Caelian
Bilang isang manunulat, ako ang tipo ng taong mahilig sa twist. 'Yong tipo na kakaiba talaga. At matutuwa kasi hindi ko inaasahan iyon pero nangyari at iyon talaga ang gustong gusto ko. Subalit, ngayon nangyari ito sa buhay namin ni Damien, masasabi kong hindi ko na ito gusto pa. Ayaw ko na. Sana panaginip na lang ang lahat at pagkagising ko ay bumalik kami sa dati na maayos ang lahat.
Aminado ako na maganda talaga ang 'twist' sa mga kuwento na nababasa natin kasi mamangha at mapapabilib ka ngunit kapag nangyari ang matinding 'twist' mo sa totoong buhay, hihilingin mo na lang na sana hindi ito totoo. Kasi mahirap iyon lagpasan, mahirap pagtagumpayan, at mahirap hakbangin para makapunta sa susunod na kabanata ng buhay mo. Kasi sa oras na humakbang ka, may mga bagay na dapat kang iwan at lisanin, iyon ang pinaka masakit na gagawin mong desisyon.
"Mommy!"napalingon ako at agad na napangiti nang makita ang batang patakbong lumapit sa akin. Niyakap ko siya at hinalikan naman niya ako sa pisngi.
"Kanina pa siya excited na puntahan ka"nakangiting sambit ni Clohan, habang nakatingin sa amin ng bata.
"Daddy, give your flowers to mommy! I am sure she will love it!"sambit ng bata na nakaupo sa binti ko. Napatingin ako kay Clohan at napailing iling siya. Binigay niya sa ang bouquet ng bulaklak at inamoy ko naman iyon. Ang bango.
"Thank you"nakangiting sambit ko kay Clohan at tumango siya sa akin. Ginulo niya ang buhok ng batang lalaki.
"Miss Keyl, ayos na po ang make up niyo. Aalis na po ako"sambit ni Anne na isang make up artist. Ngumiti ako sa kanya at nagpasalamat.
"Wow! Ang ganda mo, Caelian! Woah!"namamanghang sambit ni Kyrine na kakapasok lang ng dressing room. Nasa likod niya si Ate Caelyn,Kuya Gerwyn,mama at papa.
Napangiti ako sa sinabi ni Kyrine at nakaramdam din ng hiya. Napatingin tuloy ako sa sarili ko salamin. Nakasuot ako ng rose pink dress at white sandals. Hinayaan din hair stylist ng pabagsakin ang buhok kong abot bewang na at pinakulot ang dulo nito. Ang kalahati ng buhok ko ay nasa likod habang ang kalahati ay nasa harap. Bagay na bagay rin ang silver hair clip sa buhok ko at light make up na nilagay sa akin ni Anne kanina.
"You look beautiful as always, Caelian"papuri ni Kuya Gerwyn at binigyan din ako ng bouquet ng bulaklak.
"I'm happy for you, Caelian"namamasa ang mata na sabi ni Ate Caelyn at mahigpit na niyakap ako.
Lumapit din sa akin si mama at papa.
"Congratulations, anak"sambit ni Mama at niyakap ako.
"Proud na proud kami sayo,anak"usal ni papa at niyakap din ako saka hinalikan sa ulo.
"Oh, tama na po ang drama. Tinatawag na ang author ko ng event manager, mag-uumpisa na raw ang book signing event"masungit na sabi ni Kyrine na manager ko.
"Baby Abdiel, did you congratulate your mommy?"usal ni Ate Caelyn kay Baby Abdiel na nakaupo sa binti ko.
"Mommy, congratulations for your first book-- what do you call that again, mama? I forgot"sambit ni Baby Abdiel at napuno ng tawanan ang dressing room. Kinurot ko ang pisngi ni Baby Abdiel.
"You're so cute. Anyway, thank you, my baby"mapagmahal na sabi ko at hinalikan siya sa pinsngi. Bumakat pa ang lipstick ko sa matabang pisngi niya.
Inalalayan ako ni Clohan sa palabas ng dressing room at kasama rin namin ang Kyrine na binabanggit na sa akin ang flow ng book signing event. Habang sila Ate Caelyn at Kuya Gerwyn ay nakaabang na doon sa mismong lugar ng event at nakisama sa mga readers ko na pumunta ngayong araw, ang pinagkaiba lang ay nasa mismong harap sila at doon din uupo mamaya sina Clohan at Kyrine.
Hindi ko akalain na magkakaroon pa ako ng sariling book signing event dahil sa nakaalipas na apat na taon ay may pangyayari na nagpalabo na sa akin na mangyayari pa ang araw na ito. Pagkatapos ng araw ng paghihiwalay namin ni Damien, pakiramdam ko ay may kulang sa akin, parang nawawala ang kalahati ng katauhan ko. Pinabayaan naman ako ng magulang ko at ni Kyrine dahil alam nila ang pinagdadaanan ko at pagkalipas ng tatlong buwan ay dumating ang araw na hindi ko akalain na mangyayari sa akin bilang isang manunulat.
"M-Miss, nasaan po ang mga libro ni Miss Keyl?"kinakabahan na tanong ko pa noon. Takot na takot ako dahil nililigpit nila ang mga librong ginawa ko.
"Ibinalik na po namin sa Publishing Company. Wala na po kasing bumibili ng libro niya"sagot ng babae sa akin at nanghina ang mga tuhod ko. Inalalayan ako ni Caelian at nakikita ko rin na napapaiyak na siya.
Nawala na sa akin si Damien. Pati ang mga librong nagbibigay ng dahilan sa akin ay unti unti ng kinuha sa akin. Dalawang mahalaga sa akin ay tuluyan na nawala. Napakasakit.
Isang araw, Kinausap ako ng Editor ng Publishing company at sinabi sa akin na gumawa raw ako ng bagong libro subalit hindi ko nagawa dahil wala akong inspirasyon. Hindi ko alam saan kukunin ang inspirasyon ko para makapagsulat muli dahil sa nangyari sa akin. Kaya ang nangyari ay natanggal na ako sa trabaho. Sakto kasi na malapit na matapos ang kontrata ko sa kanila at 'yong librong pinapagawa nila sa akin ay chance sana para magkaroon ako ng bagong contract.
"Kailan mo ba kasi sasagutin si Clohan? Isang taon na siyang nangliligaw sayo, pogi pa naman"bulong sa akin ni Kyrine at pasimpleng tumingin kay Clohan. Nasa gitna kasi ako nila Kyrine at Clohan.
"Noon, inaasar mo ako sa asawa ng ate ko at ngayon naman, sa pinsan ko? Tigilan mo nga ako, Kyrine. Kung may crush ka sa kanya, huwag mo ako idamay"seryoso at nang aasar na sabi ko. Napatawa si Clohan, narinig yata ang pinag uusapan namin.
Dalawang taon akong tumigil sa pagsusulat. Kapag kasi nakaharap na ako sa laptop ko ay wala akong maisip na ideya kung anong isusulat ko. Hindi katulad noon, bawat araw yata ay may eksenang pumapasok sa isip ko kaya excited akong isulat pero sa mga panahon na iyon, ay wala akong maisip. Hinayaan ko muna ang sarili ko na ibalik ang dating ako. Lagi kaming umaalis ni Kyrine at nakikisama rin ako mamalengke kay mama at nakikipagkuwentuhan din ako kay Papa. Nakakaramdam pa rin ako ng sakit sa mga nangyari sa akin pero pinipilit kong maging matatag para bumalik ang dating Caelian. Hindi ko na gustong takbuhan ang sakit na nararamdaman ko sa pamamagitan ng pananahimik at pagtago ng totoong nararamdaman ko. Binalik na ako ni Damien sa totoong ako kaya hindi ko iyon sasayangin at alam kong ito rin ang gusto ni Damien para sa akin.
"Let's welcome Miss Keyl, the queen of tragic stories, please give her around of a applause"masayang anunsyo ng host.
Binuksan na ang double door ng event hall at sumalubong sa akin ang mga taong nagbabasa ng mga librong nilikha ko. Nakangiti, naghihiyawan, at pumapalakpak sila sa akin. May mga round table at upuan sa paligid kung saan doon uupo ang mga dumalo sa event na ito. Habang nasa harap at gitna ang stage kung saan may dalawang sofa para sa akin at sa host.
"Ang ganda ni Miss Keyl, hindi ko akalain na ganito siya kaganda sa personal"
"Grabe, ang ganda niya at galing niya pa magsulat, kinuha na niya lahat. Sana all!"
"Sabihin mong hindi ako nanaginip, friend. Si Miss Keyl ba talaga iyan? Hindi ako makapaniwala na ngayon nakikita ko na siya sa harapan ko"
Ilan lamang iyan sa mga narinig kong mga bulong bulungan nila at nginingitian ko naman sila.
Pagkalipas ng dalawang taon na pamamahinga ko ay sa wakas bumalik na ako sa pagsusulat. Sa isang website ko pinili munang magsulat at libre lang iyon, ayos lang naman sa akin dahil ang mahalaga ay bumalik na ang passion ko sa pagsusulat. Ngunit, hindi ko akalain na maraming readers na nagustuhan ang librong ginawa ko at isang araw ay may publishing company na gustong i-publish ang libro ko, sobrang tuwa ko non dahil pagkalipas ng dalawang taon ay ngayon lang ulit maililimbag ang kuwento ko. At nang maging libro ang istorya ko ay naging isa ito sa mga 'Best Seller' at doon ako hindi makapaniwala. Sobrang saya ko at hindi ko alam saan ilalagay ang saya sa buong katawan ko.
"What do you feel for your first book signing event?"nakangiting tanong ng host sa akin.
"I'm very happy and thankful. Honestly, hindi ko na-imagine na darating ako sa puntong ito"sagot ko sa host at namasa ang mga mata ko pero dinaan ko sa ngiti dahil ayaw kong umiyak. Nakita ko si Kyrine at Ate Caelyn na umiiyak na sa table nila.
Kinuha ng Host ang bagong libro na gawa ko at pinakita iyon sa akin. Gumuhit ang ngiti sa labi ko nang makita ko ang title na nakasulat sa libro, 'Just Hold Onto Destiny's Grasp".
"So, tell us more about your break through story entitled 'Just Hold Onto Destiny's grasp'"sambit ng host sa akin at napangiti ako nang marinig ang hiyawan ng mga readers.
"Si Dalien ay isang Landscape photographer habang si Caem ay isang Tragic writer, at pareho silang may mapait na karanasan sa nakalipas na pag-ibig nila at sa pagpapatuloy ng kuwento ay malalaman natin kung paano mabubuo ang pagmamahalan nila sa isa't isa at kung paano nila malalagpasan ang isang problemang mahirap pagtagumpayan, at katulad ng title, malalaman natin sa kuwento, kung hahawak ba sila sa tadhana o bibitawan na lang nila ang isa't isa"mahabang paliwanag ko sa host.
Marami pang naging katanungan ang host sa akin na sinagot ko. Nagtawawanan kami minsan at nagserseryoso rin ngunit ang huling tanong niya ang nagpatuptop sa akin.
"Here's your last question from your readers, 'Miss Keyl, pwede po ba malaman kung dumating ba si Dalien para kay Caem? Please, answer po'"usal ng Host habang binabasa ang puting papel.
Pinagsama sama ko ang buhok ko at nilagay sa likod. Tinanggal ko rin ang sunglasses ko para matingnan ng maayos ang magandang karagatan.Malamig ang simoy ng hangin at kulay kahel na ang tubig ng dagat dahil malapit ng magtakip silim. Nakasuot ako ngayon ng White shirt at Hopkins skirt, tinali ko sa harap ang shirt ko para pumorma ang katawan ko. Napayuko ako at nakita ko ang kuwintas na suot ko, ito ang kuwintas na binigay sa akin ni Damien. Hinawakan ko ito at tumingin muli sa karagatan.
Sa nakaraang apat na taon ay pabalik pabalik ako sa Zambales at sa iba pang lugar na may alaala namin ni Damien. Gusto ko kasi alalahanin ang masasayang araw namin at para hindi ko rin siya malimutan. Gusto ko itatak sa puso at isip ko na si Damien ang taong mahal ko at ang taong hinihintay ko.
"Mama, nakabili ka na ng ulam natin?"tanong ng batang babae sa nanay niya.
"Oo anak, adobo ang ulam natin ngayon"masayang sambit ng ginang at sabay silang pumasok sa pamilyar na bahay.
Binenta na nina Damien at Abram ang bahay nila dito sa Pampanga.Subalit, kahit na may iba ng nakatira rito ay sinisuguro na paminsan minsan ay dumadalaw ako rito.
"Ate?"tawag pansin sa akin ng batang babae kaya napatingin ako sa kanya. Nasa harap ulit ako ng dating bahay nila Damien. Lumuhod ako para pantayan ang bata.
"Bakit? Gusto mo ng meryenda?"tanong ko sa kanya at inayos ang buhok niya.
"Hindi po. Nagluto na po si nanay. Sabi niya po, pasok ka po raw sa bahay"magalang na sabi ng bata at kahit na nagtataka ay pumasok ako. Gusto ko rin kasi ulit makita ang bahay nila Damien.
Binuksan ng batang babae ang mini gate pero ang alala ni Damien ang pumasok sa isipan ko.
"Love, pasok ka. Nagluluto si Abram ngayon ng Adobo. Gusto mo ba kumain?"tanong niya sa akin at binuksan ng malaki ang mini gate.
"Ate? Ayos ka lang po ba?"luminaw ang paningin ko at nakita ko ang nag aalalang mata ng bata akin at kahit hindi, ay tumango ako bilang sagot.
Naglakakad na kami papasok sa loob at bumalik sa alaala ko ang panahong naglalakad ako dito na may kandila sa loob ng isang paper bag sa magkabilang gilid bilang suprise sa akin Damien. Naramdaman ko ang paunti unting paninikip ng dibdib ko.
Binuksan ng bata ang pintuan at sa alala ko ay nakita ko sina Damien at Abram na nagtutulakan sa mahabang sofa. Nagkasalubong ang mata namin ni Damien at mabilis siyang napangiti at lumapit sa akin.
"Love, manonood kami ng movie. Ano gusto mong panoodin? Huwag kang tatabi kay Abram dahil mabantot iyan kasi hindi pa naliligo"sambit niya at may pandidiri sa tono ng boses niya sa huling sinabi niya.
"Miss?"napatingin ako sa ginang na tinatawag ako"Pwede ka ng pumasok"nakangiting anyaya niya. Doon ko napansin na nakatayo lang ako sa labas ng pintuan.
Umupo ako sa single sofa habang ang mag-ina ay umupo sa mahabang sofa. Nakatingin sila pareho sa akin.
"Napansin ko kasi na lagi kang nakatingin sa labas bahay namin kaya pinapasok na kita para makita ang loob ng bahay"nakangiting sabi ng ginang at pilit naman akong napangiti"Sandali lang, kukunin ko lang ang turon"paalam ng ginang at pumunta sa kusina.
Napatingin ako sa kusina at bumalik ang alaala ng nakaraan.
"Abram, siguraduhin mo na masarap 'yang luto mo, nagugutom na ang girlfriend ko doon, oh"turo pa sa akin ni Damien at sinamaan siya ng tingin ni Abram.
Nilipat ko ang tingin ko sa lamesa at mga upuan.
"Love, bakit ayaw mong kumain? Ayaw mo ng turon?"nakangusong tanong ni Damien at kinuha naman ni Abram ang pagkakataon na iyon para kagatan ang turon na hawak ni Damien. Pinitik ni Damien sa noo si Abram"Katakawan talaga, Abram. Ang dami daming turon sa plato, oh"sermon ni Damien.
Hindi sinasadyang napatingin din ako sa lababo at napapikit ako. Kailangan ko ng makaalis dito. Lalo ko lang pinapahirapan ang sarili ko.
"M-May pupuntahan po pala ako, aalis na po ako"nagmamadaling sabi ko at patakbong umalis sa bahay na iyon. May sinasabi pa ang ginang ngunit hindi na iyon naintindihan.
Dahan dahan ay umakyat ako sa hagdan hanggang makarating ako sa pinakatuktok na palapag. Bumungad sa akin ang naghalo halong dilaw, pula at puti sa kabuan ng Pampanga. Nanggaling ang mga ilaw na ito sa mga sasakyan at building. Napakaganda nito titigan kapag malayuan dahil para silang maliliit na liwanag nagbibigay sa tanglaw sa gabi.
"Ito ang sinasabi ko sayong gandang tinatago ng Pampanga. Naniniwala ka na ba?"napalingon ako ng marinig ko ang boses ni Damien. Nakatayo siya sa tabi ko at ang ganda ng pagkakangiti sa akin.
"Oo, napakaganda"mapait na sagot ko sa kanya at bigla na lang siyang naglaho kasabay ng pag ihip ng hangin.
Inilalagay ko sa maleta ang mga damit at gamit dahil plano kong pumuntang Zambales. Napagod din kasi ako sa book signing kahapon at alam kong ang pagpunta sa dagat ang magbibigay ng kapahingahan sa akin.
"Caelian, hindi naman sa nakikialam ako p-pero pwede bang tigilan mo ang pagpunta sa Zambales at sa iba pang lugar na may alaala niyo ni D-Damien? Kasi sa totoo lang, ako ang nahihirapan sayo"nag aalinlangan at may bakas lungkot sa boses ni Kyrine. Nang maayos ang mga gamit ay sinira ko na ang maleta at napaupo sa kama.
"Kyrine, n-nakakalimutan ko na"mahinang sambit ko sa kanya.
"Ang alin?"tanong ni Kyrine sa akin at umupo rin siya kama kaya magkaharap na kami ngayon.
"N-Nakakalimutan ko na ang alaala namin ni Damien"sambit ko na nakatingin sa mga ni Kyrine kasabay ng pagpatak ng luha ko. Naramdaman ko ang pagguhit ng kung ano sa dibdib ko. Ang sakit.
"P-Posible ba iyon?"tanong ni Kyrine na halata ang pagkagulat at tumango ako habang lumuluha.
"M-Madalas na pumupunta ako sa mga lugar na may alaala namin ni Damien dahil... p-paunti unti ay nakakalimutan ko na ang mga pinagsamahan namin dalawa"kuwento ko sa kanya at muling bumagsak ang mga luha ko"Ang tanging nagtutulak na lang sa akin na pumunta sa mga lugar na iyon ay dahil alam kong may magandang alaala kami doon...hindi dahil natatandaan ko pa ang mga alaala na binuo namin doon"pagpapatuloy ko na lumuluha.
"C-Caelian..."banggit ni Kyrine sa pangalan ko at binigyan niya ako ng mahigpit na yakap.
"Ang tanging naaalala ko na lang ay pagsabi namin ng mahal namin ang isa't isa... na pati ngayon ay malabo na"masakit na sambit ko at napahikbi ako.
Pinunasan ko ang luhang dumaloy sa pisngi ko. Sa nakalipas na apat na taon ay tinupad ko ang sinabi ko kay Damien na hihintayin ko siya...at tinupad niya rin ang sinabi niyang hindi na siya babalik.
"Kaya One ang sinulat ko diyan, dahil ito ang simula natin. Ito ang araw na mag-uumpisa ang kuwento nating dalawa at gusto kong maging kaibigan kita"nakangiting sambit ni Damien noon sa akin at napatingin ako sa sahig na may nakasulat na number One.
Nag-umpisa ang kuwento naming dalawa bilang magkaibigan dahil hiniling niya, sa gitna ng kuwento ay naghulog ang loob namin isa't isa at naging magkasintahan dahil pinaramdam niya na mahal niya ako, subalit sa dulo ay binitiwan niya rin ako dahil hindi na niya kinaya.
"D-Damien, ito na ba ang wakas ng kuwento nating dalawa?"tanong ko na nakatingin sa malawak na karagatan at tumulo muli ang luha ko.
Sa tuwing bumabalik ako dito ay buo ang pag-asa ko na darating ang araw na magkikita rin kaming dalawa ngunit habang tumatagal ay nababawasan ang pag-asa na meron ako hanggang sa umabot ng apat na taon ang paghihintay ko at ang pag-asang meron ako ay simot na simot na.
"T-Totoo ba talagang hindi ka na babalik? H-Hindi ka na babalik sa akin?"tanong ko sa hangin at bumagsak ang sariwang luha sa mga mata ko.
Napahawak ako sa dibdib ko nang maramdaman ko ang sobrang pananakit at paninikip nito.
"Sige maghintay ka. Pero, sa oras na maramdaman mong hindi na ako babalik, tumigil ka na sa paghihintay"muling naniriwa sa akin ang huling sinabi ni Damien bago kami nagkahiwalay.
"G-Gusto mo na bang tumigil na ako sa paghihintay?"humihikbing tanong ko at ramdam ang sakit sa tono nito.
Naipikit ko ang mga mata ko nang maramdaman ang hangin na dumampi sa balat ko. Lalong bumuhos ang mga luha na meron pa sa mga mata ko. Dahil kahit ang hangin ay pinaparating sa akin na dapat daw ay tumigil na ako. Tumigil na ako sa paghihintay sa taong walang kasiguraduhan na babalik. Huwag ko ng ubusin ang pag asang meron ako dahil kahit na isang butil na lang ang matira ay hindi pa rin siya babalik. Siya na mismo ang nasabi. Sa kanya na mismo nanggaling na hindi na siya babalik. Kahit mahal niya pa ako. Kahit ilang taon pa ako maghintay...hinding hindi na siya babalik pa.
"D-Damien, alam kong hindi mo ako maririnig pero hayaan mong magkuwento ako sayo"sambit ko sa hangin at maliit na ngumiti"Naaalala mo pa ba ang request mo sa akin? 'Yong isulat ko ang kuwento nating dalawa? Tinupad ko ang request mo at tama ka, maraming tao ang nagustuhan ang love story nating dalawa...pero mas masaya sana kung nandito ka at sinamahan mo ako sa book signing event, edi sana makikita mo ang mga taong gusto ang kuwento nating dalawa"nawala ang ngiti ko at napalunok ako nang tumulo ang luha ko.
"M-Madalas din na pumupunta ako sa mga lugar na may alaala nating dalawa at p-pakiramdam ko nga parang kasama lang kita..."huminga ako ng malalim at nagpatuloy"Alam kong gusto mo ng kalimutan kita at magsimula ng bagong buhay...na wala ka. P-Pero, pwede bang huwag mo na lang hilingin iyon? Kasi paunti unti ay nakakalimutan ko ang mga alaala nating dalawa at iyon kinatatakot ko...dahil iyon na lang ang meron ako sayo...ayaw kong makalimot...gusto ko matandaan ang bawat detalye na pinagsamahan nating dalawa"nasasaktan na sambit ko at hinayaan ang sarili ko ng umiyak ng umiyak.Nang makuntento ay pinunasan ko ang luha ko gamit ang palad ko at lumanghap ng hangin.
"katulad ng p-pinangako ko sayo, titigil na ako sa paghihintay kapag naramdaman kong hindi ka na dadating...at ito na ang araw na iyon...ito ang araw na hindi ko na pipilitin na alalahanin ang mga alaala natin...ito rin ang araw na titigil na akong pumunta sa mga lugar na maaalala kita...at ang ito huling araw na hihintayin kita"usal ko at umagos muli ang luha ko kaya pinunsan ko agad ito"Paalam..."masakit na sambit ko at tumalikod na.
Kasabay ng pagtalikod ko ay ang pagpili ko na humakbang at lisanin ang masakit na pahina ng buhay ko. Kailangan ko ng ilipat ang pahina at pumunta sa bagong kabanata na naghihintay sa akin.
Sa paghakbang ko ay muli kong naalala ang sagot ko kahapon sa host.
"Actually, I-I don't know. Pero, kahit na hindi dumating si Dalien, mananatili siyang mahal ni Caem at naniniwala rin akong mahal din siya ni Dalien"
And this is the Last POV of Caelian! :(
Sinong umaasang happy Ending ito? Hahahaha!
Halina't sabay sabay tayong umasa sa Last Chapter ng JHODG! Abangan natin ang sasabihin at damdamin ni Damien!
See you on last chapter!
-Shay C.