Télécharger l’application
51.51% LANTIS (COMPLETE) / Chapter 17: 15

Chapitre 17: 15

NAKATAYO si Lantis sa labas ng kulay pulang gate na hanggang dibdib niya ang taas.

"Hindi na po ba kayo magpapasama sa loob, sir?"

Nilingon niya ang nagsalita. Nasa likod niya ito, sa labas ng isang itim na sasakyan. May edad na lalaki ang naroon, nakasuot ng light green na polo at itim na slacks, abuhin ang numinipis na buhok, may mabait na mga mata. Si Mang Romel, ang driver na tatlong dekada nang naninilbihan sa lolo niya.

"Hindi na ho, Mang Romel. Maraming salamat po. Bumalik na po kayo sa mansiyon."Kaarawan ng lolo niya nang gabing iyon. Hindi pa tapos ang kasiyahan ngunit umalis na si Lantis dahil lasing na siya.

Lumapit si Lantis sa gate, pinilit gawing normal ang paglalakad. The throbbing in his head was getting worst. Naaapektuhan na no'n ang paningin niya. Pumasok siya sa gate, naglakad patungo sa front door. Nang maisara ang pinto ay saka pa lang niya narinig ang papalayong ugong ng minamanehong sasakyan ni Mang Romel.

Kabibili niya lang ng bahay at lupa na iyon nakaraang taon. Yaya Ida lives there with him. Nasa mansiyon ngayon ang matanda para tumulong sa pag-aasikaso sa mga bisita.

Kasambahay pa ng Mommy niya si Yaya Ida sa London. Ito na rin ang nagsilbing yaya at pangalawang ina niya. Nang mamatay ang kaniyang mommy, isinama niya si Yaya Ida sa Pilipinas at ipinasok na mayordoma sa mansiyon ng lolo niya kahit pa mas gusto nito na manatili na lang sa tabi niya kahit na saang lupalop man siya mapunta dahil sa uri ng pamumuhay niya. Matanda at humihina na si Yaya Ida, hindi na nito kayang bumiyahe nang paulit-ulit. Si Yaya Ida ang isa sa dahilan kaya bumili siya ng bahay. Kahit hindi nito sabihin, alam niya na hindi ito komportable sa poder ni Lolo Fausto. Siya man ay hindi komportable sa mansiyon kahit pa ilang taon din siyang tumira ro'n. It was so big and had an air of hostility. Na para bang may sariling buhay ang bahay at ipinaparamdam sa kaniya na hindi siya welcome ro'n. So he bought that piece of land and built a house of his own.

Bungalow ang bahay ni Lantis, may tatlong silid-tulugan, may attic, may basement. Si Lantis at kaibigang architect na si Migz ang magkatuwang na guamwa ng disenyo ng bahay. Siya, si Migz at si Yaya Ida lang din ang nakakaalam ng basement. All of his treasures were hidden there. Naroon din ang pinakabago niyang formula car. Kulay asul, pula at itim ang pintura. His new racing suit was hanged on the wall, beside a white tuxedo—the one he will wear on his wedding day. And beside it was a life-size portrait of a beautiful woman named Emilia Harris. His mother.

Dalawa ang paraan upang makapasok sa basement. Una, ay sa secret trap door na nasa labas ng kusina. Hindi pangkaraniwang trap door iyon. It was made of expensive steel, six inches thick, fire and water tolerant. Kailangan ng passcode upang mabuksan. The lock was connected to his phone and computer. Sa tuwing bubuksan ang pinto, magpapadala iyon ng report sa kaniya. The second passage was behind a three-layered wooden shelf. Doon nakalagay ang iba't ibang memorabilias na may kinalaman sa mahahalagang kaganapan sa buhay niya—mga lumang laruan, mga larawang nakalagay sa frame, plaques, trophies... Konektado ang pangalawang pinto sa isa na namang tagong trap door na nasa garahe niya.

Saglit muna niyang pinagmasdan ang painting ng ina. Nang umikot ang paningin niya, ipinasya niyang umakyat na sa silid. Nagpalit siya ng damit—isang plain white shirt at gray sweat pants. Bago tuluyang humiga ay kinuha niya ang garapon na nakapatong sa nightsand katabi ang dalawang picture frame at isang bibliya. Binuksan niya ang garapon at dumukot ng isa sa mumunting makukulay na eroplanong papel. He unfolded the paper carefully and stared at the words written by his mother.

November 5, 1987: Lantis's first walk. He made three small steps and fell. But he did not cry. He was such a tough boy.

Napangiti si Lantis. Hindi lang isandaang beses na nabasa niya ang lahat ng nilalaman ng garapon. Sa tuwing nami-miss niya ang ina, ganoon ang ginagawa niya. Pakiramdam niya ay nasa tabi na rin niya ito, buhay na buhay.

Napaungol si Lantis nang umatake na naman ang matinding kirot sa ulo. He closed his eyes tight and opened them. Tila umiikot ang kisame, naninikip din ang lalamunan niya. Something wrong was going on. Hindi na lamang simpleng pagkahilo iyon. At paano siyang mahihilo nang ganoon gayong tatlong kopita lang ng wine ang nainom niya mula nang magsimula ang party?

Akma siyang babangon nang matigilan. May nalalanghap siya. Amoy iyon ng nasusunog na kung ano.

"Darn it." Lantis did all his best to drag his body out of the bed. He fell hard on the floor. Nabitiwan niya ang garapon at gumulong palayo sa kaniya. Gumapang siya sapagkat hindi na niya kayang tumayo. Wari'y may mabigat na puwersang humihila at pumipigil sa mga binti niya. The pounding on his head was killing him. Tila anumang sandali ay sasabog na ang ulo niya ngunit hindi iyon ang higit niyang ikinababahala.

The jar...my Mom's jar...

Patindi nang patindi ang masangsang na amoy, unti-unti nang nababalot ng usok ang paligid. He tried to shout but no words came out of his mouth. His throat felt dry and tight, his tongue felt thick.

What's happening? Help! Somebody, help!

Iniunat ni Lantis ang kamay patungo sa garapon. Kailangan niyang mahawakan iyon, kailangan niyang mailigtas iyon. His mother owned it. Her memories were stored inside the jar, written on those tiny pieces of paper. Noong ma-diagnose na may brain tumor ang mommy niya, araw-araw ay nagsusulat ito ng entry tungkol sa kaniya. Humina ang katawan nito dahil sa samu't saring medications at therapies but her right hand remained strong. She wrote and folded the papers into tiny airplanes. Noong gabi na mamatay ang mommy niya, nakalapag sa kandungan nito ang isang notepad kung saan nakasulat ang huling entry at mensahe nito sa kaniya.

I love you so much, my baby. You're the best thing that ever happened to me. I'm sorry, Mommy had to leave. I love you, Lantis...my little rascal...

The jar and the paper airplanes were his most treasured possession. Losing it was like losing his mother all over again.

Umiiyak na si Lantis nang magsimulang lamunin ng apoy ang pinto ng silid niya. Gumapang uli siya, iniunat ang mga braso, nilabanan ang sakit at pagkahilo. Just when his fingers were inches away from the jar, a hand picked it up.

Tumingala siya at naKita ang isang bulto. Wala itong mukha ngunit ramdam niyang sa kaniya ito nakatingin.

"Help...I-I can't breathe...please."

"Go to sleep, Lantis. Close your eyes and get some rest, little rascal," the silhouette said in a voice he can't recognized. Sa pandinig niya ay hindi lamang sa iisang tao nagmula iyon. The voice sounded unnatural and eerie

Little rascal? Isang tao lang tumatawag no'n sa kaniya.

"M-Mom?"

Mapaklang tumawa ang bulto. "All right then, I'll pretend I'm your mom. Would you like to go with me, sweetie?"

"W-Where?"

Inilapit nito ang bibig sa tainga niya at bumulong. "To hell." Pagkasabi no'n ay malakas nitong inihampas sa sentido niya ang garapon. A blinding pain shot through him. Tumindi iyon nang bumagsak siya at humampas ang likod ng ulo niya sa sahig. Agad ay nagdilim ang paningin ni Lantis ngunit naramdaman pa niya ang pagbagsak ng garapon sa tiyan niya. Lantis clutched the jar so tight as though clinging for his life. He held it the way he held his mother's dead body nine years ago.

Ipinikit niya ang mga mata nang maramdaman ang pagdampi ng init ng apoy sa kaniyang balat. Unti-unting pinasok ng usok ang ilong niya, ang lalamunan, ang dibdib, ang baga...and then something cold engulfed him. Maybe it was Death, embracing him.

Humugot si Lantis ng huling hininga. Nalanghap niya ang amoy ng chamomile, naalala si Yngrid at ang kasal nila na hindi na matutuloy.

Lantis gasped and opened his eyes. Matinding liwanag ang sumalubong sa kaniya. Masakit sa mata kaya pumikit uli siya. Sinubukan niyang harangan ang mga mata gamit ang kamay subalit hindi niya magawang ikilos ang anumang parte ng katawan. He felt so weak and light-headed. He felt like his bones were made of jelly.

"Lantis..." mahinang sambit ng boses sa pangalan niya. Isang pangalan at mukha ang pumasok sa isip niya. Si Yngrid. "Lantis, nasaan ka na?"

I'm here...aniya sa isip nang hindi magawang ibuka ang mga labi. Yngrid, I'm here...

"Lantis..."

Naguluhan si Lantis. Hindi iyon boses ni Yngrid. Nang muling madinig ang boses ay parang may mainit na enerhiyang bumalot sa kaniya. The warm sensation seeped through his skin and flowed on his veins. May kaunting lakas na nanumbalik sa kaniya. Kasabay no'n ang pagbabalik ng kamalayan niya, ng mga alaala, ng mga sensasyon...

His thoughts were a mess. His past and present wrestled with each other. Familiar and unfamiliar images twisted and flashed inside his head. Pakiramdam ni Lantis ay may inivisible na pising pumulupot sa mga paa at kamay niya, hinihila siya sa iba't ibang direksiyon. He struggled. Habang nanlalaban siya ay tila mas humihigpit ang mga pisi. Sumusugat na iyon sa balat niya, lumulubog sa laman. It was getting painful and Lantis cried out.

May mga lugar siyang naKita, mga ingay na nadinig, mga mukhang hindi mapangalanan. NaKita niya si Yngrid, si Kenan, si Lolo Fausto, si Mang Romel, si Yaya Ida, ang mga kawaksi ng kaniyang lolo...then there was a dog.

And there was a woman. A pretty woman with doe-like eyes, nice smile and vibrant laugh. Nakatira ito sa isang lumang bahay. Maliban sa aso ay wala itong ibang kasama ro'n. Hanggang sa dumating siya at nangakong babantayan ito. Ngunit ngayon ay nag-iisa na naman ito ro'n at tinatawag siya. He can sense the sadness in her voice. It was breaking Lantis's heart.

Ember. Iyon ang pangalan ng babae. It was short for December. He and Ember were both born on the same month.

With that last thought, Lantis stopped fighting and let the invisible string pulled him towards the only place he wanted to go; to the only person he wanted to be with.


next chapter
Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C17
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous