Télécharger l’application
100% Hey, Mr. Soldier! (Gabriel) / Chapter 5: Ikalimang Kabanata

Chapitre 5: Ikalimang Kabanata

Itinuon ni Beatriz ang mga paningin sa dalawang motorsiklong nakaabang sa kabilang daan. Biglang napaawang ang mga labi niya sa namasdan. Tila huminto sa pagtibok ang kanyang puso nang makilala kung sino ang matamang nakatingin sa kanya. That 6 footer man, dark complexion, makapal ang kilay at tila bagong gupit ang buhok nito. Hinagod niya ito ng buong tingin. Hindi pa rin nababago ang style nito sa panunuot ng damit. Jersey short, jacket and rubber shoes. Siya pa rin! Sigaw ng kanyang isipan. Sandaling nagkatagpo ang kanilang mga paningin. Tila nababasa niya sa mga mata nito na gusto siya nitong lapitan ngunit pilit na pinipigilan lamang nito ang sarili. Sinaway ni Beatriz ang sarili. She rolled her eyes. Nababasa niya ba talaga sa mga mata nito iyon o baka naman siya ang gustong tumakbo papunta sa kinaroroonan nito. Natauhan siya nang bumosena ang isang orange na motorsiklo. Nalipat ang mga paningin niya sa matalik na kaibigang kanina pa pala kumakaway sa kanya at tuwang-tuwa nang makita siya. Kasama nito ang magiging asawa na si Mark. Tila gusto niya itong murahin sa ginawa nito. Pinagkakaisahan yata siya ng dalawa. Hindi ba't ang pinag-usapan nila ng kaibigan niyang si Claire ay sila ng fiancée nito ang susundo sa kanya? Ano'ng ginagawa ng ex niya rito at bakit sumama itong sunduin siya? Oo, alam niyang pupunta ito sa kasal ng kaibigan niya dahil nga kaibigan din ito ni Mark. But this idea made her uncomfortable.

Sumenyas itong pumunta siya sa kinaroroonan nila. Isang malalim na hininga ang kanyang pinakawalan bago inayos ang back pack na dala. Tila ba nababalisa siyang humakbang habang matamang nakatitig sa kanya si Gabriel. Tila ba bawat hakbang niya ay binibilang nito. Gusto niyang mahiya. Isang black skinny jeans ang suot niya at long sleeve na kulay gray na tila yumayakap nang mahigpit sa kanyang katawan. They can't blame her. Maalaga siya sa kanyang katawan. She has an active lifestyle. She always jog and even joining a Martial Art Club. Hindi naman siya sobrang payatin. She has this slimmed body ngunit may porma naman. And yes, she's proud of it. Isa lang kinaiinisan ng lahat sa kanya, she just comb her hair once a day. Wala siyang pakialam minsan kung magulo ang wavy niyang buhok. Di tulad ni Claire na malapit nang umabot sa tuhod nito ang buhok at sobrang inaalagaan pa nito.

Sa wakas, tumigil na rin siya sa paglalakad ngunit alam niyang hindi pa rin naalis ang mga tingin ni Gabriel sa kanya. Nginitian niya ang kaibigang si Claire nang makalapit siya.

"I miss you, Triz." Sinalubong siya ni Claire ng yakap at sumukli naman siya.

"I miss her too, " pareho silang napatigil ni Claire. Nag-arko ang kanyang mga kilay. Alam niyang hindi siya nabibingi dahil nakita niya rin ang pag-senyas ni Claire sa kanya na tila nanunukso at kinikilig. Sinunggaban niya ng mga tingin ang binatang nasa kabilang motorsiklo. Nakayuko ito at nang mapansing nakatingin siya ay agad na inayos nito ang sarili sa pagsampa sa motorsiklo at pinaandar ang makina niyon. Lihim na napabuntong-hininga siya. Hindi niya alam ang nararamdaman niya. Galit siya rito at wala siyang planong pansinin ito ngunit alam niyang galit din ito sa kanya.

"Tol, tayo na. Magdidilim na." Yaya nito kay Mark. Nanikip ang dibdib ni Beatriz. Hindi pa rin ba nawawala sa isipan nito ang pag-iwan niya rito? Dapat ba'ng siya ang sisihin sa ginawa niya? Talaga bang hindi nito iniisip na may kasalanan din ito kung bakit niya ginawa iyon? Gosh, this man is so insane. He told her na hindi mangyayari sa relasyon nila ang ginawa ng mga ex niya pero ginawa pa rin nito. Hindi ba nito natatandaan ang mga sinabi sa kanya? Ito lang ba ang nasaktan? Siya rin naman, ah.

Nilingon ni Beatriz si Claire na nagpapalipat-lipat ng mga tingin sa kanilang dalawa ni Gabriel. Mayamaya pa ay pinaandar na ng binata ang makina ng motorsiklo. Sinulyapan niya ito. Hindi niya mabasa ang ekspresyon sa mukha ni Gabriel. Ngunit isa lang ang alam niyang sigurado siya. Galit ito sa kanya at wala siyang pakialam! Gusto niyang imura iyon sa binata ngunit pinigilan niya ang sarili. She has moved on. Sigurado siya doon. Sa mahigit isang taon ba namang wala silang kumonikasyon nito at hindi nakapag-usap ay tahimik na ang buhay niya. Kinalimutan na niya ang isang maliit na bagay na pinag-awayan nila ni Gabriel na naging dahilan ng kanilang paghihiwalay. Ang ikinasama pa ng loob niya ay ni hindi man lang siya pinigilan ng binata o ipinaglaban man lang. Dahil kung totoong ayaw nitong mawala siya sa buhay nito ay gagawa ito ng paraan upang magkabalikan sila. Pero wala, ayun at naglulong pa sa Mobile Legends na iyan ang binata.

"Sakay ka na." Napukaw ang pag-uusap niya sa sarili nang lingunon siya ni Gabriel. Medyo nagulat pa siya dahil nakatitig pala siya sa binata habang nakikipagdigmaan sa kaluluwa nito.

"S…'san ako sasakay?" Utal-utal na tanong niya. Napuna pa niya ang pagtawa nina Mark at Claire.

"Syempre kay Gabriel, Triz. Ano ka ba, mukhang affected ka pa." Tukso sa kanya ni Mark na siya namang tinaasan niya ng kilay. Hindi pa rin umiimik si Gabriel nang lihim na sinulyapan niya.

"Sige na, bestfriend. Sumakay ka na at maabutan tayo ng dilim sa daan kapag hindi ka pa kumilos dyan." Utos naman sa kanya ni Claire.

Bagaman may kabigatan ang loob ay wala na siyang nagawa pa kundi ang pilitang sumampa sa likod ng motorsiklo ni Gabriel. Tahimik na binaybay nila ang daan papunta sa bahay nina Mark. Nakasunod lamang sila sa mag-fiancee.

"Kumusta ka na pala?" Mayamaya ay bungat sa kanya ni Gabriel. Napakura-kurap si Beatriz bago nagsalita. She feels so awkward ngunit sa kabilang banda, she really wanted to talk to him. Inayos niya muna ang buhok na nililipad ng hangin saka tumikhim.

"Okay naman. Masyado naman akong okay." Pagdidiin niya sa mga salitang sinabi. She heard him smirked. That time ay parang gusto niyang paluin ang binatang nagmamaneho gamit ang kanyang cellphone na hawak. Inayos nalang niya at tinali ang mataas na buhok na nililipad ng hangin.

"I know. Halatang okay na okay ka. Sabagay, ang mga nang-iiwan talaga ang maayos. Iyong mga iniwan, sila iyong hindi makapag-recover." Naroon ang sarcasm sa tono ng pananalita ni Gabriel. Halos sinaksak ang puso ni Beatriz mula sa narinig sa binata. Sinundan pa niyon ng sarkastikong pagtawa.

Nagtagis ang kanyang mga bagang. "May problema ka ba sa 'kin, Gabriel? Dahil kung mayroon man, 'edi sana hindi ka nalang pumayag na dito ako sumakay sa motorsiklo mo. Kasya naman ako roon kina Claire. Saka bakit pa sumama ka pang kumuha sa 'kin?" Naiinis na wika ni Beatriz. Sa pagkakataong iyon ay tila umakyat sa kanyang utak ang lahat ng dugo niya. Kung pwede lang sanang tumalon siya mula sa motorsiklo ni Gabriel ay gagawin niya. She does not want to hear whatever insults from him. Bakit pa sa palagay nito ay sakit na sakit ito sa ginawa niyang pag-iwan? Hindi man lang ba nito naisip ang ginawa nito kung bakit siya lumayo? Gosh! This man…she really wants to punch him!

Hindi na nagsalita pa si Gabriel. Medyo na tumaas kasi ang boses ng dalaga. Si Beatriz man ay medyo nagulat sa inasta niya ngunit hindi niya napigilan ang sarili. Hindi niya alam kung bakit tila bumalik ang galit niya sa binata. Ngunit kailangan niyang kontrolin ang sarili ano man ang mangyari. Ikakasal ang bestfriend niya at dapat ay hindi siya gumawa ng anumang gulo na ikasisira ng kasal ng matalik niyang kaibigan.

Mayamaya pa ay lumiko ang motorsiklo sa isang malawak na bakuran na napapaligiran ng berdeng-derdeng bermuda at isang malaking punong manga na may dalawang maliliit na cottage na gawa sa kawayan at purely furnished iyon. May mga nakatingin rin sa kanila na pamilyar sa kanya ang mga mukha. At nang tumigil ang motorsiklo sa gilid ng malaking mangga ay saka niya lang nakilala kung sino ang dalawang lalaking nakaupo roon at may hawak na mug, nagkakape. Mga batchmate pala iyon nina Mark at Gabriel. Nakatingin sa kanya habang nakangisi.

"Hi miss, Triz. Kumusta ka na?" Bati sa kanya ni James na siya ring naging kaibigan niya at isa rin sa mga nagsusulsol sa kanya noon na sagutin na si Gabriel.

"Mabuti naman po, sir." Kiming sagot niya matapos makababa ng motorsiklo ni Gabriel. Tinanggal niya ang nakataling buhok at sinuklay iyon gamit ang kanyang daliri.

"Thanks, "mahinang bulong niya kay Gabriel. Tinanguan lamang siya ng binata saka umupo na rin ito kasama sina James.

"Triz, halika at magkakape rin tayo. Alam kong favorite mo ang native coffee." Hinila naman kaagad siya ni Claire papasok sa loob na ipinagpasalamat niya.

"Magandang hapon, po." Bati niya sa mga magulang ni Mark na nakasalubong nila sa pinto.

"Nay, Tay, si Triz nga pala. Bestfriend ko." Pagpapakilala ni Claire sa kanya.

"Lagay mo muna ang bag mo dyan sa sofa. Ipapahatid ko nalang iyan mamaya kay Gabriel sa kwarto mo." Tumaas ang kaliwang kilay ni Beatriz. Talagang sinasadya siyang tuksuhin ng kaibigan. Palihim na nilingon niya si Gabriel sa labas ng pinto pero gano'n nalang ang pagkagulat niya nang nakatitig pala sa kanya ang binata. Mabilis na hinagis niya ang bag sa sofa at pumunta sa maliit na mesa.

"Kaya kong buhatin ang bag ko, ano." Irap na wika niya habang naglalagay ng kape sa tasa.

"Alam ko naman iyon. Saka oy, since sa susunod na araw pa ang kasal ko, bukas magbo-bonding tayo. Bukas ng hapon maliligo tayo sa dagat." Nag-arko ang mga kilay ni Beatriz.

"Two days lang ang leave ko. Huwag mo akong ipapa-extend ng isa pang araw. Sayang ang absences. Asa'n ang asukal?" Wika niya habang isa-isang tiningnan ang mga garapon na nasa mesa.

"Nasa labas. Dinala ni James. Kunin mo nalang." Utos sa kanya ni Claire. Siningkitan niya ng mga mata ang kaibigan.

"Ikaw na. Ikaw iyong taga-rito." Balik-utos niya rito.

"Edi wow! Halika, samahan mo nalang ako sa labas." Padabog na sumunod siya kay Claire.

"Mark, pahingi naman ng asukal." Sabay-sabay na lumingon ang apat na matamang nag-uusap. Napansin niya ang halos pagtigil ng kanyang hininga dahil sa nakapaskil na reaksyon sa mukha ng apat ngunit agad na binawi niya iyon. Tila kasi ay nakakita ang mga ito ng isang galit na engkanto.

"Gabriel, asukal daw." Nguso ni James kay Gabriel na naiwan ang hawak na tasa ng kape sa ere." Napuna niya ang sandaling pagtigil ng binata.

Dinampot naman kaagad ni Jun ang garapon ng asukal saka ibinigay kay Gabriel. Napabuntong-hininga si Beatriz sa ginagawang kilos ng binata.

"E…eto na." Nagkasalubong ang dalawang kilay niya. Napansin niya ang halos nabubulunan na si Gabriel. Walang kibong tumalikod na kaagad siya pabalik sa loob papalayo sa binatang wala yatang planong umalis sa harapan niya matapos inabot nito ang kailangan niya.

"Triz, hindi maipinta ni Leonardo da Vinci ang mukha mo." Saway sa kanya ni Claire.

"Ako lang makakapagpinta sa mukha ko." Sarkastikong sagot naman niya habang naglalagay ng isang kutsaritang asukal sa kanyang baso.

"Halika at sa labas tayo. Masarap ang simoy ng hangin doon at malamig. Baka sakaling lumamig ang ulo mo." Halos tumilapon pa ang kape mula sa tasang hawak niya nang hilahin siya ni Claire.

"Pwedeng maki-join, guys?" Wika ni Claire sa apat. Binigyan naman sila kaagad ng espasyo ni James upang maka-upo. Naiwan siyang nakatayo. Sinadya kasi ng mga ito na roon siya pa-upoin sa tabi ni Gabriel. Ngunit ginawa niyang pormal ang sarili. Why would she get affected kung katabi niya sa Gabriel? Wala na namang sila at pareho na silang nakapag-move on. Kaagad na tumabi siya ng upo sa binata. Halos gusto niyang bumuhakhak nang tawa dahil halos ay hindi na gumalaw ang katabi niya at mabibilang lamang sa mga kamay ang ginagawang pagkilos nito.

"So, Triz, kumusta na kayo?" Napansin niya ang paglipat-lipat ng tingin ni James sa kanilang dalawa ni Gabriel. Sumilay ang ngiti sa kabilang labi niya.

"Okay lang ako, James. Hindi ba halata?" Wika niya saka humigop ng kape. "Ewan ko lang sa iba dyan." Mahinang bulong niya ngunit sinigurado niyang narinig iyon ni Gabriel.

"Kapagka maayos na at madaling makalimot, siguradong okay na iyan." Nagulat siya sa sagot ni Gabriel ngunit kaagad ni ipinaskil niya ang mga ngiti sa labi.

"Sino ba 'yung dapat na unang maging maayos? Iyong nang-iwan o ang iniwan? I mean iyong pinabayaan ka at pinaramdam sa iyong hindi ka na mahalaga?" Kunot noong isa-isa niyang tinitigan sina Claire, Mark, James at Jun.

"Depende, " wika naman ni Claire."

Tinaasan niya ng kilay si James. "Iyong nang-iwan?" Sagot naman nitong mukhang naalarma yata sa pagtitig niya.

"Both?" Litong wika naman ni Jun.

"Iyong masaya na sa piling ng iba." Mabilis na sagot naman ni Gabriel.

"So, masaya ka na sa piling ng iba?" Nilingon niya ang binata. Talagang sinusubukan siya ng kumag na ito. Ngayon, magkakasubukan sila.

"Masaya ako sa piling ng kama." Nakangiting wika ng binata. Sabay na nagkatawanan naman ang ibang kasamahan nila sa cottage.

"Sa piling ng kama na may kasama. Tama ba ako?" Isang matalim na tingin ang ipinukol niya kay Gabriel. Napatigil sa pagtawa ang binata. Napalitan ng pagkaseryoso ang mukha nito.

"Paano mo nasabi iyon, Triz?" Iniwas niya ang mga tingin saka dinampot ang baso at humigop ng kape.

"T'was just my opinion. Apektado ka naman. Halatang totoo."

"Opinion is different from fact, Triz. And you are accusing me." Sabat naman ni Gabriel.

"Guilty or not, I don't care anyway." Pinagkrus niya ang dalawang braso sa dibdib.

"Ops, guys. Andito tayo para magsaya. Walang away na mangyayari. Wala tayo sa korte para magkakaroon ng debate." Pigil sa kanila ni Claire. Napansin niya ang mahinang pagpisil ni Claire sa kanyang tagiliran.

"Alam mo, halatang-halata kayong dalawa ni Gabriel kanina, eh. Alam mo 'yun. Iyong mga tingin niyong dalawa parang may kanya-kanyang kuryente na nagkakalabanan sa pagitan ninyo. Wosh at boom, kaunti nalang sasabog na." Isa-isang tinutupi ni Claire ang mga damit nito at kinakasya ang mga top piece na susuotin kinabukasan.

"Hindi ko nga alam kung bakit biglang uminit ang ulo ko sa kanya kanina, eh. Nananahimik na nga ang buhay ko, Claire, eh. Siya lang naman ang post nang post sa facebook nang kung anu-ano." Kunot noong wika niya sa kaibigan habang tinutukod ang isang tuhod sa baba.

"Remember, dati ka rin namang nagpo-post sa facebook ng mga memes, eh. Kunwari iba raw ang meaning ng post mo, eh, halata namang pinapatamaan mo si Gabriel." Umiwas siya sa tingin ng kaibigan. She rolled her eyes.

"That was before. And I know it didn't help. Umiwas na nga ako sa social media na iyan, eh. Kuu, talaga kung hindi lang sana kita naging matalik na kaibigan at kung hindi ko lang din sana kaibigan iyang si Mark, hinding-hindi ako pupunta rito. Nasisira lang tuloy 'yung araw niyo ni Mark dahil sa pagbabangayan namin ng Gabriel na iyan." Ibinagsak niya ang sarili sa kama at matamang tinitigan lamang ang kesame. Isang malalim na buntong-hininga ang kanyang pinakawalan.

"Triz, huwag na muna nating pag-usapan iyan. Kanina pa kasi hindi ma sketch ang mukha mo. Kahit sa hapagkainan kanina parang hindi namin nafi-feel ang presence mo dahil sobrang tahimik mo." Inihagis nito sa kanya ang unan.

"Matulog na tayo nang maaga. May outing tayo bukas. Pre-nuptial celebration. Baka sakaling anurin ng alon iyang nararamdaman ninyong dalawa ni Gabriel at sana'y maging maayos na ang pag-uusap ninyong dalawa. I know you two didn't have a proper closure." Binalikwas ni Beatriz ang saarili sa kabilang direksyon. Mukha kasing sumikip ang dibdib niya mula sa mga sinabi ni Claire. Pilit na ipinikit niya ang mga mata. Bakit parang may kudlit ng sakit na nararamdaman siya. Hindi pa ba sapat ang mahigit isang taon upang lubusang makalimutan na niya si Gabriel?

Bago pa niya pinakawalan ang isang buntong-hininga ay naramdaman nalang niya ang mga maiinit na likidong bumabalong sa kanyang mga mata. Mabigat pa rin ang loob niya.


next chapter
Load failed, please RETRY

Un nouveau chapitre arrive bientôt Écrire un avis

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C5
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous