Télécharger l’application
82.53% Lucky Me / Chapter 52: LUCKY FIFTY TWO

Chapitre 52: LUCKY FIFTY TWO

CHAPTER 52

KENNETH'S POV

Pagkagaling ko sa lobby wala akong choice kundi ang bumalik sa suite namin ni Wesley. Habang naglalakad hindi ko mapigilang mapangiti kapag naalala ko ang napag usapan nila kanina sa lobby. Hindi man niya direktang sinabing may gusto siya sa akin pero para sa akin ganun narin ang dating nun.

Pero sa kabila ng sayang nararamdaman ko ngayon, may isang parte naman sa utak ko ang pilit nakikipagtalo sa katinuan ko.

'Ano naman ngayon kong nalaman mong may gusto siya sayo? Expected na yun dahil halos naman ng students sa Carlisle nagkakandarapa sayo. Si Lucky Gonzaga lang yan anong big deal dun? Babae ba siya para maging masaya ka ng ganiyan? Hindi ka ba nahihiya sa pinsan mong si Wesley kapag malaman niya ang bagay na ito?'

Kaya imbes maging payapa ang isip ko lalo lang tuloy akong nanlumo. Sigh.

Pagpasok ko ng room nakita ko si Wesley sa harap ng salamin habang naglalagay ng wax sa buhok niya.

"Maligo ka na may isang oras pa tayo bago magsimula ang competition." Naroon parin ang panlalamig sa tono ng boses niya. Salubong parin ang kilay at nakakunot ang noo niya.

"Thanks. Are you alright bro?" mahinang tanong ko.

'Stupid me, kailangan ko pa bang itanong kung okay siya sa mga nangyayari ngayon?'

"Not exactly but i have to. Lucky needs me right now." At nagbitaw siya ng malalim na buntong hininga. Hindi ko alam kong paano siya i-comfort o kung anong dapat kong sabihin sa pagkakataong ito to make his feeling better. Tapos dinagdagan ko pa ng pakikipagtalo kanina.

"I know. I'm really sorry bro." Matipid na sagot ko.

"S-Sorry for what?" umayos siya ng tayo at dumerechong tumingin sa akin.

"Me being an ass?" nag aalangang sagot ko sa kanya. "Mean and judgemental." I really feel bad sa naging sagutan namin kanina.

"Forget it, we don't know what really happened."

"But what if--what if something really happened to them, how are you gonna react?"

"How i'm gonna react? Of course i would be mad." Huminto siya sa ginagawa niya. "But what else could i do? Who am i to judge them?" napaupo siya sa kama at yumuko. Lumapit ako dahil hindi ko lubusang maunawaan ang sinasabi niya.

'Who am i to judge them? Anong bang pinagsasasabi niya? Nababaliw na ba siya? Akala ko ba nagkakamabutihan na sila ni Lucky?'

"I'm sorry bro, I don't quite follow what you're saying." Napaangat siya ng tingin sa sinabi ko.

"Them. Wala naman ako sa posisyon para magalit o magwala dahil lang sa may nangyari sa kanila." Pormal na sagot niya. Hinila ko ang upuan papaunta sa tapat niya.

"W-What? I don't get it. Diba kayo na ni Lucky?" hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at inalog alog siya baka sakaling maalog din ang utak niya.

"Are you trying to make me laugh cousin?" tumawa siya ng mahina tapos biglang malulungkot ang mukha.

'Jesus! Bigla akong kinabahan sa ikinikilos niya.'

"Wesley, for christ sake be serious bro. What is really happening to you?!" nag aalalang tanong ko sa kanya. Hindi ko alam kong dala lang ba to ng pagod, hang over kagabe o matinding drama namin kanina.

"Lucky and I are just friends." Mahinang sagot niya habang naka tulala.

"W-WHAT? Akala ko ba kayo na?"

"Na FRIENDZONE ako bro. Isn't ironic?" at tumawa siya ulit.

'SI WESLEY NA FRIENDZONE? YOU GOTTA BE KIDDING ME LUCKY GONZAGA!!'

Nakaramdam ako ng awa sa pinsan ko. Ito ang unang attempt niya na makipag relasyon pero epic fail pa.

'Masiyado siyang choosy, anong akala niya babae siya? Namumuro kana talaga Lucky Gonzaga, pinagmumukha mong tanga ang mga tao sa paligid mo.'

Uminit agad ang bumbunan ko maalala ko na naman yung nakita namin na magkasama sila sa suite ni sir Adam. Disgusting creatures!

"That's ridiculous!" mahinang usal ko. Nag angat lang siya ng tingin at nginitian ako.

"I know. I can't blame him.." matamlay na sagot niya.

'So mas pinili niya pa yung Adam na yun kesa sa pinsan ko. Iba ka talaga Lucky Gonzaga.'

"Dont worry i'll make sure na wala ng babalikang trabaho yang instructor niya pagbalik natin sa Carlsile." Hindi ko na siya inantay na sumagot mabilis kung dinampot ang towel na ipinatong ko sa kama at tumuloy na ako sa banyo.

Pagpasok k osa CR wala sa sariling binuksan ko ang faucet at ibinabad ang katawan ko sa ilalim ng shower. Maraming bagay ang tumatakbo at gumugulo sa isip ko ngayon. Hindi kaming dating ganito ng pinsan ko lahat ng bagay madali para sa aming dalawa pero simula ng dumating ka Lucky Gonzaga ginulo mo ang mga bagay na nasa ayos na.

"FUCK! FUCK! FUCK!" malakas na sigaw ko habang umiiwas sa tubig na lumalabas sa shower. Hindi ko napansing sobrang lamig pala ng tubig ang tumatama sa katawan ko simula pa kanina.

Nakalimutan kung pihitin ang handle ng hot cold water mixing valve kanina sa sobrag badtrip ko.

Matapos akong maligo mabilis na din akong nagbihis at nag ayos ng sarili. Si Wesley naman abala sa kausap sa cellphone niya habang nakahiga sa kama.

"I miss you. Kita na lang tayo sa baba." Naririnig kong sambit niya maya maya bigla siyang tumawa ng mahina.

'Tss, niloloko na nga nakuha pang makipag landian.'

"Kailangan nating mauna sa hall kailangan nating i-check yung sound system. Dun na lang daw tayo magkita kita." Bumangon siya sa kama at nilapitan ako tinitigan ako sa salamin.

"Are you okay bro?" seryosong tanong niya paglapit ko.

'Huh? Me? Di ba siya nga dapat ang tinatanong ko ng ganyan.'

"I'm alright, ikaw ang iniisip ko. Are you sure everythings okay with you?"

"Yeah, i think so."

"Wesley, kung may dinaramdam kang iba let stay here. I'll stay here and look after you."

"I'm alright, they need our support. Don't worry i'm bro wala akong nararamdamang iba kung meron i'll let you know."

"Do you really like him that much?" huminto ako sa pag aayos ng buhok ko. Tumango lang siya ng dahan dahan sa harap ng salamin at saka namulsa.

"You really don't have to worry about me bro. Lucky and I already talked about this last night and nothings gonna changed between us." Ngiting sagot niya.

'Nothings gonna changed my ass! Hindi ko pa rin talaga makapaniwala sa sinasabi niya.'

"Anong dahilan niya para hindi ka niya magustuhan? You got everything Wesley, nakukulangan pa ba siya sayo?"

"Sana nga ganun na lang yung problema." nakayukong sagot niya. Lalo lang akong naguguluhan sa kanya.

'Don't tell me this is something to do with his past? Hindi parin ba siya nakaka move dun sa ex niya? Tch!'

"Tss, you're too perfect for someone like Lucky Gonzaga."

"Funny but that's actually the problem." Napanganga ako sa sinabi niya. "That's scares him, that he's not good enough for someone like me."

Gusto kong tumawa ng malakas. Of course he's not good enough for someone like my cousin. Wesley is too much for him. He deserve someone better.. Pero bilib din ako kay Lucky dahil hindi niya din sinamantala yung pagkakataon na maging sila ng pinsan ko. Napaka rare ng chance yun para sa isang katulad niya na hindi naman babae pero nagustuhan ng pinsan ko.

"S-Seriously?"

"I know it sounds funny.." Napakamot siya ng ulo.

'Nakakatawa talaga. Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala.'

"Do you think he's just making excuses?"

"I don't think so, i believe everything he said. Ganun ko siya ka gusto."

"That's insane.."

"I'am. I thought i was good enough. The fact that i'm brave enough to admit that i like him."

"Tss, what do you expect Lucky is a complicated human being."

"I agree. Ang hirap niyang basahin." Napapailing na sambit niya habang natatawa.

'Yeah, i agree. There's more to him than meets the eye.'

"Hindi siya kawalan bro. Gwapo ka. Siya ang nawalan hindi ikaw." Nakangiting sagot ko.

"Naisip ko na yan."

"And?"

"Hindi ko kaya bro. Malaking kawalan siya para sakin."

"That's okay, it takes time bro, maybe you'll figure out something about it.."

"Thanks bro. Shall we go?" aya niya at inakbayan ko siya at sabay kaming lumabas ng suites.

Wala na kaming imikan pagdating namin sa loob ng elevator. Panay lang ang kalikot niya sa phone para mag reply kung sino mang ka text niya. Kahit naman di ko itanong alam ko na namang isang tao lang ang kinalolokohan niya.

"Good Morning sir." Masayang bati sa amin ng staff sa lobby paglabas namin ng elevator. Hindi siya pinansin ni Wesley kaya tumango na lang ako sa kanya.

"Sir excuse me." Dinig kong habol ng staff sa amin ni Wesley paglampas namin sa kanya. Unang huminto si Wesley at huminto ako sa tabi niya.

"Sir i believe sa kasama niyo po ito." May inabot siya kay Wesley at nakita ko ang kulay blue na wireless bluetooth earphone na hawak niya.

"Where did you get this?" Pormal na tanong ni Wesley.

"Nalaglag po yan kanina ng kaibigan niyo bago siya umakyat ng elevator kaninang mga 6AM sir." Maikling sagot niya habang nakatingin sa kamay ni Wesley.

"Sino po sa mga kaibigan namin?" Singit ko at napatingin sa akin yung staff.

"Yung blonde hair po, maganda, medyo payat at palagi pong nag jo-jogging every morning."

"Si Lucky? H-How did she drop this?" mabilis na tanong ni Wesley at bahagya itong lumapit sa staff.

"Kanina po kasi natapunan siya ng dala niyang cup ng strawberry taho malapit sa elevator area, nalaglag po ata niya nung tumalon talon siya kanina dahil sa sobrang init." Nagkatitigan kami ni Wesley.

"Natapunan siya ng taho kanina?" Hindi makapaniwalang tanong ni Wesley napahawak siya sa batok niya. Lumapit na ako sa kanilang dalawa.

"Yes sir, nandun po ako nung mangyari yun kanina. Actually dalawa po silang natapunan pati po yung guest na nakabangga sa kanya. Kaibigan niyo din po ata yun nakikita kung hindi po ako nagkakamali.."

"Lalake po ba?" si Wesley.

"O-Opo yung kamukha po ni Edward Cullen ng Twilight." Nahihiyang sagot niya sa amin. Nagkatinginan kami ni Wesley.

"Instructor po namin siya." Ngiting sagot ko.

"Ahh ganun po ba ser. Ang dinig ko po isasama nga po siya pabalik dun sa suite ng instructor niyo para magpalit ng damit dahil napuruhan po ata si ma'am."

"So that is what really happened kaya siya napunta sa suite ni Sir Adam." Mahinang bulong niya at mababakas sa mukha niya ang pagkabalisa.

Siguro yun din ang nakita ni MJ kanina kaya nalaman niyang magkasama silang dalawa sa room ni Sir Adam.

"Kawawa nga po si ma'am kasi mangiyak iyak na po siya sa sakit kanina."

"Thank you po sir kami na lang po ang magbabalik nito sa kanya." Tinapik ko sa balikat si Wesley na mukhang malalim parin ang iniisip.

Naiwan kaming nakatayo sa lobby ni Wesley. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya dahil hindi parin siya nagsasalita simula pa kanina. Ang nasisiguro ko lang sa sandaling ito pareho kami ng iniisip ng pinsan ko.

Nagulat ako ng biglang mag ring ang cellphone ni Wesley at agad niya itong sinagot.

"Hello? Oo nasa lobby na kami. See you there." At mabilis niyang ibinulsa ang cellphone niya.

"Nandun na ba sila Lucky?" mahinang tanong ko habang naglalakad.

"Oo, nauna na raw sila ni Ytchee." Wala sa sariling sagot niya.

"First things first Wesley." Dahan dahan siyang humarap siya sa akin. "Kung ano mang iniisip mo ngayon isantabi mo muna." Nagbitaw siya ng malalim na buntonghininga. Tumango lang siya ng makuha niya ang gustong kong sabihin. Nagtuloy tuloy kami sa paglalakad hanggang marating na namin ang pinto ng hall.

WESLEY'S POV

Lucky is still lucky. Atleast ngayon may lead na ako sa nangyari kanina. Na tama ang pagkaka kilala ko sa kanya na hindi siya kagaya ng iba. Inaamin kong nahirapan talaga ako mag isip ng matino ngayon, gusto kong magalit dahil sa sobrang selos kanina. Pero ng makita kong umiiyak siya parang tinutusok tusok ang dibdib ko sa sakit. Naniniwala ako sa kanya 100% yun. Mas naniniwala ako sa kanya kesa sa baliw na MJ na yun.

Ngayon kampante na akong wala ngang nangyari sa kanila ni Sir Adam. Gusto kong sugurin si MJ sa sobrang galit ng nararamdaman ko ngayon. Mabuti nalang kasama ko si Kenneth para kalmahin ako dahil kung hindi ko alam kung anong magagawa ko sa babaeng yun.

Aaminin ko nasasaktan parin sa naging desisyon ni Lucky na tanggihan ako. Kahit na pinipilit ko lang unawain ang lahat ng paliwanag niya. Hindi ko parin matanggap na tinanggihan ang isang Wesley Ongpauco ng isang Lucky Gonzaga. Unexpected at nakakatawa.

Pagpasok namin sa hall hinanap namin sila Lucky at Ytchee. Napansin kong naka set up narin ang mga band instruments na gagamitin ng mga kasali sa singing competition.

"Ongpauco!" malakas na sigaw ni Ytchee at halos sabay kaming napalingon ni Kenneth.

"Akala ko kasama mo si Lucky?"

"Kausap si Sir Adam, pinagpapa-planuhan yung ikalawang pagni-niig nila." Nagulat ako kaya pinandilatan ko siya.

'Itong hindi parin ako maka move on sa nakita namin kanina hindi madali para sa akin ang tumanggap ng biro lalo't may kinalaman sa kanila.'

"Joke lang! Seloso ka masiyado." Natatawang sagot niya saka ako nakahinga naman ng maluwag.

"Kahit kailan ang sarap mong kausap." Singit ni Kenneth at inambaan ng konyat si Ytchee.

"Sige Sige! Pagbubuhulin ko kayong mag pinsan." Mayabang na sagot niya habang umiilag.

Dumilim ang paningin ko ng may biglang may tumakip na kamay sa mga mata ko. Napangiti ako, gusto kong tumawa sa mga ganitong trip niya. Amoy pa lang niya alam ko na kung sino siya.

"L-Lucky?" natatawang hula ko.

"Mali, ako ang konsensiya mo." At bigla lumiwanag ulit ang paningin ko. "What's up?" nakangiting bungad niya sakin. Hindi ko napigilan ang sarili kong akbayan siya kaagad.

"I miss you." Mahinang bulong ko sa tenga niya saka siya tumawa at hinampas ako sa braso.

"Sauce! Mamaya na mag sweet sweetan kapag manalo na tayo!" pang aasar ni Ytchee sa amin. Kahit kailan basag trip to si Ytchee.

"Bro, yung earphone ibigay muna kay Lucky." Singit ni Kenneth at napalingon sa kanya si Lucky ng may halong pagtataka.

"Yeah, sorry i almost forgot. I believe this belongs to you?" abot ko sa kanya ng wireless bluetooth earphone niya.

"Saan mo 'to nakita? Kaninang umaga ko pa yan hinahanap eh." HiniPan hipan niya pa na akala mo naalikabukan.

"Inabot yan sa amin ng hotel staff kanina malapit sa elevator area." Maiksing kwento ni Kenneth at bigla siyang napasinghap sa naalala.

"Oh Maygad! Siguro nalaglag to nung nagtata-talon ako kanina." Lingon niya kay Ytchee.

"Malamang sa harot mong yan di malabong mangyarei yun!" singhal ni Ytchee kay Lucky.

"Ikaw kaya tapunan ko sa dibdib ng mainit na taho, keri mo?" ngiwing sagot niya rito.

"Lucky about what happened this morning.." mahinang tugon ko pero bago ko pa tapusin ang sasabihin ko naging blangko na ang mga mata niya.

"Can we just talk about it later? Gusto ko munang mag focus sa competition." Sagot niya habang nakatingin sa hawak niyang wireless earphone. Tiningnan ako ng makahulugan ni Kenneth at na gets ko naman ang gusto niyang sabihin.

"S-Sure. Ready ka na ba sa laban mo mamaya?" pag iiba ko ng usapan at tumango lang siya. "Are you nervous?" nag aalalang tanong ko at hinila ko siya papalapit sa katawan ko.

"Slight. Okay na ulit nakita na kita eh." Natatawang sagot niya.

"Ewan ko sayo. May kasalanan ka pa sa akin tandaan mo." Nagtatampong sagot ko. Hindi ko talaga mapigilang hindi isingit yung nangyari kagabe. Until now hindi ko parin matanggap na binasted ako ni Lucky. Huhuhu

"Nag sorry na ako kagabe diba? Maka arte akala mo naman pinilit ko siya." Singhal niya. Napanguso lang ako.

"Oo na hindi na pero huwag ka ng dumikit dikit dun kay Sir Adam nagseselos ako sa kanya eh." Mahinang bulong ko sa kanya at umikot lang yung mata niya.

"Wala ka talagang kupas Ongpauco. Tch!"

"Basta ayoko."

"Tigilan mo ko kapag ako matalo sa laban mamaya ihahagis ko ang katawan mo sa gitna ng Minesview Park kasama ni Mj." Inis na sagot niya. Narinig kong tumawa si Ytchee sa likod ni Lucky.

"Ang sama mo!"

"Sila Andi at Marlon parin ba tutugtog mamaya?" dinig kong tanong ni Kenneth kay Ytchee kaya napalingon kami sa kanila.

"Oo napag usapan na namin kanina." Sagot ni Ytchee kay Kenneth. Nag aalala ako para sa performance ni Lucky mamaya dahil sa nangyari kay Lucky at Andi kaninang umaga.

Isa isa ng nagdatingan ang mga schoolmates namin sa hall. Dumating narin si Andi at Marlon at lumapit sila sa table namin. Si Marlon lang ang tanging pumansin at nagbeso kay Lucky. Kapag naaalala ko yung ginawa ni Andi kay Lucky kanina hindi ko mapigilang sumama ang loob ko sa kanya. Siya pa naman ang inaasahan kong taong magtatanggol at kakampi sa kanya sa mga ganitong pagkakataon.

Nakakapanibago din dahil ang dating masaya at magulo nilang grupo bigla na lang nagbago sa isang iglap. Si Kenneth at Ytchee lang ang kumakausap sa dalawa samantalang nililibang ko na man si Lucky para hindi siya masiyadong malungkot.

"Lucky, do you still love your ex?" wala sa sariling tanong ko sa kanya habang hawak ko ang kamay niya sa ilalim ng mesa. Nag angat siya ng tingin at tinitigan ako.

"Yes." Pormal na sagot niya.

"Mukhang nag e-enjoy kang saktan ako ng pauilit ulit ah." Binitawan ko ang kamay niya at bumaling ng tingin sa iba.

"Yun lang ang bagay na bumabalanse sa aming dalawa. Dahil kapag hindi ko yun ginawa baka maibaun ko siya 6 feet below the ground dahil sa mga kasalanan niya." Nakangising sagot niya.

"W-Whoaa." Mahinang usal ko at natawa siya. Kahit kelan talaga ang war freak nitong kausap.

"Hindi mo ako masisi Wesley, siya ang first love ko. Malalim ang pinagsamahan naming dalawa Siya ang nag iisang taong ginawang posible ang impossible para sa akin." May halong lungkot na kwento niya.

"Kaya ko rin namang gawin ang mga bagay na ginawa niya." Mariing tugon ko sa kanya. Naging blangko ulit ang tingin niya sa akin.

"Ang alin?"

"Yung gawing posible ang imposible."

"Yun nga ang iniiwasan ko--"

"Ang pagbigyan ako?" inis na sagot ko.

"Ang masaktan ako.."

"L-Lucky hindi talaga kita maintindihan."

"So gusto mo ring ulitin ang lahat ng ginawa niya? Pinapatawa mo ko Ongpauco."

"Mag seryoso ka naman kasi." Naiinis na sagot ko.

"Seryoso ako. Ginawa niya ngang posible ang imposible pa ra sa akin noon." Napangisi siya ng sarkastiko. "Pero gumawa rin siya ng isang bagay na posible din, sa mga oras na inaakala kong imposible niyang gagawin habang kami pa." Nangilid ang luha sa magkabilang mga mata niya. Gusto kong malaman kung anong nangyari sa past niya pero nahihiya akong magtanong dahil ngayon pa lang na naaalala niya naiiyak na siya.

"Sorry na huwag ka na malungkot.."

"Wesley, we're better this way. Naging traumatic ang relationship experience ko with Jasper. We made a lot of mistakes, something that i'm not proud of." Napayukong sagot niya. Naramdaman ko ang lungkot sa boses niya at nakonsensiya ako bigla. Pinisil ko ang pisngi niya.

"Ayaw mo ba akong maging kaibigan?" nagulat ako sa naging tanong niya ng mag angat siya ng tingin.

"H-Hindi ano ka ba, hindi ganun yun."

'Pero siyempre mas gusto kong akin ka lang.' Sigh.

"Parang ayaw mo eh." Nanulis ang nguso niya. Ang cute cute niya kaya imbes magtampo ako napangiti ako bigla. Ano bang nakita ko sa kanya at bakit ganito ang tama ko sa kanya.

"G-Gusto siyempre pero mas gusto ko yung mas level up."

"Naayy.." ngiwing pang aasar niya. Ngitinitian niya ako ng may halong malisya.

"Hindi yun ang ibig kong sabihin baliw." Hinampas ko siya ng mahina at tumawa siya. "Siyempre gusto kitang makasama halimbawa manuod ng sine, mamasyal yung mga usual na ginagawa ng magka relasiyon." Maiksing paliwanag ko sa kanya.

"Bakit pwede naman nating gawin yun kahit hindi naman tayo ahh."

"T-Talaga?" Ako naman ang may malisyang ngumiti sa kanya. Gusto kong tumawa dahil sa dumi ng iniisip ko.

"Oo naman. Kahit yang iniisip mo gusto gawin din natin." Seryosong sagot niya. Hindi ko alam kong nabasa niya ang iniisip ko at nahiya ako bigla.

"Kahit kailan ang galing galing mong mang asar."

"Dami mo kasing ini-imagine eh." Pang aasar niya.

"Wala akong ini-imagine. Imbento ka!" singhal ko sa kanya.

"Sigurado ka wala?"

"Oo nga, huwag ka ngang makulit." naiinis na ako sa ginagawa niya.

"Okay fine, papayag na sana ako eh... kaso sabi mo naman wala." Saka bumaling sa cellphone niya.

Gusto ko siyang kutusan sa pang ti-trip niya. Minsan ang hirap basahin ng iniisip niya, hindi ko alam kung kelan siya seryoso o kung nagbibiro lang siya.

"Hindi ka na nakakatuwa Gonzaga."

"Nakaka ano lang?" pang aasar niya. Hinila ko siya at bigla siyang yumuko sa lap ko at hinampas hampas ko siya ng mahina sa likod at balikat habang tawa siya ng tawa.

Nahagip ng mata ko ang biglang pagtayo ni Andi at iniwan kaming apat sa mesa.

'Wala akong paki kung galit siya, hindi ako natutuwa sa pananampal niya kay Lucky. Galit na galit siya sa pananakit ni Amber at MJ sa kanila noon pero anong pinagkaiba niya sa kanila ngayon?'

After a while..

"Lucky, get ready. Nagtext si Marlon nasa backstage na daw yung ibang contestants." Singit ni Ytchee. Tumayo si Lucky at inayos ang bag na dala niya.

"Sasamahan paba kita?" tumayo ako at nakita kong natawa si Kenneth.

"Bakit kakanta ka rin ba?" natatawang singit ni Kenneth. Nakakainis pero napahiya ako dun onti.

"Manuod ka na lang dito. Kapag hindi ko marinig yung palakpak niyo ni Kenneth lagot kayo sa akin!" banta niya. Sinamaan niya ng tingin si Kenneth dahil umikot ang mata nito.

"Papalakpak lang ako sa taong gusto ko." Walang emosyong sagot ni Kenneth sa kanya. Napangiwi naman si Ytchee.

"Eh di papalakpakan mo pala ako?" pang aasar ni Lucky sa pinsan ko.

'Wait,ibig sabihin may gusto si Kenneth kay Lucky? No way!'

"Sabi ko sa taong gusto ko." Paglilinaw na ni Kenneth. Nagkibit balikat lang si Lucky at naglakad huminto siya sa harap ni Kenneth saka ulit naglakad papalayo.

LUCKY'S POV

"PAAK!" isang solid na sampal ang binitawan ni Andi sa pisngi ni Mj. "Para yan sa husay mong tumahi ng mga kwento." Mabilis na lumihis ang kamay ni Mj para sampalin din si Andi pero mabilis ding nahawakan ang kamay niya.

Napanganga lang ako sa nasaksihan ko. Hindi ako lubusang pumasok sa loob, gusto kong malaman kung anong nangyayari bago ako pumasok sa loob.

"PAAKK!" isa pang malakas na sampal ni Andi sa kabilang pisngi ni Mj. "Para yan sa kaibigan kong nasampal ko dahil sa mga paninira mo." Galit na galit ang itsura ni Andi.

Sa laki at lakas niya wala talagang magagawa si Mj kundi tanggapin lang ito. Kahit ang dalawang Gasul Girls na si Jhorica at Karen walang magawa para tulungan si Mj.

"Ses, tama na yan." hila ni Marlon sa braso ni Andi. Pumalag si Andi at umangat muli ang kamay.

"PAAAKK! Para yan sa ginawa mong pag corner sa amin ni Marlon sa harap ng Admin Building, naaalala mo pa?" ngising sambit ni Andi.

'Hinirang sila ng grupo ni Mj sa Admin Building? Kailan yun bakit hindi ko alam?'

Nakakatakot ang itsura ni Andi dahil mukha siyang lider ng gangster na namimigay ng parusa. Alam ko kung gaano kalakas at kasakit ang sampal na iyon dahil na experience ko na kung gaano kasakit yun. Malamang sa alamang manhid na ang mukha ni Mj sa tatlong solid na sampal na yun. Nakaka awa ang itsura niya. But she deserved it.

"Sa susunod na gagawa ka ng kwento, ibidyo mo beh. Yung kapani paniwala ang ebidins hindi yung puro ka kwento."

"Bakit naniwala ka naman diba, so its means effective ang kwento ko."

"Aaminin ko medyo nadala ako sa drama mo. Pero anong feeling kapag nabubuking ka sa katarantaduhan mo? Mapait din ba kasing bitter mo? Kamusta din pla ang paghahabol mo kay Sir Adam naka finish line ka ba?" Nanlaki ang mata ni Mj may halong pagtataka. Hindi niya siguro inaasahang sasabihin yun ni Andi sa kanya. Pero mabilis din siyang nakabawi.

"Wala kang alam sa nararamdaman ko, kaya wala kang karapatang mag komento."

"Hindi rin naman ako interesado sa outcome ng Horror Story mo. Sorry my mistake, "Love Story" mo." Puno ng sarkastikong sagot ni Andi.

Pati ako nagtataka, bakit parang may alam si Andi na ganung eksena eh hindi naman namin sila nakakasama. Nakita kong nakangiti si Marlon. Ngayon alam ko na, siguro na chuchu na sa kanila ng friends ni Marlon na mga chikadora.

"You know nothing faggot!" sigaw niya kay Andi.

"Ow? And now you do? Nakakahiya ka Mj, na buking kana lahat lahat nakuha mo pa ring gumawa ng bagong kwento sa harap nila Sir Carlisle. Taas ng pangarap mo beh. Anong feeling pagbagsak mo?"

"Tandaan mo gagawin ko ang lahat ng paninirang alam ko hanggat hindi kayo umaalis sa Carlisle." Mariing bant ani Mj.

"Sumusweldo ka ba diyan sa paninira mo ng tao? May quota ka ba per day? Baka gusto mamigay ng balato?" pang asar ni Andi. Hindi nakapag salit asi Mj. Kahit sa ganitong pagkakataon nakuha niya paring magbiro kahit gaano pa ka seryoso ang sitwasiyon.

"Self satisfaction ang tawag doon. Kapag nakikita kong nahihirapan ang kalaban ko lumalakas ako." Para silang nasa isang eksena sa pelikula kung magbatuhan ng linya. Walang gustong magpatalo. Isang matabang negro at isang psycho na negra.

"Well, i hope na satisfied ka sa mga sampal ko. Warm up pa lang yun." Pinatunog niya ang dalawang kamay niya humakbang ng isa kaya biglang napaatras si Mj.

'Tama yan matuto kang matakot kahit minsan, hindi yung lahat ng tao kinakaya kaya mo.'

Kinakabahan lang ako dahil si Mj hindi lang basta kontrabida. Siya yung tipong hindi sumusuko at napaka maldita. Ginagawa niya ang lahat ng sinasabi niya. Wala siyang pakialam kung makapanakit siya. Spoiled brat.

"Magbabayad ka sa ginawa mo bakla." Nagtalsikan ang laway ni Mj sa lakas ng sigaw niya. Mabuti na lang naharang ni Andi ang dalawang kamay niya.

Nanginginig ang mga kamay at nag uunahang tumulo ang mga luha niya. Para siyang batang walang kalaban laban sa nambu-bully sa kanya.

'Now you know how it felt to be bullied.'

"Magbabayad? Hoy, Negra kung pag sasama samahin ko ang mga kasalanan mo "ABUNADO" ka pa Inday! At tigil tigilan mo yang pananakot mo dahil matagal na akong takot." Duro ni Andi sa noo ni Mj at itinulak ito ng mahina. Naalala ko bigla ng gawin niya yun sa akin sa loob ng suite ni Sir Adam.

"Masiyado kang matapang Andres. Alam mo bang lahat ng matatapang may pinaglalagyan?" makahulugang tanong ni Mj.

"Well, nakakahiya naman sa katukayo kong si Gat Andres Bonifacio kung siya matapang tapos ako hindi."

"True, pero alam mo naman kung anong kinahantungan ni Gat Andres Bonifacio dahil sa katapangan niya diba?" natigilan si Andi dahil sa sinabi niya. Sa itsura niya mukhang hindi siya natuwa sa sinabi ni Mj. Dahil kung iintindihin mong mabuti ang may double meaning ang sinabi niya.

"Nakakasawa na ang mga pagbabanta mo Negra, paulit ulit nakaka bobo." Seryosong tugon ni Andi.

"Wag kang mag sawa bakla, dahil marami pang kasunod yan, masu-surpresa ka." Ma angas na tugon nito. Bumalik ang pagiging mayabang at feeling bitchy niya.

"Siguraduhin mong masu-surpresa ako. Dahil kapag tinupak ako kahit yang bagang mo hindi makakaligtas sa galit ko." Mas maangas na sagot ni Andi.

"Don't worry hindi ka madidismaya sa inihanda ko promise." Tumagilid pa ang ulo ni Mj na parang pinag aarlan ang mukha ni Andi. Kinabahan ako sa ginawa niya, sa tono kasi ng pananalita niya alam kong seryoso siya.

"Aasahan ko yan. At i-stapler mo rin diyan sa maliit na utak mo." Lumapit si Andi sa harap ni Mj. "Kapag may kinanti ka pa sa isa sa mga kaibigan ko, kahit yang kaluluwa mo hindi tatanggapin sa impyerno." at itinulak niya ito ng malakas. Mabuti nalang at nasalo ito ng dalawang Gasul Girls.

"Noted." Hirap man dahan dahan itong tumayo ng alalayan siya ng mga kasama niya. "Huwag kang masiyadong kampante bakla dahil specialty ko ang magmimigay ng surpresa." Pinagpag niya ang suot at inayos ang sarili.

"What ever negra. Just stay the hell out of my way dahil nangangati na naman tong palad ko, hinahanap ata yang pagmumukha mo."

Saka lang ako lumabas sa pinagtataguan ko.

"Tss. What ever DUMBO!" saka siya mayabang na umalis ngunit ng makita ako huminto siya tapat ko.

Napalingon sa amin sina Andi at Marlon sa kinatatayuan ko bakas sa mga itsura nila ang pagkagulat sa presensiya ko.

"Mauubos din ang swerte mo Gonzaga." Mayabang sambit niya.

"Mauunang maubos ang bulbol mo Mj bago ang swerte ko." Ngiting sagot ko. Mayabang siyang naglakad at bahagya akong binangga sa balikat. Aligaga namang sumunod yung dalawang Gasul Girls.

"L-Lucky?" mahinang tawag ni Andi sa pangalan ko habang papalapit ako sa kanila.

"H-Hi?" mahinang sagot ko at kinawayan siya.

Kung kanina ang tapang tapang niya sa harap ni Mj ngayon biglang nagbago ang aura niya. Para siyang natatae dahil namimilipit siya ng konti na parang nangangati na ewan ang katawan niya. Ngumiti ako sa kanilang dalawa.

Mabilis na lumapit si Andi at mahigpit akong niyakap.

Walang salitang binitawan, hagulhol lang niya ang naririnig ko habang yakap yakap ko siya.

"S-Shhh- Tahan na." Hinimas himas ko ang likod niya pero lalo lang siyang umiyak ng malakas. Pagtingin ko kay Marlon umiiyak na rin siya at yumakap din siya sa aming dalawa. Hindi ko alam kong gaano kami katagal sa ganong eksena.

"Tama na baka yung matuluan mo niyo ng sipon yung jacket ko, kadiri!" natatawang biro ko at bumitaw na silang dalawa at tumawa.

"Inday, mapapatawad mo pa ba ako?" humihikbing wika ni Andi.

"May choice pa ba ako?" ngiting sagot ko.

"W-Wala na." At napa singhot siya. Inabot ko ang panyo ko sa kanya.

" Masiyado ka kasing madrama. Bawas bawasan mo na nga panunuod ng mga telenovela Andres!' singhal ko at natawa siya.

"Malabo Inday, yan lang ang nagpapaiyak, nagpapasaya at nagpapakilig sa akin araw araw ipagkakait mo pa?" nakangusong sagot niya.

"Uyy, bati na sila!" panunukso ni Marlon sa amin.

"Magsitigil ka!" pagtataray ni Andi.

"Linya ko yan 'day!" si Marlon.

"Gusto mong umanib sa grupo ni Mj, Marlon?" namewang pa si Andi sa harap niya.

"Ay, ang ganda mo sa part na yan Ses." Ngiwing sagot ni Marlon. Humarap ulit siya sa akin. Hinawakan ako sa kamay at bahagyang yumuko.

"Inday, Patawarin mo ako dahil hinusgahan ko ang pagkatao mo dahil sa mga nakita ko. Patawad dahil mas naniwala ako sa ibang tao kesa sa kaibigan ko. Patawad dahil--"

"You're forgiven Andi." Nakangiting sagot ko.

"Agad agad? Walang bulyaw? Sampal? Sumbat?" gulat na tanong niya.

"Don't worry pag nasa mood na ako gagawin ko lahat ng sinasabi mo paalala mo lang sa akin."

"Seryoso ako handa akong tanggapin ang lahat makabawi lang ako sayo."

"Hindi mo kailangan gawin yun dahil magkaibigan naman tayo." Mahinahong sagot ko.

"Lucky bakit mo ba ginagawa to? Hindi matatahimik ang kaluluwa ko nito." Nakasimangot na pamimilit niya sa gusto.

"Hindi ko rin alam Andi, Pero naalala ko ang sinabi ni Nanay sa akin noon. Ang taong marunong magpatawad at humingi ng kapatawaran ay isang katangian ng isang malakas at matapang na tao."

"S-Sa tingin mo malakas at matapang ako?" naluluhang sagot niya. Tumango ako ng dahan dahan.

"Kung wala kang kakayahang magpatawad. Wala ka rin karapatang magkamali. Hindi ako perpektong tao Andi, at hindi rin ako takot magkamali dahil sa mga maling bagay nagagawa ko dun lang din ako natututo."

"Sorry Lucky. Hindi ko intensiyong husgahan ka pero ginawa ko parin. Aminado ako na nadala ako ng emosiyon ko. Aaminin ko rin sayong na iinggit ako kaya ako nagka ganito." Naiiyak na kwento niya.

"Its human nature Andi, lalo na sa ating mga beki we're judgemental by nature. Natural na sa ating mga bakla yun idinadaan nga lang natin minsan sa biro. Pare pareho lang tayo wala tayong pinag kaiba."

"Alam ko pero lumampas ako sa boundary Inday, its unforgivable."

"Kapag lumampas ka pwede ka namang bumalik, then its forgivable." Ngiting sagot ko.

"Sorry na kahit paulit ulit." Ngusong sagot niya ta yumakap sa akin.

"Tss, ang mahalaga sa bawat pagkakamali natin may natututunan ka Andi." Hinimas himas ko ang malapad na likod niya.

"Lesson learned. Salamat binigyan mo pa rin ako ng chance, napakabuti mong tao Inday." Yumakap ulit siya.

"Oo pero may isa pa pala akong concern. Anong pinag gagawa mo kay Lucrecia Kasilag kanina?" bigla siyang humiwalay sa pagkaka akap sa akin.

"W-Wala, nag usap lang kami kanina diba Marlon?" May tinatago tong dalawa sa akin eh.

"Hoy, Andres bakla ako pero hindi ako bulag. Nakita at narinig ko ang lahat ng eksena niyo ni Mj kanina." Tinaasan ko siya ng kilay. Nag aalala kasi ako sa bagong gulo pinapasok niya. Hindi pa nga tapos yung gulong iniwan namin sa Carlisle ngayon may dumagdag pang isa.

"Nakita mo lahat yung eksena kanina?"

"Hindi yung high lights lang." Medyo napangiti ako pero nag seryoso din ako agad.

"Yung left and right na jumpalan at maiinit na batuhan ng linya?" si Marlon.

"Oo 'day, pang FAMAS." Hindi ko mapigilang matawa.

"Ayy, true Inday, ang payat payat ni Andi sa part na yun kanina." Pang e-echos ni Marlon.

"Tseh! Tigilan niyo ako bakit mo ginawa sa kanya yun kanina? Are you insane?" sigaw ko sa kanila.

"Kulang pa yun ginawa ko kanina, Lucky. Muntik na niyang sirain ang pag kakaibigan nating dalawa dahil sa kagagahan at paninira niya." Nangilid na naman ang luha sa mga mata niya.

"Its okay Andi. Hindi ang kagaya ni Mj ang sisira sa friendship natin. Lalaki pwede pa pero si Mj, no way!" maarteng sagot ko.

"Simula ngayon lalaban na ako sa kanila. Hindi na ako matatakot sa kanila."

"Andi, hindi ordinaryong kalaban si Mj at Amber." Nag aalalang sagot ni Marlon.

"Alam ko Marlon hindi ako tanga. Malakas lang naman loob nila dahil marami sila. Nakita mo naman mahina siya. Lumalakas lang siya sa tuwing may kasama siyang iba."

"Marumi lumaban ang grupo nila. Hindi sila patas sa lahat ng bagay. Pera at kapangyarihan lang ang ginagamit nila ses."

"Pera, Oo pero kapangyarihan? Huh, nagpapatawa siya. Nasa akin ang pitong Dragon Balls ni Shenron kaya magtago na siya."

"Ulol, malamang sa gutom mo nakain muna." Singit ko.

"Ang hard mo seshie." Iling na sagot niya.

"Andi, sa totoo lang natatakot ako. Ngayon tayo na mismo ang nagbukas ng Pandora's box."

"Normal na emosiyon ang takot. Ang hindi normal Marlon yung pagiging duwag kahit kaya mo namang lumaban." Desididong sagot ni Andi at pinahanga niya ako sa sinabi niya.

"Don't worry Marlon, sa naranasan niyang sampal kanina sana maalog yung utak niya at magising siya sa katotohanan." singit ko.

"Mas malakas yung sampal ko sa kanya kesa sa sampal ko sayo kaninang umaga." Mahinang bulong niya at nanlaki ang mga mata. Siraulo pinaalala pa. Pakiramdam ko uminit yung pisngi kong sinampal niya.

"Oh, tama na ang drama dahil nagtext si Ytchee manlilibre daw si Ongpauco kapag manalo ang dyowa niya." Singit ni Marlon sa pag e-emote namin ni Andi.

"Kayo na ni Wesley?" gulat na tanong ni Andi.

"Nagpapaniwala ka diyan kay Marlon." Kinapa ko yung phone ko sa bulsa dahil kanina pa nag ba-vibrate sa bulsa ko. Nang nabasa ko napakamot ako sa ulo.

"Tara na nag aantay na yung tatlo, nagugutom narin ako!" yaya ko sa kanila.

"Lucky sagutin mo muna yung tanong ko." hila sa akin ni Andi at si Marlon naman inaantay din ang sagot ko.

"Anong tanong?" pa inosenteng sagot ko.

"Kung mag dyowa na kayo?" si Marlon.

"Nino?"maang maangan ko. Naningkit ang mata nila at sabay silang lumapit sa akin.

"HINDI! MGA ABNORMAL KAYO PAREHO!" sigaw ko sa kanila bago pa sila makalapit.

"Hindi daw, NAKUNAKUNAKUNAKUNAKUH!! pang aasar ni Marlon.

"FRIENDS nga lang kami Marlon kaya may chance ka pa. Ano okay na? Happy na? Pwede na tayo kumaen?" sarkastikong tanong ko sa kanila pero parang di sila kuntento.

"Anong pinag usapan niyo kagabe? Bakit siya nag walk out?" si Andi na ayaw paring sumuko.

"Okay fine. Pinag usapan namin ang nararamdaman namin para sa isa't isa. Konting emote. Konting kembot. Tapos." Nag cross arms ako. Sigh.

"And?" sabay na sagot nila.

"Pinaliwanag ko sa kanya kung bakit yun ang naging sagot ko sa tanong niya kagabe." Lumunok ako dahil pakiramdam ko tuyong tuyo na ang lalamunan ko.

"Bakit ba yun ang isinagot mo?" si Andi.

"Dahil yun ang nasa isip ko.." mahinang tugon ko.

"Inday, si Wesley Ongpauco yun. Hindi ka ba kinabag sa isinagot mo?" si Marlon na hindi kumukurap at titig na titig sa akin.

"Ayokong magsinungaling sa nararamdaman ko."

"Listsi ka! Inday si Wesley yun. Maygad! Tingin pa lang nun matatastas na panty ko." Si Marlon.

"Tapos kapag ngumiti na siya, putragis, PA ADMIT KANA SA OSPITAL!" si Andi na halos makipag yakapan na kay Andi.

Oo, aaminin ko gwapo naman talaga si Wesley. Siksik liglig nag uumapaw. Hindi sa nag iinarte o nagpa pabebe ako pero may trauma na ako sa mga kagaya niya. Hindi ang kagaya niyang perpekto ang babagay sa katulad kong tira tira.

"So, anong gusto niyong isagot ko sa kanya?"

"Yung totoong nararamdam mo." sabay nilang sagot at kumurap kurap ang mga mata na parang mga timang.

"Sinabi ko naman yung tunay na nararamdaman ko."

"I doubt it. Kasi kagabe ang pagbalik niyo ang sweet sweet niyo na. Inisip nga namin kayo na ayaw niyo lang aminin." si Marlon.

"Dahil nangako kaming walang magbabago sa turingan naming dalawa. Same old. Same old." Saka ako ngumiti sa kanila.

"NA FRIENDZONE SIYA?" magkasabay at hindi makapaniwalang sambit nila.

"Yun din sinabi niya kagabe. Friendzone ba yun?" pa ignoranteng sagot ko.

"Ang ganda ganda mo sa part na yan Inday!" nanggigigil na sambit ni Marlon at kinurot ako sa pisngi

"Kung mag tsusi to, kala mo susuhan, balakangin at pahalang ang kepay!" panlalait ni Andi.

"Wala akong makitang dahilan para i-turn down mo ng ganun ang offer niya Lucky. Single ka. Single siya." Ayaw pa ring sumuko ni Marlon.

"Well, ako meron." Walang emosiyong sagot ko. "Gusto ko si Wesley, Oo. Gustong gusto ko." Naiinis na sambit ko.

"YUN NAMAN PALA. EH ANONG INAARTE MO." Chrous na sagot nila.

"Natatakot ako."

"Hindi mo pa sinusubukan pero natatakot ka na? Diba may kasabihan nga "Take every chance. Drop every fear." Ganern!

"He's more than that, not just a chance."

"Anong ikinakatakot mo?"

"Lahat. Lahat lahat. Lahat ng pwedeng mangyari. Cycle lang yan." Mukhang nakuha naman nila ang ibig kong sabihin.

"Tayong mga bakla bongga tayong magmahal. Isang bagsakan, pakyawan kumbaga. We cared and focused a lot to that someone without knowing we became emotionally invested to them. At para sa akin hindi healthy yun."

"Kyokot naman, buti na lang hindi ako naging kasing ganda mo Inday." Ngiwing sagot ni Andi.

"Hindi naman sa tinatakot ko kayo siyempre, yun kasi ang pinagdaanan ko. Nasa inyo naman yun kung papaano niyo iha-handle ang relationship niyo. Just saying lang naman, okay?"

"So, legwak na si Ongpauco?" si Marlon.

"Let just say, mas pinili ko yung "KAIBIGAN" kesa sa KA-IBIGAN" gets niyo?"

"Sabagay Inday, mas magtatagal nga naman relasiyon niyo kung magiging makaibigan lang kayo kesa magka-ibigan." Sang ayon ni Andi.

"Sinayang mo lang yang ganda mo. Akin na lang?" natatawang biro ni Marlon at niyakap ako.

"Ang totoo? Hindi rin ako masaya sa naging desisyon ko. Pero mas mas makatotohan to kesa sa shortime na kaligayahan."

"Ang arte arte mo na Luis Manzano!" kinurot din ako ni Andi at yumakap din sa akin. Na miss ko yung tawag niyang Luis Manzano.

'Nalilito na ako sa mga baklang to. Ses,seshie, Inday, Luis Manzano. Baka bukas Erap o Digong na itawag sakin ng mga to. Buset!'

"Okay na? Kakanta pa ako, kapag ako matalo mamaya babayaran niyo ako ng 40 kwit!" Pinandilatan ko sila at saka ako nag walk out.

To be continued...


next chapter
Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C52
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous