Télécharger l’application
45.45% HELL.O / Chapter 5: Chapter 5

Chapitre 5: Chapter 5

Chapter Five

...Lahat ay busy sa loob ng charity foundation building ni Joeceline habang ang nasabing dilag at ang nobyong pulis ay nag-uusap sa main door ng bahay. Lumabas si deputy Hanzo at hinalkan siya ni Joeceline sa pisngi. Nagpapa-alam na si deputy Hanzo sa nobya dahil papasok na ito sa pulisya. "Sigurado ka bang, okay ka lang dito?" tanong ng pulis, "baka atakihin ka ulit ng demonyong 'yon, sumama ka na lang kasi sa 'kin sa station." Dugtong pa ng nobyo. "Okay lang ako dito. Magtrabaho ka na. Total, ang dami rin naman namin dito sa charity buliding. Safe ako, love. You can go na." sagot ni Joeceline. "Sigurado ka ha. Sabi ni father, tandaan mo, ang taong red eyes with a tired body yet smiling, alam mo ng ibig sabihin niyan." Sabi ng boyfriend. "Got it love." Ngiti ng dalaga. "Sige alis nako..." sabi ng pulis sabay halik sa pisngi ng babae. Ngunit napansin ni deputy, hindi pa pa pala nabasa ni Joeceline ang laman ng pulang envelope sa flower vase sa may center table. "You didn't read it, yet?" tanong ng pulis sabay turo ng sobre. Napatingin din si Joecel sa envelope ngunit napasabi ito sa kasintahan ng, "'Wag na muna. Baka galing pa 'yan kay Fercilu. At baka ano pang mangyari ngayon dito." Sagot ng dilag. Napangiti si Yuri sabay sabi ng, "It's a letter, not a cellphone." Ngiti ng pulis, " For sure, hindi ka naman makakapindot ng tatlong beses for the number six sa papel di ba? Di galing kay Lucifer 'yan. Basahin mo na. Sige alis na ko. Bye. I love you." Dugtong pa nito sabay lakad papasok sa sa saksakyan niya at bumyahe na papunta sa police station. "Bye..." sambit ni Joeceline sabay nag-wave ng kamay sa sasakyan ng nobyo na bumabyahe na papalayo. Huminga ito ng malalalim at tinitigan ulit ang envelope sa may flower vase. Kahit medyo kababdo ay lumakad ito papaunta sa center table para basahin ang laman ng sobre. Nang siya ay nasa tabi na ng nasabing mesa, kukunin na niya sana ang envelope ngunit napasigaw itosa gulat ng may kumatok sa pintuan ng pagkalakas-lakas ng tatlong beses. Si Lenni lamang pala. "God!!! Lenni!! Ganyan ka ba talaga kumatok palagi!?! Hihimatayin ako sa'yo!" sabi ni Joeceline sabay lakad para pagbuksan ng pinto ang kumatok at naiwan nakasara ang red envelope sa may flower vase. Nang binuksan ni Joecel ang pintuan, si Lenni agad ang nakaharap nito at panay text sa cellphone. Hindi manlang siya pinapansin ng babaeng kumatok at nainis si Joecel. "Hindi mo ba ako kakausapin, at bakit ka pa napakatok ng pinto?" tanong ni Joeceline. "Oh. Sorry..." sambit ni Lenni sabay tago ng cellphone sa bulsa ng kanyang pantalon, "napatawag ang presidente ng charity foundation na 'Bantay Pobre', si sir Jay 'J.D' Dee... Sabi niya may magme-meet daw kayo sa charity fund location niya?" dugtong pa ng dilag. Nagulat si Joeceline. May minor assembly pala siyang gaganamit. "Oh God, oo nga pala, magme-meet pa pala ako sa kanya," sambit ng dilag, "Buti na lang kakapaligo ko lang. Do I look okay?" sabi ng dalaga at ipikita ang suot na damit at magandang mukha kay Lenni. "Yes. As always ma'am. You can go to your meeting ma'am." Sagot ni Lenni sabay ngiti. Napalakad agad ng mabilisan si Joecel papunta sa sasakyan nito at pumasok. Napahawak ulit sa cellphone niya itong si Lenni, at habang nagd-drive na papalabas ng parking lot si Joeceline umiwan nito ng pahayag kay Lenni. "Ang bahay ko at ang charity building ang atubagin mo, 'wag lang ang textmate sa cellphone mo!!" sigaw ni Joeceline habang bumabyahe ng sasakyan palabas ng parking lot papunta sa lugar ng kanyang pupuntahan. Ngumiti lang Lenni at sumagot ng, "Opo ma'am. At least may entertainment while working." Sabi nito sabay sara ng pinto ng bahay ng amo, at lumakad pabalik sa charity building... Hindi alam ng dalawa, my CCTV camera na nakatuon sa kanila habang nag-uusap na nakalagay sa may poste... At nakangiti lang si Fercilu sa opisina nito habang pinapanuod ang dalawa sa sarili nitong computer sa kanyang opisina...

Ilang drive pa ay mararating na ni Joeceline ang vcharity building ng 'Bantay Pobre'. Nakikita na nito ang gusali, napataas at malaki. Yari sa maliwanag at matingkad na kulay ang ipininta sa building ng charity. Narating din ng dilag ang charity institution at nag-park ito ng sasakyan sa labas ng gate. Napangiti itong dalaga dahil magiging masaya yata ang kanilang pagpupulong sa loob ng presidente ng charity na si sir J.D. dahil sa ganda ng building at kalinisan ng paligid. Lumabas tong dilag ng sasakyan niya at lumakad papunta sa loob ng building. Ngunit ginulat itong si Joecel ng tatlong batang lalaki, mga pulubi ang mga ito, nakahiga sa sahig sa labas ng gusali kasama ang ama nila na mukhang may sakit. Napatanong si Joeceline sa mga bata, "Anong ginagawa niyo diyan mga bata?" tanong ng babae, "ba't di kayo pumasok at humingi ng tulong para doon na kayo mismo sa loob tumira kasama ang ama niyo?" dugtong pa ni Joecel. Napangiti ang mukhang panganay na bata kay Joecel at sumagot ng, "Matagal na po kami dito nakatira at nakahiga sa labas ng gusaling 'to, pero walang tulong na natatangggap mula sa loob." Sagot ng bata. Tumango ang dalawang kapatid na panay sa pagpahangin sa kanilang ama gamit ang pamaypay. Nagulat ang dalaga sa sagot ng bata. "Kailan pa kayo nakatira diyan?" tanong ni Joecel. "Mga... isang buwan na po 'ata." Sagot ng bata. Nabigla lao ang dilag, nagtaka at napatanong sa sarili kung tama bang makipagugnayan sa presidente ng nasabing charity na 'Bantay Pobre'. Para sa kasiguraduhan at kaligtasan tinawagan nito ang nobyong pulis at kaibigang si Roxanne gamit ang cellphone. "Hello, Love, free ka ba? puwede ka bang pumunta dito sa 'Bantay Pobre' corporation. Kailangan ko kasi ng tulong mo eh." Sabi ni Joecel. "Okay, I'll be right there. Anatyin mo lang ako. Okay?" sagot ng binata na nasa police station, agad takbo sa sasakyan at bumyahe papunta sa kasintahan. "Okay. Thanks." Sambit ni Joecel. Tinawagan agad ni Joeceline si Roxanne. "Hello? Roxie? Busy ka ba? Need ko kasi help mo girl." Sabi ng dalaga. Lumalakad papalabas ng kompanya itong si Roxanne at napasagot itong si Roxie sa kaibigan ng, "Tamang tama, kalalabas ko lang ng company. Bad trip din kasi ngayon ako. Bakit? What's wrong?" ssagot ni Roxanne sabay pasok sa sasakyan nito. "President J.D. of 'Bantay Pobre', looks like a he's a fake leader of a charity fund." Sagot ni Joecel. "Paano mo naman nasabi 'yan?" tanong ni Roxanne. "May mga pulubi dito sa labas ng charity foundation niya for almost a month ng nakatihaya, wala man lang tulong galing sa kanya. Mukhang mapupunta lang sa wala ang tulong natin sa mga nagangailangan nito Roxie." Sagot ni Joeceline. "Okay, pupunta ako. 'Wag kang papasok kung wala pa ko ha. Tell the guard or other associates kung bakit di ka pa papasok dahil sasama sa meeting si ma'am Roxanne de Vina. Ayos?" sabi ni Roxanne sabay drive ng sasakyan palabas ng parking lot. "Ayos girl. Just hurry up. Bye." Sagot ni Joeceline, sabay tago ng cellphone sa kanyang bulsa. Napatitig ito sa nasabing charity corporation at sa mga pulubi na nakatihaya sa labas ng foundation kasama niya. "Hindi ka pa po ba papasok sa loob?" tanong ng pinakabunsong batang pulubi sa dilag. Napangiti lang si Joecel at sumagot ng, "May aantayin pa ko bago ako papasok." Sagot nito. Napansin ni Joeceline na mga gutom ang mga pulubing bata na kaharap nito at lalong lalo na ang ama nilang humahagulgol sa ubo. Kinuha ng dalaga ang plastic ng mga tinapay at isang litro na bote ng orange soda mula sa loob ng sasakyan nito at ibinigay ito sa mga bata. "Ito, kainin niyo. Share-share kayo, hati-hati lang. bigyan niyo si tatay niyo." Sabi ni Joeceline sabay bigay ng plastic ng tinapay at bote ng soda sa ikalawang pulubing kuya. "Naku po, nakakahiya naman po sa inyo, salamat na lang po." Sagot ng bata habang tinatanggap ang inihahandog ni Joecel na mga pagkain. Napangiti lang si Joeceline at sumagot ng, "Tanggapin niyo na, sa katunayan, ako dapat ang mahiya dahil kayo ang dapat ang hinahandugan ng grasya." Sabi ng dilag. Napangiti ang tatlong batang lalaki at ang tatay na nakatihaya sa sahig at napatitig kay Joeceline. "Napakabait mo anak... Pagpalain ka ng Maykapal..." sabi ng tatay kay Joecel. Napangiti ang dalaga sa sinabi ng tatay at nakartamdam ng saya sa damdamin dahil sa ibinihaging tulong sa kapwa. "Walang ano man 'yon manong..." ngiting saot ni Joeceline. "Napakaganda niyo po." sabi ng panganay na pulubi. Napangiti lang ang dalaga napasabi ng "Ano ba. Maliit na bagay." Napatawa ang mga batang pulubi. Tumagal ang pag-uusap at tawanan nina Joeceline at ng mga bata ng 25 minutos. "Paano kayo nabubuhay dito sa lansangan ng walang pagkain at tirahan?" tanong ng dalaga. Napasagot lang ang bunsong pulubi ng "Tiwala lang po sa Diyos at pagmamahalan." Naantig ang dilag sa sinabi ng bata. Ilang segundo lang napansin ni Joecel na may paparating na lalaking guwardiya mula sa loob ng foundation at papunta ito sa kanya. Tumindig ng maliksi ang dilag at hinarap ang nakaputing security suit na guard. "Kayo po ba si Miss Joeceline Vargo?" Tanong ng guwardiya sabay na pinagbuksan ng gate ang dalaga. "Yes. Ako nga." Sagot ni Joecel. "Pasok po kayo. Inaantay na po kayo ni sir Jay Dee. sa loob ng meeting room." Sagot ng guwardiya. Nag-aalinlangan pa ang dalaga na pumasok dahil hinihintay pa nito ang bestfriend na si Roxanne at nobyong pulis na si Yuri. "Ah... Can you please tell mr. J.D. to wait for me for few more minutes? May hinihintay pa kasi akong--" naputol ang sinasabi ng dilag nang may dumating ng mga sasakyan, isang deputy car at at isang CHEVROLET automomobile. Ang kasintahan na nga niya at bestfriend ang dumating. "Never mind. Dumating na rin sila." Sagot ng dalaga. Lumabas sa mga nasabing mga kotse sina deputy Hanzo at Roxcell mobile company president na si Roxanne. Isinara nila ang mga sasakyan nila at lumakad papunta kay Joeceline. "Love, thanks for waiting. What now?" sabit ni Yuri sa nobya. "Bes, pinapasok ka ba nila? O pinalayas ng kompanya nila?" pabulong na tanong ni Roxanne sa kaibigan. "Hindi. Balak ko talagang mag-stay dito sa labas, hinihintay ko pa talaga kayong dumating. Para pasok na tayo?" sabi ni Joecel kay Roxie at Yuri. Napatango ng ulo ang pulis at napasabi ng 'Sure' itong si Roxie. "This way po. Sunod lang po kayo." Sabi guwardiya sabay pasok sa loob ng kompanya. Habang lumalakad papasok ng charity corp, umiwan ng linya si Joeceline sa tatlong batang pulubi at sa pobreng ama nila ng, "Pasok muna kami..." sabi Joeceline sa kanila sabay pasok sa loob ng kompanya. Nagulat at nabigla man ang pulis at mobile company president sa mga nakitang mga pulubi ay umiwan na lang ng ngiti ang dalawa sa kanila at sinundan si Joeceline na pumasok sa loob ng korporasiyon. Napangiti lang din ang mga kawawang pobre sa labas ng kompanya...

...Habang lumalakad ang tatlo papasok ng building sabay sunod sa guwardiya, nagsimula ng magsalita si Roxanne sa mga kasama ng mahina at patago para hindi marinig ng guwardiya. "Joecel, I smell something bad about this charity fund just like what you told me." Sabi ni Roxie. "Huhulaan ko. Charity fund nga 'to para sa mga pulubi pero may tatlong batang lalaki sa labas kasama ang ama nila at mga pulubi din?" sabi ni Joeceline. "Oo. Makakatawag pansin, indeed." Sagot ni Roxanne. "Don't worry guys. I'm a cop. You're both safe with me." Sabi pa ni Yuri. "Sinabi mo 'yan ha." Sabi ng nobya. Tumango at pulis at ipinagpatuloy na lang nilang tatlo ang pagsunod sa guwardiya. Ilang minutos ang nakalipas, ay narating din nina Joeceline, Yuri at Roxanne ang meeting place, isang malawak na kuwarto at nakasara pa ang pintuan na may nakasulat na 'Meeting Area'. Binuksan ng guwardiya ang white door ng silid, nakita ng tatlong bisita ang kagandahan ng meeting room. Ang kuwarto ay napakalinis, may mga bulaklak na mga natanim sa paligid at napakalaking widescreen TV. "Pasok na po kayo." Sabi ng guwardiya sa mga bisita. Pumasok ang tatlo at naroon nga sa loob ang presidente ng charity fund, matangkad Moreno at may eyeglasses na si Jay Dee., nakaupo sa upuan nito, at napatayo nang makitang pumasok ng meeting room ang mga bisita nito. "Miss Vargo, ... and guests? good morning, have a seat." Sabi ng presidente. Napaupo din agad ang mga bisita sa napakaeleganteng mga upuan sat bi ng malapad at magandang mesa. "Napadala ka pa 'ata ng bisita miss Joeceline? Akala ko ikaw lang talaga ang makaka-usap ko sa meeting natin, naidala mo pa pala si miss de Vina at ang pogi mong kasintahan na pulis..." sabi ni J.D. Napangiti lang si Joecel at napasagot ng, "I'm sorry sir, pero naisama ko lamang sila dahil gusto lang ng may kasama." Sagot ng dalaga. "Well, it's okay lang naman para sa akin na magdala ka ng mga bisita," sabi ng lalaki, "kung 'yan man ang gusto mo miss Vargo, it's totally fair and fine to me." Dugtong pa nito. Napangiti lang sina Roxanne at Yuri sa presidente ng charity. "So shall we start the meeting?" sabi ni J.D. Sasagot sana ng 'Opo.' itong si Joeceline nang magsalita si Roxanne ng "Yeah.". Napatitig ang mag-kasintahan sa dilag at napasabi ni Roxanne sa dalawa ng, "May trabaho pa ko." Sabi ni Roxanne sa mga kaibigan. Napangiti lang din si J.D. kahit si Roxanne ay nagmamadali ng meeting. "It's okay, let's make this quick then." Sagot ng presidente. Ipina-andar ni J.D. ang widescreen TV nito at may nag-play agad na isang advertisement, at ang ay lumabas ay publication ad hinggil sa charity fund na ipinapatakbo ng kompanya ni J.D., ang 'Bantay Pobre'. Tungkol sa mga batang pulubi sa lansangan at mga pamilyang walang tirahan at makain sa araw-araw ang lumabas sa widescreen TV at tinutulungan umano ng kompanya ang mga nasabing mga tao. Sa ganda ng lumabas na advertisement tungkol sa kompanya ni J.D., walang masabi ang tatlong bisita kundi lumuha at ngumiti dahil sa napakahusay at marilag na paggawa ng TV presentation. Napasabi agad si Joeceline na, "Napakaganda po ng advertisement play niyo hinggil sa kompanya niyo. Marami na po pala kayong natulungang mga pulubi at na ngayon ay may mga trabaho na?" sabi ni Joeceline dahil iyon ang nakita nito sa TV presentation ni J.D. "Yes. Actually, andito sila ngayon sa kompanya ko, nagtatrabaho. Gumagawa sila ng mga sombrero, pamaypay, walis, pati mga figurines, stuffed toys, at tumatanim sila ng mga gulay at binibinta nila ang mga ito sa mga merkado at pati sa mga mall para sila ay makabenta at umahon sa kahirapan. And here is Kane. Isang binata na adik dati sa bawal na gamot at lulong sa pagdadamu ng marijuana, ngunit ngayon ay Law graduate na at dating working student dito kompanya." Sabi ni J.D. sabay na ipinapasok itong pogi at mistisong binata na si Kane sa kuwarto at tumabi kay J.D., "Hello po." Sambit ni Kane sabay ngiti sa mga bisita. Walang masabi sina Joecel, Roxanne at Yuri. "Looks like we mistaken niyo as wrong head-helper of poors sir J.D.." Sabi ni Roxanne sabay pahid ng mga luha nito. Napatitig agad sina Yuri at Joecel kay Roxie dahil baka madulas pa ito at masabi ng nagkamali lang silang tatlo na masamang tao ang presidente ng 'Bantay Pobre'. "Sorry?" ngiting tanong ni J.D. "Forget it. Because of the TV advertisement about your charity company mr. J.D. Kahit ako, handang umalok ng pera para sa foundation niyo." Sabi pa ni Roxanne kay J.D.. Nagulat at napangiti lalo ang presidente at napasabi ng, "Really? Thank you so much miss de Vina!" sabi nito. Napangiti lang si Joeceline at nakipag-shake hands kay J.D. sabay sabi ng, "Sir, dahil napakamatulungin niyong tao, ako ay handa ng mag-offer ng pera para madagdagan pa ang tulong ang charity niyo." Sabi ni Joeceline. Napangiti ang presidente pati si Kane at napasabi itong charity president ng, "Thank you very much miss Vargo. Isang napakalaking biyaya ito dahil dadagdagan lalo ang grasiya sa aking kompanya." Sabi ni J.D. Napasabi pa ni Yuri sa presidente ng, "When you need help from your company, don't hesitate to call me at the station sir." Sabi ng deputy Hanzo. Napangiti si J.D. at sumagot ng, "Sure!... yes sir?" sambit nito. napangiti lahat at napatawa...

Nang matapos ang pagpupulong, naglalakad sina Joeceline, Yuri at Roxanne palabas ng kompanya. Panay ang pag-uusap ng tatlo tungkol sa short advertisement play ng kompanya. "The play was so real. Poors being rescued and families who are in need, talagang iiyak ka. There's no doubt na hindi ka pa tutulong sa kanyang kompanya." Sabi ni Roxanne. "And he has a witness to show as that he 'is not lying, the former drug addict dawn a si Kane." Sabi ni Yuri. "Oo nga eh, mukhang nagkamali lang talaga tayo ng tingin sa kanya." Sabi din ni Joecel.

...Habang lumalakad ang tatlo sa hallway, nakita nila ang mga trabahador sa loob ng kompanya na nagtatanim ng mga gulay at inilalagay sa flower pot bawat gulay na itinatanim. Mukhang mali nga sila sa iniisip nila kung ano si J.D.. Ngunit nang lumabas na sila ng gate mula sa building ng charity fund, nakita pa rin ng tatlo ang mag-aamang pulubi sa labas, nagsasaya ang tatlong batang lalaki ng laruang espada habang natutulog lang ang kanilang ama sa sahig. Napatigil ang pulis at and dalawang dilag sa katititig sa mga kawawang mga pobre. "Love, sa tingin ko, let's bring na lamang these beggars inside the charity... in 'your', charity..." sabi ni Yuri sa nobya. "Oo nga naman, para wala ng pagdududa kay president J.D." sabi naman ni Roxanne. "Tama," sagot ni Joeceline, "para wala ng doubts and 'what if's', dadalhin ko na lamang itong mga 'to sa charity ko mismo... pero nasaan kasi si manong guard. The security gate guy na tumulong sa 'tin papasok ng charity? I want to ask him kung bakit di niya pinapasok ang mga pobreng 'to sa loob." tanong bigla ni Joecel. "Wala siya dito." Dugtong pa nito. "Baka may pinuntahan lang, o baka umuhi." Sabi ni Roxanne. Panay lingon at tingin sa paligid ang tatlo kung saan napapunta ang hinahanap nila. Nang mapansin ni Joeceline ang isang sigarilyo sa lupa malapit sa upuan ng security guard, mahaba ito at mukhang hindi isang tabako,... kundi isang marijuana cigarette! "Yuri, is that,... marijuana?" tanong ni Joecel sa nobyo sabay turo sa sigarilyo na nasa lupa. Nagulat agad ang pulis. "Yes it is! Saan galing 'yan?" tanong ni Yuri. Naalala agad ni Joeceline ang sinabi kanina ni J.D. na, '...at tumatanim sila ng mga gulay at binibinta nila ang mga ito sa mga merkado at pati sa mga mall para sila ay makabenta at umahon sa kahirapan...' at ang mga nagtatanim na mga trabahador sa loob ng kompanya. Napaisip bigla si Joecel sa sarili ng, "Ito ba ang tinatanim nilang gulay?" nagagalit na ang charity lady. Mukhang niloloko nga lang talaga siya ni J.D. "He's a liar. He's playing with us." Sabi ng napipikon na mukha na si Joeceline. Nagulat ang mga kasama nito sa kanyang mga sinabi. "What?" sambitni Yuri. "Ha? Sinong liar?" tanong naman ni Roxanne. "Si J.D.! niloloko niya lang tayo!" sagot agad ni Joecel. "Why? How can you say that?" tanong pa ng nobyo. "Ang tinatanim nilang mga gulay at binibintang mga gulay sa loob! Marijuana 'yon!" sagot ng dilag. Napaisip at nagulat bigla sina Roxanne at Yuri. "Oo nga 'no..." sambit ni Yuri. "What the..." galit na reaksiyon ni Roxanne. Nagtitigan ang tatlo at sabay na pumasok ulit sa loob ng 'Bantay Pobre' charity...

...Habang nasa hallway silang tatlo, pinasok nila ang kuwarto na pinagtatrabahuan ng mga manggagawa sa pagtanim ng gulay. Nakita nila agad lahat ng mga trabahador sa loob ng silid na nagtatanim nga ng sinasabi ni J.D. na gulay na marijuana! "Anak ng-- marijuana nga!" gulat na reaksiyon ng pulis ng makita ang mga tanim na gulay sa loob ng kuwarto. Nagalit na ang mga mukha ng tatlong bisita...

...Biglang bumukas ang meeting room ni president J.D. at pumasok agad sa loob ng nasabing silid sina Yuri, Roxanne at Joeceline. Nandoon pa rin sa loob sina J.D., si Kane at kasama na pala nilang dalawa ang guwardiya, at nagiinuman at naninigarilyo na sa loob ng meeting room! Nagulat bigla itong umiinom ng whiskey na si J.D. at napaubo nang makitang pumasok ulit ang kanyang mga bisita. Ittinago agad nina Kane at ng guwardiya ang hinihithit nilang sigarilyo sa mga bulsa nila. "Hindi manlang kayo kumatok bago pumasok!" gulat na reaksiyon ni J.D. "Napabalik kayo? May naiwan ba kayo?" taong pa ng presidente. "Wala. Mag-iiwan palang. Iiwan kami ng bagong statement. Binabawi na namin ang kasunduan kanina." Sabi ni Joeceline. Nagulat si J.D. "Ha? Bakit?!" tanong ng presidente ng charity. Biglang hinagis ni Joeceline dalang ang flower pot na may tanim na marijuana sa malapad mesa. Nabasag ang masetera at kumalat ang lamang tanim na marijuana sa hapag. "'Yan ba ang tinutukoy mong gulay?," galit na tanong ni Joeceline, "...na ibinibenta sa merkado at pamilihan?" dugtong pa ng dilag. Gulat man ay napangiti lang si J.D. ng "Wait, let me explain, it's a plant, being planted. It's a very useful veggie... 'wag ka namang mabigla miss Joeceline, we don't abuse that plant just for amusement." Sagot ni J.D. Biglang napaubo ang guwardiya at may lumabas na usok sa kanyang bunganga. Napatawa si Kane na parang baliw at may lumabas ng usok sa kanyang ilong at bunganga. Napayuko agad sina Kane at ang gurdiya na ngumingiti. "Peace..." sambit ni Kane nang nakayuko at nakangiti. Halatang wala na sa pag-iisip ang dalawang kasama ni J.D. dahil sa sigarilyo na marijuana na kanilang hinihithit kaniana. Wala bigla ang ngiti ni J.D. at ng magawa ang presidente kundi manahimik. Halata ng mali siya at hindi charity for poor ang kanyang kompanya kundi isang illegal na business company. "Sir, you know this kind of business is illegal at puwede kayong makulong for 50 years or more." Sabi ng pulis kay J.D. "Sir, I hate temptation and that shitty veggie always invite me to do the smoking before pero nagbago na ko at ayuko ng humithit ng damu." Sabi pa ni Roxanne. Napasabi naman ang charity lady sa marijuana business man ng, "Sir... ang Diyos ay walang ginawang mali ngunit kung atin itong aabusuhin diyan tayo nagkakamali..." sabi ni Joeceline. Nakayuko lang si J.D. at halatang ito ay nagagalit. "I just what to help everybody who is in need, that's all." Sabi ng presidente ng nakayuko pa rin. "Pero mali po ang tulong na ginagawa niyo!" sabi agad ni Joecel. Nagalit bigla si J.D. at napaharap sa tatlo sabay tanong ng, "So ano?! Ikukulong niyo ko?! Ganon?!" galit na tanong ng presidente. "Hindi. Idedemanda ka muna namin." Sabi ni Roxanne. Pumagitna agad si Joeceline at napasabi ng, "Hindi ka namin idedemanda o ikukulong." Sabi ng charity lady. "Ano?!" reaksiyon agad ni Roxanne at Yuri sa sinabi ni Joecel. "You heard me sir J.D. Ipagpatuloy mo lang ang pagtanim ng gulay niyo at pag hithit ng igarilyo dahil... marami kayong mga taong tinutulungan ng illegal niyong negosyo. Pero I suggest you to change your business after a year or else, ipakukulong ko na po kayo..." sabi ni Joeceline. Natakot at nagalit lalo si J.D. sa sinabi ng dilag. Sumang-ayon din naman agad ang mga kasama ng charity lady. Napalakad papalabas ng meeting si Joecel at sinundan siya ng nobyo at kaibigan. "Di pa tayo tapos." Sabi ni J.D. at kahit nasa labas na ng meetibg room ay narinig parin iyon ni Joeceline at nagalit lalo ito at napasabi ito ng "'Wag kang bastos!" sambit nito sabay lakad sa hallway kasama sina Yuri at Roxanne. Walang masabi si J.D. sa tapang ni Joeceline at idinaan na lamang inito ang galit sa pag inom ng whiskey at beer...

...Habang naglalakad ang charity lady, ang pulis at ang mobile company president sa hallway, nakita nila ulit ang kuwarto kung saan nagtatanim ng marijuana ang mga trabahador ng kompanya. Umiwan ng sobrang galit na titig ang lahat ng mga worker sa tatlo lalong lalo na kay Joeceline. Nang sila ay nasa labas na ng building natakot ang tatlo sa reaksiyon ng mga trabahador sa kanila. "Gosh, they're scary! Parang gusto nilang makipag-away sa boxing ring!" sabi ni Roxanne. "And sila pa ang may ganang magalit?" sabi naman ng pulis. "Forget it, at least tapos na. Andito na tayo sa labas. Hayaan niyo na sila. Naturuan naman natin sila. It's up to them kung susundin nila." Sabi ni Joeceline. At lumabas na nga ng gate ng 'Bantay Pobre' charity foundation ang tatlong bisita...


next chapter
Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C5
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous