"Renz?" Nanlaki ang mata ko at napausod sa upuan dahil nahihiya ako.
Nakita 'kong tumingin ito sa malayo at umigting ang kaniyang panga. "Stop crying." Wika nito.
Umiwas ako ng tingin at pinunasan ang luha ko gamit ang aking kamay. Ano ba ginagawa n'ya dito? Dapat kasama niya si Bianca.
"Ba't nandito ka? Pumasok kana sa loob" mahinang sabi ko at sinisipa ang bato at nakita kong tumigil ito malapit sa mga slab stone.
"No. I'll stay here with you" seryoso nitong sabi kaya napatingin ako sakan'ya. Napasinghap ako pagkarinig 'nun at kinagat ang aking labi.
Bakit s'ya ganiyan? Aaminin ko kinilig ako sa sinabi niya pero hindi ko pinapahalata. I knew him, dahil sa mga sabi sabi. Pero ngayon, parang iba si Renz. Sabi nila playboy nga s'ya at ang cold niya sa mga tao.
Tumahimik nalang kami ng ilang minuto at pinakiramdaman yung simoy ng hangin. Ang lamig dahil gabi na ngayon.
"Bakit pala kayo nandito?" Pagputol ko sa katahimikan namin, habang linalaro ko yung paa ko sa damuhan. Tinignan ko siya at nakita 'kong nakatingin lang ito sa harapan.
"Your Tita Ellaine invited us for dinner. My Mom and Tita are friends" sabi niya at napatingin sakin. Nakita 'kong tumingin ito sa mukha ko at sa noo kaya napakunot ang noo niya.
"What happened to that?" Takang tanong nito at tinuro yung sugat sa noo ko. Kinagat ko ang ibabang parte ng labi ko. Napansin niya nga. Niliitan ko na ang band aid dahil hindi naman gaano kalaki pero malalim ang sugat nito.
"Nauntog lang" pagsisinungaling ko saka'nya.
"Lie. Tell me the truth" seryosong sabi niya at tinignan ako ng mabuti, sa ilang ko ay napaiwas ako ng tingin at napabuga ng hangin. Shit, curse this. Bakit ako kinakabahan tuwing tumitingin siya?
"Binato ni Bianca yung sandal niya at yung takong tumama sa noo ko" sabi ko ng mahina. Para akong batang nagsusumbong sa Papa.
Tinignan ko siya. Biglang tumigas ang mukha niya.
"I thought you were both couzins? Bakit naging yaya ka?" Tinignan niya ang sout ko at bigla siyang namula at umiwas ng tingin.
"Pinapatira ako dito. Tapos maging Yaya nila ako" simpleng sagot ko at sumandal sa bench.
Tumango naman siya. "Where are your parents?" Napantig naman ang tenga ko. Kinagat ko ang labi ko para pinipigilan ang pag-iyak. I'm sensitive right now.
Hindi nalang ako sumagot kaya ningitian ko nalang s'ya.
Naramdaman ko na hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at pinapaharap sakan'ya.
Ngayon magkalapit na kami. I was struck. All of his features are perfect. To his narrow nose, his eyes and damn those lips. Alam ko na kung bakit madaming baliw na baliw sakan'ya.
Tinignan ko ang mata niya. Ang inosente tignan pero kapag tumitig na ito sayo, para kang na hipnotismo.
"For now, huwag mo munang sabihin." Niyakap niya ko bigla kaya nanlaki ang mata ko sa bigla. "I want to protect you" napakagat ako ng labi sa narinig. Why are you doing this Renz?
"Let's just stay like this for a while" bulong niya at yinakap ako ng mahigpit. Niyakap ko nalang siya pabalik at hindi mapigilang mapaiyak.
"The sungit princess in the campus is crying in my shoulder" pagputol nito sa katahimikan kaya napakalas ako sa yakap at napasimangot. Narinig ko ang paghalalhak niya while his hands up on the air na parang nakasurrender sa police.
"Don't worry. 'Di ko ikakalat na ang Sungit na Prinsesa ay umiyak sa harapan ko." Asar niya at tumatawa napahawak pa ito sa kaniyang tiyan.
Hindi ko s'ya pinansin at pinunasan ang luha ko.
Tumingin ako sa malayo. "Sungit princess?"
"Yeah. Everybody knows about you. Ang sungit sungit mo raw."
"Hindi mo nga raw pinapansin yung iba" dagdag niya. Napangiti nalang ako sa sinabi niya. Hindi ko 'yon alam ah?
"Nahihiya lang ako." Sagot ko sakanya. Totoo naman, nauunahan din ako ng takot na baka ayaw nika sakin.
Bigla siyang napatingin sakin at parang di makapinawala. "Huh?"
Napatingin ako sa orasan kaya tumayo na ako. "Gotta go." Pagpaalam ko saka'nya it's already past eight baka hinahanap na nila ako Manang sa loob sa biglaang pag walk-out ko.
Aalis na sana ako pero naramdaman ko ang paghatak n'ya saaking siko at sa bilis ng pangyayari ay nauntog ako sa dibdib niya at yinakap n'ya ko bigla. Rinig na rinig ko din ang pag pintig sa kan'yang puso.
"R-renz" nanginginig kong sambit at pilit kumakalas sa yakap.
"Hush now, magiging okay din ang lahat" aniya sa seryosong boses. Tumango nalang ako at pinakiramdaman ang yakap at nanginginig pa ang kamay ko bago ko siya yinakap pabalik. Ilang minuto ang lumipas kumalas na kami sa pagkayakap.
Una akong nagpaalam baka hinahanap na nila ako. Gusto ko din makaalis dahil hindi ko na makakaya ang kahihiyan ko sa kaniya. At sana walang makakakita sa samin.
Huminga ako ng malalim at pumunta sa back door para doon dumaan papasok sa bahay. Pagkabukas ko sa pintuan napasinghap ako sa nakita. I stood still without making any noise.
What the heck? Bianca? At yung kapatid ni Renz? They are making out! Buti ay nakatalikod ito sa'kin. Tahimik sana akong aalis 'don pero nakita ko sa gilid ng mata ko na gumalaw sila. Fudge, kinakabahan ako.
Unti unti akong lumingon sakanila at nanlalaki ang mata na nakatingin saakin ang kapatid ni Renz at nakangisi ito sa'kin habang hinahalikan si Bianca.
Sa kaba ko napatakbo ako sa kabilang daanan, napasandal ako sa pader at nagpakawala ng hangin. Ano ba ang relasyon ng dalawa? Akala ko crush niya si Renz? Napailing ako sa nakita kanina at tinungo ang kwarto para doon makapagbihis.
Napahiga ako sa higaan at at tumingin sa cieling. Kailan pa kaya ako makakaalis sa empyernong bahay na'to?
MAAGA AKONG nagising, kaya nilinid ko muna ang kwarto ko. Kinuha ko ang uniform ko at tuwalya para makaligo. Walang cr dito sa kwarto ko kaya doon nalang ako makikiligo sa kwarto nina Manang Minda.
Pagkalabas ko naroon na sila Manang naglilinis, ningitian ko silang lahat at ngumiti din ito pabalik sa'kin. Pumasok ako sa kwarto nila at doon naghanda para sa school.
Pagkalabas ko sa cr napahawak ako sa pintuan sa gulat dahil muntikan akong matumba. I glared at Marie pero ngumuso lang ito sa tabi.
"Asan ka pala nagpunta kagabi? Bigla ka kasing nawala." she crossed her legs at itinaas ang kaniyang kilay.
Umiiling ako, ayokong sabihin sakaniya na magkasama kami ni Renz dahil alam kong aasarin niya lang ako.
"Sa labas, nagpapahangin." pagsisinungaling ko at tinungo ang higaan para ayusin ang mga gamit ko at tuwalya na kakagamit lang.
Pumunta naksa kusina at nadatnan ko silang nagluluto. Linapitan ko si Manang Wilma na hinahanda ang mesa at linalagyan ito ng pinggan.
"Manang ako na po diyan" alok ko saka'nya.
"Nako iha. Salamat. Ikaw nalang maglagay ng tinidor at kutsara diyan" sabi niya. Tumango nalang ako at linagay yung mga kutsara at tinidor sa tabi ng plato.
Pagkatapos namin maghanda umalis na kami dahil kakain na sila Tita at Bianca. Nakita 'kong lalapit sakin si Manang Minda at may inabot na sobra. "Anak, sweldo mo. Binigay na ng Tita mo."
"Salamat po." Kinuha ko ito at binuksan. Two thousand? Napabuntong hininga ako, makakaya ko ba 'to sa isang buwan?
"Yuri, magkano sweldo mo?" Tanong ni Clarisse at linapitan ako tumabi sakin.
"Two thousand" sabi ko saka'nya at ngumiti ng hilaw.
Nanlaki ang mata nito at parang hindi makapaniwala. "Hindi 'yan kaya sa isang buwan mo lalo na't nag-aaral ka. Sakin eight thousand, bakit ang liit sayo?"
I just shrug my shoulder. "Okay na 'to."
"Yuri, may ipon naman ako." Sabi niya ng seryoso at ngumiti at inilahad niya sakin ang pera.
Pagtingin ko 3 thousand iyon. "Nako 'wag na" pagtanggi ko at umiling. Pinaghirapan nila 'yan kaya nakakahiya 'ding tanggapin.
"Para na kitang kapatid, alam mo ba yun? Nainis ako sakanila kapag pinapahirapan ka. So please, tanggapin mo nalang 'to. Para sakin please" pagmamaka awa niya at pilit inilagay saakin ang pera sa aking kamay.
Ngumuso nalang ako at tinanggap. "Salamat" hindi ko mapigilang mapaluha dahil dito kaya napayakap ako sakaniya ng mahigpit.
Tumawa siya ng mahina. "Anything for you." Mahinang sabi nito at hinahaplos ang buhok ko.
"Look at you. Ba't mo yinakap ang basura?" May narinig akong maarteng boses kaya napabitaw kami sa yakap. Tinignan ko yung babaeng nasa harap namin na nakataas ang kilay.
"Maam 'di po siya basura" mahinang sabi ni Clarisse. Tinignan siya ni Bianca ng masama. Kinurot ko naman si Clarisse ng mahina para pigilan siya baka ano pa gawin sakan'ya ni Bianca.
"Aba, ang kapal ng mukha. Sinasagot mo na 'ko ha?" galit niyang sabi at namumula na ang pisngi nito.
Tumayo ako. At yumuko. "Sorry ma'am"
Tinulak niya naman ako at napaupo ako sa sahig. Ang sakit 'nun ah? Napahimas ako sa aking pwet at napadaing.
Tinignan ko siya. Nakangisi lang ito at umalis. Umismid nalang ako at tinulungan ako ni Clarisse para makatayo.
"Yung bata na 'yon! Walang respeto!" galit niyang sabi. Hinawakan ko ang balikat niya para kumalma.
"Okay lang 'yon. Tara na, tapos na yata kumain sila Bianca. Kain na tayo" sabi ko sakanya. Huminahon naman siya pero pulang pula parin ang mukha niya at kitang kita ang munting ugat sa kaniyang pisngi dahil sa pamumula niya.
Sabay nalang kaming pumasok at nakikikain na kami kasabay sina Manang at ang iba pa.
Pagkatapos kasing kumain nila Tita at Bianca kami nalang ang kakain pag may sobra pa.
— Un nouveau chapitre arrive bientôt — Écrire un avis