satin napunta, ibig sabihin mataas din ang chance na matalo tayo? Tss, kalokohan!" isiniksik ko pa ang natitirang hotdog sa bibig ko. Nakakawalang gana naman ang topic nila. See, hindi talaga masaya ang fieldtrip kahit saang school ako mapunta. Kukulitin ko nalang si Kuya Jiggs at Tita Jack na samahan ako sa Divisoria para mabili ko ng mga gamit si Muneng.

"Naniniwala kami sa swerte mo Inday pagdating sa mga lalake." At sabay ihinawak ang mga kamay sa ibabaw ng ulo ko at nag sign of the cross. "At malakas ang pananalig ko na sa atin sila mapupunta ngayong taon!"

"Yan diyan kayo magaling sa mga lalake pero kapag inaaway na kayo ng mga babae nila tumitiklop naman kayo!" sermon ko at parang bulang naglaho ang ngiti sa mga labi nila.

"Sobra ka naman hindi naman sa ganun atleast ngayon lumalaban na kami, thanks to you seshie." Nakaramdam ako ng umay sa kinakaen ko ng mag beautiful eyes si Andi.

"Bakit dati hindi ba?" seryosong tanong ko.

"Never ses." Maagap na salo ni Marlon. "Dahil ang lahat ng bumangga sa mga yun. KICK OUT! Ngayon lang nangyari ang ganitong HIMALA simula ng dumating ka." Nawala ang kaninang masaya itsura ni Marlon pero nakikita mong kuntento siya sa sinabi.

"Kaya nga nagtataka ako seshie na hanggang ngayon nandito pa tayong dalawa. Tapos ang pinaka bongga naging malapit pa tayo sa dalawang pinaka sikat sa campus dahil sayo LUCKY! Ikaw talaga ang Lucky Charm ko." Tumayo si Andres at niyakap ako ng mahigpit.

"A-Aray bitiwan mo nga ako nakakadiri ka! Ilang araw naman ang Fieldtrip at magkano ang contribution?" naisip ko lang itanong dahil na curious din ako sa mga sinasabi nila. And besides wala namang masama kung sasama ako tutal kasama ko naman silang dalawa.

"Almost 5 days yun at thirty thousand pesos ang contribution." Balewalang sagot ni Andi na akala mo bente pesos lang yung terti tawsan pesos.

"HHUUUKKKKKK—" Biglang nagbara ang kinakaen ko sa lalamuna. Nanikip ang flat na dibdib ko at nahirapan akong huminga. Medic! Mabilis akong inabutan ni Marlon ng juice. Buti nalang napakapit ako sa mesa kundi baka matumba ako. Pinagpawisan ako ng malapot at malagkit. Sa dating school ko two thousand napapakamot na ako sa ulo. Magkano daw ulet thirty thousand pesos? Pakyu! "T-Thirty thousand fieldtrip lang yun?" parang dumaan sa matinding tagtuyot ang lalamunan ko. Kahit laway ko nahirapang magslide sa esophagus ko dala ng tinding pagkabahala.

"O-Oo." Balewalang sagot nila sa akin.

'PAKMEH!!'

"Juice Colored! Masiyado naman atang mahal ang field trip na yan!" naghisterikal na ako. "AYOKO NG SUMAMA KAYO NALANG MANUNUOD NA LANG AKO NG SINE FIVE DAYS STRAIGHT KAHIT AYMAKSS PA, PUCHA! (IMAX)" singhal ko sa dalawa at biglang nagbago ang timpla ng mga mukha nila. Sigh. "Look, guys hindi ako kasing yaman ninyo o ng ibang student dito sa Carlisle na pwedeng magtapon ng terti kwit para sa isang fieldtrip. Sorry pero sa ngayon PASS muna ako diyan at kayo na lang dalawa ang sumama." Litanya ko sa dalawa. Siguro naman hindi ko na kailangang ipaliwanag pa detalyado kung bakit.

"Ganun ba ses.. sayang akala ko pa naman magiging masaya na kasi kasama ka." nakapangalumbabang sagot ni Marlon. Damang dama ko ang lungkot niya mula sa kinauupuan ko.

"Sorry guys alam niyo naman kung paano ako nakapasok sa Carlisle di ba? Kahit na kaya akong pasamahin ni Nanay at Kuya Jiggs, my answer is still NO. Masiyadong malaking pera yun para sa akin pasensiya na talaga." Hinging paumanhin ko sa kanila. Gusto ko lang maging practical malaki ang matitipid ko kung hindi ako sasama. Compulsary naman ata ang fieldtrip at kung hindi magpapanggap akong may sakit para ma excuse ako. Hehehe!

Kapansin pansin ang pagbabago ng mood ni Andres ng ipaalam kong ayokong sumama sa darating na fieldtrip. Alam kong nagtatampo siya kahit hindi niya sabihin. Hindi na muling pinag usapan pa ang tungkol sa nalalapit na fieldtrip. Ang ending kinain kami ng katahimikan habang kumakaenkami ng tanghalian.

"LUCKKKYYY!!!" masiglang tawag ni Wesley habang papalapit sa table namin. Magkasunod na napaubo sina Andi at Marlon sa tapat ko at magkasabay na tinungga ang juice sa baso.

"Ongpauco, kumain ka na?" bungad ko paglapit niya. May dala siyang tray laman ang order niya.

"Hindi pa hinahanap kasi kita kanina pa." Nakangusong sagot niya bago ilapag ang tray sa tabi ko. "Hi Andi, Marlon!" nginitian niya mga kasama ko na mukhang hindi na kayang maitago ang kilig dahil sa ka-kyutan ni Wesley.

"Hi Wesley!" chorus ng dalawa na mukhang bumalik ang dating sigla dahil may lalake ng inihain bilang desserts nila.

"Actually kasama ko si Kenneth." Nag shift mula sa masigla to apologetic ang tono niya. "Okay lang ba na sumabay siya sa ating mag lunch?" sa akin siya nakatingin, ibig sabihin sa akin siya nagpapa alam?

"O-Oo naman diba Lucky?" Pinandilatan ako ni Andres at parang sirang puppet ang ulo ni Marlon kakatango.

"Okay lang.." walang magawang sagot ko. Pero mas okay siyempre kung hindi. Wala akong choice ayoko ng dagdagan ang pagtatampo ni Andres dahil sa pagtanggi ko na sumama sa fieldtrip.

"L-Lucky." Parang pinitik ang puso ko ng marinig ko ang mababa at parang pipiyok na boses niya. Hindi ko alam kung maiinis ako sa tuwing naaalala ko siya. Sa dami ng bagay na gumugulo sa isip ko nitong nagdaang linggo dumagdag pa siya sa listahan ko.

Napakagat ako sa labi ng sipain ni Andres ang paa ko sa ilalim ng mesa.

"Huwag kang umarte kukurutin kita." Banta ni Andres. Hindi ko alam kung paano niya nagawang bigkasin ang mga salitang yung ng 'di gaanong ibinubuka ang bibig niya. Wala akong nagawa kundi lingunin ang pinanggalingan ng boses.

"May kailangan ka?" walang emosiyong sagot ko.

"Pwede ka bang makausap kahit sandali?" nahihiyang sambit niya at hindi siya makatingin ng derecho.

"Paano mo ako kakausapin sa lagay na yan kung hindi mo nga ako matingnan ng derecho?" inunahan ko na ng pagtataray. Hindi ko basta basta makakalimutan ang hirap na pinagdaanan namin ni Andres para maiwasan lang silang magpinsan nung isang linggo.

"P-Please?" namumungay ang mga matang pakiusap niya. Nampucha naman Kenneth wala namang ganyanan! Muntik ng malaglag si Marlon sa kinauupuan niya ng itulak siya ni Andres sa sobrang kilig. Tawa naman ng tawa si Wesley habang inilalapag ang tray niya sa mesa namin.

Nabu'ang na!

"Okay fine." Ipinakita kong hindi ako masiyadong apektado. "Wesley, ikaw muna bahala diyan sa dalawa, kausapin mo kanina ka pa hinahanap ng mga yan."

"T-Talaga bakit daw?" nalilitong tanong niya sa akin.

"S-Seshhie anong h-hinahanap?" nauutal na sagot ni Andi. Alam kong lalake lang ang sagot sa kaartehan niya mula pa kanina.

"Dun tayo sa kabilang table." Baling ko kay Kenneth bago ko damputin ang Mug Root Beer na drink ko.

"O-Okay." Mahinang sagot niya. Lumipat kami ng pwesto ilang table ang layo sa mga kaibigan ko.

Nag cross arm ako pagkaupo. "Anong kailangan mo?"

"I just wanna say sorry for what i've said last night." Apologetic na sagot niya.

"Okay." Sagot ko agad.

"I know you're kinda upset last night. Nasabi ko lang yun dahil akala ko may bagong gulo na naman kayo ni Amber kagabe."

"Okay.."

"Lucky, i'm serious!" Nakatitig siya ng derecho sa mata ko at sa nakikita ko mukha ngang seryoso siya.

So what? Ang paratangan ka ng isang bagay na hindi mo ginawa ay seryosong bagay din para sa akin.

"I'm fine Kenneth you don't have to say anything."

"I have to.." parang tinakasan siya ng kompyansa sa tono ng pananalita niya. "I'm really really sorry Lucky." Nalilitong pinagmasdan ko ang mukha niya. Hindi ito ang Kenneth na kilala ko. Nasaan na ba yung hambog at masungit na payatot na nakilala ko nung isang linggo? Mas gusto ko yung kausap kesa sa isang 'to.

"You know saying sorry to me now doesn't change anything." Natulala siya sa pagiging prangka ko. "I don't blame you for judging me. Huwag kang mag aalala hindi ka naman nag iisa lahat ng students sa buong campus iniisip nilang ako ang may gawa nun sa ex mo." Wala ng papakla pa sa ngiti ko.

"Look nasabi ko lang naman yun kasi ang buong akala ko talaga nakita ni MJ ng buong pangyayari." Inagaw ng pagkuyom ng kamao niya ang atensiyon ko. "Kausap ni MJ ang Mommy ni Amber sa phone habang nasa clinic kami at ikaw ang idinidiin niyang may kasalanan sa nangyaring aksidente." Lumapit siya at isinandal niya ang parehong mga braso sa mesa. "Oo aaminin ko napaniwala niya ako pansamantala ng makita kong hindi ka man lang umiwas o gumanti habang sinasaktan ka niya."

"Kasi naisip mo agad na guilty ako." Napairap ako sa bulok na takbo ng pag iisip niya.

"Sort of?" Masiyadong generic ang utak niya. Hindi niya masiyadong isinabuhay ang kasabihang what you see is what you get. Sa madaling salita isa siyang lalakeng patola! Nyetah!

"Malalim lang ang iniisip ko ng mga oras na yun kaya hindi ko na namalayang sinasaktan niya na pala ako." Napapailing na kwento ko. "Kahit ano naman gawin ko ng mga oras na yun hindi ko rin naman mababago ang tumatakbo sa mga utak niyo. Gumanti man ako o hindi ako parin naman ang ididiin niya at yung unang taong paghihinalaan mo, tama ba ako?" dumiin ang paghawak niya sa in can drink sa kamay niya bago niya ito tunggain.

"Alam mo hindi kita maintindihan 'e." Halos mayupi ang latang hawak niya ng pabagsak niya itong ibinaba sa mesa. "Imbes na tanggapin mo ang apology ko lalo mo pa ako kinukonsensiya. Kung ganun lang din naman pala mag isip 'e di kwits lang tayo!" taas noong pangangatwiran niya. Muntik na akong magslide sa kinauupuan ko. Okay binabawe ko na ng sabihin ko ng Generic siya. Walang Ritemed ang level ng pag iisip niya. Pero may isang parte sa utak ko ang humahanga sa kakaibang interpretasiyon niya sa sinabi ko. May point naman siya kahit papaano, siguro sa ibang anggulo. Pero hindi ibig sabihin nun sumasang ayon ako sa sinabi niya. Natutuwa lang siguro ako sa kakaibang takbo ng utak niya, nagawa niyang baliktarin ang sitwasiyon namin ng ganung kabilis. Kung magiging abogado 'to siguradong marami 'tong mapapanalong kaso.

'Kapag ganitong sabaw na sabaw ako napaka imposibleng manalo ako sa lalakeng 'to Lord.'

"K-Kwits?" ang sarap siguro alugin ng bungo niya sa parang tansan sa mga palad ko. Taena ito pa naman ang pinaka ayaw ko sa lahat ang pakikipagtalo sa isip bata. Madalas nagpapaubaya ako sa pakikipagtalo noon kay Jasper kapag ganyan ang istilo ng pangangatwiran niya. Ewan ko kung bakit pero imbes na magalit ako naku-kyutan sa kanila kingena!

"Oo kwits!" mayabang na sagot niya. "Sayo na nanggaling na hindi mo ako masisisi sa pagiging judgemental ko.. PWES! The feeling is mutal.. I don't blame you too for being judgemental like i do." Napahampas pa siya sa dibdib sa sobrang bilib niya sa sarili. Literal na gumuho ang depensa ko sa mga pinagsasasabi niya. See? Patola ang lolo mo.

"Kenneth makinig ka nga!" gusto ko siyang panggigilan sa magkabilang pisngi sa gigil ko. "All i'm trying to say is that.. that you don't have to apologize to me okay?!" paglilinaw ko at parang batang namilog ang nguso niya habang nakatitig sa mata ko. "We all lived in a cruel and judgemental world. Hindi ka dapat ma-guilty Kenneth at wala kang dapat ipag aalala." Sigh. "Hindi ka nag iisa dahil lahat sila iniisip na ako rin may kagagawan nun." Nanghihinang paliwanag ko. "Ikaw, maiintindihan pa siguro kita dahil ex girlfriend mo ang involved sa issue, pero yung huhusgahan ka ng ibang tao ng hindi nila alam ang tunay na kwento yun ang pinaka masakit na ge-gets mo?" tinungga ko ang root beer na bitbit ko. Pakiramdam ko matutuyuan ang bahay bata ko sa lalaking 'to.

"I understand what you're going through that's why i feel sorry for you." Napakamot siya sa ulo. "Even Amber's parents almost believed it was you.."

"Kingenang yan so alam nila ako padin pala." Mahinang bulong ko saka ko muling tinungga ko yung rootbeer sa sobrang inis ko sa sinabi niya. Mahirap dahil wala namang ibang nakaka alam bukod sa aming anim tungkol sa cctv clips na hindi talaga ako ang tumulak kay Amber sa stairs.

"But not after i explained the everything to them on your behalf.." bahagya ako napanganga sa sinabi niya. "Dinalaw ko si Amber sa hospital.. Ipinaliwanag ko ang totoong nangyari sa sa parents niya.. " Pakiramdam ko bubula ang bibig ko sa sobrang kaba. "And for now masasabi kong okay na."

"T-Talaga ginawa mo yun?"nangati ang tumbong ko sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Narinig ko ang malakas na tawa ng dalawang bakla sa kabilang mesa at mukhang aliw na aliw sila kay Wesley habang nakikitawa din. "So, ako pala dapat ang magpasalamat sayo ngayon?" Kung anu man ang sinabi niya sa parents ni Amber ayoko ng alamin. Hindi ko alam kung tama ba itong nararamdaman ko pero naniniwala ako sa bawat salitang binibitawan niya.

"Oo ikaw nga." Umatake na naman ang kahambugan niya. Pinandilatan ko siya at natawa siya ng bahagya. "Joke lang. He he he!" bungisngis niya sa huli. Taenang 'to pinagti-tripan ako.

"Salamat." Pinisil pisil ko ang namamanhid kong palad sa ilalim ng mesa. "Kenneth hindi mo naman kailangang gawin yun dahil alam naman natin ang totoong nangyari di ba?" pinipilit kong kalmahin ang malanding kaluluwa ko sa tuwing nagtatama ang mata namin.

"Yun lang ang paraan ko para makabawi sa nagawa ko sayo." Puno ng sinseridad na sagot niya. Ano bang ginawa niyang malala para mag inarte siya ng ganito? EX niya yun at kahit papaano may pinagsamahan sila, normal na reaksiyon ng sa isang taong ipagtanggol ang mahal nila. I don't blame him, i've been on that road before.

"Kaya ko naman ang sarili ko Kenneth at hindi muna sana inabala ang sarili mo." At parang torong nagsalubong ang may kakapalang kilay niya. Gusto kong matawa dahil ang cute cute niyang pagmasdan kapag ganun ang itsura niya. Para siyang bata sa mga kakatuwang facial expressions niya. "Joke lang din! Ha ha ha!" ganting tawa ko sa kanya at inirapan niya lang ako. Daanin nalang natin sa tawa at biro. Mahirap makipag debate sa mga taong may utak na kagaya niya. Ang totoo kompyansa naman akong kaya kong lusutan ang gusot na 'to dahil malinis ang kunsensiya ko at alam kong hindi ako pababayaan ni Andres at Marlon kapag nagkaturuan na.

"Kahit kailan hindi ka talaga pwedeng kausapin ng matino." napipikang sagot niya. May mas iiksi pa pala sa pasensiya ng ex ko. Sigh.

"I warned you before Kenneth. Everytime na magkakaroon tayo ng chance magkasama hindi pwedeng mawawalan ng bagong eksena si Amber." Pinaningkitan niya ako ng mata. "You're my KARMA, Kenneth James Ang..." At dun lang nanlaki ang singkit niyang mga mata. Patay na!

"There's no such thing as karma. Malas ka lang talaga ewan ko ba kung bakit Lucky pa ang naging pangalan mo pwede namang iba." Masungit na komento niya. Abah! Abah! Namumuro na 'tong lalaking 'to ah!

"Pakyu! Baka nakalimutan muna ang sinabi ko sayo noong ikaw ang MALAS sa buhay ko? Dahil kapag nandiyan ka sa paligid ko attracted ang malas kay Lucky Gonzaga."

"Hoy, bawiin mo yang sinasabi mo!" nakadurong saway niya. "Kahit kailan hindi ako naging malas sa ibang tao, ako pa nga ang Lucky Charm nila. Pinag sasabi mo diyang malas.." pahina ng pahinang bulong niya habang nagmi-make face.

"Tss! Malamang ngayong magkasama tayo mabagsakan ng pader o ng apat fluorescent lamps si Amber sa loob ng kwarto niya." At nagkatinginan kami ni Kenneth at sabay kaming tumawa ng malakas.

"AHAHAHA HAHAHAHAHAHA!"

"BWAHA HAHAHAHAHAH!"

"Kenneth yung food mo lumalamig na lumipat na kayo ni Lucky dito." Salubong ang kilay na tawag ni Wesley sa pinsan.

"Psh! Seloso.." mahinang bulong niya habang dinadampot ang drink niya sa mesa.

"Grabe ang sweet talaga ng pinsan mo." nakapangalumbabang sagot at nagulat ng mabilis siyang tumayo at sinamaan ako ng tingin.

"Tss! Anong sweet dun?" Pabulong na sagot niya.

"Problema mo?" sita ko sa pagbulong bulong niya. Palibhasa walang sweetness sa katawan.

"Tara na inaantay ka na ng pinsan ko." Naiinis na sambit niya.

Nakabuntot lang ako sa kanya pabalik sa table namin kanina.

"Is everything okay now?" nag thumbs up na salubong ni Wesley kay Kenneth.

"Yeah, we're good." seryosong sagot niya sa pinsan. Pinagkunutan ko siya ng noo ng hilain niya ang upuan ko at sinenyasan akong umupo. Ang weird ng payatot na 'to. Ganyan ba siya parati? Creep! Para siyang may mutliple personality disorder.

"Thank GOD!" daig niya pa ang nabunutan ng malaking tinik sa dibdib. "Akala ko kasi magagalit ka sa pinsan ko 'e, buti nalang pinilit ko siyang kausapin ka ngayon." hinawakan ako ni Wesley sa ibabaw ng ulo bago niya guluhin ang buhok ko. Nginiwian ko ng nguso si Kenneth.

'So, kung hindi pa pala makikiusap si Wesley wala rin pala siyang planong gawin 'to. Magaleng! Magaleng!'

"Hindi—plano ko naman talagang mag sorry kay Lucky." depensa agad ni Kenneth na mukhang nabasa ang iniisip ko. Ngayon 'di ka makatingin ng derecho sa akin! Guilty.

"I'm fine Wesley." Casual na sagot ko. "Hindi mo naman kailangang gawin yun para sa akin." Alam kong maiintindihan ni Wesley ang ibig kung sabihin. "Sinabi rin ng pinsan mo ang ginawa niya kahapon sa hospital." at tumango tango siya na parang bata.

"Actually its my idea!" Nagtaas pa siya ng kamay na parang sa recitation. "Ako rin ang nag suggest sa kanyang kausapin ang parents ni Amber on your behalf so we will be able to protect you." Bakas ang matinding paghanga sa mga mata nila Andi at Marlon ng lingunin nila si Wesley. Napayuko naman si Kenneth ng magtama ang mata namin.

'So, ibig sabihin scripted lang ang lahat ng pinag usapan namin kanina? Don't tell me lahat ng sinabi niya kanina galing din yun lahat kay Wesley?'

"Next time you don't have to do that to save me." May pagka iritabling sagot ko. "Ayokong magkaroon ng utang na loob kahit kanino dahil sa problemang kinakaharap ko." Inirapan ko si Kenneth ng marinig ang sinabi ko.

"What do you mean by that Lucky?" Ilang beses pa siyang kumurap kurap bago ilapit yung ulo sa akin na parang nahirapan siyang intindihin yung huling sinabi ko.

"I don't want any you guys to get involved on my own issue. At ngayon kasali na naman si Kenneth lalo na akong hindi titigilan ni Amber hangga't nakikita niyang nagkakasama na naman kami ng pinsan mo." Napanganga sina Andi at Marlon. Napahilamos naman ng palad sa mukha si Kenneth.

"No not that.." kunot noong sagot niya. "About dun sa utang na loob." Parang gusto ko tuloy pagsisihan ang mga sinabi ko. Nakakatakot siya magseryoso. Sa tono niya ngayon parang kasalanan ko kung ba't may alitan ang bansang South Korea laban sa North Korea.

"Wesley, i'm totally fine. Hindi niyo na kailangang abalahin ni Kenneth ang mga sarili ninyo dahil kaya ko namang lusutan mag isa ang ganitong problema." Pinilit kong ngumiti ng malaki pagkatapos ko magsalita.

"W-What?!" hindi makapaniwalang sambit niya.

"I told you Wesley, he's stubborn." napapailing na sagot ni Kenneth at mabilis namang sumang ayon si Andi at Marlon.

"Tomooohh!" sabay na sagot ni Andi at Marlon.

'Stubborn? Who me? At talaga namang nag second demotion pa yung dalawa!'

"Hoy! Sinong stubborn?" duro kay Kenneth at hindi ako pinasin na agad ibinaling ang atensiyon sa pagkaen sa harap niya.

"Lucky, we're doing this to save you from any troubles." mahinahong paliwanag ni Wesley pero alam kong nakukulitan na siya sa baluktot na pangangatwiran ko.

"Thanks.. but no thanks." Nagtitigan kami pero una siyang sumuko. "I can handle myself from here. Malinis ang konsensiya ko at alam niyong lahat na wala akong kasalanan sa nangyari kay Amber. Kaya alam kong malalampasan ko din ang isyung 'to." Kailangan ko ring paniwalain ang sarili kong kaya ko ang mga problemang kinakaharap ko ngayon kahit wala ang tulong nilang magpinsan.

'Juice colored ano bang iniisip ng dalawang 'to na papatalo ako sa mga psycho na yun?'

"Hay naku ganyan talaga yan si Lucky parang wala lang sa kanya ang mga nangyari kahapon. Kami ni Marlon ang nag aalala para sa kanya." Kuda ni Andres kay Kenneth.

"Guys, listen--"

"No, Lucky you listen!" paksi ni Wesley at natameme ako sa pagiging seryoso niya. "Don't be too hard headed Lucky we're trying to help you okay?!" naglabasan ang litid sa makinis na noo niya. "And besides what friends are for kung hindi ka namin tutulungan in times like this." Bakas sa mukha nito ang matinding pagkainis. Nakakapanibago. Nasanay ako na palagi siyang nakangiti at naglalambing. Nahahawa na ata siya sa pagiging bipolar ng pinsan niya.

Dahil wala akong kakampi laban sa kanilang apat at kahit maghapon kaming mag debate mababa ang chance na manalo ako sa pinagsama samang tagas ng mga utak nila.

"Hindi mo kilala si Amber ses, sa lahat ng naka bangga niya ikaw lang ang tanging hindi na kick out sa campus. Sigurado akong hindi titigil ang mga yun habang nandito ka pa." Ayokong seryosohin ang sinabi ni Marlon. Wala sa wish list ko ang ma kick out sa campus sa taong ito. Mapapatay ako ni Kuya Jiggs.

"For once makinig ka naman seshie hindi biro itong isyu na kinasasangkutan mo. Anak ng may ari ng Carlisle si Amber at kahit may ebidensiya pa tayo laban sa kanila mataas pa din ang chance na magbago ang kwento laban sayo." Nag aalalang sagot ni Andi. Alam kong may tampo parin siya sa akin pero dahil sa issue na 'to alam kung concern din siya bilang kaibigan ko.

"Okay fine, panalo na kayo." Dinampot ko yung burger sa plato saka ko kinagat ng malaking malaki. Kapag ganitong na i-stress ako gusto kong puno ang bibig ko ng pagkaen. Walang kagana gana akong ngumuya nguya sa harap nila. Siguro naman kapag ganitong hindi na ako halos makapagsalita hindi na nila ako kukulitin?

"Hoy! Ako ang bumili niyan bakit kinakaen mo?!" hinawakan ni Kenneth ng isang kamay ang panga ko na parang gustong kunin yung burger sa loob ng bibig ko. Hindi ako makagalaw dahil pinipisil niya ng madiin ang panga ko. Umirap muna ako bago ko iniluwa sa kamay ko ang mamasa masa at durog na burger saka ko inabot ko sa kanya.

"WTF are you doing?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Kenneth. Napaatras pa siya ng upo at diring diri na iniwasan ang kamay ko.

"Oh, kakainin mo pa ba?" walang emosyong tanong ko habang pilit ko paring inaabot sa kanya ang hawak ko. Agad siyang namula at naduduwal na nakatitig sa kamay ko. "Tss! Kanina inaagaw mo sa bibig ko tapos ngayon aarte arte kang nasusuka.?" Sa inis isinubo ko nalang pabalik sa bibig ko ang nginuya kong burger.

"YUUUCCCKKKKKK!" sabay sabay na hiyaw ni Andi, Marlon at Kenneth. Nanlaki naman ang singkit na mata ni Wesley sa akin.

"W-WHAT?" pa inosenteng tanong ko. Tulala akong pinapanuod ang kaartehan nila habang tuloy parin ako sa pagnguya. Bakit ba ang seselan nila? Sa akin naman galing yun hindi ko naman yun pinanguya sa iba. Dati nga sabi ni Nanay nung maliit pa ako kapag pinapakaen ako ni Kuya Jiggs nginguya muna ni kuya bago isusubo sa akin. Elibs ka no!? Ganun ako kamahal ng kuya ko kasi hindi pa daw kayang kumagat ng ibang solid food.

"Your unbelievable!" namumutlang turo ni Kenneth sa mukha ko. Pagkababa niya ng kamay hindi sinasadiyang masagi ng siko niya ang styro foam na pinaglalagyan ng burger at nalaglag ito sa mesa.

Kasing bilis ng kidlat ang naging pagdampot ko sa kaawa awang burger sa sahig. Paulit ulet kong hinihipan ang burger sa foil saka ko pinagpagan ng tissue. Bigla akong napalunok ng dumikit sa daliri ko ang mustard sauce. Napapikit ako ng masinghot ko ang nanunuot at mabangong amoy ng burger patty.

"N-NNOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOHHHHHHH!!"

Sabay sabay na sigaw ni Andi, Marlon, Wesley at Kenneth. '

Kengenang mga OA yan!'

Huli na ang lahat dahil muli akong kumagat ng malaki sa namimintog na burger.

"Ooopss! Wala pang five minutes pwede pa!" ngingisi ngising sambit ko sa harap nila habang ngumunguya nguya.

"Seshie kelan ka pa naging taong grasa?" Shock na shock yung mukha ni Andi at parang namatanda.

"Bakit ba sayang naman kung itatapon na nagugutom ako eh!" Nakangusong sagot ko kay Andi.

"Gusto mo pa?" inilapit ang burger sa braso ni Kenneth.

"D-Dont touch me!" nanginginig pa ang katawan nito at nandidiring iniwasan ang kamay ko.

"Sauce OA niyo ah!" singhal ko sa kanila. "Bakit sigurado ba kayong malilinis ang lahat ng kinakain niyo sa mga restoaurant or fast foodchains?" walang nakasagot sa kanila. "Psh! Kung alam niyo lang baka maglaslas kayo sa tuwa." Saka ako uminum ng rootbeer na tira ko kanina.

"Lucky, ibibili kita ng bagong burger bitiwan mo na yan." Aktong tatayo si Wesley pero pinigalan ko.

"Huwag na busog na ako." At bigla akong dumighay ng malakas sa harap nila.

"S-Sorry ang sarap ng barger eh. He he he!" natatawang biro ko sabay kamot ng ulo.

"Jesus!" Mahinang bulong ni Kenneth sa sarili at umiling na ibinaling ang mata sa malayo.

"You're so cute Lucky." at pinisil pisil ni Wesley ang pisngi ko na parang bata.

"Kaya ko din yan mas malakas pa!" sabat ni Andres habang nakataas pa ang dalawang kamay.

**PPPPPPRRRRRRRRRRRRUUUUUUTTTTT***

Natigilan kaming lahat sa kakaibang tunog na narinig. Kumulog ba?

Tingin sa kanan. Tingin sa kaliwa.

At sabay sabay kaming tumingin kay Andi.

"Excuse me guys..Tawag ng kalikasan!" Natatawang sabi ni Andi habang dahan dahang tumatayo.

"WHAT THE FUCK?!?!" agad napatakip ng ilong si Wesley matapos magsalita.

Para kaming hinagisan ng malaking ahas sa mesa at nagkanya kanya kami ng piglasan sa mga pwesto namin. Naghahabol kaming apat ng hininga kakahanap sa pinakamalapit na bukas na bintana para sumagap ng sariwang hangin sa sobrang makamandag ng nakakalasong hanging nalanghap namin sa mesa.

"PAKYU KA ANDRES MAGKAKA TUBERCULOSIS KAMI SA GINAGAWA MO PUTA KA!" naduduwal na sigaw ko.

'Amoy patay na hayup!'

"ANG AARTE NIYO NORMAL YAN NANGYAYARI DIN SA KAHIT KANINONG TAO!" Sigaw ni Andi habang naiwang mag isa sa mesa namin.

"T-THIS IS CRAZY!!" Sigaw ni Kenneth habang nakatakip ng panyo ang ilong at paulit ulet na umuubo.

"TANDAAN NIYO ANG PAG TAE AY TAWAG NG KALIKASAN!" para siyang raliyesta na ipinaglalaban ang karapatang umutot kahit saan.

"ULUL PAKYU KA! SO ANONG TAWAG DIYAN SA PAG UTOT MO MISSED CALL!?!" ganting sigaw ko habang sumasagap ng sariwang hangin sa bintana.

"BWAHAHAHAHA HAHAHA!"

"AHAHAHA HAHAHAHAHAHA!"

Nagsalitan sa malakas na tawanan ang mag pinsan sa sinabi ko kahit sukang suka na sila.

"Lumayas ka dito Andi! Maawa ka naman sa mga inosenteng kagaya namin! Sumuko ka na!" Sigaw ni Marlon na nagtatago sa likod ng mesa. Walang nagawa si Andres kundi lisanin ang pwesto namin at mabilis na umalis papunta sa pinakamalapit na comfort room.

"Kingenang yun mahihiya ang tear gas laban sa nakaka lasong utot niya." Habang nagpapagpag ako ng damit. Napangiwi ako dahil wala paring tigil sa pagtawa ang magpinsan malapit sa bintana.

"SMOKE BELCHING ang baklang balahura! May sumpa ang utot kumakapit sa uniform!" Nandidiring wika ni Marlon habang papalapit sa mesa namin kasama si Wesley.

"Kahit nga ata ang ipis hindi tatagal kapag makalanghap ang nakakalasong utot niya." Paglingon ko nakatingin si Kenneth sa akin at naniningkit ang mata kakatawa. Ang gwapo niya pala kapag ganun ang facial expression. Lakas niyang maka Jack Reid nampota! "Oh, ano may plano pa kayong sumabay kumain sa amin next time?" Natatawang biro ko sa kanya habang nag spray ako ng cologne sa sinalantang hangin.

"Hindi na nakakawalang gana.." natatawang sagot niya habang papalapit sakin. Si Wesley naman abala sa pakikipag usap kay Marlon sa mesa namin.

"Ang alin yung utot o yung kainin ko yung burger mo na nalaglag na kanina?" Hindi siya agad naka sagot at parang may bumura sa lalamunan niya dahil dalawang beses pa siyang lumunok bago muling nakapagsalita.

"Yung una.." Sinenyasan niya si Wesley sa kabilang mesa. "P-Pero mas na kyutan ako dun sa pangalawa.." kinurot niya ako sa pisngi at may bonus pang kindat bago umalis. Literal ako ng napanganga sa kawalan habang nakakapit ng mahigpit ang isang kamay ko sa mesa.

"See you around Lucky!" Tinapik ako sa balikat ni Wesley at mabilis na bumuntot sa pinsan niya.

'WTF?! Mukhang naparami ata ng nasinghot sa sinumpang utot si payatot kanina ah.'

To be continued...


next chapter
Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C32
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous