PAGKATAPOS ng pag-uusap namin ni Heizelle ay hinatid ko na siya palabas at pinasakay sa tricycle, sinabi ko rin sa driver na ihatid na siya mismo sa bahay nila at saka ako nagbigay ng pera.
Napahinga ako ng malalim at pakiramdam ko ay pagod na pagod ako. Masyadong mabigat at masakit na nakaraan ang pinag-usapan namin ni Heizelle, binuhos ko ang dadamdamin at saloobin ko na pinipilit kong tinatago ng ilang taon. Ngayon, kahit paano ay nabunutan na ako ng tinik at naging maluwag na ang dibdib ko, oo may konting kirot pa rin ngunit mas lamang ang kaginhawaan.
Gusto ko munang magpahinga ngunit naisip ko na hindi pa ako kumakain kaya pumunta akong grocerry store at bumili ng uulamin ko.
Sinabi ko sa sarili ko na uuwi na ako ng bahay subalit may sariling isip yata ang katawan ko at pumunta ako sa bahay nila Caelian. Pinagmasdan ko ang bahay nila na bukas pa ang ilaw sa loob na ibig sabihin ay gising pa ang mga tao sa loob. Nanatili lang akong nakatulala sa bahay nila at ang daming gumugulo sa isip ko.
Mayamaya pa ay kinuha ko ang cellphone ko at nag-type ng text kay Caelian.
To: Caelian
Nandito ako sa harap ng bahay niyo. I want to see you :(
At ilang saglit lang ay naka-recieve ako ng reply sa kanya.
From: Caelian
What?! Bakit ka pumunta?
Mag-re-reply pa sana ako ngunit narinig ko na ang yabag ng paa palabas ng bahay at pagkatapos ay bumukas ang gate nila. Bumungad sa akin ang mukha ni Caelian na taking-taka sa presensya ko.
"Alas otso na, ah? Hindi naman yata tama na pumunta ka ng ganitong oras sa nililigawan mo, Damien," nakakunot ang noo na sambit niya ngunit may ngisi. Hindi ako sumagot sa kanya at pinagmasdan lamang ang mukha niya. Halatang patulog na siya dahil sa suot niyang pajama at simpleng t-shirt.
Lumapit pa siya sa akin at sinira ang pintuan ng gate nila.
"So? Anong ginagawa mo rito? Tititigan mo lang ba ako?" nakangiwing tanong niya at napangiti ako ng maliit.
Ako naman ang lumapit sa kanya at yumakap ng magaan na habang tumatagal ay humihigpit. Ang sarap sarap niya yakapin. Pakiramdam ko ngayon unti-unting nawala ang bigat na nararamdaman ko kanina.
"Mabigat at pagod ang pakiramdam ko…at ngayon na yakap kita ay paunti-unti ay nagiging maayos na ako," nakangiting sabi ko pa at mas hinigpit pa ang yakap sa kanya. Kung pwede ko lang siya iuwi sa bahay at yakapin buong araw, siguradong payapang-payapa na ang buong araw ko.
Bumitaw ako sa kanya, malapit pa rin ang katawan namin sa isa't isa, at saka ko pinagmasdan ang buong detalye ng mukha niya. Mula sa nakakurbang itim na kilay, nangungusap na mata, matangos at maliit na ilong, namumulang pisngi at natural na mapulang labi. Ang ganda niya at mas gumanda pa siya sa paningin ko dahil nakikita ng mismong dalawang mata ko ang buong mukha niya.
Napatikhim siya at napaiwas ng tingin. Mukhang naiilang sa mabigat na tingin na binibigay ko sa kanya. Ngumisi ako.
Tuluyan na akong humiwalay sa kanya at napaupo na lang sa sahig habang nakabaluktot ang tuhod ko at tahimik na pinagmamasdan ang madilim na kalangitan. Gusto ko tuloy pumunta sa tambayan ko at makita ang kagandahan ng Pampanga.
"Are you okay?" narinig kong tanong ni Caelian at naramdaman kong umupo rin siya katulad ko.
"I'm not," diretso at pagpapakatotoong sagot ko.
"I know. Ano bang nangyari?" tanong niya sa akin na parang barkada lang kami at napahinga ako ng malalim.
"Pumunta si Heizelle sa bahay," maiksing sabi ko at naramdaman kong naging interesado siya sa narinig niya.
"Sinong Heizelle? Si Miss Heize ba 'yon?" tanong niya ngunit halata ang kasiguraduhan sa tono niya.
"Yes, she's my ex-girlfriend," sambit ko sa kanya at natigilan siya. Nagulat siguro siya na malaman na ang paboritong author niya ay dating kasintahan ang isang katulad ko.
"Ibig sabihin siya 'yong tangang nag-iwan sayo?" walang alinlangan na tanong niya at napangiti ako. Grabe ang bibig ng babaeng 'to, walang preno.
"Hmmm," kasabay ng pagtango. "Pumunta siya sa bahay dahil gusto niyang makipag balikan sa akin," kuwento ko sa kanya at kinuha ang bato saka hinagis. Natuptop siya sa kinauupuan niya.
"A-Anong sinagot mo?" may pag-aalingan sa tono ng boses niya. Lumingon ako sa kanya at sinalubong ang tingin niya.
"Ano sa tingin mo?" seryoso munit sa loob loob ko ay nakangisi ako. Napalunok siya at umiwas ng tingin.
"Mahal mo pa siya?" untag niya na hindi nakatingin sa akin.
"Depende," nakangising sagot ko at marahas siyang lumingon sa akin. Halatang hindi nagustuhan ang sagot ko.
"A-Anong depende?" mahinahon ngunit may halong inis na tanong niya.
"Depende kung magiging dalawa ang katawan ko. Pero dahil nag-iisa lang 'to, sayo lang ako" nakangising sambit ko at ngumiwi naman siya. "Saka, hirap na akong ipagkatiwala sa kanya ang puso ko," hilaw na ngiti na usal ko.
Tumayo na ako at pinagpagan ang pants ko, inayos ko rin ang pagkakahawak ko sa plastic kung nasaan ang isda at gulay na uulamin ko.
Nakatayo ako habang nakatingin sa kanya na nakaupo pa rin. Nakatingala naman siya sa akin.
Inilahad ko sa kanya ang kamay ko.
"Tanggapin mo," sambit ko sa kanya. Kumunot pa ang noo niya subalit sa dulo, inabot niya pa rin ang kamay ko. Nakaramdam ako ng kiliti sa loob ko nang magdikit ang palad namin. Hinila ko siya at tinulungang tumayo.
"Anong nginingiti mo?" tanong niya sa akin at sama ng tingin niya.
Mas lumawak pa ang ngiti ko at pinagmasdan ang palad ko saka lumipat sa mukha niya.
"Ang lambot ng kamay mo," papuri ko sa kanya. "Kapag naging girlfriend kita, parati kong hahawakan ang kamay mo," nakangiting sabi ko sa kanya. "Tingnan mo ang kamay natin, oh. Perfect na perfect tingnan," sambit ko na pinakita ang kamay namin. Hinila naman niya agad iyon at natawa naman ako.
"I-Ikaw ang dami mong alam," inis na sabi niya.
Ngumiti pa ako lalo at tinitigan siya.
"Uuwi na ako," paalam ko sa kanya. Nakita ko kasi sa relo ko na 8:45 p.m na.
"Ha? Bakit?" gulat na tanong niya at hindi ko iyon inaasahan. Napakunot ang noo ko ngunit sa dulo ay napangisi.
"Kahit naman gusto kong mag-stay dito, hindi pwede. Pangit tingnan na nagkikita pa ng ganitong oras ang babae at lalaki. Babawi na lang ako kapag naging boyfriend mo na ako. Hindi na ako aalis sa tabi mo no'n," nakangising sambit ko sa kanya at napangiwi siya.
Sa una ay nagugulahan pa siya subalit naglakad na rin siya papasok sa loob. Humarap siya sa akin at sinalubong ko siya ng nakangiting mukha ko. Hinawakan niya na ang gate.
"Bye," paalam niya habang nakalapat ang pisngi sa gilid ng gate at ang dalawang kamay niya ay nakahawak do'n. Dahan dahan niya ng sinira ang pintuan at kumaway naman ako.
Sarado na ang pintuan at hindi mawala wala ang ngiti sa mukha ko. Huminga ako ng malalim at tatalikod na sana ngunit bumukas muli ang gate. Nakatingin sa akin si Caelian at halatang nag-aalinlangan siya.
"Diba sa akin ang tumitibok ang puso mo? Sana makapaghintay ka pa. Hintayin mo ring tumibok ang puso ko sayo. Goodnight." Usal niya sa akin at mabilis na sinira ang pintuan.
Napabukas sara ang bibig ko at napangiti nang malaki dahil sa labis na tuwa at kilig na nararamdaman.
"Kahit hindi mo sabihin, hihintayin kita. Goodnight," mahinang sabi ko at umalis na.
Anong masasabi niyo sa Chapter na 'to? Hahaha! Grabe ang usapan nila no? Napaka daming Star margarine! Mygosh!
Osya, See you on next chapter!
-shayyymacho