Si Layla ay lumaki at nagdalaga sa kumbento kaya hindi kataka-takang nais niyang magmadre. Nanirahan siya sa labas bilang pagsubok at agad na namataan ni Devlin, isang lalaking makapangyarihan. Tumanggi siya nang aluking magpakasal. Tumakas pabalik ng kumbento.
Nang lumabas uli si Layla ng kumbento, ipinadukot siya ni Devlin. He planned to take her as his mistress for one year...
* * *
Tumingkayad si Layla Gomez para mahalikan sa pisngi ang may edad na madre. Her beautifully-shaped eyes brimmed with unshed tears as she smiled courageously.
Nagpapakita siya ng tapang, sa kabila ng takot na kanyang nadarama.
"Aalis na po ako, Mother," sambit niya. Medyo garalgal ang likas na malamyos na boses niya.
"Mag-iingat ka, Layla. Ipagdarasal ka namin palagi." Tigib naman sa pag-aalala ang tinig ng matandang madre.
"Sana'y makabalik ka, Sister Layla," sabay-sabay na wika ng grupo ng mga batang madre.
"Oo. Pangako." Pakunwari pa rin ang katatagan niya, dahil hanggang leeg na ang mga agam-agam at alalahanin na nasa kanyang isipan.
Ngayong nasa huling pagsubok na siya para maging isang ganap na madre--kailangan niyang mamuhay uli sa labas ng kumbento sa loob ng isang taon--matinding insekyuridad ang dinaranas ni Layla.
Aywan kung bakit nangangamba siya at natatakot. Hindi naman iyon ang unang pagkakataong maninirahan siya sa labas ng makakapal na pader ng kumbento o bahay-ampunan, kungsaan siya iniwanan ng di-nakilalang ina. Doon na siya lumaki at nagkaisip.
Lumabas siya nung edad disiotso. Nanirahan sa isang pamilya ng magsasaka, ang pamilya Gomez at tumulong siya sa kabuhayang ornamental farm. At katulad ng plano niya, pagkaraan ng tatlong taon nagbalik siya sa kumbento para magmadre. Edad beinte uno siya nang maging nobisyada.
At ngayon nga ang huling pagsubok na dadaanan niya. Muli siyang babalik sa tahanan ng mga Gomez. Mamumuhay sa piling ng mga ito.
Bagama't madali siyang nakapasa sa maraming pagsubok, hindi buo ang kumpiyansa niyang magiging madali rin ang darating na isa pang taon. Paano'y hindi na siya protektado ng matataas na bakod ng kumbento.
Ngunit hindi niya naihinga ang nasabing pangamba kaninuman sa mga kasamahan sa loob ng kumbento. Inisip na lang niya na kusang maglalaho ang mga ito kapag inilihim niya.
Niyakap siya nang mahigpit ng madre superyora. Nagpipigil pa rin ito sa pag-iyak.
"Mangungulila kami nang husto sa 'yo, iha. Hihintayin namin ang iyong pagbabalik sa susunod na taon."
"O-opo. Kasasabikan ko po ang pagdating ng araw na iyon." Yumakap din siya nang mahigpit sa babaeng itinuring na ina ng lahat ng mga batang ulila doon.
"Sumulat ka nang madalas, ha?" Idinampi nito ang isang puting panyolito sa mga mata. "O, siya, baka gabihin ka pa sa daan. Humayo ka na, iha."
"Opo." Huminga siya nang malalim upang kalmahin ang sarili. Dinampot niya ang itim na travelling bag at isinukbit sa isang balikat.
"Ate Layla! Paalam!" Isang grupo ng matitinis na boses ang biglang pumunit sa payapang katahimikan.
Tumingala si Layla. Ngumiti siya at kumaway sa mga batang nakasilip sa mahabang hilera ng mga munting bintana ng kumbento.
"Paalam, mga bata! Magpapakabait kayo, ha?" hiyaw niya.
"Babalik ka, Ate Layla!"
"Oo, babalik ako!" ang pahiyaw na pangako niya. Kumaway din siya sa munting grupo ng mga nakababatang madre bago tumalikod at tuluyang lumakad patungo sa tarangkahang yari sa solidong kahoy.
She had no inkling that danger was already waiting for her the moment that she stepped out.
Wala siyang kamalay-malay na ang panganib ay matagal nang nakaabang sa kanyang paglabas...
Tumunog ang celfone na nasa bulsa ng blazer ni Devlin Montecarlo. Wala sa loob, dinukot niya iyon para tugunin.
"Hello? Devlin Montecarlo speaking."
"Sir, positive na po," anang boses-lalaki sa kabilang linya.
It was a baffling statement but conveyed a very clear message for him.
Biglang napadiretso sa pagkakaupo niya si Devlin. His knuckles whitened as he gripped the expensive celfone tightly.
"Sigurado ka? Saan mo siya nakita?" Sunud-sunod ang mga tanong niya. Hindi halos makapag-isip dahil sa sumirit na tensiyon. "Nasaan siya ngayon?"
"Nakasakay siya sa traysikel. Tila pauwi na sa bahay nila, sir."
"Traysikel?" taka niya. "Nakita mo ba kung saan galing ang dyip na sinakyan niya?"
"Sa kumbento ho siya galing, sir."
"Sa kumbento--!" He almost shouted with frustrated anger. "Kung gayo'y nagsinungaling ang madre superyora!" bulalas niya.
A year ago, he had made a call to the convent. Tumawag siya sa kumbento para magbakasakali. Ang pinakamatandang madre pa nga ang nakausap niya. Kaya pala kalmado lang ito noon...
"Matagal na siyang wala dito, Mr. Montecarlo," ang magalang na pahayag nito noon. "Eversince she was legally adopted by the Gomez couple, three years ago."
"I called them already. Kahapon pa siya umalis ng walang paalam."
"Oh. Hindi kaya nagpunta siya sa mga kaibigan na nasa ibang lugar?"
"It's possible, but I doubt it."
"Er, bakit hinahanap mo siya, Mr. Montecarlo? Paano mo siya nakilala?"
"Mawalang-galang na, pero ayaw kong sagutin ang mga tanong na 'yan, Mother." His rebuff was gentle yet direct.
"Oh." Natigilan ang kausap. "Kung gusto n'yo, magpadala kayo ng mga tauhan dito para maghanap," mungkahi nito kapagkuwan.
"Thank you. Magpapadala ako ng mga tao d'yan."
Nang araw ding iyon, sampung tauhan ang pinapunta niya para gumalugad at maghanap sa palibot ng kumbento. Ngunit umuwing bigo ang mga ito.
Napailing siya sa alaala.
"Sir? 'And'yan pa ba kayo, sir?"
He came back to the present with a dark scowl. "Oo."
"Ano'ng gagawin namin sa kanya, sir?"
He made a reckless decision, fired by fury. "Kidnap her," utos niya. "But do not hurt her," ang mahigpit na habilin.
"Okey, sir."
Devlin tossed aside the cellular phone and stood up swiftly. Nagpalakad-lakad siya sa malawak na balkon. Mistulang isang mabangis na leon na naiinip na sa paghihintay sa pagkain.
'Damn her!' bulalas niya sa sarili. Isang taon na ang nakakaraan, pero ganito pa rin kasidhi ang pagnanasa niya. Bakit--?
Frustrated fingers combed through his short, curly hair. Ilang ulit na niyang sinabunutan ang sarili para matauhan. Bakasakaling nananaginip lang siya. This craziness had been going on for so long. Kailangang magamot na ang kabaliwang dumapo at gumulo sa isip niya hanggang ngayon!
Pero paano--?
Muli niyang sinabunutan ang sarili. The turmoil in his body was as strange as the longing he felt. Paano ba papawiin ang hibang na pagkasabik niya? Maraming babae sa mundo. He had already tried to forget her in the arms of so many women. Pero hindi siya nagtagumpay ni minsan.
"Dammit!" bulalas niya.
Papiksing huminto sa iritableng pagpaparoo't parito si Devlin. Tumukod ang mga kamay niya sa malapad na pasamano ng konkretong balustrahe. His dark and razor-sharp eyes encompassed the lush greenery of the surrounding valley.
Hindi kayang abutin ng tanaw ang lawak at layo ng lupaing pag-aari ng Hacienda Montecarlo. Kungsaan may mahigit sa isang libong pamilya ang mga naninirahang manggagawa at magsasaka, na karamihan ay may mga ninunong nakapaglingkod na sa kanyang agwelo at ama. Kaya ang turing sa kanya ay isa nang panginoon.
Hindi mapigil ang mga tao sa pagtanaw ng utang na loob sa magagandang palakad at magandang pagtrato na natatamasa ng mga ito buhat sa pagtatrabaho sa asyenda niya. He did not relish the adoration but he had no choice.
Pero ngayong nadiskubre niyang sinadyang magsinungaling ng mga taong-kumbento sa kanya, nainsulto siya.
Bahagi pa ng asyenda ang lupang kinatitirikan ng sinaunang gusali ng kumbento. Hawak pa rin niya ang titulo kahit na pinaniniwalaan ng karamihan na naging donasyon na iyon ng Pamilya Montecarlo sa mga madreng nangangalaga sa maraming batang ulila na.
A cold smile stretched the hard line of his mouth. Napangisi siya nang maisip na isang alas iyon na maaari niyang gamitin para manalo sa humahaba nang pakikipaghamok sa pagkahibang na raramdaman niya para kay Layla!
'I aim to be cured of this madness for you, Layla Gomez!' asik niya sa sarili.
"Tigil!"
Nagulantang ang aalug-alog pero payapang paglalakbay ng sinasakyang karag-karag na traysikel sa baku-bakong kalsadang nasa gitna ng kabukiran nang palibutan ng dalawang armadong lalaki.
Dalawang maskuladong lalaki na may hawak na mga baril ang biglang lumitaw mula sa nakapaligid na pilapil at pinaligiran ang maliit na sasakyan.
"Huwag po! Huwag n'yo po kaming sasaktan!" pakiusap agad ng matandang tsuper. "Hindi po kami lalaban." Itinaas agad nito ang mga kamay.
"Hindi kayo masasaktan, tata. Basta't ibigay n'yo lang nang maayos ang binibini."
"H-ha?" Napa-antanda ang drayber. "Pero ang binibini ay isang madre!" bulalas nito.
"'Wag kayong mag-alala. Hindi namin siya sasaktan, tata."
"Pero saan n'yo siya dadalhin?"
"Gusto siyang makausap ni Senyorito Devlin."
Layla became more paralyzed with shock when she heard the name of the most powerful man in that place. Si Devlin Montecarlo ang pinakamayaman at pinakamaimpluwensiyang lalaki sa lugar na iyon.
"Pasensiya na, sister. Hindi ko maaaring suwayin ang nais ni Senyorito Devlin." Humingi ng dispensa ang matandang tsuper sa kanya.
Pinilit niyang itango ang ulo at ingiti ang bibig ngunit hindi pa rin siya makapagsalita.
"Tayo na, sister." Inalalayan siya sa pagbaba ng isang lalake, habang ang isa pa ay maliksing binitbit ang travelling bag niya.
Medyo napanatag siya ng mapansin ang maingat at magalang na pagtrato sa kanya ng mga hindi niya kilalang lalaki. Kahit papaano iginagalang ang kanyang abito at belo.