Télécharger l’application
22.22% Love Chains [BL] (Filipino/Tagalog) / Chapter 4: Chapter 4

Chapitre 4: Chapter 4

Chapter 4

"Boss, alam mo ba kung paano ako makatawag muli sa telepono, importate lang po talaga eh." Sambit ni Lex sa pulis na nakabantay sa kanila sa araw na ito.

"Ah eh, diba may schedule ka naman diba?!" Takang tanong ng pulis.

"Nagamit ko na boss eh kahapon kaso emergency lang po to. Naospital kasi ang anak ko eh." Malungkot na sambit ni Lex. Halatang hindi siya mapakaling makausap ang nag-aalaga sa kanyang anak o makauspa mismo ang kanyang anak.

"Hala, kung ako lang ay baka hindi rin payagan ng lalaking yun. Tagabantay lang ako dito at hindi ako sakop ng trabaho ng ibang department eh lalo na ng Telepone desk in-charge. Pero mayroong pang isang paraan." Sambit ng pulis habang kakikitaan ng alanganing ekspresyon sa mukha nito.

"Talaga Boss, ano po ba iyon? Gagawin ko po yun basta makatawag po akong muli sa amin." Sambit ni Lex habang may masayang ekspresyon sa mukha. May nakikita siyang munting pag-asa para dito.

"Huwag kang masyadong matuwa totoy, hindi masyadong madali ang paraan na iyon. Kita mo ba siya?!" Sambit ni Mamang pulis habang may tinuturo sa hindi kalayuan.

Nakita naman ni Lex ang tinuturo ng mamang pulis. Halos hindi siya makapaniwala na ang tinuturo o tinutukoy nito ay ang masama at ang bossy nilang warden, si Alexander James Scott.

Agad namang nagbago ang timpla ng ekspresyon sa mukha ni Lex. Mula sa masayang ngiti at puno ng pag-asa ang mata niya ay napalitan ito ng pangit na ekspresyon. Parang nakakain siya ng maasim na pagkain kaninang agahan.

"Parang ang asim yata ng mukha mo totoy, diba sabi ko sa'yo hindi madali. Oh siya may form ako dito, papirmahan mo lamang kay Warden Al ah." Sambit ni mamang pulis habang mabilis nitong dinukot sa bulsa nito ang form.

"Salamat po boss!" Sambit ni Lex habang nakangiti.

Umalis na rin ang nasabing puli dahil tinawag siya ng kasamahan niya.

Nang mawala siya ay doon ay nawala ang aking ngiti sa labi.

"Hindi nga madali. Tinanong pa ko kung bakit maasim ang mukha ko ngayon. Aba aba, ang hambog palang warden na yun ang tanging paraan para makatawag akong muli sa telepono. Hindi ko nalang mkaya gawin?pero kailangan kong makamusta at malaman ang kalagayan ng anak ko. Hayst, bahala na si Batman." Sambit ko sa aking isipan.

Paroon-parito ako sa malawak na field dito. Nakikita kong nakaupo at nag-oobserba lamang si Alexander maging ang kasamahan nito. Hindi ko alam ang aking gagawin, pupunta na sana ako pero kumukontra agad ang kabilang isipan ko. Maraming tumatakbong mga agam-agam sa aking isipan.

Sa huli ay nakita ko na lamang ang aking sariling naglalakad papunta sa lokasyon ni Alexander. Maya-maya pa ay narating ko na ang kinaroroon nila.

"Warden Al, pwede mo bang pirmahan ito?!" Sambit ni Lex habang inilahad nito ang form.

"Marunong ka bang maglinis ng sapatos?!" Pag-iiba ng usapan ni Alexander habang tinitingnan ang kanyang sapatos. Medyo mapuik nga ito at maalikabok dahil sa pinuntahan nila kanina.

"Oo naman Boss! Sambit ni Lex habang mabilis niyang kinuskos at nilinisan ang sapatos gamit ang sarili niyang damit. Wala rin ditong pamunas o kapirasong tela. Ayaw niyang masira ang mood ngayon ni Alexander. Nagtataka man siya sa inaasta ni Alexander dahil parang hindi ito galit o naiinis ngunit iwinala niya ito. Siguro ay nawala na ang bagay-bagay na naging alitan nila.

Agad namang natapos linisan ni Lex ang pares na sapatos na suot ni Alxander.

"Okay, makakaalis ka na ngayon din!" Sambit ni Alexander habang nakangiti. Parang wala itong iniintindi ngayon.

"Pero pirmahan mo muna Boss ang form na 'to." Sambit ni Lex habang makikitaan ng pagmamakaawa.

"Huh? May ganon ba tayong usapan? Pinalinis ko lang sapatos ko. Wala akong natandaang pumayag akong pumirma---!" Sarkastikong sambit ni Alexander habang pinutol siya ni Lex.

"Pero malinaw kong sinabi iyon eh. Parang di kaya yata tu----!" Sambit ni Lex habang makikitaan ng inis at galit sa pananalita nito.

"Bastos ka ah, diba sinabi niyang maruong kang luminis ng sapatos? Pero ikaw itong nagkusang-loob na linisan ang sapatos ni Warden Al. Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?!" Galit na smabit ng kasamang pulis ni Alexander.

"Umalis ka na, tapos na rin trabaho mo diba?!" Masungit na sambit ng isa pang pulis na nasa kaliwa lamang ni Alexander.

"Hindi ko aakalaing ang sama ng ugali mo Alexander. Pirmahan mo lang to at hindi na ko lalapit sa'yo." Sambit ni Lex habang nagsusumamo.

Nakangiti naman si Alexander habang tumitingin sa kalangitan.

"Masyado na palang mainit dito noh, paano kaya kung umalis muna tayo at magmeryenda sa Canteen?!" Sambit ni Alexander sa kasama niyang dalawang pulis.

"Oo nga eh, umalis na tayo rito!" Sambit ng masungit na pulis habang nakangiti. Sinag-ayunan din ito ng isa pa.

Agad na umalis si Alxander kasama ang dalawang kasamahan nito. Sumunod rin si Lex sa kanya.

Hindi naman ito pinansin ni Alexander, lihim itong napangisi.

"Hoy, Alexander kung hindi mo to pipirmahan ay guguluhin ko ang buhay mo dito. Magsusumbong ako sa Mataas na opisyales ng District Jail na ito!" Sambit ni Lex sa seryosong boses.

Napatigil naman si Alexander sa kanyang kinaroroonan. Ang ngisi niya ay napalitan ng naggulumihang ekspresyon. Agad naman niyang pineke ang kanyang ekspresyon sa mukha.

Pagharap niya kay Lex ay nakangiti ito ng malapad.

"Dahil sa sinabi mo ay nagkaideya ako para turuan ka ng leksyon. Kung gusto mong pirmahan ko yan ay kailangan mong tumayo ng buong magdamag dito sa field ng walang pahinga. Hoy Ikaw, bantayan mo to!" Sambit ni Alexander ng malakas. Agad nitong tinawag ang isang bantay sa hindi kalayuan.

Lumapit naman ang bantay na pulis sa kinaroroon nila.

"Opo Warden Al!" Sambit ng mamang pulis.

"Siguraduhin mo lang ha, dahil pag nakaalis o humakbang lang 'tong kumag na 'to ay ako mismo ang paparusa sa iyo!" Sambit ni Alexander sa mapagbantang boses.

"Yes Sir!" Sambit ng bantay na pulis habang pinipilit nitong wag mautal pero kakikitaan pa rin ng pamumuo ng gabutil na pawis sa noo nito.

Agad na ring lumakad si Alexander kasama ang dalawa nitong kasamahan.

...

"Kaya ko 'to, kakayanin ko. Kalahating araw lang naman eh!" Pagpapalakas sa sarili ni Lex.

Halos mag-aalas dos na ng hapon pero tirik na tirik pa rin ang araw. Halos maligo na rin si Lex sa sarili nitong pawis. Init at gutom ang kanyang nararamdaman ngayon pero hindi siya susuko kung kapalit man lang nito ay ang makatawag siya sa kanyang anak o sa umaalaga sa kanya. Siguro pagpaparusa na rin niya ito sa kanyang sarili.

Maya-maya pa ay may lumapit sa kinaroroonan ni Lex.

"Pare, anong ginagawa mo dito, kita mo ang init dito baka mapano ka pa niyan. Sakto may dala akong sandwich at mineral water dito!" Sambit ng nakauniporming pulis habang inilahad nito ang dala nitong sandwich at mineral water.

"Pasensya na pero hindi pwede eh. Kailangan ko kasing tuamyo dito para pirmahan niya ang form na ito. Gusto ko kasing tumawag sa amin lalo na sa anak ko." Sambit ni Lex sa mahinang boses. Halatang nanunuyot na ang lalamunan nito.

Nakita naman ito ng pulis na agad naman niyang kinuha ito.

"Eto lang pala eh, sana hinanap mo ko para di ka na magpakahirap na manatili sa tirik na tirik na araw na ito. Masama sa kalusugan iyan lalo pa't hindi ka pa nagtatanghalian hahaha!" Natatawang sambit ng pulis na ito.

Hindi alam ni Lex pero parang pamilyar sa kanya ang boses ng lalaking pulis na ito. Hindi niya lang matandaan kung saan sila nagkatagpo.

"Hindi ah, hindi ako gutom noh." Depensang sagot ni Lex habang ang totoo ay hindi siya nakapananghalian at tatlong oras na siyang nakabilad sa araw.

"Gurrrrrckkkkk!" Malakas na tunog ang binitawan ng tiyan ni Lex.

Namula naman si Lex sa hiya. Maputi pa siya at kanina pa siya bumubilad sa araw.

"Huwag ka ng mahiya tsaka himatayin ka pa. Ako na lilibre sa panaghalian mo tsaka di pa rin ako nakakain eh. Sabay na tayo, malungkot pag mag-isa eh haha!" Sambit ng pulis habang natatawa.

"Sige na nga, di ako tatanggi. Pero siya oh, siya kasi yung nagbabantay sakin." Sambit ni Lex habang tinuturo ang bantay na pulis sa di kalayuan.

Agad namang gumawa ng senyas ang pulis sa bantay at agad na rin silang umalis sa gitna ng field.

...

Lingid sa kaalaman ng nakararami maging ni Lex at ng pulis ay nakita ito ni Alexander.

Kasalukuyan siyang nagdadala ng isang mineral water, sandwich, kanin at ulam.

Nang masaksihan niya ito ay halos malukot niya ang bottle na may lamang mineral water, nalamukos niya rin ang plastic na naglalaman ng mga pagkaing hawak nito.

"Buwiset, tatandaan kita Rick Dela Cruz. Hindi mo alam kung sino ang binabangga mo!" Sambit ni Alexander sabay tapon ng kanyang mga dalang mga pagkain at mineral water. Halos umusok ang ilong nito sa galit.


next chapter
Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C4
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous