Télécharger l’application
29.89% Love Connection [Tagalog] / Chapter 29: CHAPTER 24 – Doorbell

Chapitre 29: CHAPTER 24 – Doorbell

V2. CHAPTER 7 – Doorbell

ALDRED'S POV

I was really happy when I heard her say that. Imbes na sumalok ako ng tubig sa timba ay nahampas ko tuloy yung tabo.

Nasa loob ako ng banyo at kahit na mahina ay di nakaligtas iyon sa aking pandinig. Sanay na akong masabihan ng cute pero iba pala sa pakiramdam kapag kay Arianne nanggaling. Sa tingin ko nga, kapag sa kaniya lahat nanggaling, no matter how small the compliment is ay magtatatalon-talon ka agad 'tong puso ko sa saya.

Paglabas ko ng banyo ay ang mukha ni Arianne ang una kong nakita. Biglang nag-stiffen ang katawan ko pero pinanatili kong cool ang aking aura. Inborn na cool akong tao pero ngayon ko lang ninais na maging cool at astig sa harap ng isang tao kaya't noong utusan ako ni Mama na ilibot si Arianne sa village ay iyon ang naisip kong pagkakataon para i-showcase ang kagwapuhan at kaastigan ko sa kaniya.

Kasama ang aso naming si Cheeky ay inilibot ko si Arianne sa buong village. Sa mini bookstore, sa cafe, barangay's office, kina Mang Taning, etc. Mababait ang mga tao dito kumpara sa village na nauna naming nitirhan. Kahit na hindi ako sociable na tao ay ayos... ayos na ayos sa akin ang pinagawa ni Mama.

Habang naglalakad ay palihim ako kung sumulyap kay Arianne. Napapangiti nga ako sa aking sarili dahil sa ginagawa ko. Mukha kasi akong tanga. I never thought that simple things like this would bring so much bliss to me.

Kung natanong mo ako noon kung ano para sa akin ang kahulugan ng love ay baka sinagot kita na isa itong OA na virus. Kailangang sugpuin at i-quarantine ka agad ang sinumang ma-diagnose para maiwasan ang pagkalat ng kadramahan at kabebehan ng nakadarama nito. Pero ngayon, habang ako na ang nakaka-experience ay unti-unti ng nagbabago ang aking pananaw.

Admiration, infatuation, love... It's true, I don't know their differences; I don't know their real meanings but who cares? Do I really need to know? Kapag inisip mo naman, iisa lang yung punto ng tatlo—may isang tao kang pinapahalagahan... Nainsulto ako sa sinabi ni Arianne. Hindi ko akalain na ganoon ang tingin niya sa akin. Ang babaw ko ba talaga? First time ko, immature ako pero hindi ako engot.

I'm still young and I never imagined myself to be with someone—not until I know her.  I badly want to be with her at iyon ang sinisigaw ng puso ko. Hindi ba sapat na pagkatiwalaan ang puso?

Matatanggap ko naman kung di na siya nagpasikot-sikot pa at i-basted na lang ako ka agad pero hindi e, para bang sinasabi niya na sinungaling 'tong puso ko. Ang cold niya. Ang sakit dahil parang ibig sabihin ng lahat ng sinabi niya ay di niya kailanman ni-recognize yung pagmamahal ko.

"I meant what I did that day—yung kiss!" giit ko kay Arianne.

I step out of our house believing that the sun will shine on me but here I am running and crying. Ngayon lang ako nasaktan ng ganito. Nangigigil ako, nagagalit ako sa kaniya. I wanted to rain right now. Gusto kong magpakabasa sa ulan at magpaka-emo, maybe at least, if she saw my pitiful situation then she will realize how I badly need her love to rain on me.

NO ONE'S POV

Napabalikwas si Monique nang utusan siya ng kaniyang ina na pagbuksan ang gate. Galing sa paglalaro ay tamad na tamad siyang tumungo sa labas. Sumigla lamang siya nang makita niya kung sino ang pumindot ng doorbell ng Cuzon residences.

Agad pinagbuksan ni Monique si Pristine.

"Oh, Pristine iha, wala pa si Arianne pero maya-maya nandito na 'yon," sabi ni Cecil nang makita si Pristine na papasok ng bahay, "Maupo ka na muna sa sofa a papadalhan kita ng makakain."

Kumuha si Monique ng cookies at inumin sa may kusina saka inilagay ito sa may table sa sala. Excited siyang naupo sa tapat ni Pristine at ngiting-ngiti na nakatingin sa kanilang bisita. Napansin naman iyon ni Pristine kaya sinuklian niya si Monique ng ngiti.

"Salamat," saad ni Pristine bago nagtanong kung nasaan nga ba si Arianne.

"Gusto ko kasing maging pamilyar siya rito sa village kaya pinasamahan ko kay Aldred na maglibot," tugon ni Cecil na ikinagulat ni Pristine. Agad nagdilim ang kaniyang mukha pero agad din niyang kinalma ang sarili.

Umupo si Cecil sa tabi ng anak, "Mag-isa ka lang ba na pumunta dito?" Tanong niya na positibong tinugunan ni Pristine.

Kalmado at nakangiti si Pristine kung makipag-usap pero sa loob-loob niya ay naghihimutok na ang kaniyang damdamin. Hindi rin mapakali ang utak niya sa pagiisip na mag-isa lamang si Arianne na kasama ang lalaking freak niya kung maituring.

Iniwan muna ni Cecil si Monique at Pristine sa may sala upang balikan ang kaniyang niluluto. Nang maiwan ang dalawa ay sinimulan ng kausapim ni Monique si Pristine at tanungin ito tungkol sa sinabi ng kaniyang kuya.

"Ate Pristine nasabi sa akin ng kuya na magpinsan daw kayo ni Ate Natalie Reinhardt?" Patanong na sabi ni Monique. Nakangiti namang tumugon si Pristine.

"Kaya pala noong pagkakita ko sa iyo naisip ko kagad na may kamukha ka."

Namilog ang mga mata ni Pristine sa narinig. Tila ba nagulat siya sa ipinahayag ni Monique. Ngumiti siya bago abutin ang baso ng apple juice. Uminom siya at pagkatapos ay inilapag sa mesa ang lalagyan. Nakangiti niyang tinanong si Monique.

"Close ba kayo ni Natalie?"

"Oo, close na close! Sa lahat ng models sa agency siya saka si Ate Candice yung mga ka-close ko."

"Wow, magkakilala rin kayo ni Candice Molina? Nice. Gandang-ganda ako sa kaniya, I'm a fan of her," saad ni Pristine.

Sinubukan ni Pristine na i-divert sa iba ang usapan pero hindi na pala kailangan. Natigil kasi ang pag-uusap nila ni Monique nang mag-air na ang favorite cartoon show nito.

Nakatingin si Pristine sa tv ngunit hindi siya nanunuod. Malayo ang iniisip niya.

Napatitig siya kay Monique bago sa orasan at sa pinto. Nagdilim ang aura niya, gusto na niyang tumayo at hanapin si Arianne. Nag-aalala siya hanggang sa mapalitan ng pagkagulat ang kaniyang ekspresyon nang biglang pumasok si Aldred sa bahay at nagmamadaling tumakbo sa second floor patungo sa kwarto nito.

Napapunta si Cecil ng sala galing kusina noong makarinig ng kalabog mula sa second floor, "Sino 'yon?" gulat niyang tinanong si Monique pero hindi ito ka agad nakasagot. Katulad ng kaniyang ina ay namangha rin si Monique. Nakanganga siya't nakatuon ang atensyon sa pinto ng silid ng kaniyang kuya.

"Si Kuya po Ma."

Agad na umakyat si Cecil kasunod si Monique sa second floor saka kumatok sa pinto ni Aldred. Pinihit nila ang door knob pero naka-lock ito.

"Natatae po ako Ma!" Iritableng sagot ni Aldred. Napalingon si Cecil sa kaniyang anak na si Monique.

"Si Arianne nandyan na ba? Si Cheeky dala ba ni Aldred?"

Mabilis na umiling si Monique.

Sa 1st floor ay nakikiramdam si Pristine. Nakatitig siya sa hagdan at malalim na nagiisip. Bumaba si Cecil at Monique saka tumungo kay Pristine. Nagtanong si Pristine ukol kay Aldred. Wala naman maisagot ang mag-ina kaya minabuti na lamang nila na maghintay.

Pagkapasok ng silid ay agad na humiga si Aldred sa kaniyang kama sabay nagtalukbong. Isinalpak niya ang kaniyang mukha sa unan at doon humagulgol hanggang sa siya'y humikbi na ng humikbi. Kumatok ang kaniyang ina ngunit di niya ito pinagbuksan. Ayaw niya kasing makita siya nito na umiiyak.

Pinakiramdaman ni Aldred ang paligid at noong makumbinsi na wala na ang kaniyang ina sa tapat ng kaniyang kwarto ay agad niyang kinuha ang kaniyang cellphone saka tumawag kay Carlo.

♦♦♦

Linggo, dahil wala ang kanyang ina ay dinala ni Charles si Eunice sa kanilang bahay. Habang busy sa pag-cuddle sa isa't isa habang nakahiga sa kama ay nabulabog sila ng tawag mula kay Aldred. Napabitaw si Charles kay Eunice para abutin ang cellphone na nasa mesa.

"Hello Al," tugon ni Charles na hindi ka agad nakaani ng sagot. Tanging pagsinghap lamang ang naririnig niya mula sa kabilang linya.

Umalis si Charles sa kama at tumungo sa kaniyang veranda. Doon ay aburido niyang kinausap muli si Aldred.

"Hoy Aldred!"

Narinig ni Charles ang pagsinghot ng kaibigan bago ito sumagot.

"Carlo, ni-basted ako ni Arianne!"

Sandali na napatanga si Charles dahil sa narinig bago mag-sink in sa kaniya ang pasabog ng kaibigan.

"What?Binasted ka? Pa-paano?!" Pagtataka ni Charles. Naagaw naman ang atensyon niya ng sunod-sunod na pagsinghot ni Aldred.

"Wait, umiiyak ka ba bro?"

Paghikbi ang sumagot kay Charles. Namangha siya. Kahit kailan ay di niya pa nakita o narinig man lang na umiyak si Aldred. Ito yung tipo ng tao na hindi emosyonal kaya't kung nakakaramdam man ito ngayon ng ganoon ay malamang na sobra talaga itong nasaktan. Nakaramdam tuloy siya ng awa.

"Marami akong tanong kaya ayokong dito sa phone tayo mag-usap. Gusto mo ba puntahan kita dyan?" tanong ni Charles, "Pupuntahan kita dyan kagad bro kung gusto mo."

Narinig ni Eunice ang sinabi ni Charles kaya pumunta siya sa veranda. Tinanong niya si Charles kung sino ba ang kaniyang kausap ngunit minata lamang siya nito. Noong marinig sa kabilang linya ang pagsang-ayon ni Aldred ay mabilis na kumilos si Charles pero natigilan siya noong makita kung sino ang naglalakad sa kalsada.

"Is that Arianne? And... Natalie?" Puno ng pagtatakang banggit ni Eunice bago mapalingon kay Charles. Tinignan ni Charles ng maigi ang dalawa at bukod sa kanila ay may isa pang pamilyar sa kaniya na kasama ang mga ito.

Cheeky?!

Mabilis na nagpalit si Charles ng damit. Humingi siya ng pasensya kay Eunice at pinauwi na ito pero ayaw nitong umalis hangga't di sinasabi ang dahilan. Nairita si Charles sa kaya pinapili niya si Eunice.

"Gusto mo bang mag-break na tayo o uuwi ka na gaya ng sinabi ko?" Malamig na tanong ni Charles dahilan para ma-stun si Eunice. Hindi siya makapaniwala na parang ganon-ganon lang kay Charles na papiliin siya. Nanliit siya sa titig ni Charles. Napakasama ng tingin nito habang hinihintay ang kaniyang sagot.

Napalunok si Eunice. Mahal na mahal niya si Charles kaya't kahit na masama ang loob at gusto niyang makipagtalo ay pinili niya na umuwi na lamang.

♦️♦️♦️

Sa ikalawang pagkakataon ngayong umaga ay may nag-door bell na naman sa Cuzon residences. Papunta na sana si Monique sa labas para pagbuksan ang gate pero sa may pinto pa lamang ay napatigil na siya. Napatayo si Pristine dahil sa pagaakalang si Arianne ito pero noong bumukas ang pinto ay bumungad sa kanila si Natalie.

"Ate Natalie!" Tuwang-tuwa na tili ni Monique sabay takbo sa bisita nila. Mahigpit niyang niyakap si Natalie. Napalingon naman si Natalie kay Pristine. Kapwa sila nagkatitigan sa isa't isa at habang tumatagal ay unti-unting nagdidilim ang kani-kanilang ekspresyon.

Nang ialis ni Monique ang pag-akap ay sabay naman nag-irapan sina Pristine at Natalie. Tumingala si Monique sa Ate Natalie niya at naabutan niya itong nakangiti.

"Bakit hindi mo ko minessage Ate Nat? Eh di sana sinundo na kita sa may arko."

"Okay lang, alam ko na rin naman kasi kung paano pumunta dito," nakangiting tugon ni Natalie.

"Oh Natalie, nandito ka na pala. Nakakatuwa naman ang dami-dami ngayong tao dito sa bahay," natutuwang sabi ni Cecil, "Ah iha, nakita mo ba si Cheeky? Naiwan kasi siya ni Aldred kasama ng bagong kasama namin dito sa bahay. I believe kilala mo siya since magka-schoolmate kayo at kaibigan siya ng pinsan mo."

Tumikwas ang kilay ni Monique at Pristine. Nakikinig pala sa usapan nila si Cecil.

"Ah opo, si Arianne po ba?" tanong ni Natalie sabay saglit na sumulyap kay Pristine. Paupo na sana si Pristine pero napigilan siya ng tingin ni Natalie.

"Nagkita po kami sa daan. Magkasabay nga po kami papunta rito," ani niya na agad ikinasama ng mukha ni Pristine. "Nandyan po siya sa labas pinupunasan lang po yung paa ni Cheeky," dugtong ni Natalie saka lumapit kay Cecil para iabot ang isang plastic.

"Goto po. Bigay daw galing sa gotohan na kinainan nila ni Aldred."

"Arianne!" agad na reaksyon ni Pristine nang makita niya ang kaibigan papasok ng pinto.

Napalingon lahat sa direksyon ni Arianne. Nakangiti naman silang tinignan ni Arianne bago mamangha ng mapalingon kay Pristine. Tumakbo si Cheeky papunta kay Monique.

"Tita nandito na po ba si Aldred?" May pagka-ilang na tanong ni Arianne.

♦️♦️♦️

Pagkarating ay umakyat muna si Arianne sa kaniyang kwarto para magpalit ng damit. Mabilis din ay bumaba siya para tulungan si Cecil sa paghahanda ng snacks. Habang naghahanda ay di na pinalampas ni Cecil ang pagtatanong sa kung ano nga ba talaga ang dahilan kung bakit naunang umuwi si Aldred. Alam niya kasing nagsisinungaling ang anak sa kaniya kanina.

"Ano po kasi, ahh... ano po..." hindi mapirming sagot ni Arianne. Nakatingin sa kaniya si Cecil kaya't nakita nito ka agad sa mga mata niya ang pagka-tense.

"Sabi niya sa akin magbabanyo raw siya. Pasensya ka na a, baka napasama lang yung kain ni Aldred kaninang almusal," sabi na lamang ni Cecil. Sinakyan niya na lamang ang sinabi ng anak dahil ayaw niya namang ma-pressure si Arianne.

Nagulat naman si Arianne noong marinig ang naging dahilan ni Aldred. Napatigil siya saglit bago biglang tamaan ng ulirat ang kaniyang utak.

"Opo, opo. Baka nga po..."

"Nakakahiya naman, ako na lang yung hihingi ng paumanhin a," sabi ni Cecil na mabilis tinanggihan ni Arianne.

"Hindi po, wala naman po iyon," sabi ni Arianne na  nakapagpangiti kay Cecil.

"Salamat."

Naramdaman ni Arianne ang bahid ng kalungkutan sa tono ni Cecil pero nang muli siyang magsalita ay napalitan ng masaya at makahulugang ngiti ang reaksyon niya.

"Sa tingin mo, matured na ba si Aldred ko?" Nakangiting tanong ni Cecil.

Napaisip si Arianne kung bakit naitanong sa kaniya iyon ni Cecil. Ayaw niyang magsinungaling tungkol sa obserbasyon niya kaya't napangiwi na lang siya bago sumagot.

"Hindi po," sagot ni Arianne. Mahinhing natawa naman si Cecil.

Pumunta na si Arianne pa-sala dala ang isang tray ng bake muffins at cookies pati inumin. Si Monique at Natalie ang nakaupo sa isang sofa habang sa harap naman nila ay si Pristine. Inilapag ni Arianne sa table sa gitna ang dalang tray at saka umupo sa tabi ni Pristine.

"Bakit hindi ka nag-text na nandito ka na?" Nakakunot noong tanong ni Arianne kay Pristine. Nauna siyang tinugunan ng kaibigan ng matamlay na ngiti bago sumagot.

"Naiwan ko kasi yung phone ko."

Pansin ni Arianne ang reaksyon ni Pristine pero pinagkibit balikat niya na lamang ito lalo't nasa harap nila si Monique.

"Pasaway ka talaga," aniya.

ALDRED'S POV

Narinig ko yung ingay sa baba. Kanina pagpasok ko ng bahay ay naaninag ko si Pristine pero ngayon, bukod sa boses niya ay may isa pang pamilyar na boses akong narinig. Umupo ako at pinunasan ang aking mga luha. Marahan kong binuksan ang pinto ng aking kwarto at lumabas para sumilip sa baba. Nakita ko si Natalie. Nasabi sakin ni Monique na gusto siyang dalawin ni Natalie ngayong araw. Inilibot ko ang aking mga mata ngunit hindi ko makita si Arianne. Napapilig ako ng ulo. Basta ko nalamang kasi siyang iniwang nag-iisa sa may Children's Park.

Paano na lamang kung may nangyari sa kaniyang masama? Nag-aalala kong tanong sa aking sarili. Mukhang masungit at matapang si Arianne ngunit nadiskubre ko na hindi ito yung tipo na lumalaban. Pusa nga siya pero kuting pa lamang. Napadaop palad ako sa pag-iisip ng mga maaaring mangyari. Hahakbang na sana ako pababa para puntahan siya pero napatigil ako at mabilis na napapasok sa aking kwarto ng lumabas siya galing ng kusina.

Marahan kong sinara ang pinto.

NO ONE'S POV

"Ate Natalie, alam mo ba na pupunta rin dito si Ate Pristine?" tanong ni Monique na bumasag sa katahimikan sa sala. Marahang napalingon sa kaniya si Natalie bago ito sumagot.

"Ah hindi. Hindi ko nga alam na magkakilala pala kayo,"

"Kakakilala lang namin kahapon. Siya kasi yung naghatid kay Ate Arianne," Tugon ni Monique saka lumingon kay Pristine. "Di ba Ate Pristine?"

Ngumiti si Pristine.

"Noong nakita ko si Ate Pristine naisip ko na may kamukha siya. Inisip ko kung sino hanggang sa maliwanagan ako nang sabihin ni Kuya na magpinsan kayo," salaysay ni Monique. Habang nagsasalita siya ay inaabala lamang ni Arianne ang sarili sa pagkain.

"May naalala tuloy ako." Napaisip si Monique saka lumingon kay Pristine, "Ate Pristine, ikaw na lang ang tatanungin ko." Ngumisi si Monique.

"Yes?" tugon ni Pristine bago kunin ang baso ng juice.

"Ayaw kasi i-share ni Ate Nat e, gusto ko lang malaman kung ano bang itsura ng nakababatang kapatid niya? Lagi niya kasing sinasabi na huwag ko na raw kilalanin kasi salbahe, spoiled at panget daw yung kapatid niya. Syempre hindi naman ako naniniwala."

Payapang umiinom ng juice si Pristine nang biglang mabilaukan siya dahil sa sinabi ni Monique.

Napatingin si Arianne at Monique kay Pristine habang si Natalie naman ay napalihis ng mukha. Nang maka-recover si Pristine ay nilingon niya ng masama si Natalie. May pagtataka namang bumalot sa mukha ni Arianne. Hindi niya kasi alam na may nakababatang kapatid pala si Natalie.

"Ganoon ba?" awkward na tumawa si Pristine, "Binibiro ka lang niyan ni Natalie. Sa tingin mo ba posible na magkaroon siya ng pangit na kapatid? Marahil may dahilan lang siya katulad ng baka ayaw niyang matalbugan siya ng kapatid niya sa mata mo. Ang masasabi ko lang ay di hamak na mas mabait at mas maganda ang kapatid niya kesa sa kaniya," paliwanag ni Pristine sabay lingon kay Natalie.

Pareho sila ay halos nagtalas ang tingin sa isa't-isa.

Pansin ni Monique na parang may nabuong tensyon sa pagitan ng dalawa.

"I see, so babae pala yung nakababatang kapatid mo Ate Nat," parang may tumunog na bell sa utak ni Monique dahilan para ma-conclude niya iyon.

Hindi ka agad umimik si Natalie, saglit ay tumango siya, "Oo," tanging tugon niya.

Hindi na nagtanong pa si Monique. Sa una pa lang naman ay alam na niya ang dahilan kung bakit naglilihim si Natalie. Afterall ay member pa rin ito ng Vicereal Clan.

♦♦♦

Sa ikatlong pagkakataon, sa umagang iyon sa Cuzon residences ay may nag-doorbell muli. Ang Mama na ni Monique ang nagtungo sa may gate upang malaman kung sino ito.

"Arianne, pwede bang makita yung kwarto mo?" tanong ni Pristine na ikinatalas ng tingin ni Natalie.

"Ah, oo nga pala, sige."

Tumayo si Arianne. Sumulyap siya kay Natalie dahil gusto rin sana niya itong yayain ngunit iniwas nito ang tingin sa kaniya.

"Namiss mo ko Ate Natalie no kaya ka pumunta dito no?" Tanong ni Monique.

Ngumiti si Natalie, "Yeah," aniya kahit hindi naman talaga iyon ang dahilan.

Kagabi ay aksidenteng napakinggan ni Natalie ang pakikipag-usap ni Pristine kay Arianne. Iyon ang dahilan kaya't naparito siya. Nais niya kasing kumpirmahin ang kaniyang narinig.

Bago tumayo si Pristine ay nang-aasar niyang nginisian si Natalie. Hindi naman iyon nakalampas sa paningin ng isa kaya't siningkitan siya ito ng tingin.

"Na-miss din kita," nakangiting sagot ni Monique, "Thanks Ate Nat, ilang beses na kitang ni-invite pero ang dami mong commitments kaya di ka nakakapunta pero ngayon ikaw na mismo naglaan ng time para sa akin kaya ang saya-saya ko."

Paakyat na sana sina Arianne at Pristine noon patungong 2nd floor nang matigilan sila pagkakita sa kung sino ang kasamang pumasok ni Cecil galing sa labas. Gaya noong una nilang pagkikita ay agad napansin ni Arianne ang pagkamangha sa mga mata nito habang nakatingin kay Pristine.

"Charles?"

Napalingon si Charles kay Natalie pero napasulyap siya saglit muli kay Pristine nang hilahin nito si Arianne at nagmadaling umakyat.

"Oh, Nat, hi!" Tugon ni Charles kay Natalie bago lumingon ito kay Cecil at nagtanong.

"Sina Pristine at Arianne po ba yung umakyat?"

Namangha si Cecil at Monique dahil kilala pala ni Charles ang dalawa.

"Ah opo, she's Natalie's cousin kaya kilala ko siya and si Arianne po, walang magandang babae na nakakaligtas sa akin," malokong sabi ni Charles na nagpasama sa mukha ni Natalie at nagpaumay naman sa mukha ni Monique.

"Wala ka talagang kwenta Kuya Charles. Bakit ka ba nandito?" Mataray na tanong ni Monique. Inaya naman ni Cecil si Charles na maupo at inalok ang mga snacks sa mesa pero tumanggi ito.

"Ah, hindi na po," sabi niya bago tumingin kay Monique, "Si Kuya mo kasi tumawag sakin, pinapunta ako."

Paakyat na si Charles papuntang kwarto ni Aldred pero saglit siyang tumigil at pumihit paharap kina Monique at Natalie.

Ngumiti siya bago nagsalita, "Nat," banggit niya.

"What?" mataray na tanong ni Natalie.

Ngumiti si Charles. Isang nakakasilaw na ngiti na animo'y isa siyang model ng toothpaste commercial.

"Ang ganda mo talaga," sabi ni Charles.

Hindi umimik si Natalie at blangko lamang siyang tinitigan. Nagtitigan silang dalawa hanggang sa unang mairita si Natalie para batuhin niya ng unan si Charles.

"Go to hell!"

♦♦♦ 


next chapter
Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C29
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous