Tatlong araw matapos ang pangyayaring iyon sa loob ng training ground ng Cosmic Dragon Institute ay nagkaroon ng mainit na diskusyon at haka-haka dahil sa hindi inaasahang kaganapang hindi lubos aakalain ng lahat na mangyayari lalo na sa nangungunang bata sa overall ranking na si Li Xiaolong na kilala bilang si Little Devil.
Halos lahat ay hindi pa rin makapaniwala sa pangyayaring ito ngunit inanunsyo na ng prestirhiyosong paaralan ng Cosmic Dragon Institute ang tuluyang pagkasawi nito lalo na at wala ng bakas ng labi ang nasabing pambihirang batang minsan na ring nagpamalas ng lakas sa loob at bago pa lamang pumasok sa loob ng Cosmic Dragon Institute.
Marami ang hindi naging positibo ang pagtanggap sa nasabing balita at karamihan sa mga ito ay ang mga malalapit sa buhay ng batang si Li Xiaolong na walang iba kundi ang lugar ng Green Lotus Pavilion na siyang dating lugar kung saan siya isinilang at nakatayo ang angkan ng mga Li na naging Green Martial Valley Union hanggang sa naging Green Lotus Pavilion ito sa kasalukuyang panahon.
Hindi maipagkakailang maraming nalungkot sa pagkawala ni Li Xiaolong lalo pa't kaisa-isang bata itong nakapasok sa loob ng Cosmic Dragon Institute. Although there are things na hindi naman naging maganda o maayos noon ngunit isa pa ring malaking balita ang masamang inihatid ngayon sa kanila na nagdulot sa malungkot na atmospera sa Green Lotus Pavilion.
Kitang-kita ang pagluluksa ng bawat isa at nagsabit ng kulay itim at puting laso ang bawat kabahayan ng nasabing lugar bilang paggalang sa batang minsang nangarap na makapasok sa loob ng Cosmic Dragon Institute. Naging tanyag hindi dahil sa galing ito sa napakahirap na angkan kundi dahil sa ipinakita nitong husay sa pakikipaglaban hindi lamang sa pagkapanalo nito sa trial kundi ipinakita nito ang pagpapahalaga sa pagpapaunlad at pakikipagkapwa tao.
Alam na rin ng lahat ang totoo patungkol sa naging kontribusyon ng batang si Li Xiaolong noong kasagsagan ng krisis na kinakaharap ng Green Martial Valley Union maging noong isa pa lamang maliit na angkan ang Li Clan na kinabibilangan nito. There's so much they didn't know about Li Xiaolong at sinampal sila ng katotohanan knowing how the Golden Martial Shop sending those important information to the their letters lalo na ang pampublikong mensahe ng Golden Martial Shop Manager na si Bai Shu.
Li Xiaolong's contibution and meritorious deeds ay hindi mapapantayan and knowing na maraming mga miyembro ng Green Lotus Pavilion na galit o may inis kay Li Xiaolong ay napalitan ito ng pagka-guilty without knowing na mahirap ang dinanas nito mula noon hanggang sa huling pamamalagi nito sa Green Lotus Pavilion na hindi man lang pormal na nakapagpaalam ito sa kanila lalo na at tumatak lamang sa isip nila ang guilt dahil wala na rin naman silang magagawa pa. Isang pambihirang batang martial artist na naman ang nasawi ngunit hindi na nila magagawa pang balikan ang iras at panahon kung saan ay buhay at nakikita pa nila itong naglalakad o di kaya ay nagmumuni-muni sa paligid lamang.
Ang lubos na nasaktan sa buong pangyayaring ito ay si Li Jianxin lalo na at ito ang isa sa pinakamatagal at pinakamalapit sa batang si Li Xiaolong maging sa pamilya nito.
Hindi nito matanggap ang buong pangyayari lalo na sa mismong masamang ibinalita ng prestirhiyosong paaralan ng Cosmic Dragon Institute nitong nakaraang mga araw. If she expected it to happen ay hindi niya papayagang mag-aral dito si Li Xiaolong lalo na at wala siyang ideya sa kalakaran ng paaralang ito.
Pakiramdam niya ay ang mismong paaralan ang pumapatay sa mga estudyante nila. Liban kay Li Xiaolong ay marami pang bata ang napabalitang nasawi sa training ground na siyang dahilan upang mainit ang mata ng mga malalaking mga pwersa ng Dou City maging sa dalawang pavilion at ng apat na naglalakihang mga kaharian.
Marami ang nasawi ngunit pinagtakpan lamang ng prestirhiyosong paaralan ang mga kamalian ng mga ito for the past years na itinatag ang Cosmic Dragon Institute. That's why the said prestigious institution become one of the hottest topic lalo na at marami ng mga estudyanteng nag-aaral dito ang nagsialisan.
Malalaking pwersa na rin ang nagpahayag ng pagtutol sa patuloy na pagpapatakbo ng Cosmic Dragon Institute. Iilan sa mga ito ay ang Golden Martial Shop, Peacock Tribe, Green Lotus Pavilion at lalong-lalo na ang Hollow Earth Kingdom na labis ring nalungkot sa pagkasawi ni Little Devil.
Nagpahayag ng pagkagalit ang royal families ng Hollow Earth Kingdom sa kapabayaan ng paaralan at kawalan ng aksyon ng Dou City sa nasabing insidente. No one could deny na mali ng Cosmic Dragon Institute ang lahat ng nangyayari sa kanila at lahat ng ito ay bumalik sa kanila ng sampong beses din.
Nasa huli na upang magsisi pa ang prestirhiyosong paaralan ng Cosmic Dragon Institute at nagpadala na rin ng liham ng pakikiramay ang pamahalaang bumubuo sa Dou City dahil sa nasabing insidente. They are very sorry yet they have to appeased things inorder to prevent further damages.
Ngayon ay mukhang mabubuwag at tuluyan ng magsasara ang Cosmic Dragon Institute dahilan upang bumaba ang tingin ng lahat ng mga kaharian at ng dalawang pavilions sa nasabing siyudad ng sentro ng kaayusan at lakas ng lugar na ito.
Sa isang banda pa ay pumutok na din ang balita patungkol sa Feathers Guild. Itinigil na rin pansamantala ang ugnayan ng impormasyon nito sa Dou City at tanging ang tatlong Kaharian maging ng dalawang nag-eexist na pavilions lamang ang maaaring gumamit ng mga serbisyo nila.
Walang espisipikong liham na nilabas ang Feathers Guild ngunit alam ng lahat na dahil ito sa maling pamamaraan at pamamalakad ng Dou City sa Cosmic Dragon Institute.
Ngunit palaisipan pa rin ito sa lahat lalo na at ito ang kauna-unahang pagkakataon na gumawa ng hakbang ang Feathers Guild dahil lamang sa pangyayaring ito.
Sa kasalukuyan, masasabing unti-unting nagkalamat ang ugnayan ng Dou City sa tatlong kaharian na sakop nito maging sa dalawang bagong pavilions ng Sky Sword Pavilion at ng Green Lotus Pavilion.
Magagawa pa kayang manumbalik ang lakas ng Dou City kung unti-unting nawawalan ng tiwala ang mga nasasakupan nito? Ngayon pang parang lumalabas na imbes na poprotektahan sila ay mukhang ihahatid pa sila sa kawakasan ng nasabing siyudad.
...
END OF VOLUME 7
— Un nouveau chapitre arrive bientôt — Écrire un avis