February 14, 2002
Valentine's day. Makikita sa paligid ang mga love birds na sobrang sweet sa bawat isa. Para bang isang kulay lang ang meron sa araw na ito -- pula. May mga pusong gawa sa ginupit na papel, lahat mukang masaya, lahat mukang nakajackpot maliban lang sa isang tao, ako. Valentine's party ngayon sa school namin kaya nakadress ang lola mo. I make sure everything is okay bago ako pumunta sa party na ito kasi ito na yung time na pinakahihintay ko.
Ngayon ako nagdecide na aamin na ako kay Jimmy, ang aking one true love, hihi. Matagal ko na siyang crush kahit na nga medyo malaki ang agwat ng age namin. Bakit? Kapag sa love ba may edad edad? Wala naman di ba?
Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko. Para akong natatae na ewan, siyempre ikaw ba naman ang mag confess sa taong gustong gusto mo, di ka kakabahan?
Ayos na ang lahat, nakapagpaganda na ako, nagpaparlor pa nga e. Nagpakulot pa ako at bumili ng teddy bear para kay Jimmy. Alam kong high school student lang ako at college na si Jimmy pero swear, mahal ko talaga siya at wakopakels kung kakaiba itong gagawin ko. This is the day! Aja!
"O ano, ready ka na ba?" rinig kong sabi ni Mae, classmate ko.
"Yes, I am ready. Pero kinakabahan talaga ako tol."
"Wag ka nga diyan! Isipin mo na lang na kapag natapos ang gabing ito, kayo na ni Jimmy."
Nabuhayan ako sa sinabi ni Mae. Oo nga naman, dapat think positive lang ako. After this night, this Valentine's day, magiging kaming dalawa na.
"Oy tol, andiyan na si Jimmy!" sabi ni Mae sa kanya with matching kalabit pa.
"Ha? Nasan?" sabi ko habang hinahanap ng mga mata ko ang napakagwapong lalaki na nasa may pintuan na pala ng hall na iyon.
Nang makita ko na ito, hindi ko mapigilang mapahanga sa itsura nito. Naka formal suit ito at nakaayos ng mabuti ang buhok nito. Mukang napakabango at napakalinis. The way I like him.
This is it. Nasaisip ko. Kinuha ko na ang teddy bear na ibibigay ko sa kanya at chineck na din kung may tinga ba ako sa ipin. Bakit ba kasi ako kumain ng lechon e. Katakawan mo talaga Jonnie e.
"Go girl!' cheer ni Mae sa akin with matching yakap pa sa akin.
"Salamat, Mae. Sana nga positive hehe."
Naglakad na ako papunta sa pwesto ni Jimmy. Nasa table na ito na malapit sa stage kasama ang mga ka org nito. Sobra akong kinakabahan at di ko alam kung itutuloy ko pa ba itong kalokohan na ito pero andito na e, sayang naman yung pinambili ko ng teddy bear at paparlor ko kung mapupunta sa wala.
"Ahm, hi Jimmy."
Lumingon sa akin si Jimmy pati na rin ang mga kaibigan nito. Ang nakakatawa lang, bakit parepareho silang parang may ibang tingin sa akin? Di ba bagay ang make up ko? Ang buhok? Me tinga ba ako?
Narinig kong tumikhim si Jimmy at nag straight ng katawan nito.
"Oh, hi Jonnie." Bati niya sa akin while showing his pang Close Up commercial smile.
"Ahm, pwede ba tayong mag-usap? Yung tayong dalawa lang?"
"Okay, ladies and gentlemen, let us call the person who made it possible to have this kind of party, the very handsome Jimmy Antonio! Let's give him a round of applause!"
Badtrip naman oh.
"Ahm Jonnie, mamaya na ha. Akyat lang ako. Then we can talk."
"Sige okay lang. Akyat ka na. Don't worry okay lang ako. Hehe"
It feels like an eternity. Wala pa atang 2 minutes itong nagsasalita pero naiinip na ako ng sobra.
"...Thank you for coming everybody and may we all have a good night!" narinig niyang sabi nito sabay nagpalakpakan ang mga students ng St. Ives College.
"Yes, Jonnie? Ano ba ang pag-uusapan natin?"
"Pwede bang yung tayong dalawa lang?"
Tinignan siyang mabuti nito na tila ba may kung ano sa mukha niya sabay sabing, "Sige, doon tayo sa gazebo?"
---
Andito na kami ngayon sa gazebo and the heck, parang ayoko ng ituloy ito. Medyo madilim dito sa may gazebo at puro pantal na ang mga hita at balikat ko pero dedma na ako. Bakit ba kasi nagdress pa ko?
"Hi Jimmy." sabi kong medyo nangangatog ang tuhod.
"Hi, Jonnie. Bakit nga pala ? Ano ang gusto mong sabihin?"
Hindi ako makasagot agad sa tanong niya. Nanlalamig ang pakiramdam ko. Namamawis ang mga kamay ko at pati na din ang kilikili ko. Leche.
Inabot ko muna sa kanya ang teddy bear na hawak ko at kitang-kita ang pagkagulat sa muka nito.
"Ano kasi ... Jimmy, alam ko na bata pa ako at wala pa akong naaachieve na pwedeng ipagmalaki at maging bagay sa'yo pero kasi ...
Jimmy, I love you."
Halos mahimatay at mawalan ako ng hininga sa sinabi ko pero di ko alam kung ano ang naging reaksiyon ni Jimmy. Nakapikit kasi ako habang nagkoconfess dito.
"Jimmy?" tawag ko rito habang nakapikit pa rin ang mga mata.
Bakit walang nagsasalita? Galit ba ito? Dinilat ko ang mga mata ko para makita ang reaksyon nito sa confession ko. Atchaaaaaran! Walang Jimmy na namulatan ang mga mata ko!
"Jimmy! Jimmy" tawag ko sa pangalan dito sa may gazebo. Ano yun? Iniwan lang ako? Wala man lang ha ni ho? Walang oo o hindi man lang? Ibig sabihin ba nun basted ako? Watdaheck.
Sinimulan ko ng maglakad papunta sa may hall ng makasalubong ko si Mae.
"Oy Tol! Nakasalubong ko si Jimmy ah!"
"Ah, talaga?" sagot ko rito na wala ng energy. Siguro basted nga ako.
"Anong nangyari sa confession mo? Kamusta? Ano? Kayo naaa?!" excited na tanong nito sa akin na may kasamang paghampas pa.
"Mae ...."
"O bakit?"
"Basted ata ako.." sabi ko sabay yakap rito. Ngayon lang ata nag sink in sa akin ang lahat.
"Sure ka?"
"Ewan ko, Mae. Pagdilat kasi ng mga mata ko wala na siya."
"Panong di mo alam?"
"Nakapikit kasi ako nung umamin ako sa kanya e. Tapos pagdilat ko wala na siya." kwento ko rito.
Nanlaki ang mga mata nito sa sinabi niya. "Alam mo ang tanga mo!"
"I know! Pero masisisi mo ba ako? Nakakahiya kaya umamin!"
"Nakakahiya?! Ayan tingnan mo sa kakahiya mo, di mo alam kung ano ang sagot niya! Kung nakadilat ka bakla ka, malamang alam mo kung negative o positive base sa mukha niya di ba?" litanya nito sa kanya.
"Oo na! Alam ko naman kaso di ko kayang umamin ng di nakapikit. Mamamatay ako sa hiya. Pero Mae, ano sa tingin mo? Basted na ba talaga ako?"
Umikot ikot ito sa harapan ko na para bang nagsosolve ng isang napakalalang kaso. Oh come on.
"Pwede ba tigilan mo yan."
"Ang alin?"
"Yang kakaikot mo. Nahihilo ako sa'yo e."
"Okay. Anyway, halika na. Balik na tayo doon sa party." aya nito sa kanya.
Feeling ko hinang-hina ako. Alam ko na mukang parang wala lang ang nangyari sa akin pero sa totoo lang, sobrang sakit ng puso ko ngayon. Parang binibiyak.
"Ahm Mae, ikaw na lang muna ang bumalik. Pahangin lang ako saglit."
"Sure ka? Sige, iwan muna kita." sabi nito sa kanya habang kitang-kita sa mukha ang pagkaawa sa kanya.
"Oo naman, ano ka ba! Okay lang ako promise, pahinga lang ako saglit."
Iniwan nga siya nito at ngayon, mag-isa na lang ako. Pwede na siguro akong umiyak ano?
Mula sa ngiting nakaplaster sa mga labi ko, unti unting may tumulong luha sa mga pisngi ko. Paisa-isa hanggang hindi ko na napigilan, ang luha naging hikbi at ang hikbi ay naging palahaw.
----
It's been three days mula ng mabasted ako. Three days simula ng umamin ako ng feelings ko sa isang lalaking walang puso. Isang lalaking inilagay ko sa pedestal pero siguro pinagtatawanan lang ako ngayon.
Toktok! May kumakatok sa pinto pero wala ako sa mood na tumayo man lang sa kinahihigaan ko. I feel so drained. Hence, I feel so numb.
"Anak, nasa baba si Mae. Kanina pa yun naghihintay!" rinig kong sigaw ni Mama sa labas ng kuwarto ko.
"Paakyatin ninyo na lang po dito Ma." sigaw ko rito ng hindi pa din gumagalaw sa kama ko. Maya maya, narinig kong nag click ang door knob ng kwarto ko.
"Oh my God!" rinig kong sigaw ni Mae. Kailangan talaga sumisigaw?
"Kailangan talaga ba sumisigaw ka?" irita kong sabi rito.
Naramdaman ko na lang bigla na niyakap ako ni Mae. Hindi ko alam kung bakit pero bigla na lang akong napaiyak.
"Akala ko ba okay lang?" sabi nito sa akin habang hinahagod ang likod ko.
"A-a-aka-la ko din ..." sagot ko rito habang putol putol ang mga salita ko dahil sa pag-iyak ko.
"Sira ulo ka. Sabi ko na nga ba hindi totoo yung sinasabi mong okay ka lang e! Bakit di mo ako tinawagan agad?" litanya nito habang pinupunasan ang tumutulong sipon nito. Yuck.
"Bakit umiiyak ka?"
"Ikaw kasi e! Akala ko ba kaibigan mo ako pero bakit wala kang tiwala sa akin?"
"Ayaw ko lang kasi na idamay ka. Kaya ko naman e."
"Kaya ko naman e."
"Kaya mo mukha mo. Anyway, nabalitaan mo na ba?"
"Ang alin?"
"So, hindi mo pa nga alam."
Nagtaka siya sa sinasabi nito. Ano ba ang hindi ko alam? Bakit ganito magsalita ito? Nakakairita na ah.
"Alam mo Mae, sabihin mo na. Naiinis na ako e."
"Aalis na si Jimmy ..."
Nagtaka ako sa sinabi ni Mae. Aalis? Panong aalis?
"Ipaliwanag mo nga sa akin, panong aalis?" tanong niya rito.
And now you got my full attention.
"Pupunta na ng Korea si Jimmy. He just found out na hindi pala siya tunay na anak nina Tita Annie. After kasi nung Valentines party, naging usap usapan na yun, ang problema nga lang hindi mo alam kasi nga nagkukuta ka dito." mahabang kwento nito.
Hindi magsink in sa akin ang kinuwento ni Mae. Ito? Isang ampon? Kamusta na kaya siya?
"Kailan daw ang alis niya?"
"Actually iyon nga talaga ang dahilan kung bakit ako pumunta dito... Kasi, ngayon na ang alis niya?"
"Anooooo! Bakit ngayon mo lang sinabi?"
"Dapat kahapon pa kita pupuntahan. E kaso yung isa diyan, nagmukmok dito sa kwarto niya. Kung hindi pa talaga ako naghisterikal kay Tita, di pa ako papapasukin!"
"Nakakainis ka naman o!" sabi ko habang dali-daling tumayo at kinuha ang tuwalya. Hindi pwede to! Kailangan ko siyang makita bago siya umalis!
---
Andito na ako ngayon sa tapat ng bahay nina Jimmy. Sa sobrang madali ko, hindi ko na napansin na magkaiba pala ang nasuot kong sandals. Great.
Kailangan kong makita siya even for the last time. Saka siguro ito na din yung magiging confirmation ng confession ko sa kanya. Ayoko lang na naka hang ako sa ere. Oo kung oo, hindi kung hindi. Period.
Kumatok ako sa pinto na para bang hindi makabasag pinggan. Mula doon, bumukas ang pinto at nakita ko si Tita Annie, ang kinalakihang mommy ni Jimmy.
"Oh Jonnie napadalaw ka? Halika pasok." sabi nito sa kanya habang nilakihan ang pagkakabukas ng pinto sabay yakap nito sa kanya.
"Salamat po."
"O bakit napadalaw ka anak?"
"Ahm Tita, si Jimmy po?" tanong ko rito habang palinga-linga at hinahanap ng mga mata ko ang pakay ko.
"Nasa taas kasama si Jake. Puntahan mo na lang."
"Sige po Tita salamat po." dali dali na akong pumanik papunta sa kwarto nito. Pero bago pa man ako makapasok sa kwarto nito, narinig ko na nag-uusap ang dalawa. Kahit ayaw ko man makinig sa pinag-uusapan nila dahil mali iyon, hindi niya mapigilang mag eaves drop sa dalawa. Nagtago ako sa isang bahagi ng corridor habang nakikinig sa pinag-uusapan ng dalawa. Bahagya namang nakabukas ang pinto ng kwarto kaya maririnig ko pa rin ng malinaw kung ano ang pag-uusapan nila.
"Anong balak mong gawin sa kanya?" dinig kong sabi ng isang lalaki, si Jake malamang.
"Wala. Ano ba ang dapat kong gawin sa kanya?" si Jimmy na yun for sure.
Namayani ang sandaling katahimikan. Hindi ko alam kung bakit pero kinakabahan ako. Sobrang kabog ng dibdib ko.
"E di ba umamin yun sa'yo?" dinig kong sabi ni Jake. Dahil doon, mas nadagdagan ang kabog ng dibdib ko lalo na nung marinig ko ang word na 'umamin'.
"And so? Wala akong pakialam kahit umamin pa siya. Wala siyang halaga sa akin. Kahit konti wala."
Unti-unting nagtuluan ang mga luha niya. Hindi na din niya alam na napapalakas na pala ang iyak niya. Wala na siyang pakialam kung nabuksan na niya ng tuluyan ang pinto ng kwarto ni Jimmy. Kitang kita sa mga mata nito ang pagkagulat.
So ganun pala yun, wala pala siyang pakialam sa akin? Kaya siguro iniwan lang niya ako ng walang ni ha ni ho. Kawawa ka naman Jonnie, nagmahal ka ng isang halimaw.
"Jonnie..." dinig kong tawag sa akin ni Jimmy. Tinignan ko ang mukha niya at kitang kita ang pagkabigla at guilt sa muka nito.
"Let me explain, Jonnie!" sabi nito sa akin pero isang malakas na sampal na lang ang naibigay ko rito. Ayaw ko na kasing pakinggan ang paliwanag nito.
"I hate you! Ayoko ng makita yang mukha mo! Sige, buti na lang aalis ka na at hindi na kita makikita! Huwag ka ng babalik!" sabi niya rito sabay alis sa bahay nito.
Sa pag-alis ko sa bahay ni Jimmy ay siya ring pag-alis ko sa mga alaala niya. Never na akong iiyak sa mga lalaki, lalong lalo na sa monster na si Jimmy.
----