Télécharger l’application
92.1% Leaving the Campus Prince (Tagalog/Filipino) / Chapter 35: Chapter 35: Awaken

Chapitre 35: Chapter 35: Awaken

×××

XIAN P.O.V

Ilang araw na ang nakalipas pero hindi parin nagigising si Alice. Habang tumatagal ang kan'yang pag tulog ay mas lalo akong natatakot sa kung anong mangyari sa kan'ya.

Hindi ko maiwasang isipin na; kailan kaya siya magkakamalay? Magigising pa ba siya? Anong oras, ilang buwan, sa susunod bang araw? Taon? Kailan nga ba?

Walang exact date kung kailan talaga magigising si Alice.

Hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan ito.

Gusto ko na siyang magising, ang dami kong gustong sabihin sa kan'ya. Gusto kong mag sorry sa mga kasalanan na nagawa ko. Gusto kong sabihin na mahal na mahal ko parin siya.

Pinag darasal ko araw-araw na sana magising na siya. Ayoko siyang nagkaka-ganito, natatakot ako.

Hindi ako makakain, hindi ako makatulog, lage ko inaabangan ang pag gising niya kahit alam kong malabo.

"Zkei mag pahinga ka naman, ilang araw ka ng hindi umuuwi sa inyo. Lage na ako kino-contact ng mga parents mo dahil lage naka off cellphone mo. Kina-kamusta ka na nila sa'kin, kailan ka raw uuwi"

Reklamo ni Asher habang ibinalandra nito sa harap ko ang hawak niyang cellphone at naka simangot.

"Pabayaan mo sila, e block mo para huwag mangulit"

Sagot ko, bigla niya akong binatukan sa ulo dahilan nang tinignan ko siya ng masama.

"Gago! Ba't ko naman gagawin iyon. Umuwi kana kase sa inyo. Ako na d'yan mag bantay kay Alice"

"Ayoko nga! Dito lang ako, gusto ko pag gising niya ako ang una niyang makikita"

Malakas na boses na pagkakasabi ko. Napa kamot naman din siya ng ulo.

"Sige na, sandali lang naman— balik ka nalang kaagad. 'tsaka 3 weeks na hindi ka pa nakakauwi sa inyo nakikihiram ka pa nang damit na dinala ko. Tapos dito ka na rin naliligo, ano ka? Ginawa mo ng bahay itong hospital hindi ka naman pasyente rito"

Paninirmon niya. Hinarap ko naman din siya.

"Ano naman ngayon? Ako ang taga bantay niya. Alangan naman hindi ako maligo at magbihis, ba-baho ako nun. Sayang ang pagka pogi ko kung mabaho naman ako"

"Talaga lang? Kung ipa-kaladkad kaya kita sa mga guard dito, palabas"

"Ingay mo?! Walang pake alamanan, mind your own business. Moron!"

Sabi ko at tinalikuran siya. Dahilan ng makatanggap na naman ako ng batok galing sa kan'ya.

"Umalis ka na! Sandali ka lang naman uuwi sa inyo. Balik ka nalang kaagad. Ayoko nang nakikihiram ka pa ng damit sa'kin at taga bili mo ng underwear mo, hindi mo 'ko alalay!"

Ang daming dada nito. Lalaki pa ba 'to?

"Tsk! Oo na mamaya, okay?"

Ismid na sabi ko sa kaniya 'tsaka hindi na siya muling pinansin. Nagsisisi akong pinansin ko 'to— ma pa-pauwi pa tuloy ako, na hindi ko naman kagustuhan.

Nang paalis na ako para umuwi, nilingon ko sa huling pagka-kataon si Asher.

"Ahm, tawagan mo ko pag sakaling magigising man siya"

Naiilang kong bilin sa kan'ya na hindi naka tingin at nakabaling sa ibang direksyon ang mata.

"Oo na, layas na"

Sabi nito sabay taas ng isang kamay na parang tinataboy na ako. Pero ang atensyon niya ay na kay Alice lang.

Bigla akong nainis at kunwaring aakmang susuntukin siya.

"Gago! Babalik kaagad ako. Pag balik ko humanda ka sa'kin!"

Malakas na boses na pagkakasabi ko.

"Dami mo naman sinasabi. Umalis ka nalang kaya; para makabalik ka kaagad"

Naka kunot na noo na sabi nito na parang naiirita na.

"Talaga lang, dahil mag dadala ako ng maraming damit at hindi ko ipapahiram sa'yo!"

"Grabe ka! Alis na— nang aaway pa eh"

-- --

Six weeks na pero hanggang ngayon hindi parin nagigising si Alice.

Kami ni Asher ang naka tukang mag bantay muna sa kan'ya dahil umalis na muna ang parents ni Alice para mag trabaho. Hindi kase magawang laging naka bantay ang mga parents niya sa kan'ya dahil sayang ang kikitain nilang pera, pam-bayad din iyon ng Hospital.

May tiwala naman din ang mga parents niya sa'min dahil desperado talaga kami ni Asher na bantayan si Alice hanggang sa mag kamalay.

"Malapit na pala ang enrollment natin. Saan course ka mag-aaral?"

Tanong ni Dwayne habang naka upo sa sofa.

"Ewan, 'di ko pa iyan iniisip ngayon"

Sagot ko habang naka upo malapit sa tabi ni Alice, inaabangan ko siya na magising.

"Alam mo kailangan mo ng mag deside. Ako kase engineering"

Napaismid naman ako sa mga pinagsasabi niya. As if naman interesado ako.

Hanggang sa may naalala nalang ako.

No'ng kasama ko pa si Alice natatandaan ko nasasarapan siya sa mga niluluto kong pagkain kaya sinabi ko sa kan'ya na mag aaral ako ng H.R.M para sa kan'ya.

Pinangako ko sa kan'ya na lage ko siya paglulutuan ng masarap na pagkain hanggang sa tumanda kaming mag kasama.

"H.R.M"

Tipid kong sabi. Dahilan ng mag taka si Asher ng marinig ako.

"Huh? H.R.M, ikaw? Marunong ka bang mag luto? Imposible"

Hindi maka paniwalang sabi nito sabay tawa.

Anong nakakatawa?

"Tumahimik ka nga d'yan. Ba't mo ko tinatawanan ha! May sira na ba kukute mo?!"

Malakas na boses na sabi ko sa kan'ya. Umiling naman din siya.

"Hindi kasi halata sa'yo. Pero okay iyan, H.R.M"

Sagot niya habang hindi naka tingin sa akin at abala sa pag aayos ng upo niya sa sofa; para maging komportable.

-- --

7 weeks and 3 days na kami nag ba-bantay kay Alice. Nakapag enrolled na kami ni Asher sa collage. Same University lang kami ng pinasukan pero magkaiba ang course.

Naisip ko lang na sana magising na si Alice para makapag-aral din siya tulad namin ni Asher. Nakakapang hinayang kung mangyari man na hindi ko na siya makikita mag-aral din ng collage.

Ano kayang gusto niyang course? Naalala ko hindi ko iyon naitanong sa kan'ya.

Natawa na lamang ako sa sarili ko. Boyfriend niya ako dati pero hindi ko man lang alam ang magiging gusto niya in the future, kung anong gusto niyang course, ang pangarap niya, at gustong maging buhay niya. Simpleng buhay ba o magpapa kayaman siya?

Malay ko sa gustong maging future niya. Napaka gago ko para hindi iyon malaman.

Ang naisip ko lang dati ay iyong ako ang kasama niya sa pag tanda niya. Kung anong gusto niya su-suportahan ko siya. Dahil mahal ko siya at iyon lang ang importante sa akin. Hindi ko na itinanong ang mga bagay na gusto niya dahil gusto kong ako dapat ang maka discover nun pero hindi ko naman aakalain na magiging ganito pala ang mangyayari sa aming dalawa. Iiwanan nalang niya ako basta-basta at pinamimigay sa ibang tao na wala man lang pasabi sa akin.

Masakit, nagalit ako para lang akong laruan na pinamimigay sa iba. Hindi man lang niya naisip ang feelings ko kaya nagawa ko lahat ng iyon. Pero nagsisisi rin naman din ako sa huli. Nang dahil sa galit ko nangyari ito kay Alice, kung inintindi ko nalang sana siya, siguro okay lang ang lahat. Wala sanang aksidente na ganito.

Habang naka yuko ako at tahimik na naka pikit. Hawak ko ang kamay ni Alice. Balak ko sanang matulog muna dahil wala akong ayos na tulog kagabi dahil sa kaka-alala sa kan'ya, pero bigla akong napamulat ng mata ng maramdaman ko ang marahan na pag galaw ng daliri ni Alice.

Napa tigil ako sa kinauupuan ko at titig na titig sa daliri ni Alice na tinawag ang pangalan ni Asher.

"Asher, tawagan mo ang Doctor bilis!"

Malakas na boses na pagkaka-utos ko sa kan'ya. Napa tayo naman siya at tinignan ako na may pagtataka.

"Ano bang nangyari?"

Tanong niya pa. Sinamaan ko siya ng tingin ng lingunin ko siya.

"Magigising na si Alice, dalian mo na!"

Sigaw ko dahilan ng mataranta siya at lumabas agad ng k'warto para tumawag ng Doctor.

Ibinaling ko ang atensyon ko kay Alice ng maka alis na si Asher. Hinawakan ko nang mabuti ang kamay niya at maigi siyang tinignan. Umaasang maimumulat na niya ang kan'yang mga mata.

Nabuhayan ako ng sarili ng makita kong unti-unting iminulat ni Alice ang kan'yang mata at tumingin ito sa akin.

Naka kunot ang noo niya na parang hindi ako kilala.

Nilibot niya ang tingin niya sa loob ng k'warto na parang ngayon niya lang napag tanto na nandito siya sa Hospital.

"Nasa'n ako? Bakit ako nasa Hospital 'tsaka sino ka ba?"

Puno ng pagtataka ang mukha niya. Pero hindi ko na iyon naisip pa dahil naka tulala na lamang ako sa kan'ya at hindi maka paniwala na hindi niya ako kilala.

Naka limutan niya ba kung sino ako?

Napa lingon ako ng dumating na ang isang Doctor at dalawang Nurse, kasunod naman din nila si Asher.

Nag tataka si Asher ng maabutan niya akong naka tulala sa kawalan habang busy ang Doctor at mga Nurse para e check ang kalagayan ni Alice.

"Zkei? Anong nangyare sa'yo hindi ba dapat maging masaya ka dahil gising na si Alice, para kang sinakluban ng langit at lupa d'yan sa reaction mo"

Masaya at pabirong sabi ni Asher sa'kin. Nilingon ko siya at hinawakan ang kan'yang isang balikat para kumuha ng lakas ng loob. Pakiramdam ko kasi gumuho ang mundo ko ng malamang hindi ako maalala ni Alice.

"Hindi niya ako kilala bro"

tulala na pagkakasabi ko sa kan'ya dahilan ng magulat ito.

"Ano hindi ka niya kilala?! Tika nga!"

Sabi niya at lumapit kay Alice na naka upo na ngayon sa pagka kahiga.

"Alice, kilala mo ba ako?"

Tanong nito ni Asher. Naging interesado naman din ako sa magiging sagot ni Alice kaya nakinig ako nang mabuti.

"S'yempre naman kaibigan kaya kita, paano naman kita makakalimutan?"

Sabi ni Alice na may ngiti sa labi. Napa hawak pa ito sa kan'yang ulo na may benda.

Napa tingin sa akin si Asher na may pag kunot ng noo.

"Bakit gano'n? Ako, kilala niya samantalang ikaw, hindi niya kilala?"

Pagtatakang tanong niya. Tinanong naman agad namin ito sa Doctor kung anong dahilan at bakit nagka gano'n.

"Doc. bakit gano'n kilala niya ako samantalang itong ex boyfriend niya hindi niya kilala"

Inosenteng tanong pa ni Asher. Nang marinig ko iyong salitang ex boyfriend pinanlisikan ko siya ng mata sa inis. Palihim naman agad; nag bulungan ang dalawang Nurse patungkol do'n sa sinabi ni Asher sa likod ng Doctor.

"Cause iyon ng pagkabagok ng ulo niya sa matigas na bagay dahilan nang magka brain hemorage rin siya. She may loose a few of her memory but some of them will remain, tulad ng nangyare ngayon sa case ni Ms.Martinez"

Pag papaliwanag sa'min ng Doctor. Tumango-tango naman din si Asher at hinawakan ang balikat ko na parang nakiki-simpat'ya sa akin. Kinakawawa ako ng ugok na 'to dahil sa hindi ako maalala ni Alice.

Kausap ni Asher ngayon ang mga magulang ni Alice para ibalita sa kanila na gising na ito at kailangan muna nila pumunta rito dahil kakausapin sila ng Doctor tungkol sa kalagayan ni Alice. Matapos tawagan ni Dwayne sa cellphone niya ang mga magulang ni Alice ay binaba na niya ang cellphone para lumapit sa akin.

"Ano nang gagawin mo ngayon? Hindi ka na niya matandaan?"

Concern na pagkaka tanong niya. Napa hilamos naman din ako ng mukha dahil sa frustration.

"Ewan ko, subukan ko sigurong makipag kilala sa kan'ya hanggang sa maalala na niya ako?"

Hindi siguradong sagot ko.

"Hindi ata puwede iyon. Nakalimutan mo na ba? May kasalanan ka pa sa kaniya"

Nang marinig ko iyon napa tingala na lamang ako sa kawalan.

"Oo nga pala. Kainis! Ano na palang gagawin ko?!"

Sabi ko at na muro-blema na.

"Sa tingin ko pa galingin muna natin si Alice bago ka magpa kita sa kan'ya. Mas nakaka buti sa kaniya iyon at mabilis din siyang makaka recover pag gano'n ang ginawa mo"

"Bakit? Parang ako pa ang nagiging dahilan? Hindi ba dapat lage akong nasa tabi niya para madali niya akong maalala? Kung lalayo ako tuluyan na talaga niya akong maka kalimutan?!"

"Hindi iyan— intindihin mo muna ang kalagayan ni Alice. Kung lage ka nasa tabi niya at pinipilit mo siyang alalahanin ka niya. Sasakit ang ulo nun at mas lalala pa; kaya tiisin mo munang ilayo ang sarili mo sa kan'ya hanggang sa gumaling ito. Huwag kang mag alala babalitaan naman kita agad eh"

Sabi nito. Ang unfair naman ata no'n.

"Paano ako mag titiwala sa'yo hindi ba't may gusto ka sa kan'ya?! Baka sinasabi mo lang iyan para solohin siya"

Malakas na boses; na pagkakasabi ko sa kan'ya. Agad naman akong sinuway ni Asher at sinilip si Alice. Nilagay niya ang daliri nito sa labi niya na parang pinapa tahimik ako.

"Huwag ka ngang maingay, baka marinig ka niya"

Bulong nito sa'kin. Inismiran ko lang siya.

"Hindi ako papayag sa gusto mo. Ngayon— ang magagawa ko makipag kaibigan sa kaniya, hindi ko nalang muna babanggitin sa kan'ya ang past namin para huwag lang ako malayo sa kan'ya. Utak mo rin parang si Alice, sarili lang ang iniisip"

Sabi ko. Napa kamot naman din siya ng batok at nailang sa sinabi niya.

"Pasensya naman si Alice lang kasi importante rito"

"Alam ko iyon pero tao rin ako may pakiramdam isipin niyo naman ang mga katulad ko na umaasa sa mga taong katulad niyo"

"Oo na! Humu-hugot pa eh. Basta huwag kang gagawa ng kahit anong memories na mag pa pa-trigger sa pag sakit ng ulo niya. Maliwanag ba iyon?"

Paninigurado niya tumango na lamang ako. As if naman may magagawa pa ako do'n.

~x``x~

ALICE P.O.V

Naabutan ko nalang ang sarili kong naka higa sa hospital bed. Hindi ko maalala kung anong nangyari sa akin. Kung pipilitin ko namang alalahin sumasakit lang ang ulo ko. Sabi ng Doctor huwag ko munang isipin ang mga bagay-bagay at magpa hinga muna ako.

Inayos ko ang salamin ko sa mata at lumingon sa gilid ko kung saan may bintana. Naka tingin ako sa labas ng bintana at nakikita ko roon ang malawak na syodad. May biglang pumasok sa isipan ko kaya napa hawak ako sa aking ulo.

--

"Bakit tayo nandito?"

Taka kong tanong sa kan'ya. Ngumiti muna siya bago tumango.

"Gusto ko maalala mo 'to"

Sabi niya sabay hila palapit sa akin at hinalikan na lamang ako sa pisngi.

Oo sa pisngi lang naman pero sobrang kinapula na ng pisngi ko.

"Tignan mo ang lugar natin"

Utos niya sa akin habang naka tingin ito sa malayo. Sinundan ko na rin kung saan naka baling ang ulo niya.

Nasa malayo at tanaw na tanaw ang buong city.

"Wag mo sanang kalimutan ang lugar na ito. Ang lugar kung saan naghihintay ako sa'yo"

Sabi niya at pa simpleng hinawakan ang kamay ko.

Hindi ako makapag salita na tinignan na lamang siya. Nasa malayo parin ang tingin nito na pinag mamasdan ang buong city.

"Maghihintay ako sayo Alice, kahit ilang taon basta ipangako mong babalik ka"

Sabi niya na ngayon ay naka tingin na sa mga mata ko.

"Ito na ang huling araw na mag kasama tayo, kaya sana matandaan mo ang lugar kung saan tayo nagka kilala"

--

Tika, anong alaala ito? At sino ang lalaking iyon? Hindi ko maaninag dahil sa labo ng mukha niya sa alaala ko.

Napalingon ako ng lumapit sa akin si Dwayne at kasama nito ang hindi ko kilalang lalaki. Aaminin ko napaka guwapo ng kasama niya, silang dalawa ay guwapo pero iyong lalaki na hindi ko kilala parang may naramdaman nalang akong sakit, pananabik, at saya. Hindi ko maintindihan halo-halo ang bumubuo na damdamin sa puso ko ng maka harap ko siya.

"Alice, kaibigan ko si Zkei"

Pakilala ni Dwayne sa'kin. Bigla naman siyang sinuntok ng lalaki sa balikat dahilan ng sinamaan ni Dwayne ng tingin ang lalaki.

Inakbayan niya ito sa liig at hinila ni Zkei si Dwayne para tumalikod sa akin sabay bulong nito.

"Bakit Zkei ang pina-kilala mo sa kaniya? Bakit hindi Xian?!"

Reklamo ni Zkei. Binulong niya lang ito kay Dwayne pero narinig ko naman ang mga pinagsasabi nila.

"Kung iyon ang gagamitin ko baka may maalala siya. Makaka trigger pa iyon sa pag sakit ng ulo niya"

"Puro ka trigger paano naman itong nararamdaman ko?!"

Reklamo ni Zkei.

"Mas iisipin mo pa ba ang sariling feelings mo kaysa sa kalagayan ni Alice ngayon?"

Dahil sa hindi ko na maintindihan ang mga pinagsasabi nila ay nag salita na ako.

"Pinag-uusapan niyo ba ako?"

Tanong ko sa kanila dahilan ng sabay silang napa tingin sa akin dahil sa gulat.

"Wala-wala, hindi ikaw ang pinag-uusapan namin!"

Pag tatanggi nilang sabi. Hindi nalang ako nag salita at tinignan ko nalang silang dalawa na may pagdududa sa aking mukha.


next chapter
Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C35
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous